<?xml version="1.0" encoding="UTF-8"?><GetPassage xmlns="http://relaxng.org/ns/structure/1.0" xmlns:tei="http://www.tei-c.org/ns/1.0" xmlns:ti="http://chs.harvard.edu/xmlns/cts"><request><requestName>GetPassage</requestName><requestUrn>urn:cts:pbc:bible.parallel.tgl.1905:46</requestUrn></request><reply><urn>urn:cts:pbc:bible.parallel.tgl.1905:46</urn><passage>Si Pablo , na tinawag na maging apostol ni Jesucristo sa pamamagitan ng kalooban ng Dios , at si Sostenes na ating kapatid , Sa iglesia ng Dios na nasa Corinto , sa makatuwid baga&#039;y sa mga pinapagingbanal kay Cristo Jesus , na tinawag na mangagbanal , na kasama ng lahat ng mga nagsisitawag sa bawa&#039;t dako , sa pangalan ng ating Panginoong Jesucristo , na kanila at ating Panginoon : Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Dios na ating Ama at sa Panginoong Jesucristo . Nagpapasalamat akong lagi sa aking Dios tungkol sa inyo , dahil sa biyaya ng Dios na ipinagkaloob sa inyo sa pamamagitan ni Cristo Jesus ; Na kayo ay pinayaman sa kanya , sa lahat ng mga bagay sa lahat ng pananalita at sa lahat ng kaalaman ; Gaya ng pinagtibay sa inyo ang patotoo ni Cristo : Ano pa&#039;t kayo&#039;y hindi nagkulang sa anomang kaloob ; na nagsisipaghintay ng paghahayag ng ating Panginoong Jesucristo ; Na siya namang magpapatibay sa inyo hanggang sa katapusan , upang huwag kayong mapagwikaan sa kaarawan ng ating Panginoong Jesucristo . Ang Dios ay tapat , na sa pamamagitan niya ay tinawag kayo sa pakikisama ng kaniyang anak na si Jesucristo na Panginoon natin . Ngayo&#039;y ipinamamanhik ko sa inyo , mga kapatid , sa pamamagitan ng pangalan ng ating Panginoong Jesucristo , na kayong lahat ay mangagsalita ng isa lamang bagay , at huwag mangagkaroon sa inyo ng mga pagkakabahabahagi ; kundi kayo&#039;y mangalubos sa isa lamang pagiisip at isa lamang paghatol . Sapagka&#039;t ipinatalastas sa akin tungkol sa inyo , mga kapatid ko , ng mga kasangbahay ni Cloe , na sa inyo&#039;y may mga pagtatalotalo . Ibig ko ngang sabihin ito , na ang bawa&#039;t isa sa inyo ay nagsasabi , Ako&#039;y kay Pablo ; at ako&#039;y kay Apolos ; at ako&#039;y kay Cefas ; at ako&#039;y kay Cristo . Nabahagi baga si Cristo ? ipinako baga sa krus si Pablo dahil sa inyo ? o binautismuhan baga kayo sa pangalan ni Pablo ? Nagpapasalamat ako sa Dios na hindi ko binautismuhan ang sinoman sa inyo , maliban si Crispo at si Gayo ; Baka masabi ninoman na kayo&#039;y binautismuhan sa pangalan ko . At binautismuhan ko rin naman ang sangbahayan ni Estefanas : maliban sa mga ito , di ko maalaman kung may nabautismuhan akong iba pa . Sapagka&#039;t hindi ako sinugo ni Cristo upang bumautismo , kundi upang mangaral ng evangelio : hindi sa karunungan ng mga salita baka mawalan ng kabuluhan ang krus ni Cristo . Sapagka&#039;t ang salita ng krus ay kamangmangan sa kanila na nangapapahamak ; nguni&#039;t ito&#039;y kapangyarihan ng Dios sa atin na nangaliligtas . Sapagka&#039;t nasusulat , Iwawalat ko ang karunungan ng marurunong , At isasawala ko ang kabaitan ng mababait . Saan naroon ang marunong ? saan naroon ang eskriba ? saan naroon ang mapagmatuwid sa sanglibutang ito ? hindi baga ginawa ng Dios na kamangmangan ang karunungan ng sanglibutan ? Sapagka&#039;t yamang sa karunungan ng Dios ay hindi nakilala ng sanglibutan ang Dios sa pamamagitan ng kaniyang karunungan , ay kinalugdan ng Dios na iligtas ang mga nagsisipanampalataya sa pamamagitan ng kamangmangan ng pangangaral . Ang mga Judio nga ay nagsisihingi ng mga tanda , at ang mga Griego ay nagsisihanap ng karunungan : Datapuwa&#039;t ang aming ipinangangaral ay ang Cristo na napako sa krus , na sa mga Judio ay katitisuran , at sa mga Gentil ay kamangmangan ; Nguni&#039;t sa kanila na mga tinawag , maging mga Judio at mga Griego , si Cristo ang kapangyarihan ng Dios , at ang karunungan ng Dios . Sapagka&#039;t ang kamangmangan ng Dios ay lalong marunong kay sa mga tao ; at ang kahinaan ng Dios ay lalong malakas kay sa mga tao . Sapagka&#039;t masdan ninyo ang sa inyo&#039;y pagkatawag , mga kapatid , na hindi ang maraming marurunong ayon sa laman , hindi ang maraming may kapangyarihan , hindi ang maraming mahal na tao ang mga tinawag : Kundi pinili ng Dios ang mga bagay na kamangmangan ng sanglibutan , upang hiyain niya ang mga marurunong ; at pinili ng Dios ang mga bagay na mahihina ng sanglibutan , upang hiyain niya ang mga bagay na malalakas ; At ang mga bagay na mababa ng sanglibutan , at ang mga bagay na hinamak , ang pinili ng Dios , oo at ang mga bagay na walang halaga upang mawalang halaga ang mga bagay na mahahalaga : Upang walang laman na magmapuri sa harapan ng Dios . Datapuwa&#039;t sa kaniya kayo&#039;y nangasa kay Cristo Jesus , na sa atin ay ginawang karunungang mula sa Dios , at katuwiran at kabanalan , at katubusan : Na , ayon sa nasusulat , Ang nagmamapuri , ay magmapuri sa Panginoon . At ako , mga kapatid , nang pumariyan sa inyo , ay hindi ako napariyan na may kagalingan sa pananalita o sa karunungan , na nagbabalita sa inyo ng patotoo ng Dios . Sapagka&#039;t aking pinasiyahang walang maalaman anoman sa gitna ninyo , maliban na si Jesucristo , at siya na napako sa krus . At ako&#039;y nakisama sa inyo na may kahinaan , at may katakutan , at may lubhang panginginig . At ang aking pananalita at ang aking pangangaral ay hindi sa mga salitang panghikayat ng karunungan , kundi sa patotoo ng Espiritu at ng kapangyarihan : Upang ang inyong pananampalataya ay huwag masalig sa karunungan ng mga tao , kundi sa kapangyarihan ng Dios . Gayon man , ay nangagsasalita kami ng karunungan sa mga may gulang : bagaman hindi ng karunungan ng sanglibutang ito , o ng mga may kapangyarihan sa sanglibutang ito , na ang mga ito&#039;y nangauuwi sa wala : Kundi sinasalita namin ang karunungan ng Dios sa hiwaga , yaong karunungan na itinalaga ng Dios , bago nilalang ang mga sanglibutan sa ikaluluwalhati natin : Na hindi napagkilala ng sinomang pinuno sa sanglibutang ito : sapagka&#039;t kung nakilala sana nila , ay dising di ipinako sa krus ang Panginoon ng kaluwalhatian : Datapuwa&#039;t gaya ng nasusulat , Ang mga bagay na hindi nakita ng mata , at ni narinig ng tainga , Ni hindi pumasok sa puso ng tao , Anomang mga bagay na inihanda ng Dios sa kanila na nangagsisiibig sa kaniya . Nguni&#039;t ang mga ito ay ipinahayag sa atin ng Dios sa pamamagitan ng Espiritu ; sapagka&#039;t nasisiyasat ng Espiritu ang lahat ng mga bagay , oo , ang malalalim na mga bagay ng Dios . Sapagka&#039;t sino sa mga tao ang nakakakilala ng mga bagay ng tao , kundi ang espiritu ng tao , na nasa kaniya ? gayon din naman ang mga bagay ng Dios ay hindi nakikilala ng sinoman , maliban na ng Espiritu ng Dios . Nguni&#039;t ating tinanggap , hindi ang espiritu ng sanglibutan , kundi ang espiritung mula sa Dios ; upang ating mapagkilala ang mga bagay na sa atin ay ibinigay na walang bayad ng Dios . Na ang mga bagay na ito ay atin namang sinasalita , hindi sa mga salitang itinuturo ng karunungan ng tao , kundi sa itinuturo ng Espiritu ; na iniwawangis natin ang mga bagay na ayon sa espiritu sa mga pananalitang ayon sa espiritu . Nguni&#039;t ang taong ayon sa laman ay hindi tumatanggap ng mga bagay ng Espiritu ng Dios : sapagka&#039;t ang mga ito ay kamangmangan sa kaniya ; at hindi niya nauunawa , sapagka&#039;t ang mga yaon ay sinisiyasat ayon sa espiritu . Nguni&#039;t ang sa espiritu ay nagsisiyasat sa lahat ng mga bagay , at siya&#039;y hindi sinisiyasat ng sinoman . Sapagka&#039;t sino ang nakakilala ng pagiisip ng Panginoon , upang siya&#039;y turuan niya ? Datapuwa&#039;t nasa atin ang pagiisip ni Cristo . At ako , mga kapatid , ay hindi nakapagsalita sa inyo na tulad sa mga nasa espiritu , kundi tulad sa mga nasa laman , tulad sa mga sanggol kay Cristo . Kinandili ko kayo ng gatas , at hindi ng lamang-kati ; sapagka&#039;t kayo&#039;y wala pang kaya noon : wala , na ngayon pa man ay wala kayong kaya ; Sapagka&#039;t kayo&#039;y mga sa laman pa : sapagka&#039;t samantalang sa inyo&#039;y may mga paninibugho at mga pagtatalo , hindi baga kayo&#039;y mga sa laman , at kayo&#039;y nagsisilakad ayon sa kaugalian ng mga tao ? Sapagka&#039;t kung sinasabi ng isa , Ako&#039;y kay Pablo ; at ng iba , Ako&#039;y kay Apolos ; hindi baga kayo&#039;y mga tao ? Ano nga si Apolos ? at Ano si Pablo ? Mga ministro na sa pamamagitan nila ay nagsisampalataya kayo ; at sa bawa&#039;t isa ayon sa ipinagkaloob ng Panginoon sa kaniya . Ako ang nagtanim , si Apolos ang nagdilig ; nguni&#039;t ang Dios ang siyang nagpalago . Ano pa&#039;t walang anoman ang nagtatanim , ni ang nagdidilig ; kundi ang Dios na nagpapalago . Ngayon ang nagtatanim at ang nagdidilig ay iisa : nguni&#039;t ang bawa&#039;t isa ay tatanggap ng kaniyang sariling kagantihan ayon sa kaniyang sariling pagpapagal . Sapagka&#039;t tayo ay mga kamanggagawa ng Dios : kayo ang bukid ng Dios , ang gusali ng Dios . Ayon sa biyaya ng Dios na ibinigay sa akin , na tulad sa matalinong tagapagtayo ay inilagay ko ang pinagsasaligan ; at iba ang nagtatayo sa ibabaw nito . Nguni&#039;t ingatan ng bawa&#039;t tao kung paano ang pagtatayo niya sa ibabaw nito . Sapagka&#039;t sinoman ay hindi makapaglalagay ng ibang pinagsasaligan , kundi ang nalalagay na , na ito&#039;y si Cristo Jesus . Datapuwa&#039;t kung ang sinoma&#039;y magtatayo sa ibabaw ng pinagsasaligang ito ng ginto , pilak , mga mahahalagang bato , kahoy , tuyong dayami ; Ang gawa ng bawa&#039;t isa ay mahahayag : sapagka&#039;t ang araw ang magsasaysay , sapagka&#039;t sa pamamagitan ng apoy inihahayag ; at ang apoy rin ang susubok sa gawa ng bawa&#039;t isa kung ano yaon . Kung ang gawa ng sinoman ay manatili , na kaniyang itinayo sa ibabaw niyaon , siya&#039;y tatanggap ng kagantihan . Kung ang gawa ng sinoman ay masunog , ay malulugi siya : nguni&#039;t siya sa kaniyang sarili ay maliligtas ; gayon ma&#039;y tulad sa pamamagitan ng apoy . Hindi baga ninyo nalalaman na kayo&#039;y templo ng Dios , at ang Espiritu ng Dios ay nananahan sa inyo ? Kung gibain ng sinoman ang templo ng Dios , siya&#039;y igigiba ng Dios ; sapagka&#039;t ang templo ng Dios ay banal , na ang templong ito ay kayo . Sinoma&#039;y huwag magdaya sa kaniyang sarili . Kung ang sinoman sa inyo ay nagiisip na siya&#039;y marunong sa kapanahunang ito , ay magpakamangmang siya , upang siya ang maging marunong . Sapagka&#039;t ang karunungan ng sanglibutang ito ay kamangmangan sa Dios . Sapagka&#039;t nasusulat , Hinuhuli niya ang marurunong sa kanilang katusuhan : At muli , Nalalaman ng Panginoon ang pangangatuwiran ng marurunong , na pawang walang kabuluhan . Kaya&#039;t huwag ipagmamapuri ninoman sa mga tao , Sapagka&#039;t ang lahat ng mga bagay ay sa inyo . Kahit si Pablo , kahit si Apolos , kahit si Cefas , kahit ang sanglibutan , kahit ang buhay , kahit ang kamatayan , kahit ang mga bagay na kasalukuyan , kahit ang mga bagay na darating ; lahat ay sa inyo : At kayo&#039;y kay Cristo ; at si Cristo ay sa Dios . Ipalagay nga kami ng sinoman na mga ministro ni Cristo , at mga katiwala ng mga hiwaga ng Dios . Bukod dito&#039;y kinakailangan sa mga katiwala , na ang bawa&#039;t isa ay maging tapat . Datapuwa&#039;t sa ganang akin ay isang bagay na totoong maliit ang ako&#039;y siyasatin ninyo , o ng pagsisiyasat ng tao : oo , ako&#039;y hindi nagsisiyasat sa aking sarili . Sapagka&#039;t wala akong nalalamang anomang laban sa aking sarili ; bagaman hindi dahil dito&#039;y inaaring-ganap ako : sapagka&#039;t ang nagsisiyasat sa akin ay ang Panginoon . Kaya nga huwag muna kayong magsihatol ng anoman , hanggang sa dumating ang Panginoon , na siya ang maghahayag ng mga bagay na nalilihim sa kadiliman , at ipahahayag naman ang mga haka ng mga puso ; at kung magkagayon ang bawa&#039;t isa ay magkakaroon ng kapurihan sa Dios . Ang mga bagay ngang ito , mga kapatid , ay inianyo ko sa halimbawa sa aking sarili at kay Apolos dahil sa inyo ; upang sa amin ay mangatuto kayo na huwag magsihigit sa mga bagay na nangasusulat ; upang ang sinoman sa inyo ay huwag magpalalo ang isa laban sa iba . Sapagka&#039;t sino ang gumawa na ikaw ay matangi ? at anong nasa iyo na hindi mo tinanggap ? nguni&#039;t kung tinanggap mo , ay bakit mo ipinagmamapuri na tulad sa hindi mo tinanggap ? Kayo&#039;y mga busog na , kayo&#039;y mayayaman na , kayo&#039;y nangaghari nang wala kami : at ibig ko sanang mangaghari kayo , upang kami nama&#039;y mangagharing kasama ninyo . Sapagka&#039;t iniisip ko , na pinalitaw ng Dios kaming mga apostol na mga kahulihulihan sa lahat , na tulad sa mga itinalaga sa kamatayan : sapagka&#039;t kami&#039;y ginawang panoorin ng sanglibutan , at ng mga anghel , at ng mga tao . Kami&#039;y mga mangmang dahil kay Cristo , nguni&#039;t kayo&#039;y marurunong kay Cristo ; kami&#039;y mahihina , nguni&#039;t kayo&#039;y malalakas ; kayo&#039;y may karangalan , datapuwa&#039;t kami ay walang kapurihan . Hanggang sa oras na ito&#039;y nangagugutom kami , at nangauuhaw , at mga hubad , at mga tinampal , at wala kaming tiyak na tahanan ; At kami&#039;y nangagpapagal , na nangagsisigawa ng aming sariling mga kamay : bagama&#039;t inuupasala , ay kami&#039;y nangagpapala ; bagama&#039;t mga pinaguusig , ay nangagtitiis kami ; Bagama&#039;t mga sinisiraangpuri , ay aming pinamamanhikan : kami&#039;y naging tulad ng yagit sa sanglibutan , sukal ng lahat ng mga bagay hanggang ngayon . Hindi ko isinusulat ang mga bagay na ito upang kayo&#039;y hiyain , kundi upang paalalahanan kayong tulad sa aking mga minamahal na anak . Sapagka&#039;t bagaman mangagkaroon kayo ng sampung libong mga guro kay Cristo , ay wala nga kayong maraming mga ama ; sapagka&#039;t kay Cristo Jesus ipinanganak ko kayo sa pamamagitan ng evangelio . Ipinamamanhik ko nga sa inyo , na kayo&#039;y maging mga tagatulad sa akin . Dahil dito&#039;y aking sinugo sa inyo si Timoteo , na aking minamahal at tapat na anak sa Panginoon , na siya ang sa inyo&#039;y magpapaalaala ng aking mga daang nanga kay Cristo , gaya ng itinuturo ko saan mang dako sa bawa&#039;t iglesia . Ang mga iba nga&#039;y nangagpapalalo , na waring hindi na ako mapapariyan sa inyo . Nguni&#039;t ako&#039;y paririyan agad sa inyo , kung loloobin ng Panginoon ; at aking aalamin , hindi ang salita ng nangagpapalalo , kundi ang kapangyarihan . Sapagka&#039;t ang kaharian ng Dios ay hindi sa salita , kundi sa kapangyarihan . Anong ibig ninyo ? paririyan baga ako sa inyo na may panghampas , o sa pagibig , at sa espiritu ng kahinahunan ? Sa kasalukuya&#039;y nababalita na sa inyo&#039;y may pakikiapid , at ang ganyang pakikiapid ay wala kahit sa mga Gentil , na isa sa inyo&#039;y nagaari ng asawa ng kaniyang ama . At kayo&#039;y mga mapagpalalo , at hindi kayo bagkus nangalumbay , upang maalis sa gitna ninyo ang gumagawa ng gawang ito . Sapagka&#039;t ako sa katotohanan , bagama&#039;t wala sa harapan ninyo sa katawan nguni&#039;t ako&#039;y nasa harapan ninyo sa espiritu , akin ngang hinatulan na ang gumawa ng bagay na ito , na tulad sa ako&#039;y nahaharap , Sa pangalan ng ating Panginoong Jesus , nang nangagkakatipon kayo , at ang aking espiritu , na taglay ang kapangyarihan ng ating Panginoong Jesus , Upang ang ganyan ay ibigay kay Satanas sa ikawawasak ng kaniyang laman , upang ang espiritu ay maligtas sa araw ng Panginoong Jesus . Hindi mabuti ang inyong pagmamapuri . Hindi baga ninyo nalalaman na ang kaunting lebadura ay nagpapakumbo sa buong limpak ? Alisin ninyo ang lumang lebadura , upang kayo&#039;y maging bagong limpak , na tulad sa kayo&#039;y walang lebadura . Sapagka&#039;t ang kordero ng ating paskua ay naihain na , sa makatuwid baga&#039;y si Cristo : Kaya nga ipangilin natin ang pista , hindi sa lumang lebadura , ni sa lebadura man ng masamang akala at ng kasamaan , kundi sa tinapay na walang lebadura ng pagtatapat at ng katotohanan . Isinulat ko sa inyo sa aking sulat na huwag kayong makisama sa mga mapakiapid ; Tunay nga hindi ang ibig sabihin ay sa mga mapakiapid sa sanglibutang ito , o sa mga masasakim at mga manglulupig , o sa mga mananamba sa diosdiosan ; sapagka&#039;t kung gayo&#039;y kinakailangang magsialis kayo sa sanglibutan : Datapuwa&#039;t sinusulatan ko nga kayo , na huwag kayong makisama sa kanino mang tinatawag na kapatid , kung siya&#039;y mapakiapid , o masakim , o mananamba sa diosdiosan , o mapagtungayaw , o manglalasing , o manglulupig ; sa gayo&#039;y huwag man lamang kayong makisalo . Sapagka&#039;t ano sa akin ang humatol sa nangasa labas ? Hindi baga kayo nagsisihatol sa nangasa loob ? Datapuwa&#039;t sa nangasa labas ay Dios ang humahatol . Alisin nga ninyo sa inyo ang masamang tao . Nangangahas baga ang sinoman sa inyo , kung mayroong anomang bagay laban sa iba , na siya&#039;y magsakdal sa harapan ng mga liko , at hindi sa harapan ng mga banal ? O hindi baga ninyo nalalaman na ang mga banal ay magsisihatol sa sanglibutan ? at kung ang sanglibutan ay hahatulan ninyo , hindi kaya baga dapat magsihatol kayo sa mga bagay na pinakamaliit ? Hindi baga ninyo nalalaman na ating hahatulan ang mga anghel ? gaano pa kaya ang mga bagay na nauukol sa buhay na ito ? Kung kayo nga&#039;y mayroong usapin na mga bagay na nauukol sa buhay na ito , ilalagay baga ninyo upang magsihatol ang mga taong walang halaga sa iglesia ? Sinasabi ko ito upang mangahiya kayo . Ano , diyata&#039;t wala baga sa inyo na isa mang marunong na makapagpapayo sa kaniyang mga kapatid , Kundi ang kapatid ay nakikipagusapin laban sa kapatid , at ito&#039;y sa harapan ng mga hindi nagsisipanampalataya ? Ngayon nga , tunay na isang pagkukulang sa inyo ang kayo-kayo&#039;y magkaroon ng mga usapin . Bakit hindi bagkus ninyong tiisin ang mga kalikuan ? bakit hindi bagkus kayo&#039;y padaya ? Nguni&#039;t kayo rin ang mga nagsisigawa ng kalikuan , at nangagdaraya , at ito&#039;y sa mga kapatid ninyo . O hindi baga ninyo nalalaman na ang mga liko ay hindi magsisipagmana ng kaharian ng Dios ? Huwag kayong padaya : kahit ang mga mapakiapid , ni ang mga mananamba sa diosdiosan , ni ang mga mangangalunya , ni ang mga nangbababae , ni ang mga mapakiapid sa kapuwa lalake . Ni ang mga magnanakaw , ni ang mga masasakim , ni ang mga manglalasing , ni ang mga mapagtungayaw , ni ang mga manglulupig , ay hindi mangagmamana ng kaharian ng Dios . At ganyan ang mga ilan sa inyo : nguni&#039;t nangahugasan na kayo , nguni&#039;t binanal na kayo , nguni&#039;t inaring-ganap na kayo sa pangalan ng Panginoong Jesucristo , at sa Espiritu ng ating Dios . Ang lahat ng mga bagay sa akin ay matuwid ; nguni&#039;t hindi ang lahat ay nararapat . Ang lahat ng mga bagay sa akin ay matuwid ; nguni&#039;t hindi ako pasasakop sa kapangyarihan ng anoman . Ang mga pagkain ay sa tiyan , at ang tiyan ay sa mga pagkain : nguni&#039;t kapuwa iwawasak ng Dios yaon at ang mga ito . Datapuwa&#039;t ang katawan ay hindi sa pakikiapid , kundi sa Panginoon ; at ang Panginoon ay sa katawan : At muling binuhay ng Dios ang Panginoon , at muling bubuhayin naman tayo sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan . Hindi baga ninyo nalalaman na ang inyong mga katawan ay mga sangkap ni Cristo ? kukunin ko nga baga ang mga sangkap ni Cristo , at gagawin kong mga sangkap ng isang patutot ? Huwag nawang mangyari . O hindi baga ninyo nalalaman na ang nakikisama sa patutot , ay kaisang katawan niya ? sapagka&#039;t sinasabi niya , Ang dalawa ay magiging isang laman . Nguni&#039;t ang nakikisama sa Panginoon , ay kaisang espiritu niya . Magsitakas kayo sa pakikiapid . Lahat ng kasalanang gawin ng mga tao ay nangasa labas ng katawan ; nguni&#039;t ang gumagawa ng pakikiapid ay nagkakasala laban sa kaniyang sariling katawan . O hindi baga ninyo nalalaman na ang inyong katawan ay templo ng Espiritu Santo na nasa inyo , na tinanggap ninyo sa Dios ? at hindi kayo sa inyong sarili ; Sapagka&#039;t kayo&#039;y binili sa halaga : luwalhatiin nga ninyo ng inyong katawan ang Dios . At tungkol sa mga bagay na isinulat ninyo sa akin : Mabuti sa lalake ay huwag humipo sa babae . Datapuwa&#039;t , dahil sa mga pakikiapid , ang bawa&#039;t lalake ay magkaroon ng kaniyang sariling asawa , at bawa&#039;t babae ay magkaroon ng kaniyang sariling asawa . Ibigay ng lalake sa asawa ang sa kaniya&#039;y nararapat : at gayon din naman ang babae sa asawa . Ang babae ay walang kapangyarihan sa kaniyang sariling katawan , kundi ang asawa : at gayon din naman ang lalake ay walang kapangyarihan sa kaniyang sariling katawan , kundi ang asawa . Huwag magpigil ang isa&#039;t isa , maliban kung pagkasunduan sa ilang panahon , upang kayo&#039;y mamalagi sa pananalangin , at muling kayo&#039;y magsama , baka kayo&#039;y tuksuhin ni Satanas dahil sa inyong kawalan ng pagpipigil . Nguni&#039;t ito&#039;y sinasabi ko na parang payo , hindi sa utos . Kaya&#039;t ibig ko sana , na ang lahat ng tao ay maging gaya ko . Nguni&#039;t ang bawa&#039;t tao&#039;y mayroong kanikaniyang kaloob na mula sa Dios , ang isa&#039;y ayon sa paraang ito , at ang iba&#039;y ayon sa paraan yaon . Datapuwa&#039;t sinasabi ko sa mga walang asawa , at sa mga babaing bao , Mabuti sa kanila kung sila&#039;y magsipanatiling gayon sa makatuwid baga&#039;y gaya ko . Nguni&#039;t kung sila&#039;y hindi makapagpigil , ay magsipagasawa : sapagka&#039;t magaling ang magasawa kay sa mangagningas ang pita . Datapuwa&#039;t sa mga may asawa ay aking ipinaguutos , Nguni&#039;t hindi ako , kundi ang Panginoon , na ang babae ay huwag humiwalay sa kaniyang asawa . ( Datapuwa&#039;t kung siya&#039;y humiwalay , ay manatiling walang asawa , o kaya&#039;y makipagkasundo sa kaniyang asawa ) ; at huwag hiwalayan ng lalake ang kaniyang asawa . Datapuwa&#039;t sa iba , ay ako ang nagsasabi , hindi ang Panginoon : Kung ang sinomang kapatid na lalake ay may asawang hindi sumasampalataya , at kung kalooban niyang makipamahay sa kaniya , ay huwag niyang hiwalayan . At ang babaing may asawang hindi sumasampalataya , at kalooban niyang makipamahay sa kaniya , ay huwag niyang hiwalayan ang kaniyang asawa . Sapagka&#039;t ang lalaking hindi sumasampalataya ay nagiging banal sa pamamagitan ng kaniyang asawa , at ang babaing hindi sumasampalataya ay nagiging banal sa pamamagitan ng kaniyang asawa : sa ibang paraa&#039;y ang inyong mga anak ay nangagkaroon ng kapintasan ; nguni&#039;t ngayo&#039;y mga banal . Gayon ma&#039;y kung humiwalay ang hindi sumasampalataya , ay bayaan siyang humiwalay : ang kapatid na lalake o kapatid na babae ay hindi natatali sa mga ganitong bagay : kundi sa kapayapaan kayo tinawag ng Dios . Sapagka&#039;t paanong malalaman mo , Oh babae , kung maililigtas mo ang iyong asawa ? o paanong malalaman mo , Oh lalake , kung maililigtas mo ang iyong asawa ? Ayon nga lamang sa ipinamahagi ng Panginoon sa bawa&#039;t isa , at ayon sa pagkatawag ng Dios sa bawa&#039;t isa , ay gayon siya lumakad . At gayon ang iniuutos ko sa lahat ng mga iglesia . Tinawag baga ang sinomang taong tuli na ? huwag siyang maging di tuli . Tinawag baga ang sinomang di tuli ? huwag siyang maging tuli . Ang pagtutuli ay walang anoman , at ang di pagtutuli ay walang anoman ; kundi ang pagtupad sa mga utos ng Dios . Bayaang ang bawa&#039;t isa&#039;y manatili doon sa pagkatawag na itinawag sa kaniya . Ikaw baga&#039;y alipin ng ikaw ay tinawag ? huwag kang magalaala : kung maaaring ikaw ay maging malaya , ay pagsikapan mo ng maging laya . Sapagka&#039;t ang tinawag sa Panginoon nang siya&#039;y alipin , ay malaya sa Panginoon : gayon din naman ang tinawag nang siya&#039;y malaya , ay alipin ni Cristo . Sa halaga kayo&#039;y binili ; huwag kayong maging mga alipin ng mga tao . Mga kapatid , bayaang ang bawa&#039;t isa&#039;y manatili sa Dios sa kalagayang itinawag sa kaniya . Ngayon , tungkol sa mga dalaga ay wala akong utos ng Panginoon : nguni&#039;t ibinibigay ko ang aking pasiya , na tulad sa nagkamit ng habag ng Panginoon upang mapagkatiwalaan . Inaakala ko ngang mabuti ito dahil sa kasalukuyang kahapisan , sa makatuwid baga&#039;y mabuti ngang ang tao&#039;y manatili ng ayon sa kaniyang kalagayan . Natatali ka ba sa asawa ? huwag mong pagsikapang ikaw ay makakalag . Ikaw baga&#039;y kalag sa asawa ? huwag kang humanap ng asawa . Nguni&#039;t kung ikaw ay magasawa , ay hindi ka nagkakasala ; at kung ang isang dalaga ay magasawa , ay hindi siya nagkakasala . Datapuwa&#039;t ang mga gayon ay magkakaroon ng kahirapan sa laman : at ibig ko sanang kayo&#039;y iligtas . Nguni&#039;t sinasabi ko ito , mga kapatid , ang panahon ay pinaikli , upang mula ngayon ang mga lalaking may asawa ay maging mga tulad sa wala ; At ang mga nagsisiiyak , ay maging tulad sa mga hindi nagsisiiyak ; at ang nangagagalak , ay maging tulad sa hindi nangagagalak ; at ang mga nagsisibili , ay maging tulad sa mga walang inaari ; At ang mga nagsisigamit ng sanglibutan , ay maging tulad sa hindi nangagpapakalabis ng paggamit : sapagka&#039;t ang kaasalan ng sanglibutang ito ay lumilipas . Datapuwa&#039;t ang ibig ko ay mawalan kayo ng kabalisahan . Ang walang asawa ay nagsusumakit sa mga bagay ng Panginoon , kung paanong makalulugod sa Panginoon : Nguni&#039;t ang may asawa ay nagsusumakit sa mga bagay ng sanglibutan , kung paanong makalulugod sa kaniyang asawa , At nagkakabahagi ang isipan . Gayon din naman ang babaing walang asawa at ang dalaga , ay nagsusumakit sa mga bagay ng Panginoon , upang siya&#039;y maging banal sa katawan at sa espiritu man ; nguni&#039;t ang babaing may asawa ay nagsusumakit sa mga bagay ng sanglibutan , kung paanong makalulugod sa kaniyang asawa . At ito&#039;y sinasabi ko sa inyong sariling kapakinabangan ; hindi upang alisin ko ang inyong kalayaan , kundi dahil sa bagay na nararapat , at upang kayo&#039;y makapaglingkod sa Panginoon nang walang abala . Nguni&#039;t kung iniisip ng sinomang lalake na hindi siya gumagawa ng marapat sa kaniyang anak na dalaga , kung ito&#039;y sumapit na sa kaniyang katamtamang gulang , at kung kailangan ay sundin niya ang kaniyang maibigan , hindi siya nagkakasala ; bayaang mangagasawa sila . Subali&#039;t ang nananatiling matibay sa kaniyang puso , na walang kailangan , kundi may kapangyarihan tungkol sa kaniyang sariling kalooban , at pinasiyahan sa kaniyang sariling puso na ingatan ang kaniyang sariling anak na dalaga , ay mabuti ang gagawin . Kaya nga ang nagpapahintulot sa kaniyang anak na dalaga na magasawa ay gumagawa ng mabuti ; at ang hindi nagpapahintulot na siya&#039;y magasawa ay gumagawa ng lalong mabuti . Ang babaing may asawa ay natatalian samantalang nabubuhay ang kaniyang asawa ; nguni&#039;t kung patay na ang kaniyang asawa , ay may kalayaan siyang makapagasawa sa kanino mang ibig niya ; sa kalooban lamang ng Panginoon . Nguni&#039;t lalong maligaya siya kung manatili ng ayon sa kaniyang kalagayan , ayon sa aking akala : at iniisip ko na ako&#039;y may Espiritu rin naman ng Dios . Ngayon tungkol sa mga bagay na inihain sa mga diosdiosan : Nalalaman natin na tayong lahat ay may kaalaman . Ang kaalaman ay nagpapalalo , nguni&#039;t ang pagibig ay nagpapatibay . Kung ang sinoman ay nagaakala na siya&#039;y may nalalamang anoman , ay wala pang nalalaman gaya ng nararapat niyang maalaman ; Datapuwa&#039;t kung ang sinoman ay umiibig sa Dios , ay kilala niya ang gayon . Tungkol nga sa pagkain ng mga bagay na inihain sa mga diosdiosan , nalalaman natin na ang diosdiosan ay walang kabuluhan sa sanglibutan , at walang Dios liban sa iisa . Sapagka&#039;t bagama&#039;t mayroong mga tinatawag na mga dios , maging sa langit o maging sa lupa ; gaya nang may maraming mga dios at maraming mga panginoon ; Nguni&#039;t sa ganang atin ay may isang Dios lamang , ang Ama , na buhat sa kaniya ang lahat ng mga bagay , at tayo&#039;y sa kaniya ; at isa lamang Panginoon , si Jesucristo , na sa pamamagitan niya ang lahat ng mga bagay , at tayo&#039;y sa pamamagitan niya . Gayon ma&#039;y wala sa lahat ng mga tao ang kaalamang iyan : kundi ang ilan na hanggang ngayon ay nangamimihasa sa diosdiosan , ay kumakain na parang isang bagay na inihain sa diosdiosan ; at ang kanilang budhi palibhasa&#039;y mahina ay nangahahawa . Datapuwa&#039;t ang pagkain ay hindi magtataguyod sa atin sa Dios : ni hindi tayo masama , kung tayo&#039;y di magsikain ; ni hindi tayo lalong mabuti , kung tayo&#039;y magsikain . Datapuwa&#039;t magsipagingat kayo baka sa anomang paraan ang inyong kalayaang ito ay maging katitisuran sa mahihina . Sapagka&#039;t kung makita ng sinomang ikaw na may kaalaman na nakikisalo sa pagkain sa templo ng diosdiosan , hindi baga titibay ang kaniyang budhi , kung siya&#039;y mahina , upang kumain ng mga bagay na inihain sa mga diosdiosan ? Sapagka&#039;t sa pamamagitan ng iyong kaalaman ay napapahamak ang mahina , ang kapatid na dahil sa kaniya&#039;y namatay si Cristo . At sa ganitong pagkakasala laban sa mga kapatid , at sa pagkakasugat ng kaniyang budhi kung ito&#039;y mahina , ay nangagkakasala kayo laban kay Cristo . Kaya , kung ang pagkain ay nakapagpapatisod sa aking kapatid , kailan man ay hindi ako kakain ng lamang-kati , upang ako&#039;y huwag makapagpatisod sa aking kapatid . Hindi baga ako&#039;y malaya ? hindi baga ako&#039;y apostol ? hindi ko baga nakita si Jesus na Panginoon natin ? hindi baga kayo&#039;y gawa ko sa Panginoon ? Kung sa iba&#039;y hindi ako apostol , sa inyo man lamang ako&#039;y gayon ; sapagka&#039;t ang tatak ng aking pagkaapostol ay kayo sa Panginoon . Ito ang aking pagsasanggalang sa mga nagsisiyasat sa akin . Wala baga kaming matuwid na magsikain at magsiinom ? Wala baga kaming matuwid na magsipagsama ng isang asawa na sumasampalataya , gaya ng iba&#039;t ibang mga apostol , at ng mga kapatid ng Panginoon , at ni Cefas ? O ako baga lamang at si Bernabe ang walang matuwid na magsitigil ng paggawa ? Sinong kawal ang magpakailan pa man ay naglilingkod sa kaniyang sariling gugol ? sino ang nagtatanim ng isang ubasan , at hindi kumakain ng bunga niyaon ? o sino ang nagpapakain sa kawan , at hindi kumakain ng gatas ng kawan ? Ang mga ito baga&#039;y sinasalita ko ayon sa kaugalian lamang ng mga tao ? o di baga sinasabi rin naman ang gayon ng kautusan ? Sapagka&#039;t nasusulat sa kautusan ni Moises , Huwag mong lalagyan ng busal ang baka pagka gumigiik . Ang mga baka baga ay iniingatan ng Dios , O sinasabi kayang tunay ito dahil sa atin ? Oo , dahil sa atin ito sinulat : sapagka&#039;t ang nagsasaka ay dapat magsaka sa pagasa , at ang gumigiik , ay sa pagasa na makakabahagi . Kung ipinaghasik namin kayo ng mga bagay na ayon sa espiritu , malaking bagay baga na aming anihin ang inyong mga bagay na ayon sa laman ? Kung ang iba ay mayroon sa inyong matuwid , hindi baga lalo pa kami ? Gayon ma&#039;y hindi namin ginamit ang matuwid na ito ; kundi aming tinitiis ang lahat ng mga bagay , upang huwag kaming makahadlang sa evangelio ni Cristo . Hindi baga ninyo nalalaman na ang mga nagsisipangasiwa sa mga bagay na banal , ay nagsisikain ng mga bagay na ukol sa templo , at ang mga nagsisipaglingkod sa dambana ay mga kabahagi ng dambana ? Gayon din naman ipinagutos ng Panginoon na ang mga nagsisipangaral ng evangelio ay dapat mangabuhay sa pamamagitan ng evangelio . Nguni&#039;t ako&#039;y hindi gumamit ng anoman sa mga bagay na ito : at hindi ko sinusulat ang mga bagay na ito upang gawin ang gayon sa akin ; sapagka&#039;t mabuti pa sa akin ang mamatay , kay sa pawalang kabuluhan ninoman ang aking karangalan . Sapagka&#039;t kung ipinangangaral ko ang evangelio , ay wala akong sukat ipagmapuri ; sapagka&#039;t ang pangangailangan ay iniatang sa akin ; sapagka&#039;t sa aba ko kung hindi ko ipangaral ang evangelio . Sapagka&#039;t kung ito&#039;y gawin ko sa aking sariling kalooban , ay may ganting-pala ako : nguni&#039;t kung hindi sa aking sariling kalooban , ay mayroon akong isang pamamahala na ipinagkatiwala sa akin . Ano nga kaya ang aking ganting-pala ? Na pagka ipinangangaral ko ang evangelio , ay ang evangelio ay maging walang bayad , upang huwag kong gamiting lubos ang aking karapatan sa evangelio . Sapagka&#039;t bagaman ako ay malaya sa lahat ng mga tao , ay napaalipin ako sa lahat , upang ako&#039;y makahikayat ng lalong marami . At sa mga Judio , ako&#039;y nagaring tulad sa Judio , upang mahikayat ko ang mga Judio ; sa mga nasa ilalim ng kautusan ay gaya ng nasa ilalim ng kautusan , bagaman wala ako sa ilalim ng kautusan upang mahikayat ang mga nasa ilalim ng kautusan ; Sa mga walang kautusan , ay tulad sa walang kautusan , bagama&#039;t hindi ako walang kautusan sa Dios , kundi nasa ilalim ng kautusan ni Cristo , upang mahikayat ko ang mga walang kautusan . Sa mga mahihina ako&#039;y nagaring mahina , upang mahikayat ko ang mahihina : sa lahat ng mga bagay ay nakibagay ako sa lahat ng mga tao , upang sa lahat ng mga paraan ay mailigtas ko ang ilan . At ginawa ko ang lahat ng mga bagay dahil sa evangelio , upang ako&#039;y makasamang makabahagi nito . Hindi baga ninyo nalalaman na ang mga nagsisitakbo sa takbuhan ay tumatakbong lahat , nguni&#039;t iisa lamang ang tumatanggap ng ganting-pala ? Magsitakbo kayo ng gayon ; upang magsipagtamo kayo . At ang bawa&#039;t tao na nakikipaglaban sa mga palaruan ay mapagpigil sa lahat ng mga bagay . Ginagawa nga nila ito upang magsipagtamo ng isang putong na may pagkasira ; nguni&#039;t tayo&#039;y niyaong walang pagkasira . Ako nga&#039;y tumatakbo sa ganitong paraan , na hindi gaya ng nagsasapalaran ; sa ganito rin ako&#039;y sumusuntok , na hindi gaya ng sumusuntok sa hangin : Nguni&#039;t hinahampas ko ang aking katawan , at aking sinusupil : baka sakaling sa anomang paraan , pagkapangaral ko sa iba , ay ako rin ay itakuwil . Sapagka&#039;t hindi ko ibig mga kapatid , na di ninyo maalaman , na ang ating mga magulang ay nangapasa ilalim ng alapaap , at ang lahat ay nagsitawid sa dagat ; At lahat ay nangabautismuhan kay Moises sa alapaap at sa dagat ; At lahat ay nagsikain ng isang pagkain ding ayon sa espiritu ; At lahat ay nagsiinom ng isang inumin ding ayon sa espiritu ; sapagka&#039;t nagsiinom sa batong ayon sa espiritu na sumunod sa kanila : at ang batong yaon ay si Cristo . Bagaman ang karamihan sa kanila ay hindi nakalugod sa Dios ; sapagka&#039;t sila&#039;y ibinuwal sa ilang . Ang mga bagay na ito nga&#039;y pawang naging mga halimbawa sa atin , upang huwag tayong magsipagnasa ng mga bagay na masama na gaya naman nila na nagsipagnasa . Ni huwag din naman kayong mapagsamba sa mga diosdiosan , gaya niyaong ilan sa kanila ; ayon sa nasusulat , Naupo ang bayan upang magsikain at magsiinom , at nagsitindig upang magsipagsayaw . Ni huwag din naman tayong makiapid , na gaya ng ilan sa kanila na nangakiapid , at ang nangabuwal sa isang araw ay dalawangpu at tatlong libo . Ni huwag din naman nating tuksuhin ang Panginoon , na gaya ng pagkatukso ng ilan sa kanila , at nangapahamak sa pamamagitan ng mga ahas . Ni huwag din kayong mangagbulongbulungan , na gaya ng ilan sa kanila na nangagbulungan , at nangapahamak sa pamamagitan ng mga mangwawasak . Ang mga bagay na ito nga&#039;y nangyari sa kanila na pinakahalimbawa ; at pawang nangasulat sa pagpapaalaala sa atin , na mga dinatnan ng katapusan ng mga panahon . Kaya&#039;t ang may akalang siya&#039;y nakatayo , magingat na baka mabuwal . Hindi dumating sa inyo ang anomang tukso kundi yaong matitiis ng tao : datapuwa&#039;t tapat ang Dios , na hindi niya itutulot na kayo&#039;y tuksuhin ng higit sa inyong makakaya ; kundi kalakip din ng tukso ay gagawin naman ang paraan ng pagilag , upang ito&#039;y inyong matiis . Kaya , mga minamahal ko , magsitakas kayo sa pagsamba sa diosdiosan . Ako&#039;y nagsasalitang tulad sa marurunong ; hatulan ninyo ang sinasabi ko . Ang saro ng pagpapala na ating pinagpapala , hindi baga siyang pakikipagkaisa ng dugo ni Cristo ? Ang tinapay na ating pinagpuputolputol , hindi baga siyang pakikipagkaisa ng katawan ni Cristo ? Bagaman tayo&#039;y marami , ay iisa lamang tinapay , iisang katawan : sapagka&#039;t tayong lahat ay nakikibahagi sa isa lamang tinapay . Tingnan ninyo ang Israel na ayon sa laman : ang mga nagsisikain baga ng mga hain ay wala kayang pakikipagkaisa sa dambana ? Ano ang aking sinasabi ? na ang hain baga sa mga diosdiosan ay may kabuluhan ? o ang diosdiosan ay may kabuluhan ? Subali&#039;t sinasabi ko , na ang mga bagay na inihahain ng mga Gentil , ay kanilang inihahain sa mga demonio , at hindi sa Dios : at di ko ibig na kayo&#039;y mangagkaroon ng pakikipagkaisa sa mga demonio . Hindi ninyo maiinuman ang saro ng Panginoon , at ang saro ng mga demonio : kayo&#039;y hindi maaaring makisalo sa dulang ng Panginoon , at sa dulang ng mga demonio . O minumungkahi baga natin sa paninibugho ang Panginoon ? tayo baga&#039;y lalong malakas kay sa kaniya ? Lahat ng mga bagay ay matuwid ; nguni&#039;t hindi ang lahat ng mga bagay ay nararapat . Lahat ng mga bagay ay matuwid ; nguni&#039;t hindi ang lahat ng mga bagay ay makapagpapatibay . Huwag hanapin ninoman ang sa kaniyang sarili , kundi ang ikabubuti ng kapuwa . Lahat ng ipinagbibili sa pamilihan ay kanin ninyo , at huwag kayong magsipagtanong ng anoman dahilan sa budhi ; Sapagka&#039;t ang lupa ay sa Panginoon , at ang kabuuan ng naririto . Kung kayo&#039;y aanyayahan ng isang hindi sumasampalataya , at ibig ninyong pumaroon ; ang anomang ihain sa inyo ay kanin ninyo , at huwag kayong magsipagtanong ng anoman dahilan sa budhi . Datapuwa&#039;t kung sa inyo&#039;y may magsabi , Ito&#039;y inihandog na hain , ay huwag ninyong kanin , dahilan doon sa nagpahayag at dahilan sa budhi ; Budhi , sinasabi ko , hindi ang inyong sarili , kundi ang sa iba ; sapagka&#039;t bakit hahatulan ang kalayaan ng budhi ng iba ? Kung nakikisalo ako na may pagpapasalamat , bakit ako&#039;y aalipustain ng dahil sa aking ipinagpapasalamat ? Kaya kung kayo&#039;y nagsisikain man , o nagsisiinom man o anoman ang inyong ginagawa , gawin ninyo ang lahat sa ikaluluwalhati ng Dios . Huwag kayong magbigay ng dahilang ikatitisod , sa mga Judio man , sa mga Griego man , o sa iglesia man ng Dios : Na gaya ko din naman , na sa lahat ng mga bagay ay nagbibigay lugod ako sa lahat ng mga tao , na hindi ko hinahanap ang aking sariling kapakinabangan , kundi ang sa marami , upang sila&#039;y mangaligtas . Maging taga tulad kayo sa akin , na gaya ko naman kay Cristo . Kayo&#039;y aking pinupuri nga , na sa lahat ng mga bagay ay naaalaala ninyo ako , at iniingatan ninyong matibay ang mga turo , na gaya ng ibinigay ko sa inyo . Datapuwa&#039;t ibig ko na inyong maalaman , na ang pangulo ng bawa&#039;t lalake ay si Cristo , at ang pangulo ng babae ay ang lalake , at ang pangulo ni Cristo ay ang Dios . Ang bawa&#039;t lalaking nanalangin , o nanghuhula na may takip ang ulo , ay niwawalan ng puri ang kaniyang ulo . Datapuwa&#039;t ang bawa&#039;t babaing nananalangin o nanghuhula na walang lambong ang kaniyang ulo , niwawalan ng puri ang kaniyang ulo ; sapagka&#039;t gaya rin ng kung kaniyang inahitan . Sapagka&#039;t kung ang babae ay walang lambong , ay pagupit naman ; nguni&#039;t kung kahiyahiya sa babae ang pagupit o paahit , ay maglambong siya . Sapagka&#039;t katotohanang ang lalake ay hindi dapat maglambong sa kaniyang ulo , palibhasa&#039;y larawan siya at kaluwalhatian ng Dios : nguni&#039;t ang babae ay siyang kaluwalhatian ng lalake . Sapagka&#039;t ang lalake ay hindi sa babae ; kundi ang babae ay sa lalake : Sapagka&#039;t hindi nilalang ang lalake dahil sa babae ; kundi ang babae dahil sa lalake ; Dahil dito&#039;y nararapat na ang babae ay magkaroon sa kaniyang ulo ng tanda ng kapamahalaan , dahil sa mga anghel . Gayon man , ang babae ay di maaaring walang lalake at ang lalake ay di maaaring walang babae , sa Panginoon . Sapagka&#039;t kung paanong ang babae ay sa lalake , gayon din naman ang lalake ay sa pamamagitan ng babae ; datapuwa&#039;t ang lahat ng mga bagay ay sa Dios . Hatulan ninyo sa inyo-inyong sarili : nararapat baga na manalangin ang babae sa Dios nang walang lambong ? Hindi baga ang katalagahan din ang nagtuturo sa inyo , na kung may mahabang buhok ang lalake , ay mahalay sa kaniya ? Datapuwa&#039;t kung ang babae ang may mahabang buhok , ay isang kapurihan niya ; sapagka&#039;t ang buhok sa kaniya&#039;y ibinigay na pangtakip . Datapuwa&#039;t kung tila mapagtunggali ang sinoman , walang gayong ugali kami , ni ang iglesia man ng Dios . Datapuwa&#039;t sa pagtatagubilin sa inyo nito , ay hindi ko kayo pinupuri , sapagka&#039;t kayo&#039;y nangagkakatipon hindi sa lalong mabuti kundi sa lalong masama . Sapagka&#039;t unauna&#039;y nababalitaan ko na kung nangagkakatipon kayo sa iglesia , ay mayroon sa inyong mga pagkakabahabahagi ; at may kaunting paniniwala ako . Sapagka&#039;t tunay na sa inyo&#039;y mayroong mga hidwang pananampalataya , upang yaong mga napatunayan na ay mangahayag sa inyo . Kung kayo nga ay nangagkakatipon , ay hindi kayo maaaring magsikain ng hapunan ng Panginoon ; Sapagka&#039;t sa inyong pagkain , ang bawa&#039;t isa&#039;y kumukuha ng kanikaniyang sariling hapunan na nagpapauna sa iba ; at ang isa ay gutom , at ang iba&#039;y lasing . Ano , wala baga kayong mga bahay na inyong makakanan at maiinuman ? o niwawalang halaga ninyo ang iglesia ng Dios , at hinihiya ninyo ang mga wala ng anoman ? Ano ang aking sasabihin sa inyo ? Kayo baga&#039;y aking pupurihin ? Sa bagay na ito ay hindi ko kayo pinupuri . Sapagka&#039;t tinanggap ko sa Panginoon ang ibinibigay ko naman sa inyo ; na ang Panginoong Jesus nang gabing siya&#039;y ipagkanulo ay dumampot ng tinapay ; At nang siya&#039;y makapagpasalamat , ay kaniyang pinagputolputol , at sinabi , Ito&#039;y aking katawan na pinagputolputol dahil sa inyo : gawin ninyo ito sa pagaalaala sa akin . At gayon din naman hinawakan ang saro pagkatapos na makahapon , na sinasabi , Ang sarong ito&#039;y siyang bagong tipan sa aking dugo : gawin ninyo ito sa tuwing kayo&#039;y magsisiinom , sa pagaalaala sa akin . Sapagka&#039;t sa tuwing kanin ninyo ang tinapay na ito , at inuman ninyo ang saro , ay inihahayag ninyo ang pagkamatay ng Panginoon hanggang sa dumating siya . Kaya&#039;t ang sinomang kumain ng tinapay , o uminom sa saro ng Panginoon , na di nararapat , ay magkakasala sa katawan at dugo ng Panginoon . Datapuwa&#039;t siyasatin ng tao ang kaniyang sarili , at saka kumain ng tinapay , at uminom sa saro . Sapagka&#039;t ang kumakain at umiinom , ay kumakain at umiinom ng hatol sa kaniyang sarili , kung hindi niya kinikilala ang katawan ng Panginoon . Dahil dito&#039;y marami sa inyo ang mahihina at mga masasaktin , at hindi kakaunti ang nangatutulog . Datapuwa&#039;t kung ating kilalanin ang ating sarili , ay hindi tayo hahatulan . Datapuwa&#039;t kung tayo&#039;y hinahatulan , ay pinarurusahan tayo ng Panginoon , upang huwag tayong mahatulang kasama ng sanglibutan . Dahil dito , mga kapatid ko , kung kayo&#039;y mangagsasalosalo sa pagkain , ay mangaghintayan kayo . Kung ang sinoman ay magutom , kumain siya sa bahay ; upang ang inyong pagsasalosalo ay huwag maging sa paghatol . At ang iba ay aking aayusin pagpariyan ko . Ngayong tungkol sa mga kaloob na ayon sa espiritu , mga kapatid , ay hindi ko ibig na hindi kayo makaalam . Nalalaman ninyo na nang kayo&#039;y mga Gentil pa , ay iniligaw kayo sa mga piping diosdiosan , sa alin mang paraang pagkahatid sa inyo . Kaya&#039;t ipinatatalastas ko sa inyo , na wala sinomang nagsasalita sa pamamagitan ng Espiritu ng Dios ay nagsasabi , Si Jesus ay itinakwil ; at wala sinoman ay makapagsasabi , Si Jesus ay Panginoon kundi sa pamamagitan ng Espiritu Santo . Ngayo&#039;y may iba&#039;t ibang mga kaloob , datapuwa&#039;t iisang Espiritu . At may iba&#039;t ibang mga pangangasiwa , datapuwa&#039;t iisang Panginoon . At may iba&#039;t ibang paggawa , datapuwa&#039;t iisang Dios na gumagawa ng lahat ng mga bagay sa lahat . Datapuwa&#039;t sa bawa&#039;t isa ay ibinibigay ang paghahayag ng Espiritu , upang pakinabangan naman . Sapagka&#039;t sa isa , sa pamamagitan ng Espiritu ay ibinibigay ang salita ng karunungan ; at sa iba&#039;y ang salita ng kaalaman ayon din sa Espiritu : Sa iba&#039;y ang pananampalataya , sa gayon ding Espiritu ; at sa iba&#039;y ang mga kaloob na pagpapagaling , sa iisang Espiritu . At sa iba&#039;y ang mga paggawa ng mga himala ; at sa iba&#039;y hula ; at sa iba&#039;y ang pagkilala sa mga espiritu ; at sa iba&#039;y ang iba&#039;t ibang wika ; at sa iba&#039;y ang pagpapaliwanag ng mga wika . Datapuwa&#039;t ang lahat ng ito ay ginagawa ng isa at ng gayon ding Espiritu , na binabahagi sa bawa&#039;t isa ayon sa kaniyang ibig . Sapagka&#039;t kung paanong ang katawan ay iisa , at mayroong maraming mga sangkap , at ang lahat ng mga sangkap ng katawan , bagama&#039;t marami , ay iisang katawan ; gayon din naman si Cristo . Sapagka&#039;t sa isang Espiritu ay binabautismuhan tayong lahat sa isang katawan , maging tayo&#039;y Judio o Griego , maging mga alipin o mga laya ; at tayong lahat ay pinainom sa isang Espiritu . Sapagka&#039;t ang katawan ay hindi iisang sangkap , kundi marami . Kung sasabihin ng paa , Sapagka&#039;t hindi ako kamay , ay hindi ako sa katawan ; hindi nga dahil dito&#039;y hindi sa katawan . At kung sasabihin ng tainga , Sapagka&#039;t hindi ako mata , ay hindi ako sa katawan ; hindi nga dahil dito&#039;y hindi sa katawan . Kung ang buong katawan ay pawang mata , saan naroroon ang pakinig ? Kung ang lahat ay pawang pakinig , saan naroroon ang pangamoy . Datapuwa&#039;t ngayo&#039;y inilagay ng Dios ang bawa&#039;t isa sa mga sangkap ng katawan , ayon sa kaniyang minagaling . At kung ang lahat nga&#039;y pawang isang sangkap , saan naroroon ang katawan ? Datapuwa&#039;t maraming mga sangkap nga , nguni&#039;t iisa ang katawan . At hindi makapagsasabi ang mata sa kamay , Hindi kita kinakailangan : at hindi rin ang ulo sa mga paa , Hindi ko kayo kailangan . Hindi , kundi lalo pang kailangan yaong mga sangkap ng katawan na wari&#039;y lalong mahihina : At yaong mga sangkap ng katawan , na inaakala nating kakaunti ang kapurihan , sa mga ito ipinagkakaloob natin ang lalong saganang papuri ; at ang mga sangkap nating mga pangit ay siyang may lalong saganang kagandahan ; Yamang ang mga sangkap nating magaganda ay walang kailangan : datapuwa&#039;t hinusay ng Dios ang katawan na binigyan ng lalong saganang puri yaong sangkap na may kakulangan ; Upang huwag magkaroon ng pagkakabahabahagi sa katawan ; kundi ang mga sangkap ay mangagkaroon ng magkasing-isang pagiingat sa isa&#039;t isa . At kung ang isang sangkap ay nagdaramdam , ang lahat ng mga sangkap ay nangagdaramdam na kasama niya ; o kung ang isang sangkap ay nagkakapuri , ang lahat ng mga sangkap ay nangagagalak na kasama niya . Kayo nga ang katawan ni Cristo , at bawa&#039;t isa&#039;y samasamang mga sangkap niya . At ang Dios ay naglagay ng ilan sa iglesia , una-una&#039;y mga apostol , ikalawa&#039;y mga propeta , ikatlo&#039;y mga guro , saka mga himala , saka mga kaloob na pagpapagaling , mga pagtulong , mga pamamahala , at iba&#039;t ibang mga wika . Lahat baga&#039;y mga apostol ? lahat baga&#039;y mga propeta ? lahat baga&#039;y mga guro ? lahat baga&#039;y mga manggagawa ng mga himala ? May mga kaloob na pagpapagaling baga ang lahat ? nangagsasalita baga ang lahat ng mga wika ? lahat baga ay nangagpapaliwanag ? Datapuwa&#039;t maningas ninyong nasain , ang lalong dakilang mga kaloob . At itinuturo ko sa inyo ang isang daang kagalinggalingan . Kung ako&#039;y magsalita ng mga wika ng mga tao at ng mga anghel , datapuwa&#039;t wala akong pagibig , ay ako&#039;y naging tanso na tumutunog , o batingaw na umaalingawngaw . At kung magkaroon ako ng kaloob na panghuhula , at maalaman ko ang lahat ng mga hiwaga at ang lahat ng mga kaalaman ; at kung magkaroon ako ng buong pananampalataya , na ano pa&#039;t mapalipat ko ang mga bundok , datapuwa&#039;t wala akong pagibig , ay wala akong kabuluhan . At kung ipagkaloob ko ang lahat ng aking mga tinatangkilik upang ipakain sa mga dukha , at kung ibigay ko ang aking katawan upang sunugin , datapuwa&#039;t wala akong pagibig , ay walang pakikinabangin sa akin . Ang pagibig ay mapagpahinuhod , at magandang-loob ; ang pagibig ay hindi nananaghili ; ang pagibig ay hindi nagmamapuri , hindi mapagpalalo . Hindi naguugaling mahalay , hindi hinahanap ang kaniyang sarili , hindi nayayamot , hindi inaalumana ang masama ; Hindi nagagalak sa kalikuan , kundi nakikigalak sa katotohanan ; Lahat ay binabata , lahat ay pinaniniwalaan , lahat ay inaasahan , lahat ay tinitiis . Ang pagibig ay hindi nagkukulang kailan man : kahit maging mga hula , ay mangatatapos ; maging mga wika , ay titigil : maging kaalaman , ay mawawala . Sapagka&#039;t nangakakakilala tayo ng bahagya , at nanganghuhula tayo ng bahagya ; Datapuwa&#039;t kung dumating ang sakdal , ang bahagya ay matatapos . Nang ako&#039;y bata pa , ay nagsasalita akong gaya ng bata , nagdaramdam akong gaya ng bata , nagiisip akong gaya ng bata : ngayong maganap ang aking pagkatao , ay iniwan ko na ang mga bagay ng pagkabata . Sapagka&#039;t ngayo&#039;y malabo tayong nakakikita sa isang salamin ; nguni&#039;t pagkatapos ay makikita natin sa mukhaan : ngayo&#039;y nakikilala ko ng bahagya , nguni&#039;t pagkatapos ay makikilala ko ng gaya naman ng pagkakilala sa akin . Datapuwa&#039;t ngayo&#039;y nanatili ang tatlong ito : ang pananampalataya , ang pagasa , at ang pagibig ; nguni&#039;t ang pinakadakila sa mga ito ay ang pagibig . Sundin ninyo ang pagibig ; gayon ma&#039;y maningas ninyong pakanasain ang mga kaloob na ayon sa espiritu , nguni&#039;t lalo na ang kayo&#039;y mangakapanghula . Sapagka&#039;t ang nagsasalita ng wika ay hindi sa mga tao nagsasalita , kundi sa Dios ; sapagka&#039;t walang nakauunawa sa kaniya ; kundi sa espiritu ay nagsasalita ng mga hiwaga . Datapuwa&#039;t ang nanghuhula ay nagsasalita sa mga tao sa ikatitibay , at sa ikapangangaral , at sa ikaaaliw . Ang nagsasalita ng wika , ay nagpapatibay sa sarili ; nguni&#039;t ang nanghuhula ay nagpapatibay sa iglesia . Ibig ko sanang kayong lahat ay mangagsalita ng mga wika , datapuwa&#039;t lalo na ang kayo&#039;y magsipanghula : at lalong dakila ang nanghuhula kay sa nagsasalita ng mga wika , maliban na kung siya&#039;y magpapaliwanag upang ang iglesia ay mapagtibay . Ngayon nga , mga kapatid , kung ako&#039;y pumariyan sa inyo na nagsasalita ng mga wika , anong inyong pakikinabangin sa akin , maliban na kung kayo&#039;y pagsalitaan ko sa pamamagitan ng pahayag , o ng kaalaman , o ng panghuhula , o ng aral ? Kahit ang mga bagay na walang buhay , na nagsisitunog , maging plauta , o alpa , kundi bigyan ng pagkakaiba ang mga tunog , paanong malalaman kung ano ang tinutugtog sa plauta o sa alpa ? Sapagka&#039;t kung ang pakakak ay tumunog na walang katiyakan , sino ang hahanda sa pakikibaka ? Gayon din naman kayo , kung hindi ipinangungusap ninyo ng dila ang mga salitang madaling maunawaan , paanong matatalos ang inyong sinasalita ? sapagka&#039;t sa hangin kayo magsisipagsalita . Halimbawa , mayroon ngang iba&#039;t ibang mga tinig sa sanglibutan , at walang di may kahulugan . Kung hindi ko nga nalalaman ang kahulugan ng tinig , magiging barbaro ako sa nagsasalita , at ang nagsasalita ay magiging barbaro sa akin . Gayon din naman kayo , na yamang kayo&#039;y mapagsikap sa mga kaloob na ayon sa espiritu ay pagsikapan ninyong kayo&#039;y magsisagana sa ikatitibay ng iglesia . Kaya&#039;t ang nagsasalita ng wika ay manalangin na siya&#039;y makapagpaliwanag . Sapagka&#039;t kung ako&#039;y nananalangin sa wika , ay nananalangin ang aking espiritu , datapuwa&#039;t ang aking pagiisip ay hindi namumunga . Ano nga ito ? Mananalangin ako sa espiritu , at mananalangin din naman ako sa pagiisip : aawit ako sa espiritu , at aawit din naman ako sa pagiisip . Sa ibang paraan , kung ikaw ay nagpupuri sa espiritu , ang nasa kalagayan ng di marunong , paanong siya&#039;y makapagsasabi ng Siya nawa , sa iyong pagpapasalamat , palibhasa&#039;y hindi nalalaman ang inyong sinasabi ? Sapagka&#039;t ikaw sa katotohanan ay nagpapasalamat kang mabuti , datapuwa&#039;t ang iba&#039;y hindi napapagtibay . Nagpapasalamat ako sa Dios , na ako&#039;y nagsasalita ng mga wika na higit kay sa inyong lahat : Nguni&#039;t sa iglesia ibig ko pang magsalita ng limang salita ng aking pagiisip , upang makapagturo ako naman sa iba , kay sa magsalita ng sangpung libong salita sa wika . Mga kapatid , huwag kayong mangagpakabata sa pagiisip ; gayon ma&#039;y sa kahalayan ay mangagpakasanggol kayo , datapuwa&#039;t sa pagiisip kayo&#039;y mangagpakatao . Sa kautusan ay nasusulat , sa pamamagitan ng mga taong may iba&#039;t ibang wika , at sa pamamagitan ng mga labi ng mga taga ibang lupa ay magsasalita ako , sa bayang ito : at gayon ma&#039;y hindi ako pakikinggan nila , ang sabi ng Panginoon . Kaya nga ang mga wika ay pinaka tanda , hindi sa mga nagsisisampalataya ; kundi sa mga hindi nagsisisampalataya ; nguni&#039;t ang panghuhula ay hindi sa mga hindi nagsisisampalataya , kundi sa mga nagsisisampalataya . Kung ang buong iglesia nga&#039;y magkatipon sa isang dako at lahat ay mangagsalita ng mga wika , at mangagsipasok ang mga hindi marurunong o hindi mga nagsisisampalataya , hindi baga nila sasabihing kayo&#039;y mga ulol ? Datapuwa&#039;t kung ang lahat ay nagsisipanghula , at may pumasok na isang hindi sumasampalataya , o hindi marunong , mahihikayat siya ng lahat , masisiyasat siya ng lahat ; Ang mga lihim ng kaniyang puso ay nahahayag ; at sa gayo&#039;y magpapatirapa siya at sasamba sa Dios , na sasabihing tunay ngang ang Dios ay nasa gitna ninyo . Ano nga ito , mga kapatid ? Pagka kayo&#039;y nangagkakatipon ang bawa&#039;t isa sa inyo&#039;y may isang awit , may isang aral , may isang pahayag , may wika , may isang pagpapaliwanag . Gawin ninyo ang lahat ng mga bagay sa ikatitibay . Kung nagsasalita ang sinoman ng wika , maging dalawa , o huwag higit sa tatlo , at sunodsunod ; at ang isa&#039;y magpaliwanag : Datapuwa&#039;t kung walang tagapagpaliwanag ay tumahimik siya sa iglesia ; at siya&#039;y magsalita sa kaniyang sarili , at sa Dios . At ang dalawa o tatlo sa mga propeta ay magsipagsalita , at ang mga iba&#039;y mangagsiyasat . Datapuwa&#039;t kung may ipinahayag na anoman sa isang nauupo , ay tumahimik ang nauuna . Sapagka&#039;t kayong lahat ay makapanghuhulang isa-isa , upang ang lahat ay mangatuto , at ang lahat ay maaralan ; At ang mga espiritu ng mga propeta ay nasasakupan ng mga propeta ; Sapagka&#039;t ang Dios ay hindi Dios ng kaguluhan , kundi ng kapayapaan . Gaya sa lahat ng mga iglesia ng mga banal , Ang mga babae ay magsitahimik sa mga iglesia : sapagka&#039;t sila&#039;y walang kapahintulutang mangagsalita ; kundi sila&#039;y pasakop , gaya naman ng sinasabi ng kautusan . At kung ibig nilang maalaman ang anomang bagay , magtanong sila sa kanilang asawa sa bahay ; sapagka&#039;t mahalay na ang isang babae ay magsalita sa iglesia . Ano ? lumabas baga mula sa inyo ang salita ng Dios ? o sa inyo lamang dumating ? Kung iniisip ninoman na siya&#039;y propeta , o ayon sa espiritu , ay kilalanin niya ang mga bagay na sa inyo&#039;y isinusulat ko , na pawang utos ng Panginoon . Datapuwa&#039;t kung ang sinoman ay mangmang , ay manatili siyang mangmang . Kaya nga , mga kapatid ko , maningas na pakanasain ninyong makapanghula , at huwag ninyong ipagbawal ang magsalita ng mga wika . Datapuwa&#039;t gawin ninyong may karapatan at may kaayusan ang lahat ng mga bagay . Ngayo&#039;y ipinatatalastas ko sa inyo , mga kapatid , ang evangelio na sa inyo&#039;y aking ipinangaral , na inyo namang tinanggap , na siya naman ninyong pinananatilihan , Sa pamamagitan naman nito&#039;y ligtas kayo kung matiyaga ninyong iingatan ang salitang ipinangaral ko sa inyo , maliban na kung kayo&#039;y nagsipanampalataya nang walang kabuluhan . Sapagka&#039;t ibinigay ko sa inyo una sa lahat , ang akin namang tinanggap : na si Cristo ay namatay dahil sa ating mga kasalanan , ayon sa mga kasulatan , At siya&#039;y inilibing ; at siya&#039;y muling binuhay nang ikatlong araw ayon sa mga kasulatan ; At siya&#039;y napakita kay Cefas , at saka sa labingdalawa ; Pagkatapos ay napakita sa mahigit na limang daang kapatid na paminsan , na ang karamihan sa mga ito&#039;y nangabubuhay hanggang ngayon , datapuwa&#039;t ang mga iba&#039;y nangatulog na ; Saka napakita kay Santiago ; at saka sa lahat ng mga apostol ; At sa kahulihulihan , tulad sa isang ipinanganak sa di kapanahunan , ay napakita naman siya sa akin . Ako nga ang pinakamaliit sa mga apostol , at hindi ako karapatdapat na tawaging apostol , sapagka&#039;t pinagusig ko ang iglesia ng Dios . Datapuwa&#039;t sa pamamagitan ng biyaya ng Dios , ako nga&#039;y ako ; at ang kaniyang biyaya na ibinigay sa akin ay hindi nawawalan ng kabuluhan ; bagkus ako&#039;y malabis na nagpagal kay sa kanilang lahat : bagaman hindi ako , kundi ang biyaya ng Dios na sumasa akin . Maging ako nga o sila , ay gayon ang aming ipinangangaral , at gayon ang inyong sinampalatayanan . Kung si Cristo nga&#039;y ipinangangaral na siya&#039;y muling binuhay sa mga patay , bakit ang ilan sa inyo ay nagsisipagsabi na walang pagkabuhay na maguli ng mga patay ? Datapuwa&#039;t kung walang pagkabuhay na maguli ng mga patay , ay hindi rin nga muling binuhay si Cristo : At kung si Cristo&#039;y hindi muling binuhay , ay walang kabuluhan nga ang aming pangangaral , wala rin namang kabuluhan ang inyong pananampalataya . Oo , at kami ay nasusumpungang mga saksing bulaan tungkol sa Dios ; sapagka&#039;t aming sinasaksihan tungkol sa Dios , na kaniyang muling binuhay si Cristo ; na hindi siyang muling nabuhay , kung tunay nga ang mga patay ay hindi muling binubuhay . Sapagka&#039;t kung hindi muling binubuhay ang mga patay , ay hindi rin nga muling binuhay si Cristo : At kung si Cristo ay hindi muling binuhay , ang inyong pananampalataya ay walang kabuluhan kayo&#039;y nasa inyong mga kasalanan pa . Kung gayon nga , ang mga nangatutulog din naman kay Cristo ay pawang nangapahamak . Kung sa buhay lamang na ito tayo nagsisiasa kay Cristo , ay tayo sa lahat ng mga tao ang lalong kahabaghabag . Datapuwa&#039;t si Cristo nga&#039;y muling binuhay sa mga patay na siya ay naging pangunahing bunga ng nangatutulog . Sapagka&#039;t yamang sa pamamagitan ng tao&#039;y dumating ang kamatayan , sa pamamagitan din naman ng tao&#039;y dumating ang pagkabuhay na maguli sa mga patay . Sapagka&#039;t kung paanong kay Adam ang lahat ay nangamamatay , gayon din naman kay Cristo ang lahat ay bubuhayin . Datapuwa&#039;t ang bawa&#039;t isa&#039;y sa kaniyang sariling katayuan ; si Cristo ang pangunahing bunga ; pagkatapos ay ang mga kay Cristo , sa kaniyang pagparito . Kung magkagayo&#039;y darating ang wakas , pagka ibibigay na niya ang kaharian sa Dios , sa makatuwid baga&#039;y sa Ama ; pagka lilipulin na niya ang lahat ng paghahari , at lahat ng kapamahalaan at kapangyarihan . Sapagka&#039;t kinakailangang siya&#039;y maghari hanggang mailagay niya sa ilalim ng kaniyang mga talampakan ang lahat niyang mga kaaway . Ang kahulihulihang kaaway na lilipulin ay ang kamatayan . Sapagka&#039;t kaniyang pinasuko ang lahat ng mga bagay sa ilalim ng kaniyang paa . Datapuwa&#039;t kung sinasabi , ang lahat ng mga bagay ay pinasuko , ay maliwanag na itinangi yaong nagpasuko ng lahat ng mga bagay sa kaniya . At kung ang lahat ng mga bagay ay mapasuko na sa kaniya , kung magkagayo&#039;y ang Anak rin ay pasusukuin naman sa nagpasuko ng lahat ng mga bagay sa kaniya , upang ang Dios ay maging lahat sa lahat . Sa ibang paraan , anong gagawin ng mga binabautismuhan dahil sa mga patay ? Kung ang mga patay ay tunay na hindi muling binubuhay , bakit nga sila&#039;y binabautismuhan dahil sa kanila ? Bakit baga naman tayo&#039;y nanganganib bawa&#039;t oras ? Ipinahahayag ko alangalang sa ikaluluwalhati ninyo , mga kapatid , na taglay ko kay Cristo Jesus na Panginoon natin na araw-araw ay nasa panganib ng kamatayan ako . Kung ako&#039;y nakipagbaka sa Efeso laban sa mga ganid , ayon sa kaugalian ng tao , ano ang pakikinabangin ko ? Kung ang mga patay ay hindi muling binubuhay , magsikain at magsiinom tayo yamang bukas tayo&#039;y mangamamatay . Huwag kayong padaya : Ang masasamang kasama ay sumisira ng magagandang ugali . Gumising kayo ng ayon sa katuwiran , at huwag mangagkasala ; sapagka&#039;t may mga ibang walang pagkakilala sa Dios : sinasabi ko ito upang kayo&#039;y kilusin sa kahihiyan . Datapuwa&#039;t sasabihin ng iba , Paanong muling bubuhayin ang mga patay ? at anong anyo ng katawan ang iparirito nila ? Ikaw na mangmang , ang inyong inihahasik ay hindi binubuhay maliban na kung mamatay : At ang iyong inihahasik ay hindi mo inihahasik ang katawang lilitaw , kundi ang butil lamang , na marahil ay trigo , o ibang bagay ; Datapuwa&#039;t ang Dios ay nagbibigay ng katawan dito ayon sa kaniyang minagaling , at sa bawa&#039;t binhi ay ang sariling katawan . Hindi ang lahat ng laman ay magkasing-isang laman : kundi may laman sa mga tao , at ibang laman sa mga hayop , at ibang laman sa mga ibon , at ibang laman sa mga isda . Mayroon namang mga katawang ukol sa langit , at mga katawang ukol sa lupa : datapuwa&#039;t iba ang kaluwalhatian ng ukol sa langit , at iba ang ukol sa lupa . Iba ang kaluwalhatian ng araw , at iba ang kaluwalhatian ng buwan , at iba ang kaluwalhatian ng mga bituin ; sapagka&#039;t ang isang bituin ay naiiba sa ibang bituin sa kaluwalhatian . Gayon din naman ang pagkabuhay na maguli ng mga patay . Itinatanim na may kasiraan ; binubuhay na maguli na walang kasiraan ; Itinatanim na may pagkasiphayo ; binubuhay na maguli na may kaluwalhatian : itinatanim na may kahinaan ; binubuhay na maguli na may kapangyarihan : Itinatanim na may katawang ukol sa lupa ; binubuhay na maguli na katawang ukol sa espiritu . Kung may katawang ukol sa lupa ay may katawang ukol sa espiritu naman . Gayon din naman nasusulat , Ang unang taong si Adam ay naging kaluluwang buhay . Ang huling Adam ay naging espiritung nagbibigay buhay . Bagaman ang ukol sa espiritu ay hindi siyang una , kundi ang ukol sa lupa : pagkatapos ang ukol sa espiritu . Ang unang tao ay taga lupa na ukol sa lupa : ang ikalawang tao ay taga langit . Kung ano ang ukol sa lupa , ay gayon din naman silang mga taga lupa : at kung ano ang ukol sa langit ay gayon din naman silang taga langit . At kung paanong tinaglay natin ang larawang ukol sa lupa , ay tataglayin din naman natin ang larawang ukol sa langit . Sinasabi ko nga ito , mga kapatid , na ang laman at ang dugo ay hindi makapagmamana ng kaharian ng Dios ; ni ang kasiraan ay magmamana ng walang kasiraan . Narito , sinasaysay ko sa inyo ang isang hiwaga : hindi tayong lahat ay mangatutulog , nguni&#039;t tayong lahat ay babaguhin , Sa isang sangdali , sa isang kisap-mata , sa huling pagtunog ng pakakak : sapagka&#039;t tutunog ang pakakak , at ang mga patay ay mangabubuhay na maguli na walang kasiraan , at tayo&#039;y babaguhin . Sapagka&#039;t kinakailangan na itong may kasiraan ay magbihis ng walang kasiraan , at itong may kamatayan ay magbihis ng walang kamatayan . Datapuwa&#039;t pagka itong may kasiraan ay mabihisan ng walang kasiraan , at itong may kamatayan ay mabihisan ng walang kamatayan , kung magkakagayon ay mangyayari ang wikang nasusulat , Nilamon ng pagtatagumpay ang kamatayan . Saan naroon , Oh kamatayan , ang iyong pagtatagumpay ? Saan naroon , Oh kamatayan , ang iyong tibo ? Ang tibo ng kamatayan ay ang kasalanan ; at ang kapangyarihan ng kasalanan ay ang kautusan : Datapuwa&#039;t salamat sa Dios , na nagbibigay sa atin ng pagtatagumpay sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesucristo . Kaya nga , mga kapatid kong minamahal , kayo&#039;y magsitatag , huwag makilos , na laging sumasagana sa gawa ng Panginoon , yamang nalalaman ninyo na hindi walang kabuluhan ang inyong gawa sa Panginoon . Ngayon tungkol sa ambagan sa mga banal , ay gawin din naman ninyong gaya ng iniutos ko sa mga iglesia ng Galacia . Tuwing unang araw ng sanglinggo ang bawa&#039;t isa sa inyo ay magbukod na magsimpan , ayon sa kaniyang iginiginhawa , upang huwag nang gumawa ng mga ambagan sa pagpariyan ko . At pagdating ko , ang sinomang inyong mamagalingin , ay sila ang aking susuguin na may mga sulat upang makapagdala ng inyong abuloy sa Jerusalem : At kung nararapat na ako naman ay pumaroon , sila&#039;y isasama ko . Nguni&#039;t ako&#039;y paririyan sa inyo , pagkaraan ko sa Macedonia ; sapagka&#039;t magdaraan ako sa Macedonia ; Datapuwa&#039;t marahil ako&#039;y matitira sa inyo o makikisama sa inyo sa taginaw , upang ako&#039;y tulungan ninyo sa aking paglalakbay saan man ako pumaroon . Sapagka&#039;t hindi ko ibig na kayo&#039;y makita ngayon sa paglalakbay ; sapagka&#039;t inaasahan kong ako&#039;y makikisama sa inyong kaunting panahon , kung itutulot ng Panginoon . Datapuwa&#039;t ako&#039;y titigil sa Efeso hanggang sa Pentecostes ; Sapagka&#039;t sa akin ay nabuksan ang isang pintuang malaki at mapapakinabangan , at marami ang mga kaaway . Ngayon kung dumating si Timoteo , ingatan ninyo na siya&#039;y mapasainyo na walang pangamba ; sapagka&#039;t ginagawa niya ang gawain ng Panginoon , na gaya ko rin naman : Sinoman nga ay huwag humamak sa kaniya . Kundi tulungan ninyo siyang payapa sa kaniyang paglalakbay , upang siya&#039;y makaparito sa akin : sapagka&#039;t inaasahan ko siya&#039;y kasama ng mga kapatid . Nguni&#039;t tungkol sa kapatid na si Apolos , ay ipinamanhik ko sa kaniyang malabis na siya&#039;y pumariyan sa inyong kasama ng mga kapatid : at sa anomang paraan ay hindi niya kalooban na pumariyan ngayon ; nguni&#039;t paririyan pagkakaroon niya ng panahon . Magsipagingat kayo , mangagpakatibay kayo sa pananampalataya , kayo&#039;y mangagpakalalake , kayo&#039;y mangagpakalakas . Gawin ninyo sa pagibig ang lahat ninyong ginagawa . Ipinamamanhik ko nga sa inyo , mga kapatid ( nalalaman ninyo na ang sangbahayan ni Estefanas ay siyang pangunahing bunga ng Acaya , at nangagsitalaga sa paglilingkod sa mga banal ) , Na kayo&#039;y pasakop naman sa mga gayon , at sa bawa&#039;t tumutulong sa gawa at nagpapagal . At ikinagagalak ko ang pagdating ni Estefanas at ni Fortunato at ni Acaico : sapagka&#039;t ang kakulangan ninyo ay pinunan nila . Sapagka&#039;t inaliw nila ang aking espiritu at ang inyo : magsikilala nga kayo sa mga gayon . Binabati kayo ng mga iglesia sa Asia . Kayo&#039;y binabating malabis sa Panginoon ni Aquila at ni Prisca pati ng iglesiang nasa kanilang bahay . Binabati kayo ng lahat ng mga kapatid . Kayo&#039;y mangagbatian ng halik na banal . Ang bati ko , ni Pablo na sinulat ng aking sariling kamay . Kung ang sinoman ay hindi umiibig sa Panginoon , ay maging takuwil siya . Maranatha . Ang biyaya ng Panginoong Jesucristo ay sumainyo nawa . Ang aking pagibig kay Cristo Jesus ay sumainyo nawang lahat . Siya nawa . </passage></reply></GetPassage>