<?xml version="1.0" encoding="UTF-8"?><GetPassage xmlns="http://relaxng.org/ns/structure/1.0" xmlns:tei="http://www.tei-c.org/ns/1.0" xmlns:ti="http://chs.harvard.edu/xmlns/cts"><request><requestName>GetPassage</requestName><requestUrn>urn:cts:pbc:bible.parallel.tgl.1905:45</requestUrn></request><reply><urn>urn:cts:pbc:bible.parallel.tgl.1905:45</urn><passage>Si Pablo na alipin ni Jesucristo , na tinawag na maging apostol , ibinukod sa evangelio ng Dios , Na kaniyang ipinangako nang una sa pamamagitan ng kaniyang mga propeta sa mga banal na kasulatan , Tungkol sa kaniyang Anak , na ipinanganak sa binhi ni David ayon sa laman , Na ipinahayag na Anak ng Dios na may kapangyarihan ayon sa espiritu ng kabanalan , sa pamamagitan ng pagkabuhay na maguli ng mga patay , sa makatuwid baga&#039;y si Jesucristo na Panginoon natin , Na sa pamamagitan niya&#039;y tinanggap namin ang biyaya at pagkaapostol , sa pagtalima sa pananampalataya sa lahat ng mga bansa , dahil sa kaniyang pangalan ; Sa mga ito kayo naman , ay tinawag kay Jesucristo : Sa lahat ninyong nangasa Roma , mga iniibig ng Dios , tinawag na mangagbanal : Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Dios na ating Ama at Panginoong Jesucristo . Kaunaunahan , ay nagpapasalamat ako sa aking Dios sa pamamagitan ni Jesucristo tungkol sa inyong lahat , na ang inyong pananampalataya ay bantog sa buong sanglibutan . Sapagka&#039;t ang Dios ang aking saksi , na siyang pinaglilingkuran ko sa aking espiritu sa evangelio ng kaniyang Anak , na walang patid na aking kayong binabanggit , sa aking mga panalangin , At laging isinasamo ko , kung ngayon sa wakas sa anomang paraan ay magkapalad ako sa kalooban ng Dios na makarating sa inyo . Sapagka&#039;t ninanasa kong makita kayo , upang ako&#039;y makapamahagi sa inyo ng kaloob na ukol sa espiritu , upang kayo&#039;y mangagsitibay ; Sa makatuwid baga , upang ako&#039;t kayo ay maaliw sa inyo , ang bawa&#039;t isa sa atin sa pananampalataya ng iba , ang sa inyo at sa akin . At hindi ko ibig , mga kapatid , na hindi ninyo matalastas na madalas kong inaakalang makarating sa inyo ( datapuwa&#039;t hanggang ngayon ako&#039;y nahahadlangan ) , upang magkaroon naman ako sa inyo ng anomang bunga , na gaya sa mga ibang Gentil . Ako&#039;y may utang sa mga Griego at gayon din naman sa mga barbaro , sa marurunong at gayon din sa mga mangmang . Kaya nga , sa ganang akin , ay handa akong ipangaral din ang evangelio sa inyong nangasa Roma . Sapagka&#039;t hindi ko ikinahihiya ang evangelio : sapagka&#039;t siyang kapangyarihan ng Dios sa ikaliligtas ng bawa&#039;t sumasampalataya ; una&#039;y sa Judio , at gayon din sa Griego . Sapagka&#039;t dito ang katuwiran ng Dios ay nahahayag mula sa pananampalataya hanggang sa pananampalataya : gaya ng nasusulat , Nguni&#039;t ang ganap ay mabubuhay sa pamamagitan ng pananampalataya . Sapagka&#039;t ang poot ng Dios ay nahahayag mula sa langit laban sa lahat na kasamaan at kalikuan ng mga tao , na mga sinasawata ang katotohanan ng kalikuan ; Sapagka&#039;t ang nakikilala tungkol sa Dios ay hayag sa kanila ; sapagka&#039;t ito&#039;y ipinahayag ng Dios sa kanila . Sapagka&#039;t ang mga bagay niyang hindi nakikita buhat pa nang lalangin ang sanglibutan ay nakikitang maliwanag , sa pagkatanto sa pamamagitan ng mga bagay na ginawa niya , maging ang walang hanggan niyang kapangyarihan at pagka Dios ; upang sila&#039;y walang madahilan : Sapagka&#039;t kahit kilala nila ang Dios , siya&#039;y hindi niluwalhati nilang tulad sa Dios , ni pinasalamatan ; kundi bagkus niwalang kabuluhan sa kanilang mga pagmamatuwid at ang mangmang nilang puso ay pinapagdilim . Ang mga nangagmamarunong ay naging mga mangmang , At pinalitan nila ang kaluwalhatian ng Dios na hindi nasisira , ng isang katulad ng larawan ng tao na nasisira , at ng mga ibon , at ng mga hayop na may apat na paa , at ng mga nagsisigapang . Dahil dito&#039;y sa karumihan ng mga pita ng kanilang mga puso ay ibinigay sila ng Dios sa kahalayan , upang alisan nila ng puri ang kanilang mga katawan sa kanikanilang sarili : Sapagka&#039;t pinalitan nila ang katotohanan ng Dios ng kasinungalingan , at sila&#039;y nagsisamba at nangaglingkod sa nilalang kay sa Lumalang , na siyang pinupuri magpakailan man . Siya nawa . Dahil dito&#039;y ibinigay sila ng Dios sa mga mahahalay na pita : sapagka&#039;t pinalitan ng kanilang mga babae ang katutubong kagamitan niyaong nalalaban sa katutubo : At gayon din naman ang mga lalake , na nang iwan na ang katutubong kagamitan sa mga babae , ay nangagningas sa kanilang karumihan ng pita ang isa&#039;t isa , na gumagawa ng kahalayan ang mga lalake sa mga kapuwa lalake , at tumatanggap sa kanilang sarili ng kagantihan ng kanilang pagkakamali . At palibhasa&#039;y hindi nila minagaling na kilalanin ang Dios , ibinigay sila ng Dios sa isang mahalay na pagiisip , upang gawin yaong mga bagay na hindi nangararapat ; Nangapuspus sila ng buong kalikuan , ng kasamaan , ng kasakiman , ng kahalayan ; puspos ng kapanaghilian , ng pagpatay sa kapuwa tao , ng pagtatalo , ng pagdaraya , ng mga kasamaan ; mga mapagupasala , Mga mapanirang puri , mga napopoot sa Dios , mga manglalait , mga palalo , mga mapagmapuri , mga mangangatha ng mga kasamaan , mga masuwayin sa mga magulang , Mga haling , mga hindi tapat sa tipanan , mga walang katutubong paggiliw , mga walang habag : Na , bagama&#039;t nalalaman nila ang kautusan ng Dios , na ang mga nagsisigawa ng gayong mga bagay ay mga karapatdapat sa kamatayan , ay hindi lamang gayon ang ginagawa , kundi naman pinapayagan ang mga nagsisigawa ng mga yaon . Dahil dito&#039;y wala kang madadahilan , Oh tao , sino ka man na humahatol : sapagka&#039;t sa iyong paghatol sa iba , ay ang iyong sarili ang hinahatulan mo ; sapagka&#039;t ikaw na humahatol ay gumagawa ka ng gayon ding mga bagay . At nalalaman natin na ang hatol ng Dios ay ayon sa katotohanan laban sa kanila na mga nagsisigawa ng gayong mga bagay . At iniisip mo baga ito , Oh tao , na humahatol sa mga nagsisigawa ng gayong mga bagay , at ginagawa mo ang gayon din , na ikaw ay makatatanan sa hatol ng Dios ? O hinahamak mo ang mga kayamanan ng kaniyang kabutihan at pagtitiis at pagpapahinuhod , na hindi mo nalalaman na ang kabutihan ng Dios ay siyang umaakay sa iyo sa pagsisisi ? Datapuwa&#039;t ayon sa iyong katigasan at iyong pusong hindi nagsisisi ay nagtitipon ka sa iyong sarili ng poot sa kaarawan ng kapootan at pagpapahayag ng tapat na paghuhukom ng Dios ; Na siya ang magbibigay sa bawa&#039;t tao ayon sa kaniyang mga gawa : Sa mga nagsisipagtiyaga sa mabubuting gawa sa paghanap ng kaluwalhatian at puri at ng di pagkasira , ay ang buhay na walang hanggan : Datapuwa&#039;t ang sa mga palaaway , at mga hindi nagsisitalima sa katotohanan , kundi bagkus nagsisisunod sa kalikuan , ay ang kagalitan at kapootan , Kapighatian at kahapisan , ang sa bawa&#039;t kaluluwa ng tao na gumagawa ng masama , ng Judio una-una , at gayon din ng Griego ; Datapuwa&#039;t kaluwalhatian at karangalan at kapayapaan ang sa bawa&#039;t taong gumagawa ng mabuti , sa Judio ang una-una , at gayon din sa Griego : Sapagka&#039;t ang Dios ay hindi nagtatangi ng mga tao . Sapagka&#039;t ang lahat ng nangagkasala ng walang kautusan ay mangapapahamak din naman ng walang kautusan : at ang lahat na nangagkasala sa ilalim ng kautusan ay sa kautusan din sila hahatulan ; Sapagka&#039;t hindi ang mga tagapakinig ng kautusan ang siyang mga ganap sa harapan ng Dios , kundi ang nangagsisitalima sa kautusan ay aariing mga ganap ; ( Sapagka&#039;t kung ang mga Gentil na walang kautusan sa katutubo , ay nagsisigawa ng mga bagay ng kautusan , ang mga ito , na walang kautusan , ay siyang kautusan sa kanilang sarili ; Na nangagtatanyag ng gawa ng kautusang nasusulat sa kanilang puso , na pinatotohanan ito pati ng kanilang budhi , at ang kanilang mga pagiisip ay nangagsusumbungan o nangagdadahilanan sa isa&#039;t isa ) ; Sa araw na hahatulan ng Dios ang mga lihim ng mga tao , ayon sa aking evangelio , sa pamamagitan ni Jesucristo . Nguni&#039;t kung ikaw na may taglay na pangalang Judio , at nasasalig sa kautusan , at nagmamapuri sa Dios , At nakaaalam ng kaniyang kalooban , at sumasangayon sa mga bagay na magagaling , palibhasa&#039;y tinuruan ka ng kautusan , At nagkakatiwala ka na ikaw ay tagaakay ng mga bulag , ilaw ng mga nasa kadiliman , Tagasaway sa mga di nakaaalam , guro ng mga bata , na sa kautusan ay mayroon kang anyo ng pagkakilala at ng katotohanan ; Ikaw nga na nagtuturo sa iba , hindi mo tinuturuan ang iyong sarili ? ikaw na nangangaral sa tao na huwag magnanakaw , ay nagnanakaw ka ? Ikaw na nagsasabing ang tao ay huwag mangalunya , ay nangangalunya ka ? ikaw na nasusuklam sa mga diosdiosan , ay nanakawan mo ang mga templo ? Ikaw na nagmamapuri sa kautusan , sa iyong pagsuway sa kautusan ay niwawalan mo ng puri ang Dios ? Sapagka&#039;t ang pangalan ng Dios ay nalalait ng mga Gentil dahil sa iyo , gaya ng nasusulat . Sapagka&#039;t ang pagtutuli&#039;y tunay na pinakikinabangan , kung tinutupad mo ang kautusan ; datapuwa&#039;t kung ikaw ay masuwayin sa kautusan , ang iyong pagtutuli ay nagiging di pagtutuli . Kung ang di pagtutuli nga ay tumutupad ng katuwiran ng kautusan , hindi baga aariing pagtutuli ang kaniyang di pagtutuli ? At ang di pagtutuli sa katutubo , kung tumupad ng kautusan , ay hindi baga hahatol sa iyo na may titik at may pagtutuli na masuwayin sa kautusan ? Sapagka&#039;t siya&#039;y hindi Judio kung sa labas lamang ; ni magiging pagtutuli yaong hayag sa laman ; Datapuwa&#039;t siya&#039;y Judio sa loob ; at ang pagtutuli ay yaong sa puso , sa Espiritu hindi sa titik ; ang kaniyang kapurihan ay hindi sa mga tao , kundi sa Dios . Ano nga ang kahigitan ng Judio ? o ano ang mapapakinabang sa pagtutuli ? Marami sa anomang paraan : ang una sa lahat , ay ipinagkatiwala sa kanila ang mga aral ng Dios . Ano nga kung ang ilan ay hindi nangagsisampalataya ? ang di pananampalataya nila ay nagpapawalang halaga baga sa pagtatapat ng Dios ? Huwag nawang mangyari : oo , bagkus pa nga ang Dios ay tapat , datapuwa&#039;t ang bawa&#039;t tao&#039;y sinungaling ; gaya ng nasusulat , Upang ikaw ay ariing ganap sa iyong mga salita , At makapagtagumpay ka kung ikaw ay mahatulan . Datapuwa&#039;t kung ang ating kalikuan ay nagbibigay dilag sa katuwiran ng Dios , ano ang ating sasabihin ? Liko baga ang Dios na dumadalaw na may poot ? ( nagsasalita akong ayon sa pagkatao . ) Huwag nawang mangyari : sapagka&#039;t kung gayo&#039;y paanong paghatol ng Dios sa sanglibutan ? Datapuwa&#039;t kung ang katotohanan ng Dios sa pamamagitan ng aking kasinungalingan ay sumagana sa ikaluluwalhati niya , bakit pa naman ako&#039;y hinahatulang tulad sa isang makasalanan ? At bakit hindi ( gaya ng pagkalibak sa atin , at gaya ng pinatotohanan ng ilan na ating sinasabi ) , Magsigawa tayo ng masama upang dumating ang mabuti ? ang kaparusahan sa mga gayon ay matuwid . Ano nga ? tayo baga&#039;y lalong mabuti kay sa kanila ? Hindi , sa anomang paraan : sapagka&#039;t ating kapuwa isinasakdal na muna ang mga Judio at ang mga Griego , na silang lahat ay nangasa ilalim ng kasalanan ; Gaya ng nasusulat , Walang matuwid , wala , wala kahit isa ; Walang nakatatalastas , Walang humahanap sa Dios ; Silang lahat ay nagsilihis , magkakasamang nawalan ng kasaysayan ; Walang gumagawa ng mabuti , wala , wala kahit isa : Ang kanilang lalamunan ay isang libingang bukas ; Nagsigamit ng daya sa pamamagitan ng kanilang mga dila : Ang kamandag ng mga ulupong ang siyang nasa ilalim ng kanilang mga labi : Ang kanilang bibig ay puno ng panunumpa at ng kapaitan : Ang kanilang mga paa ay matulin sa pagbububo ng dugo ; Kagibaan at kahirapan ang nasa kanilang mga daan ; At ang daan ng kapayapaan ay hindi nila nakilala ; Walang pagkatakot sa Dios sa harap ng kanilang mga mata . Ngayon ay nalalaman natin na ang anomang sinasabi ng kautusan , yaon ay sinasabi sa nangasa ilalim ng kautusan ; upang matikom ang bawa&#039;t bibig , at ang buong sanglibutan ay mapasa ilalim ng hatol ng Dios : Sapagka&#039;t sa pamamagitan ng mga gawa ng kautusan ay walang laman na aariing-ganap sa paningin niya ; sapagka&#039;t sa pamamagitan ng kautusan ay ang pagkakilala ng kasalanan . Datapuwa&#039;t ngayon bukod sa kautusan ay ipinahahayag ang isang katuwiran ng Dios , na sinasaksihan ng kautusan at ng mga propeta ; Sa makatuwid baga&#039;y ang katuwiran ng Dios sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesucristo sa lahat ng mga nagsisisampalataya ; sapagka&#039;t walang pagkakaiba ; Sapagka&#039;t ang lahat ay nangagkasala nga , at hindi nangakaabot sa kaluwalhatian ng Dios ; Palibhasa&#039;y inaring-ganap na walang bayad ng kaniyang biyaya sa pamamagitan ng pagtubos na nasa kay Cristo Jesus : Na siyang inilagay ng Dios na maging pangpalubagloob , sa pamamagitan ng pananampalataya , sa kaniyang dugo , upang maipakilala ang kaniyang katuwiran dahil sa hindi pagpansin sa mga kasalanan na nagawa nang nagdaang panahon sa pagpapahinuhod ng Dios ; Sa pagpapakilala&#039;y aking sinasabi , ng kaniyang katuwiran sa panahong kasalukuyan , upang siya&#039;y maging ganap at tagaaring-ganap sa may pananampalataya kay Cristo . Kaya nga saan naroon ang pagmamapuri ? Ito&#039;y inihiwalay na . Sa pamamagitan ng anong kautusan ? ng mga gawa ? Hindi : kundi sa pamamagitan ng kautusan ng pananampalataya . Kaya nga maipasisiya natin na ang tao ay inaaring-ganap sa pananampalataya na hiwalay sa mga gawa ng kautusan . O ang Dios baga ay Dios ng mga Judio lamang ? hindi baga siya ang Dios din ng mga Gentil ? Oo , ng mga Gentil din naman : Kung gayon nga na iisa ang Dios , at kaniyang aariing-ganap ang pagtutuli sa pamamagitan ng pananampalataya , at ang di pagtutuli sa pamamagitan ng pananampalataya . Niwawalan kaya nating kabuluhan ang kautusan sa pamamagitan ng pananampalataya ? Huwag nawang mangyari : kundi pinagtitibay pa nga natin ang kautusan . Ano nga ang ating sasabihin , na nasumpungan ni Abraham na ating magulang ayon sa laman ? Sapagka&#039;t kung si Abraham ay inaring-ganap sa pamamagitan ng mga gawa , ay mayroon sana siyang ipagmamapuri ; datapuwa&#039;t hindi sa Dios . Sapagka&#039;t ano ang sinasabi ng kasulatan ? At sumampalataya si Abraham sa Dios , at sa kaniya&#039;y ibinilang na katuwiran . Ngayon sa kaniya na gumagawa&#039;y , hindi ibinibilang na biyaya ang ganti , kundi utang . Datapuwa&#039;t sa kaniya na hindi gumagawa , nguni&#039;t sumasampalataya sa kaniya na umaaring ganap sa masama , ang kaniyang pananampalataya ay ibibilang na katuwiran . Gaya naman ng sinasambit ni David na kapalaran ng tao , na sa kaniya&#039;y ibinibilang ng Dios ang katuwiran nang walang mga gawa , Na sinasabi , Mapapalad yaong ang kanilang mga pagsalangsang ay ipinatawad , At ang kanilang mga kasalanan ay nangatakpan . Mapalad ang tao na sa kaniya&#039;y hindi ibibilang ng Panginoon ang kasalanan . Sinambit nga baga ang kapalarang ito tungkol sa pagtutuli , o tungkol din naman sa di-pagtutuli ? sapagka&#039;t sinasabi natin , Kay Abraham ay ibinilang na katuwiran ang kaniyang pananampalataya . Paano ngang ito&#039;y ibinilang ? nang siya baga&#039;y nasa pagtutuli , o sa di-pagtutuli ? Hindi sa pagtutuli , kundi sa di-pagtutuli : At tinanggap niya ang tanda ng pagtutuli , na isang tatak ng katuwiran ng pananampalataya na nasa kaniya samantalang siya&#039;y nasa di-pagtutuli : upang siya&#039;y maging ama ng lahat ng mga nagsisisampalataya , bagaman sila&#039;y nasa di-pagtutuli , upang ang katuwiran ay maibilang sa kanila ; At ang ama ng pagtutuli nila na hindi lamang sa pagtutuli , kundi pati naman sa mga nagsisilakad sa mga bakas niyaong pananampalataya ng ating amang si Abraham na nasa kaniya nang siya&#039;y nasa di-pagtutuli . Sapagka&#039;t hindi sa pamamagitan ng kautusan ginawa ang pangako kay Abraham o sa kaniyang binhi na siyang magmamana ng sanglibutan , kundi sa pamamagitan ng katuwiran ng pananampalataya . Sapagka&#039;t kung silang nangasa kautusan ay siyang mga tagapagmana , ay walang kabuluhan ang pananampalataya , at nawawalang kabuluhan ang pangako : Sapagka&#039;t ang kautusan ay gumagawa ng galit ; datapuwa&#039;t kung saan walang kautusan ay wala ring pagsalangsang . Dahil dito&#039;y sa pananampalataya , upang maging ayon sa biyaya ; upang ang pangako ay lumagi sa lahat ng binhi ; hindi lamang sa nasa kautusan , kundi pati naman sa nasa pananampalataya ni Abraham , na ama nating lahat . ( Gaya ng nasusulat , Ginawa kitang ama ng maraming bansa ) sa harapan niyaong kaniyang pinanampalatayanan , sa makatuwid baga&#039;y ang Dios , na nagbibigay ng buhay sa mga patay , at tumatawag sa mga bagay na hindi pa hayag na tila hayag na . Siya na sumampalataya na nasa pagasa laban sa pagasa , upang maging ama ng maraming bansa ayon sa sabi , Magiging gayon ang iyong binhi . At hindi humina sa pananampalataya na ipinalagay man ang kaniyang katawang tulad sa patay na ( gayon siya&#039;y may mga isang daang taon na ) , at ang pagkabaog ng bahay-bata ni Sara ; Kundi , sa pagtingin niya sa pangako ng Dios , ay hindi nagalinlangan sa pamamagitan ng di pananampalataya , kundi lumakas ng lumakas sa pamamagitan ng pananampalataya , na niluluwalhati ang Dios , At lubos nanalig na ang Dios na nangako ay may kapangyarihang makagawa noon . Dahil dito&#039;y ibinilang naman na katuwiran sa kaniya . Ngayo&#039;y hindi lamang dahil sa kaniya isinulat , na sa kaniya&#039;y ibinilang ; Kundi dahil din naman sa atin , na ibibilang sa ating mga nagsisisampalataya sa kaniya na bumuhay na maguli sa mga patay , kay Jesus na ating Panginoon , Na ibinigay dahil sa ating mga kasuwayan , at binuhay na maguli sa ikaaaring-ganap natin . Yaman nga na mga inaaring-ganap sa pananampalataya , mayroon tayong kapayapaan sa Dios sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesucristo ; Sa pamamagitan din naman niya&#039;y nangagkaroon tayo ng ating pagpasok sa pamamagitan ng pananampalataya sa biyayang ito na diyan ay nagsisilagi tayo ; at nangagagalak tayo sa pagasa ng kaluwalhatian ng Dios . At hindi lamang gayon , kundi naman nangagagalak tayo sa ating mga kapighatian na nalalamang ang kapighatian ay gumagawa ng katiyagaan ; At ang katiyagaan , ng pagpapatunay ; at ang pagpapatunay , ng pagasa : At ang pagasa ay hindi humihiya ; sapagka&#039;t ang pagibig ng Dios ay nabubuhos sa ating mga puso sa pamamagitan ng Espiritu Santo na ibinigay sa atin . Sapagka&#039;t nang tayo ay mahihina pa ay namatay si Cristo sa kapanahunan dahil sa mga masama . Sapagka&#039;t ang isang tao&#039;y bahagya nang mamatay dahil sa isang taong matuwid : bagama&#039;t dahil sa isang taong mabuti marahil ay may mangangahas mamatay . Datapuwa&#039;t ipinagtatagubilin ng Dios ang kaniyang pagibig sa atin , na nang tayo&#039;y mga makasalanan pa , si Cristo ay namatay dahil sa atin . Lubha pa nga ngayong inaaring-ganap sa pamamagitan ng kaniyang dugo , ay mangaliligtas tayo sa galit ng Dios sa pamamagitan niya . Sapagka&#039;t kung , noong tayo&#039;y mga kaaway ay pinakipagkasundo tayo sa Dios sa pamamagitan ng kamatayan ng kaniyang Anak , lubha pa , ngayong nangagkakasundo na , ay mangaliligtas tayo sa kaniyang buhay ; At hindi lamang gayon , kundi tayo&#039;y nangagagalak naman sa Dios sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesucristo , na sa pamamagitan niya&#039;y tinamo natin ngayon ang pagkakasundo . Kaya , kung paano na sa pamamagitan ng isang tao ay pumasok ang kasalanan sa sanglibutan , at ang kamataya&#039;y sa pamamagitan ng kasalanan ; at sa ganito&#039;y ang kamatayan ay naranasan ng lahat ng mga tao , sapagka&#039;t ang lahat ay nangagkasala : Sapagka&#039;t ang kasalanan ay nasa sanglibutan hanggang sa dumating ang kautusan : nguni&#039;t hindi ibinibilang ang kasalanan kung walang kautusan . Bagaman ang kamatayan ay naghari mula kay Adam hanggang kay Moises , kahit doon sa hindi nangagkasala man ng tulad sa pagsalangsang ni Adam , na siyang anyo niyaong darating . Datapuwa&#039;t gayon din ang kaloob na walang bayad ay hindi gaya ng pagsuway . Sapagka&#039;t kung sa pagsuway ng isa ay nangamatay ang marami , lubha pang sumagana sa marami ang biyaya ng Dios , at ang kaloob dahil sa biyaya ng isang lalaking si Jesucristo . At ang kaloob ay hindi gaya ng nangyari sa pamamagitan ng isang nagkasala : sapagka&#039;t ang kahatulan ay dumating sa isa sa ipagdurusa , datapuwa&#039;t ang kaloob na walang bayad ay dumating sa maraming pagsuway sa ikaaaring ganap . Sapagka&#039;t kung , sa pagsuway ng isa , ay naghari ang kamatayan sa pamamagitan ng isa ; lubha pang magsisipaghari sa buhay ang nagsisitanggap ng kasaganaan ng biyaya at kaloob ng katuwiran sa pamamagitan ng isa , sa makatuwid baga&#039;y si Jesucristo . Kaya kung paanong sa pamamagitan ng isang pagsuway ay dumating ang hatol sa lahat ng mga tao sa ipagdurusa ; gayon din naman sa pamamagitan ng isang gawa ng katuwiran , ang kaloob na walang bayad ay dumating sa lahat ng mga tao sa ikaaaring-ganap ng buhay . Sapagka&#039;t kung paanong sa pamamagitan ng pagsuway ng isang tao ang marami ay naging mga makasalanan , gayon din sa pamamagitan ng pagtalima ng isa ang marami ay magiging mga matuwid . At bukod sa rito ay pumasok ang kautusan , upang ang pagsuway ay makapanagana ; datapuwa&#039;t kung saan nanagana ang kasalanan , ay nanaganang lubha ang biyaya : Upang , kung paanong ang kasalanan ay naghari sa ikamamatay , ay gayon din naman ang biyaya ay makapaghahari sa pamamagitan ng katuwiran sa ikabubuhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Jesucristo na Panginoon natin . Ano nga ang ating sasabihin ? Magpapatuloy baga tayo sa pagkakasala upang ang biyaya ay makapanagana ? Huwag nawang mangyari . Tayong mga patay na sa pagkakasala , paano nga tayong mabubuhay pa riyan ? O hindi baga ninyo nalalaman na tayong lahat na mga nabautismuhan kay Cristo Jesus ay nangabautismuhan sa kaniyang kamatayan ? Tayo nga&#039;y nangalibing na kalakip niya sa pamamagitan ng bautismo sa kamatayan : na kung paanong si Cristo ay nabuhay na maguli sa mga patay sa pamamagitan ng kaluwalhatian ng Ama , ay gayon din naman tayo&#039;y makalalakad sa panibagong buhay . Sapagka&#039;t kung tayo nga ay naging kalakip niya dahil sa kawangisan ng kaniyang kamatayan , ay magkakagayon din naman tayo dahil sa kawangisan ng kaniyang pagkabuhay na maguli ; Na nalalaman natin , na ang ating datihang pagkatao ay kalakip niyang napako sa krus , upang ang katawang salarin ay magiba , at nang sa gayo&#039;y huwag na tayong maalipin pa ng kasalanan ; Sapagka&#039;t ang namatay ay ligtas na sa kasalanan . Datapuwa&#039;t kung tayo&#039;y nangamatay na kalakip ni Cristo , ay naniniwala tayo na mangabubuhay naman tayong kalakip niya ; Na nalalaman nating si Cristo na nabuhay na maguli sa mga patay ay hindi na mamamatay ; ang kamataya&#039;y hindi naghahari sa kaniya . Sapagka&#039;t ang kamatayan na ikinamatay niya , ay kaniyang ikinamatay na minsan sa kasalanan : datapuwa&#039;t ang buhay na kaniyang ikinabubuhay , ay kaniyang ikinabubuhay sa Dios . Gayon din naman kayo , ibilang ninyong kayo&#039;y tunay na mga patay na sa kasalanan , nguni&#039;t mga buhay sa Dios kay Cristo Jesus . Huwag ngang maghari ang kasalanan sa inyong katawang may kamatayan , upang kayo&#039;y magsisunod sa kaniyang mga pita : At huwag din naman ninyong ihandog ang inyong mga sangkap sa kasalanan na pinaka kasangkapan ng kalikuan ; kundi ihandog ninyo ang inyong sarili sa Dios , na tulad sa nangabuhay sa mga patay , at ang inyong mga sangkap na pinaka kasangkapan ng katuwiran sa Dios . Sapagka&#039;t ang kasalanan ay hindi makapaghahari sa inyo : sapagka&#039;t wala kayo sa ilalim ng kautusan , kundi sa ilalim ng biyaya . Ano nga ? mangagkakasala baga tayo , dahil sa tayo&#039;y wala sa ilalim ng kautusan , kundi sa ilalim ng biyaya ? Huwag nawang mangyari . Hindi baga ninyo nalalaman , na kung kanino ninyo inihahandog ang inyong mga sarili na pinaka alipin upang tumalima ay kayo&#039;y mga alipin niyaong inyong tinatalima ; maging ng kasalanan sa ikamamatay , maging ng pagtalima sa ikapagiging matuwid ? Datapuwa&#039;t salamat sa Dios , na , bagama&#039;t kayo&#039;y naging mga alipin ng kasalanan , kayo&#039;y naging mga matalimahin sa puso doon sa uri ng aral na pinagbigyan sa inyo ; At yamang pinalaya kayo sa kasalanan ay naging mga alipin kayo ng katuwiran . Nagsasalita ako ayon sa kaugalian ng mga tao dahil sa karupukan ng inyong laman : sapagka&#039;t kung paanong inyong inihandog ang inyong mga sangkap ng katawan na pinaka alipin ng karumihan at ng lalo&#039;t lalong kasamaan , gayon din ihandog ninyo ngayon ang inyong mga sangkap na pinaka alipin ng katuwiran sa ikababanal . Sapagka&#039;t nang kayo ay mga alipin ng kasalanan , kayo&#039;y laya tungkol sa katuwiran . Ano nga ang ibinunga ninyo sa panahong yaon sa mga bagay na ngayo&#039;y ikinahihiya ninyo ? sapagka&#039;t ang wakas ng mga bagay na yaon ay kamatayan . Datapuwa&#039;t ngayong mga laya na kayo sa kasalanan at naging mga alipin ng Dios , kayo ay mayroong inyong bunga sa ikababanal , at ang wakas ay ang buhay na walang hanggan . Sapagka&#039;t ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan ; datapuwa&#039;t ang kaloob na walang bayad ng Dios ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus na Panginoon natin . O hindi baga ninyo nalalaman mga kapatid ( sapagka&#039;t nagsasalita ako sa mga taong nakakaalam ng kautusan ) , na ang kautusan ay naghahari sa tao samantalang siya&#039;y nabubuhay ? Sapagka&#039;t ang babae na may asawa ay itinali ng kautusan sa asawa samantalang ito ay nabubuhay ; datapuwa&#039;t kung ang asawa&#039;y mamatay , ay kalag na sa kautusan ng asawa . Kaya nga kung , samantalang nabubuhay ang asawa , siya&#039;y makikisama sa ibang lalake , siya&#039;y tatawaging mangangalunya : datapuwa&#039;t kung mamatay ang asawa , ay laya na siya sa kautusan , ano pa&#039;t siya&#039;y hindi na mangangalunya , bagaman siya&#039;y makisama sa ibang lalake . Gayon din naman , mga kapatid ko , kayo&#039;y nangamatay rin sa kautusan sa pamamagitan ng katawan ni Cristo ; upang kayo&#039;y makisama sa iba , sa makatuwid baga&#039;y doon sa nabuhay na maguli , upang tayo&#039;y magsipagbunga sa Dios . Sapagka&#039;t nang tayo&#039;y nangasa laman , ang mga pitang salarin na pawang sa pamamagitan ng kautusan , ay nagsigawa sa ating mga sangkap upang magsipagbunga sa kamatayan . Datapuwa&#039;t ngayon tayo&#039;y nangaligtas sa kautusan , yamang tayo&#039;y nangamatay doon sa nakatatali sa atin ; ano pa&#039;t nagsisipaglingkod na tayo sa panibagong espiritu , at hindi sa karatihan ng sulat . Ano nga ang ating sasabihin ? Ang kautusan baga&#039;y kasalanan ? Huwag nawang mangyari . Datapuwa&#039;t , hindi ko sana nakilala ang kasalanan , kundi sa pamamagitan ng kautusan : sapagka&#039;t hindi ko sana nakilala ang kasakiman , kung hindi sinasabi ng kautusan , Huwag kang mananakim : Datapuwa&#039;t ang kasalanan , nang makasumpong ng pagkakataon , ay gumawa sa akin sa pamamagitan ng utos ng sarisaring kasakiman : sapagka&#039;t kung walang kautusan ang kasalanan ay patay . At nang isang panahon ako&#039;y nabubuhay na walang kautusan : datapuwa&#039;t nang dumating ang utos , ay muling nabuhay ang kasalanan at ako&#039;y namatay ; At ang utos na sa ikabubuhay , ay nasumpungan kong ito&#039;y sa ikamamatay ; Sapagka&#039;t ang kasalanan , nang makasumpong ng pagkakataon , ay dinaya ako sa pamamagitan ng utos , at sa pamamagitan nito ay pinatay ako . Kaya nga ang kautusan ay banal , at ang utos ay banal , at matuwid , at mabuti . Ang mabuti nga baga ay naging kamatayan sa akin ? Huwag nawang mangyari . Kundi ang kasalanan , upang maipakilalang kasalanan , sa pamamagitan ng mabuti ay gumawa sa akin ng kamatayan ; na sa pamamagitan ng utos ang kasalanan ay maging lalong sala . Sapagka&#039;t nalalaman natin na ang kautusa&#039;y sa espiritu : nguni&#039;t ako&#039;y sa laman , na ipinagbili sa ilalim ng kasalanan . Sapagka&#039;t ang ginagawa ko&#039;y hindi ko nalalaman : sapagka&#039;t ang hindi ko ibig , ang ginagawa ko ; datapuwa&#039;t ang kinapopootan ko , yaon ang ginagawa ko . Nguni&#039;t kung ang hindi ko ibig , ang siyang ginagawa ko , ay sumasangayon ako na mabuti ang kautusan . Kaya ngayo&#039;y hindi ako ang gumagawa nito , kundi ang kasalanang tumitira sa akin . Sapagka&#039;t nalalaman ko na sa akin , sa makatuwid ay sa aking laman , ay hindi tumitira ang anomang bagay na mabuti : sapagka&#039;t ang pagnanasa ay nasa akin , datapuwa&#039;t ang paggawa ng mabuti ay wala . Sapagka&#039;t ang mabuti na aking ibig , ay hindi ko ginagawa : nguni&#039;t ang masama na hindi ko ibig , ay siya kong ginagawa . Datapuwa&#039;t kung ang hindi ko ibig , ang siya kong ginagawa , ay hindi na ako ang gumagawa nito , kundi ang kasalanang tumitira sa akin . Kaya nga nasumpungan ko ang isang kautusan na , kung ibig kong gumawa ng mabuti , ang masama ay nasa akin . Sapagka&#039;t ako&#039;y nagagalak sa kautusan ng Dios ayon sa pagkataong loob : Datapuwa&#039;t nakikita ko ang ibang kautusan sa aking mga sangkap na nakikipagbaka laban sa kautusan ng aking pagiisip , at dinadala akong bihag sa ilalim ng kautusan ng kasalanan na nasa aking mga sangkap . Abang tao ako ! sino ang magliligtas sa akin sa katawan nitong kamatayan ? Nagpapasalamat ako sa Dios sa pamamagitan ni Jesucristo na Panginoon natin . Kaya nga tunay kong ipinaglilingkod ang aking pagiisip , sa kautusan ng Dios ; datapuwa&#039;t ang laman ay sa kautusan ng kasalanan . Ngayon nga&#039;y wala nang anomang hatol sa mga na kay Cristo Jesus . Sapagka&#039;t ang kautusan ng Espiritu ng buhay na kay Cristo Jesus ay pinalaya ako sa kautusan ng kasalanan at ng kamatayan . Sapagka&#039;t ang hindi magawa ng kautusan , na mahina sa pamamagitan ng laman , sa pagsusugo ng Dios sa kaniyang sariling Anak na naganyong lamang salarin at dahil sa kasalanan , ay hinatulan ng Dios sa laman ang kasalanan : Upang ang kahilingan ng kautusan ay matupad sa atin , na hindi nangagsisilakad ayon sa laman , kundi ayon sa Espiritu . Sapagka&#039;t ang mga ayon sa laman ay nangagsisitalima sa mga bagay ng laman ; datapuwa&#039;t ang mga ayon sa Espiritu ay sa mga bagay ng Espiritu . Sapagka&#039;t ang kaisipan ng laman ay kamatayan ; datapuwa&#039;t ang kaisipan ng Espiritu ay buhay at kapayapaan . Sapagka&#039;t ang kaisipan ng laman ay pakikipagalit laban sa Dios ; sapagka&#039;t hindi napasasaklaw sa kautusan ng Dios , ni hindi nga maaari : At ang nangasa laman ay hindi makalulugod sa Dios . Datapuwa&#039;t kayo&#039;y wala sa laman kundi nasa sa Espiritu , kung gayo&#039;y tumitira sa inyo ang Espiritu ng Dios . Datapuwa&#039;t kung ang sinoma&#039;y walang Espiritu ni Cristo , siya&#039;y hindi sa kaniya . At kung si Cristo ay nasa sa inyo , ang katawan ay patay dahil sa kasalanan ; datapuwa&#039;t ang espiritu ay buhay dahil sa katuwiran . Nguni&#039;t kung ang Espiritu niyaong bumuhay na maguli kay Jesus ay tumira sa inyo , ang bumuhay na maguli kay Cristo Jesus sa mga patay ay magbibigay buhay naman sa inyong mga katawang may kamatayan , sa pamamagitan ng kaniyang Espiritu na tumitira sa inyo . Kaya nga , mga kapatid , mga may utang tayo , hindi sa laman , upang mabuhay ayon sa laman : Sapagka&#039;t kung mangabuhay kayo ng ayon sa laman , ay mangamamatay kayo ; datapuwa&#039;t kung sa pamamagitan ng Espiritu ay pinapatay ninyo ang mga gawa ng laman , ay mangabubuhay kayo . Sapagka&#039;t ang lahat ng mga pinapatnubayan ng Espiritu ng Dios , ay sila ang mga anak ng Dios . Sapagka&#039;t hindi ninyo muling tinanggap ang espiritu ng pagkaalipin sa ikatatakot ; datapuwa&#039;t tinanggap ninyo ang espiritu ng pagkukupkop , na dahil dito&#039;y sumisigaw tayo , Abba , Ama . Ang Espiritu rin ang nagpapatotoo kasama ng ating espiritu , na tayo&#039;y mga anak ng Dios : At kung mga anak , ay mga tagapagmana nga ; mga tagapagmana sa Dios , at mga kasamang tagapagmana ni Cristo ; kung gayon nga makipagtiis tayo sa kaniya , upang tayo&#039;y lumuwalhati namang kasama niya . Sapagka&#039;t napatutunayan ko na ang pagtitiis sa panahong ito&#039;y hindi karapatdapat maitumbas sa kaluwalhatiang mahahayag sa atin . Sapagka&#039;t ang maningas na pagmimithi ng buong nilalang ay naghihintay ng pagkahayag ng mga anak ng Dios . Sapagka&#039;t ang buong nilalang ay nasakop ng kawalang kabuluhan , hindi sa kaniyang kalooban , kundi dahil doon sa sumakop sa kaniya , sa pagasa Na ang buong nilalang naman ay magiging laya mula sa pagkaalipin ng kabulukan sa kalayaang maluwalhati ng mga anak ng Dios . Sapagka&#039;t nalalaman natin na ang buong nilalang ay humihibik at nagdaramdam na may kahirapan na kasama natin hanggang ngayon . At hindi lamang gayon , kundi pati naman tayo na mayroong mga pangunahing bunga ng Espiritu , sa makatuwid baga&#039;y tayo nama&#039;y nangagsisihibik din sa ating sarili , sa paghihintay ng pagkukupkop , na dili iba&#039;t , ang pagtubos sa ating katawan . Sapagka&#039;t tayo&#039;y iniligtas sa pagasa : datapuwa&#039;t ang pagasa na nakikita ay hindi pagasa : kaya&#039;t sino nga ang umaasa sa nakikita ? Datapuwa&#039;t kung nagsisiasa tayo sa hindi natin nakikita , kung magkagayo&#039;y hinihintay nating may pagtitiis . At gayon din naman ang Espiritu ay tumutulong sa ating kahinaan : sapagka&#039;t hindi tayo marunong manalangin ng nararapat ; nguni&#039;t ang Espiritu rin ang namamagitan dahil sa atin ng mga hibik na hindi maisasaysay sa pananalita ; At ang nakasisiyasat ng mga puso&#039;y nakakaalam kung ano ang kaisipan ng Espiritu , sapagka&#039;t siya ang namamagitan dahil sa mga banal alinsunod sa kalooban ng Dios . At nalalaman natin na ang lahat ng mga bagay ay nagkakalakip na gumagawa sa ikabubuti ng mga nagsisiibig sa Dios , sa makatuwid baga&#039;y niyaong mga tinawag alinsunod sa kaniyang nasa . Sapagka&#039;t yaong mga nang una pa&#039;y kaniyang nakilala , ay itinalaga naman niya na maging katulad ng larawan ng kaniyang Anak , upang siya ang maging panganay sa maraming magkakapatid : At yaong mga itinalaga niya , ay kaniyang tinawag naman : at ang mga tinawag ay inaring-ganap naman niya : at ang mga inaring-ganap ay niluwalhati din naman niya . Ano ang ating sasabihin sa mga bagay na ito ? Kung ang Dios ay kakampi natin , sino ang laban sa atin ? Siya , na hindi ipinagkait ang kaniyang sariling anak kundi ibinigay dahil sa ating lahat , bakit hindi naman ibibigay sa atin ng walang bayad ang lahat ng mga bagay ? Sino ang magsasakdal ng anoman laban sa mga hirang ng Dios ? Ang Dios ay ang umaaring-ganap ; Sino ang hahatol ? Si Cristo Jesus na namatay , oo , yaong nabuhay na maguli sa mga patay na siyang nasa kanan ng Dios , na siya namang namamagitan dahil sa atin . Sino ang maghihiwalay sa atin sa pagibig ni Cristo ? ang kapighatian , o ang kahapisan , o ang paguusig , o ang kagutum , o ang kahubaran , o ang panganib , o ang tabak ? Gaya ng nasusulat , Dahil sa iyo kami&#039;y pinapatay sa buong araw ; Kami ay nabilang na parang mga tupa sa patayan . Hindi , kundi sa lahat ng mga bagay na ito tayo&#039;y higit pa sa mga mapagtagumpay sa pamamagitan niyaong sa atin ay umibig . Sapagka&#039;t ako&#039;y naniniwalang lubos , na kahit ang kamatayan man , kahit ang buhay , kahit ang mga anghel , kahit ang mga pamunuan , kahit ang mga bagay na kasalukuyan , kahit ang mga bagay na darating , kahit ang mga kapangyarihan , Kahit ang kataasan , kahit ang kababaan , kahit ang alin mang ibang nilalang , ay hindi makapaghihiwalay sa atin sa pagibig ng Dios , na nasa kay Cristo Jesus na Panginoon natin . Sinasabi ko ang katotohanang na kay Cristo , na hindi ako nagsisinungaling , na ako&#039;y sinasaksihan ng aking budhi sa Espiritu Santo , Na mayroon akong malaking kalungkutan at walang tigil na karamdaman sa aking puso . Sapagka&#039;t ako&#039;y makapagnanasa na ako man ay itakuwil mula kay Cristo dahil sa aking mga kapatid , na aking mga kamaganak ayon sa laman . Na pawang mga Israelita ; na sa kanila ang pagkukupkop , at ang kaluwalhatian , at ang mga tipan , at ang pagbibigay ng kautusan , at ang paglilingkod sa Dios , at ang mga kapangakuan ; Na sa kanila ang mga magulang , at sa kanila mula ang Cristo ayon sa laman , na siyang lalo sa lahat , Dios na maluwalhati magpakailan man . Siya nawa . Datapuwa&#039;t hindi sa ang salita ng Dios ay nauwi sa wala . Sapagka&#039;t hindi ang lahat ng buhat sa Israel ay mga taga Israel : Ni sapagka&#039;t sila&#039;y binhi ni Abraham , ay mga anak na silang lahat : kundi , Kay Isaac tatawagin ang iyong binhi . Sa makatuwid , ay hindi mga anak sa laman ang mga anak ng Dios : kundi ang mga anak sa pangako&#039;y siyang ibibilang na isang binhi . Sapagka&#039;t ito ang salita ng pangako , Ayon sa panahong ito&#039;y paririto ako , at magkakaroon si Sara ng isang anak na lalake . At hindi lamang gayon ; kundi nang maipaglihi na ni Rebeca sa pamamagitan ng isa , ito nga&#039;y ng ating ama na si Isaac- Sapagka&#039;t ang mga anak nang hindi pa ipinanganganak , at hindi pa nagsisigawa ng anomang mabuti o masama , upang ang layon ng Dios ay mamalagi alinsunod sa pagkahirang , na hindi sa mga gawa , kundi doon sa tumatawag , Ay sinabi sa kaniya , Ang panganay ay maglilingkod sa bunso . Gaya ng nasusulat , Si Jacob ay inibig ko , datapuwa&#039;t si Esau ay aking kinapootan . Ano nga ang ating sasabihin ? Mayroon baga kayang kalikuan sa Dios ? Huwag nawang mangyari . Sapagka&#039;t sinasabi niya kay Moises , Ako&#039;y maaawa sa aking kinaaawaan , at ako&#039;y mahahabag sa aking kinahahabagan . Kaya nga hindi sa may ibig , ni hindi sa tumatakbo , kundi sa Dios na naaawa . Sapagka&#039;t sinasabi ng kasulatan tungkol kay Faraon , Dahil sa layong ito , ay itinaas kita , upang aking maihayag sa pamamagitan mo ang aking kapangyarihan , at upang ang aking pangala&#039;y maitanyag sa buong lupa . Kaya nga sa kaniyang ibig siya&#039;y naaawa , at sa kaniyang ibig siya&#039;y nagpapatigas . Sasabihin mo nga sa akin , Bakit humahanap pa siya ng kamalian ? Sapagka&#039;t sino ang sumasalangsang sa kaniyang kalooban ? Nguni&#039;t , Oh tao , sino kang tumututol sa Dios ? Sasabihin baga ng bagay na ginawa doon sa gumawa sa kaniya , Bakit mo ako ginawang ganito ? O wala bagang kapangyarihan sa putik ang magpapalyok , upang gawin sa isa lamang limpak ang isang sisidlan sa ikapupuri , at ang isa&#039;y sa ikahihiya . Ano kung ang Dios ay inibig na ihayag ang kaniyang kagalitan , at ipakilala ang kaniyang kapangyarihan , ay nagtiis ng malaking pagpapahinuhod sa mga sisidlan ng galit na nangahahanda na sa pagkasira : At upang maipakilala ang kayamanan ng kaniyang kaluwalhatian sa mga sisidlan ng awa , na kaniyang inihanda nang una pa sa kaluwalhatian , Maging sa atin na kaniya namang tinawag , hindi lamang mula sa mga Judio , kundi naman mula sa mga Gentil ? Gaya naman ng sinasabi niya sa aklat ni Oseas , Tatawagin kong aking bayan na hindi ko dating bayan ; At iniibig , na hindi dating iniibig . At mangyayari , na sa dakong pinagsabihan sa kanila , kayo&#039;y hindi ko bayan , Ay diyan sila tatawaging mga anak ng Dios na buhay . At si Isaias ay sumisigaw tungkol sa Israel , Kung ang bilang man ng mga anak ng Israel ay maging tulad sa buhangin sa dagat , ay ang nalalabi lamang ang maliligtas : Sapagka&#039;t isasagawa ng Panginoon ang kaniyang salita sa lupa , na tatapusin at paiikliin . At gaya ng sinabi nang una ni Isaias , Kung hindi nagiwan sa atin ng isang binhi ang Panginoon ng mga hukbo , Tayo&#039;y naging katulad sana ng Sodoma , at naging gaya ng Gomorra . Ano nga ang ating sasabihin ? Na ang mga Gentil , na hindi nangagsisisunod sa katuwiran , ay nagkamit ng katuwiran , sa makatuwid baga&#039;y ng katuwiran sa pananampalataya : Datapuwa&#039;t ang Israel sa pagsunod sa kautusan ng katuwiran , ay hindi umabot sa kautusang iyan . Bakit ? Sapagka&#039;t hindi nila hinanap sa pamamagitan ng pananampalataya , kundi ng ayon sa mga gawa . Sila&#039;y nangatisod sa batong katitisuran ; Gaya ng nasusulat , Narito , inilalagay ko sa Sion ang isang batong katitisuran , at batong pangbuwal : At ang sumasampalataya sa kaniya&#039;y hindi mapapahiya . Mga kapatid , ang nais ng aking puso at ang aking panalangin sa Dios ay patungkol sa kanila , upang sila&#039;y mangaligtas . Sapagka&#039;t sila&#039;y pinatotohanan ko na may mga pagmamalasakit sa Dios , datapuwa&#039;t hindi ayon sa pagkakilala . Sapagka&#039;t sa hindi nila pagkaalam ng katuwiran ng Dios , at sa pagsusumakit na maitayo ang sariling kanila , ay hindi sila napasakop sa katuwiran ng Dios . Sapagka&#039;t si Cristo ang kinauuwian ng kautusan sa ikatutuwid ng bawa&#039;t sumasampalataya . Sapagka&#039;t isinulat ni Moises na ang tao na gumagawa ng katuwirang ayon sa kautusan ay mabubuhay dahil dito . Datapuwa&#039;t sinasabi ng katuwiran ayon sa pananampalataya ang ganito , Huwag mong sabihin sa iyong puso , Sino ang aakyat sa langit ? ( sa makatuwid baga&#039;y upang ibaba si Cristo : ) O , Sino ang mananaog sa kalalimlaliman ? ( sa makatuwid baga&#039;y upang iakyat si Cristo mula sa mga patay . ) Datapuwa&#039;t ano ang sinasabi nito ? Ang salita ay malapit sa iyo , sa iyong bibig , at sa iyong puso : sa makatuwid baga&#039;y ang salita ng pananampalataya na aming ipinangangaral : Sapagka&#039;t kung ipahahayag mo ng iyong bibig si Jesus na Panginoon , at sasampalataya ka sa iyong puso na binuhay siyang maguli ng Dios sa mga patay ay maliligtas ka : Sapagka&#039;t ang tao&#039;y nanampalataya ng puso sa ikatutuwid ; at ginagawa sa pamamagitan ng bibig ang pagpapahayag sa ikaliligtas . Sapagka&#039;t sinasabi ng kasulatan , Ang lahat na sa kaniya&#039;y nagsisisampalataya ay hindi mapapahiya . Sapagka&#039;t walang pagkakaiba ang Judio at ang Griego : sapagka&#039;t ang Panginoon din ay siyang Panginoon ng lahat , at mayaman siya sa lahat ng sa kaniya&#039;y nagsisitawag : Sapagka&#039;t , Ang lahat na nagsisitawag sa pangalan ng Panginoon ay mangaliligtas . Paano nga silang magsisitawag doon sa hindi nila sinampalatayanan ? at paano silang magsisisampalataya sa kaniya na hindi nila napakinggan ? at paano silang mangakikinig na walang tagapangaral ? At paano silang magsisipangaral , kung hindi sila nga sinugo ? gaya nga ng nasusulat , Anong pagkaganda ng mga paa niyaong mga nagdadala ng masasayang balita ng mga bagay na mabuti ! Datapuwa&#039;t hindi silang lahat ay nakinig ng masasayang balita . Sapagka&#039;t sinasabi ni Isaias , Panginoon , sino ang naniwala sa aming balita ? Kaya nga ang paniniwala&#039;y nanggagaling sa pakikinig , at ang pakikinig ay sa pamamagitan ng salita ni Cristo . Datapuwa&#039;t sinasabi ko , Hindi baga sila&#039;y nangakinig ? Oo , tunay nga , Ang tinig nila ay kumalat sa buong lupa , At ang kanilang mga salita&#039;y hanggang sa mga dulo ng sanglibutan . Datapuwa&#039;t sinasabi ko , Hindi baga nalalaman ng Israel ? Unauna&#039;y sinasabi ni Moises , Ipamumungkahi ko kayo sa paninibugho sa pamamagitan niyaong hindi bansa , Sa pamamagitan ng isang bansang mangmang ay gagalitin ko kayo . At si Isaias ay buong tapang na nagsasabi , Ako&#039;y nasumpungan nilang mga hindi nagsisihanap sa akin ; Nahayag ako sa kanilang mga hindi nagsisipagtanong tungkol sa akin . Datapuwa&#039;t tungkol sa Israel ay sinasabi niya , Sa buong araw ay iniunat ko ang aking mga kamay sa isang bayang suwail at matutol . Sinasabi ko nga , Itinakuwil baga ng Dios ang kaniyang bayan ? Huwag nawang mangyari . Sapagka&#039;t ako man ay Israelita , sa binhi ni Abraham , sa angkan ni Benjamin . Hindi itinakuwil ng Dios ang kaniyang bayan na nang una pa&#039;y kinilala niya . O hindi baga ninyo nalalaman ang sinasabi ng kasulatan tungkol kay Elias ? kung paanong namamagitan siya sa Dios laban sa Israel na sinabi : Panginoon , pinatay nila ang iyong mga propeta , giniba nila ang iyong mga dambana ; at ako&#039;y naiwang nagiisa , at hinahanap nila ang aking buhay . Datapuwa&#039;t ano ang sinasabi ng kasagutan ng Dios sa kaniya ? Nagtira ako sa akin ng pitong libong lalake na hindi nangagsiluhod kay Baal . Gayon din nga sa panahong itong kasalukuyan ay may isang nalalabi ayon sa pagkahirang ng biyaya . Nguni&#039;t kung ito&#039;y sa pamamagitan ng biyaya , ay hindi na sa mga gawa : sa ibang paraan ang biyaya ay hindi biyaya . Ano nga ? Ang hinahanap ng Israel ay hindi niya kinamtan ; datapuwa&#039;t ito&#039;y kinamtan ng pagkahirang , at ang mga iba&#039;y pinapagmatigas : Ayon sa nasusulat , Binigyan sila ng Dios ng Espiritu ng pagkakatulog , ng mga matang hindi nangakakakita , at ng mga pakinig na hindi nangakakarinig , hanggang sa araw na ito . At sinasabi ni David , Ang kanilang dulang nawa&#039;y maging isang silo , at isang panghuli , At isang katitisuran , at isang kabayaran sa kanila : Manganglabo nawa ang kanilang mga mata , upang sila&#039;y huwag mangakakita , At laging baluktutin mo nawa ang kanilang gulugod . Sinasabi ko nga , Nangatisod kaya sila upang mangahulog ? Huwag nawang mangyari : datapuwa&#039;t sa pagkahulog nila&#039;y dumating ang pagkaligtas sa mga Gentil , upang ipamungkahi sila sa paninibugho . Ngayon kung ang pagkahulog nga nila ay siyang kayamanan ng sanglibutan , at ang pagkalugi nila ay siyang kayamanan ng mga Gentil ; gaano pa ang kapunuan nila ? Datapuwa&#039;t nagsasalita ako sa inyong mga Gentil . Palibasa&#039;y ako nga&#039;y apostol ng mga Gentil , ay niluluwalhati ko ang aking ministerio ; Baka sa anomang paraan ay maipamungkahi ko sa paninibugho yaong aking mga kalaman , at maligtas ang ilan sa kanila . Sapagka&#039;t kung ang pagkatakuwil sa kanila ay siyang pakikipagkasundo ng sanglibutan , ano kaya ang pagtanggap sa kanila , kundi buhay mula sa mga patay ? At kung ang pangunahing bunga ay banal , ay gayon din ang lahat : at kung ang ugat ay banal , ay gayon din ang mga sanga . Datapuwa&#039;t kung ang ilang mga sanga&#039;y nangabali , at ikaw , na isang olibong ligaw ay isinanib ka sa kanila , at ikaw ay naging kabahagi nila sa ugat ng katabaan ng punong olibo ; Huwag kang magpalalo sa mga sanga : datapuwa&#039;t kung magpalalo ka , ay hindi ikaw ang nagkakandili sa ugat , kundi ang ugat ang nagkakandili sa iyo . Sasabihin mo nga , Ang mga sanga ay nangabali upang ako ay makasanib . Mabuti ; sa kawalan nila ng pananampalataya ay nangabali sila , at sa iyong pananampalataya&#039;y nakatayo ka . Huwag kang magpalalo kundi matakot ka : Sapagka&#039;t kung hindi nga pinatawad ng Dios ang mga talagang sanga , ikaw man ay hindi patatawarin . Masdan mo nga ang kabutihan at ang kabagsikan ng Dios : ang kabagsikan ay sa nangahulog , datapuwa&#039;t ang kabutihan ng Dios ay sa iyo , kung mamamalagi ka sa kaniyang kabutihan : sa ibang paraan ay ikaw man ay puputulin . At sila naman , kung hindi mangagsisilagi sa di pananampalataya ay mangakakasanib : sapagka&#039;t makapangyarihan ang Dios upang sila&#039;y isanib na muli . Sapagka&#039;t kung ikaw ay pinutol doon sa talagang olibong ligaw , at laban sa kaugalian ay isinanib ka sa mabuting punong olibo ; gaano pa nga ang mga ito , na mga talagang sanga , na mangakakasanib sa kanilang sariling punong olibo ? Sapagka&#039;t hindi ko ibig , mga kapatid , na di ninyo maalaman ang hiwagang ito , baka kayo&#039;y mangagmarunong sa inyong sariling mga haka , na ang katigasan ng isang bahagi ay nangyari sa Israel , hanggang sa pumasok ang kapunuan ng mga Gentil ; At sa ganito&#039;y ang buong Israel ay maliligtas : gaya ng nasusulat , Magbubuhat sa Sion ang Tagapagligtas ; Siya ang maghihiwalay sa Jacob ng kalikuan : At ito ang aking tipan sa kanila , Pagka aalisin ko ang kanilang mga kasalanan . Tungkol sa evangelio , ay mga kaaway sila dahil sa inyo : datapuwa&#039;t tungkol sa pagkahirang , ay mga pinakaiibig sila dahil sa mga magulang . Sapagka&#039;t ang mga kaloob at ang pagtawag ng Dios ay hindi nagbabago . Sapagka&#039;t kung paanong kayo nang nakaraang panahon ay mga masuwayin sa Dios , datapuwa&#039;t ngayon kayo&#039;y nangagkamit ng habag sa pamamagitan ng kanilang pagsuway , Gayon din naman ang mga ito ay naging mga masuwayin ngayon , upang sa pamamagitan ng habag na ipinagkaloob sa inyo , sila nama&#039;y magkamit ngayon ng habag . Sapagka&#039;t ang lahat ay kinulong ng Dios sa kasuwayan , upang siya&#039;y mahabag sa lahat . Oh kalaliman ng mga kayamanan ng karunungan at ng kaalaman ng Dios ! oh di matingkalang mga hatol niya , at hindi malirip na kaniyang mga daan ! Sapagka&#039;t sino ang nakaalam ng pagiisip ng Panginoon ? o sino ang kaniyang naging kasangguni ? O sino ang nagbigay na una sa kaniya , at siya&#039;y babayarang muli ? Sapagka&#039;t kaniya , at sa pamamagitan niya , at sa kaniya , ang lahat ng mga bagay . Sumakaniya nawa ang kaluwalhatian magpakailan man . Siya nawa . Kaya nga , mga kapatid , ipinamamanhik ko sa inyo , alangalang sa mga kahabagan ng Dios , na inyong iharap ang inyong mga katawan na isang haing buhay , banal , na kaayaaya sa Dios , na siya ninyong katampatang pagsamba . At huwag kayong magsiayon sa sanglibutang ito : kundi magiba kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pagiisip , upang mapatunayan ninyo kung alin ang mabuti at kaayaaya at lubos na kalooban ng Dios . Sapagka&#039;t sinasabi ko , sa pamamagitan ng biyaya na sa akin ay ibinigay , sa bawa&#039;t tao sa inyo , na huwag magisip sa kaniyang sarili ng totoong matayog kay sa nararapat niyang isipin ; kundi magisip na may kahinahunan , ayon sa kasukatan ng pananampalataya na ibinahagi ng Dios sa bawa&#039;t isa . Sapagka&#039;t kung paanong sa isang katawan ay mayroong tayong maraming mga sangkap , at ang lahat ng mga sangkap ay hindi pareho ang gawain : Ay gayon din tayo , na marami , ay iisang katawan kay Cristo , at mga sangkap na samasama sa isa&#039;t isa . At yamang may mga kaloob na nagkakaibaiba ayon sa biyaya na ibinigay sa atin , kung hula , ay manganghula tayo ayon sa kasukatan ng ating pananampalataya ; O kung ministerio , ay gamitin natin ang ating sarili sa ating ministerio ; o ang nagtuturo , ay sa kaniyang pagtuturo ; O ang umaaral , ay sa kaniyang pagaral : ang namimigay , ay magbigay na may magandang-loob ; ang nagpupuno , ay magsikap ; ang nahahabag ay magsaya . Ang pagibig ay maging walang pagpapaimbabaw . Kapootan ninyo ang masama ; makisanib kayo sa mabuti . Sa pagibig sa mga kapatid ay mangagmahalan kayo ; sa kapurihan ay ipagpauna ng isa&#039;t isa ang iba ; Huwag mga tamad sa pagsusumikap ; maningas sa espiritu ; mapaglingkod sa Panginoon ; Mangagalak sa pagasa ; magmatiisin sa kapighatian ; magmatiyagain sa pananalangin ; Mapagdamay sa mga kailangan ng mga banal ; maging mapagpatuloy . Pagpalain ninyo ang mga sa inyo&#039;y nagsisiusig ; pagpalain ninyo , at huwag ninyong sumpain . Makigalak kayo sa nangagagalak ; makiiyak kayo sa nagsisiiyak . Mangagkaisa kayo ng pagiisip . Huwag ninyong ilagak ang inyong pagiisip sa mga bagay na kapalaluan , kundi makiayon kayo sa mga bagay na may kapakumbabaan . Huwag kayong mga pantas sa inyong sariling mga haka . Huwag kayong mangagbayad sa kanino man ng masama sa masama . Isipin ninyo ang mga bagay na kapuripuri sa harapan ng lahat ng mga tao . Kung maaari , ayon sa inyong makakaya , ay magkaroon kayo ng kapayapaan sa lahat ng mga tao . Huwag kayong mangaghigantihan , mga iniibig , kundi bigyan ninyong daan ang galit ng Dios : sapagka&#039;t nasusulat , Akin ang paghihiganti ; ako ang gaganti , sabi ng Panginoon . Kaya&#039;t kung ang iyong kaaway ay magutom , pakanin mo ; kung siya&#039;y mauhaw , painumin mo : sapagka&#039;t sa paggawa mo ng gayon ay mga baga ng apoy ang ibubunton mo sa kaniyang ulo . Huwag kang padaig sa masama , kundi bagkus daigin mo ng mabuti ang masama . Ang bawa&#039;t kaluluwa ay pasakop sa matataas na kapangyarihan : sapagka&#039;t walang kapangyarihan na hindi mula sa Dios ; at ang mga kapangyarihang yao&#039;y hinirang ng Dios . Kaya nga&#039;t ang sumasalangsang sa kapangyarihan , ay sa utos ng Dios sumasalangsang : at ang mga nagsisalangsang ay magsisitanggap ng kahatulan sa kanilang sarili . Sapagka&#039;t ang mga pinuno ay hindi kilabot sa gawang mabuti , kundi sa masama . At ibig mo bagang mawalaan ng takot sa may kapangyarihan ? gawin mo ang mabuti , at magkakamit ka ng kapurihan sa kaniya : Sapagka&#039;t siya&#039;y ministro ng Dios sa ikagagaling mo . Datapuwa&#039;t kung ginagawa mo ang masama , ay matakot ka ; sapagka&#039;t hindi walang kabuluhan ang pagdadala niya ng tabak : sapagka&#039;t siya&#039;y ministro ng Dios , tagapaghiganti sa ikagagalit sa gumagawa ng masama . Kaya nga&#039;t dapat na kayo&#039;y pasakop , hindi lamang dahil sa kagalitan , kundi naman dahil sa budhi . Sapagka&#039;t dahil dito ay nagsisipagbayad naman kayo ng buwis ; sapagka&#039;t sila&#039;y mga tagapangasiwa ng paglilingkod sa Dios , na nagsisipamahalang walang patid sa bagay na ito . Ibigay ninyo sa lahat ang sa kanila&#039;y nararapat : buwis sa dapat buwisan ; ambag sa dapat ambagan ; takot sa dapat katakutan ; puri sa dapat papurihan . Huwag kayong magkautang ng ano pa man sa kanino man , maliban na sa mangagibigan kayo : sapagka&#039;t ang umiibig sa kaniyang kapuwa&#039;y nakaganap na ng kautusan . Sapagka&#039;t ito , Huwag kang mangangalunya , Huwag kang papatay , Huwag kang magnanakaw , Huwag kang mananakim , at kung mayroon pang ibang utos , ay nauuwi sa salitang ito , sa makatuwid baga&#039;y Ibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng sa iyong sarili . Ang pagibig ay hindi gumagawa ng masama sa kaniyang kapuwa : ang pagibig nga ay siyang katuparan ng kautusan . At ito , yamang nakikilala ang panahon , na ngayo&#039;y kapanahunan nang magsigising kayo sa pagkakatulog : sapagka&#039;t ngayon ay lalong malapit na sa atin ang kaligtasan kay sa nang tayo&#039;y magsisampalataya nang una . Ang gabi ay totoong malalim , at ang araw ay malapit na : iwaksi nga natin ang mga gawa ng kadiliman , at ating isakbat ang mga sandata ng kaliwanagan . Magsilakad tayong mahinhin , gaya ng sa araw ; huwag sa katakawan at paglalasing , huwag sa kalibugan at sa kahalayan , huwag sa mga pagkakaalit at pagkakainggitan . Kundi bagkus isakbat ninyo ang Panginoong Jesucristo , at huwag ninyong paglaanan ang laman , upang masunod ang mga kahalayan noon . Datapuwa&#039;t ang mahina sa pananampalataya ay tanggapin ninyo , hindi upang pagtalunan ang kaniyang pagaalinlangan . May tao na may pananampalataya na makakain ang lahat ng mga bagay : nguni&#039;t ang mahina&#039;y kumakain ng mga gulay . Ang kumakain ay huwag magwalang halaga sa hindi kumakain ; at ang hindi kumakain ay huwag humatol sa kumakain : sapagka&#039;t siya&#039;y tinanggap ng Dios . Sino kang humahatol sa alila ng iba ? Sa kaniyang sariling panginoon ay natatayo siya o nabubuwal . Oo , patatayuin siya ; sapagka&#039;t makapangyarihan ang Panginoon na siya&#039;y maitayo . May nagmamahal sa isang araw ng higit kay sa iba : may ibang nagmamahal sa bawa&#039;t araw . Bawa&#039;t isa&#039;y magtibay sa kaniyang sariling pagiisip . Ang nagmamahal sa araw , ay minamahal ito sa Panginoon ; at ang kumakain , ay kumakain sa Panginoon , sapagka&#039;t siya&#039;y nagpapasalamat sa Dios ; at ang hindi kumakain , ay hindi kumakain sa Panginoon , at nagpapasalamat sa Dios . Sapagka&#039;t ang sinoman sa atin ay hindi nabubuhay sa kaniyang sarili , at sinoman ay hindi namamatay sa kaniyang sarili . Sapagka&#039;t kung nangabubuhay tayo , sa Panginoon tayo&#039;y nangabubuhay ; o kung nangamamatay tayo , sa Panginoon tayo&#039;y nangamamatay : kaya&#039;t sa mabuhay tayo , o sa mamatay man , tayo&#039;y sa Panginoon . Sapagka&#039;t dahil dito ay namatay si Cristo at nabuhay na maguli , upang siya&#039;y maging Panginoon ng mga patay at gayon din ng mga buhay . Datapuwa&#039;t ikaw , bakit humahatol ka sa iyong kapatid ? at ikaw naman , bakit pinawalaang halaga mo ang iyong kapatid ? sapagka&#039;t tayong lahat ay tatayo sa harapan ng hukuman ng Dios . Sapagka&#039;t nasusulat , Buhay ako , sabi ng Panginoon , sa akin ang bawa&#039;t tuhod ay luluhod , At ang bawa&#039;t dila ay magpapahayag sa Dios . Kaya nga ang bawa&#039;t isa sa atin ay magbibigay sulit sa Dios ng kaniyang sarili . Huwag na nga tayong mangaghatulan pa sa isa&#039;t isa : kundi bagkus ihatol ninyo ito , na ang sinoman ay huwag maglagay ng katitisuran sa daan ng kaniyang kapatid o kadahilanan ng ikararapa . Nalalaman ko , at naniniwala akong lubos kay Jesus na Panginoon , na walang anomang bagay na marumi sa kaniyang sarili : maliban na doon sa nagaakala na ang anomang bagay ay marumi , sa kaniya&#039;y marumi ito . Sapagka&#039;t kung dahil sa pagkain ang iyong kapatid ay naghinanakit ay hindi ka na lumalakad sa pagibig . Huwag mong ipamahamak sa iyong pagkain yaong pinagkamatayan ni Cristo . Huwag nga ninyong pabayaan na pagsalitaan ng masama ang inyong kabutihan : Sapagka&#039;t ang kaharian ng Dios ay hindi ang pagkain at paginom , kundi ang katuwiran at ang kapayapaan at ang kagalakan sa Espiritu Santo . Sapagka&#039;t ang sa ganito ay naglilingkod kay Cristo ay kalugodlugod sa Dios , at pinatutunayan ng mga tao . Kaya nga sundin ang mga bagay na makapapayapa , at ang mga bagay na makapagpapatibay sa isa&#039;t isa . Huwag mong sirain ang gawa ng Dios dahil sa pagkain . Tunay na ang lahat ng mga bagay ay malilinis ; gayon man ay masama sa tao ang kumakain ng laban sa kaniyang budhi . Mabuti ang huwag kumain ng lamangkati , ni uminom ng alak , ni gumawa ng anoman na katitisuran ng iyong kapatid . Ang pananampalataya mo na nasa iyo ay ingatan mo sa iyong sarili sa harap ng Dios . Mapalad ang hindi humahatol sa kaniyang sarili sa bagay na kaniyang sinasangayunan . Nguni&#039;t ang nagaalinlangan ay hinahatulan kung kumakain , sapagka&#039;t hindi siya kumakain sa pananampalataya ; at ang anomang hindi sa pananampalataya ay kasalanan . Tayo ngang malalakas ay nararapat mangagbata ng kahinaan ng mahihina , at huwag tayong mangagbigay lugod sa ating sarili . Bawa&#039;t isa sa atin ay magbigay lugod sa kaniyang kapuwa , sa kaniyang ikabubuti sa ikatitibay . Sapagka&#039;t si Cristo man ay hindi nagbigay lugod sa kaniyang sarili ; kundi gaya ng nasusulat , Ang mga pagalipusta ng mga nagsisialipusta sa iyo , ay nangahulog sa akin . Sapagka&#039;t ang anomang mga bagay na isinulat nang una ay nangasulat dahil sa ikatututo natin , upang sa pamamagitan ng pagtitiis at pagaliw ng mga kasulatan ay mangagkaroon tayo ng pagasa . Loobin nawa ng Dios ng pagtitiis at paggiliw , na kayo ay magkaisa ng pagiisip sa isa&#039;t isa ayon kay Cristo Jesus : Upang kayo na may isang pagiisip sa pamamagitan ng isang bibig ay luwalhatiin ninyo ang Dios at Ama ng ating Panginoong Jesucristo . Sa ganito&#039;y mangagtanggapan kayo , gaya naman ni Cristo na tinanggap kayo sa kaluwalhatian ng Dios . Sapagka&#039;t sinasabi ko na si Cristo ay ginawang ministro ng pagtutuli dahil sa katotohanan ng Dios , upang kaniyang mapagtibay ang mga pangakong ibinigay sa mga magulang , At upang ang mga Gentil ay makaluwalhati sa Dios dahil sa kaniyang kahabagan ; gaya ng nasusulat , Kaya nga&#039;t ikaw ay aking pupurihin sa gitna ng mga Gentil . At aawit ako sa iyong pangalan . At muling sinasabi niya , Makigalak kayo , kayong mga Gentil , sa kaniyang bayan . At muli , Purihin ninyo ang Panginoon , kayong lahat ng mga Gentil ; At purihin siya ng lahat ng mga bayan . At muli , sinasabi ni Isaias , Magkakaroon ng ugat kay Jesse , At siya&#039;y lilitaw upang maghari sa mga Gentil ; Ay sa kaniya magsisiasa ang mga Gentil . Puspusin nga kayo ng Dios ng pagasa ng buong kagalakan at kapayapaan sa pananampalataya , upang kayo&#039;y managana sa pagasa sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo . At ako naman sa aking sarili ay naniniwalang lubos tungkol sa inyo mga kapatid ko , na kayo naman ay mangapuspos ng kabutihan , pinuspos ng lahat ng kaalaman , na ano pa&#039;t makapagpapaalaala naman kayo sa isa&#039;t isa . Nguni&#039;t sinulatan ko kayo na may dakilang kalayaan na bilang pagpapaalaala sa inyo , dahil sa biyaya na sa akin ay ibinigay ng Dios , Upang ako&#039;y maging ministro ni Cristo Jesus sa mga Gentil , na nangangasiwa sa evangelio ng Dios , upang ang mga Gentil ay maging kalugodlugod na handog , palibhasa&#039;y pinapaging banal ng Espiritu Santo . Mayroon nga akong ipinagmamapuri kay Cristo Jesus sa mga bagay na nauukol sa Dios . Sapagka&#039;t hindi ako nangangahas magsalita ng anomang mga bagay , maliban na sa mga ginawa ni Cristo sa pamamagitan ko , sa pagtalima ng mga Gentil , sa salita at sa gawa , Sa bisa ng mga tanda at ng mga kababalaghan , sa kapangyarihan ng Espiritu ng Dios ; ano pa&#039;t buhat sa Jerusalem , at sa palibotlibot hanggang sa Ilirico , ay aking ipinangaral na lubos ang evangelio ni Cristo ; Aking nilayon na maipangaral ang evangelio , hindi doon sa napagbalitaan na kay Cristo , upang huwag akong magtayo sa ibabaw ng pinagsaligan ng iba ; Kundi , gaya ng nasusulat , Makakakita silang mga hindi dinatnan ng mga balita tungkol sa kaniya , At silang hindi nangakapakinig , ay mangakakatalastas . Kaya&#039;t madalas namang napigil ako ng pagpariyan sa inyo : Datapuwa&#039;t ngayon , na wala nang dako sa mga lupaing ito , at malaon nang panahong ako&#039;y may nasang pumariyan sa inyo , Pagparoon ko sa Espana ay paririyan ako ( sapagka&#039;t inaasahan kong makikita ko kayo sa aking paglalakbay , at ako&#039;y sasamahan ninyo patungo doon , pagkatapos na magkamit ng kaunting kasiyahan sa pakikisama sa inyo ) . Nguni&#039;t ngayon , sinasabi ko , ako&#039;y pasasa-Jerusalem , upang mamahagi sa mga banal . Sapagka&#039;t minagaling ng Macedonia at ng Acaya na gumawa ng isang ambagang laan sa mga dukha sa mga banal na nasa Jerusalem . Oo , ito&#039;y kalugodlugod sa kanila ; at sila&#039;y may utang na loob sa kanila . Sapagka&#039;t kung ang mga Gentil ay naging mga kabahagi sa kanilang mga bagay na ayon sa Espiritu , nararapat naman nilang paglingkuran ang mga yaon sa mga bagay na ayon sa laman . Kung maganap ko nga ito , at aking matatakan na sa kanila ang bungang ito , ay magdaraan ako sa inyong patungo sa Espana . At nalalaman ko na , pagpariyan ko sa inyo , ay darating akong puspos ng pagpapala ng evangelio ni Cristo . Ngayo&#039;y ipinamamanhik ko sa inyo , mga kapatid , alangalang sa Panginoon nating Jesucristo , at sa pagibig ng Espiritu , na kayo&#039;y makipagsikap na kasama ko sa inyong mga pananalangin sa Dios patungkol sa akin ; Upang ako&#039;y maligtas sa mga hindi nagsisisampalataya na nangasa Judea , at nang ang aking pamamahagi sa Jerusalem ay maging kalugodlugod sa mga banal ; Upang sa pamamagitan ng kalooban ng Dios , ako&#039;y makarating sa inyo na may kagalakan , at ako&#039;y makipamahinga sa inyo . Ngayon ang Dios ng kapayapaan ay sumainyo nawang lahat . Siya nawa . Ipinagtatagubilin ko sa inyo si Febe na ating kapatid na babae , na lingkod sa iglesia na nasa Cencrea : Upang tanggapin ninyo siya sa Panginoon , ayon sa nararapat sa mga banal , at tulungan ninyo siya sa anomang bagay na magiging kailangan niya sa inyo : sapagka&#039;t siya nama&#039;y naging katulong ng marami , at ng aking sarili naman . Batiin ninyo si Prisca at si Aquila na aking mga kamanggagawa kay Cristo Jesus , Na ipinain ang kanilang mga leeg dahil sa aking buhay ; na sa kanila&#039;y hindi lamang ako ang nagpapasalamat , kundi naman ang lahat ng mga iglesia ng mga Gentil : At batiin ninyo ang iglesia na nasa kanilang bahay . Batiin ninyo si Epeneto na minamahal ko , na siyang pangunahing bunga ng Asia kay Cristo . Batiin ninyo si Maria , na lubhang nagpagal sa inyo . Batiin ninyo si Andronico at si Junias , na aking mga kamaganak , at mga kasama ko sa pagkabilanggo , na siyang mga bantog sa mga apostol , na sila nama&#039;y nangauna sa akin kay Cristo . Batiin ninyo si Ampliato na aking minamahal sa Panginoon . Batiin ninyo si Urbano na aming kamanggagawa kay Cristo , at si Estaquis na minamahal ko . Batiin ninyo si Apeles na subok kay Cristo . Batiin ninyo ang mga kasangbahay ni Aristobulo . Batiin ninyo si Herodion na aking kamaganak . Batiin ninyo ang mga kasangbahay ni Narciso , yaong nangasa Panginoon . Batiin ninyo si Trifena at si Trifosa , na nangagpapagal sa Panginoon . Batiin ninyo si Persida na minamahal , na lubhang nagpagal sa Panginoon . Batiin ninyo si Rufo na hinirang sa Panginoon , at ang kaniyang ina at akin . Batiin ninyo si Asincrito , si Flegonte , si Hermes , si Patrobas , si Hermas , at ang mga kapatid na kasama nila . Batiin ninyo si Filologo at si Julia , si Nereo at ang kaniyang kapatid na babae , at si Olimpas , at ang lahat ng mga banal na kasama nila . Mangagbatian kayo ng banal na halik . Binabati kayo ng lahat ng mga iglesia ni Cristo . Ngayo&#039;y ipinamamanhik ko sa inyo , mga kapatid , na tandaan ninyo yaong mga pinanggagalingan ng pagkakabahabahagi at ng mga katitisuran , laban sa mga aral na inyong nangapagaralan : at kayo&#039;y magsilayo sa kanila . Sapagka&#039;t ang mga gayon ay hindi nagsisipaglingkod sa Cristong Panginoon , kundi sa kanilang sariling tiyan ; at sa pamamagitan ng kanilang mabuting pananalita at maiinam na mga talumpati ay dinadaya ang mga puso ng mga walang malay . Sapagka&#039;t ang inyong pagtalima ay naging bantog sa lahat ng mga tao . Kaya&#039;t nagagalak ako tungkol sa inyo : datapuwa&#039;t ibig ko na kayo&#039;y maging marunong sa kabutihan , at musmos sa kasamaan . At si Satanas ay dudurugin ng Dios ng kapayapaan sa madaling panahon sa ilalim ng inyong mga paa . Ang biyaya nawa ng ating Panginoong Jesucristo ay sumainyo . Binabati kayo ni Timoteo na aking kamanggagawa ; at ni Lucio at ni Jason at ni Sosipatro , na aking mga kamaganak . Akong si Tercio , na sumusulat ng sulat na ito , ay bumabati sa inyo sa Panginoon . Binabati kayo ni Gayo na pinanunuluyanan ko , at ng buong iglesia . Binabati kayo ni Erasto na ingat-yaman ng bayan , at ng kapatid na si Cuarto . Ang biyaya ng ating Panginoong Jesucristo ay sumainyong lahat . Siya nawa . At ngayon sa kaniya na makapangyarihan na sa inyo&#039;y makapagpapatibay ayon sa aking evangelio at sa pangangaral ni Jesucristo , ayon sa pahayag ng hiwaga na natago sa katahimikan nang panahong walang hanggan . Datapuwa&#039;t nahayag na ngayon , at sa pamamagitan ng mga kasulatan ng mga propeta , ayon sa ipinagutos ng Dios na walang hanggan , ay ipinakilala sa lahat ng mga bansa upang magsitalima sa pananampalataya : Sa iisang Dios na marunong , sa pamamagitan ni Jesucristo , na sumasa kaniya ang kaluwalhatian magpakailan man . Siya nawa . </passage></reply></GetPassage>