<?xml version="1.0" encoding="UTF-8"?><GetPassage xmlns="http://relaxng.org/ns/structure/1.0" xmlns:tei="http://www.tei-c.org/ns/1.0" xmlns:ti="http://chs.harvard.edu/xmlns/cts"><request><requestName>GetPassage</requestName><requestUrn>urn:cts:pbc:bible.parallel.tgl.1905:47</requestUrn></request><reply><urn>urn:cts:pbc:bible.parallel.tgl.1905:47</urn><passage>Si Pablo , na Apostol ni Cristo Jesus sa pamamagitan ng kalooban ng Dios , at si Timoteo , na ating kapatid sa Iglesia ng Dios na nasa Corinto , kalakip ng lahat ng mga banal na nasa buong Acaya . Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Dios na ating Ama at sa Panginoong Jesucristo . Purihin nawa ang Dios at Ama ng ating Panginoong Jesucristo , ang Ama ng mga kaawaan at Dios ng buong kaaliwan ; Na siyang umaaliw sa atin sa lahat ng kapighatian , upang ating maaliw ang nangasa anomang kapighatian , sa pamamagitan ng pagaliw na inialiw din sa atin ng Dios . Sapagka&#039;t kung paanong sumasagana sa atin ang mga sakit ni Cristo , ay gayon din naman ang aming kaaliwan ay sumasagana sa pamamagitan ni Cristo . Datapuwa&#039;t maging kami man ay mapighati , ay para sa inyong kaaliwan at kaligtasan ; o maging kami man ay maaliw ay para sa inyong kaaliwan , na siyang gumagawa sa pagdadalitang may pagtitiis ng mga gayon ding pagbabata na amin namang binabata : At ang aming pagasa tungkol sa inyo ay matibay ; yamang nalalaman na kung paanong kayo&#039;y mga karamay sa mga sakit , ay gayon din naman kayo sa kaaliwan . Hindi namin ibig na kayo&#039;y di makaalam , mga kapatid , ng tungkol sa mga kapighatian namin na nangyari sa Asia , na kami ay totoong nabigatan , ng higit sa aming kaya , ano pa&#039;t kami ay nawalan na ng pagasa sa buhay : Oo , kami&#039;y nagkaroon sa aming sarili ng hatol sa kamatayan , upang huwag kaming magkatiwala sa amin ding sarili , kundi sa Dios na bumubuhay na maguli ng mga patay : Na siyang sa amin ay nagligtas sa gayong lubhang malaking kamatayan , at nagliligtas : na siya naming inaasahan na siya namang magliligtas pa sa amin ; Kayo naman na nagsisitulong ng inyong panalangin na patungkol sa amin ; upang dahil sa kaloob na ipinagkaloob sa amin sa pamamagitan ng marami , ay makapagpasalamat ang maraming tao dahil sa amin . Sapagka&#039;t ang aming pagmamapuri ay ito , ang pagpapatotoo ng aming budhi , ayon sa kabanalan at pagtatapat sa Dios , hindi ayon sa karunungan ng laman , kundi sa biyaya ng Dios , na kami&#039;y nagugali ng gayon sa sanglibutan at lalong sagana pa nga sa inyo . Sapagka&#039;t hindi namin kayo sinusulatan ng ibang mga bagay , maliban na sa inyong binabasa , o kinikilala , at umaasa ako na inyong kikilalanin hanggang sa katapusan : Gaya naman ng inyong bahagyang pagkilala sa amin , na kami&#039;y inyong kapurihan , gayon din naman kayo&#039;y sa amin , sa araw ng Panginoong si Jesus . At sa pagkakatiwalang ito ay ninasa kong pumariyan muna sa inyo , upang kayo&#039;y mangagkaroon ng pangalawang pakinabang ; At magdaan sa inyo na patungo sa Macedonia , at muling buhat sa Macedonia ay magbalik sa inyo , at nang tulungan ninyo ako sa paglalakbay ko sa Judea . Nang nasain ko nga ang ganito , ako baga kaya ay nagatubili ? o ang mga bagay na ninasa ko , ay mga ninasa ko baga ayon sa laman , upang magkaroon sa akin ng oo , oo , at ng hindi , hindi ? Nguni&#039;t palibhasa&#039;y ang Dios ay tapat , ang aming salita sa inyo ay di oo at hindi . Sapagka&#039;t ang Anak ng Dios , si Jesucristo , na ipinangaral namin sa inyo , ako at si Silvano at si Timoteo , hindi naging oo at hindi , kundi sa kaniya ay naging oo . Sapagka&#039;t maging gaano man ang mga pangako ng Dios , ay nasa kaniya ang oo : kaya nga naman na sa kaniya ang Siya Nawa sa ikaluluwalhati ng Dios sa pamamagitan namin . Ngayon , siya na ang nagpapatibay sa amin na kasama ninyo kay Cristo , at nagpahid sa atin , ay ang Dios , Na siyang nagtatak naman sa atin , at nagbigay ng patotoo ng Espiritu sa ating mga puso . Datapuwa&#039;t ang Dios ang tinatawag kong maging saksi sa aking kaluluwa , na upang huwag kayong papagdamdamin ay hindi muna ako napariyan sa Corinto . Hindi sa kami ay may pagkapanginoon sa inyong pananampalataya , kundi kami ay mga tagatulong sa inyong katuwaan : sapagka&#039;t sa pananampalataya kayo&#039;y nangagsisitatag . Datapuwa&#039;t ito&#039;y ipinasiya ko sa aking sarili , na hindi na ako muling paririyan sa inyo na may kalumbayan . Sapagka&#039;t kung kayo&#039;y palulumbayin ko , sino nga ang sa akin ay magpapagalak , kundi yaong pinalulumbay ko ? At aking isinulat ang bagay ring ito , upang pagdating ko ay huwag akong magkaroon ng kalumbayan doon sa mga nararapat kong ikagalak ; sa pagkakatiwala sa inyong lahat , na ang aking kagalakan ay kagalakan ninyong lahat . Sapagka&#039;t sa malaking kapighatian at hapis ng puso ay sinulatan ko kayo na may maraming luha ; hindi upang kayo&#039;y palumbayin , kundi upang inyong makilala ang pagibig kong napakasagana sa inyo . Datapuwa&#039;t kung ang sinoman ay nakapagpalumbay , hindi ako ang pinalumbay niya , kundi sa isang paraan ay kayong lahat ( upang huwag kong higpitang totoo ) . Sukat na sa gayon ang kaparusahang ito na ipinarusa ng marami ; Upang bagkus ninyong patawarin siya at aliwin siya , baka sa anomang paraan ay madaig ang gayon ng kaniyang malabis na kalumbayan . Dahil dito&#039;y ipinamamanhik ko sa inyo na papagtibayin ninyo ang pagibig sa kaniya . Sapagka&#039;t dahil din sa bagay na ito ay sumulat ako , upang aking makilala ang katunayan tungkol sa inyo , kung kayo&#039;y mga matalimahin sa lahat ng mga bagay . Datapuwa&#039;t ang inyong pinatatawad ng anoman ay pinatatawad ko rin naman : sapagka&#039;t ang aking ipinatawad naman , kung ako&#039;y nagpapatawad ng anoman , ay dahil sa inyo , sa harapan ni Cristo ; Upang huwag kaming malamangan ni Satanas : sapagka&#039;t kami ay hindi hangal sa kaniyang mga lalang . Nang ako&#039;y dumating nga sa Troas dahil sa evangelio ni Cristo , at nang mabuksan sa akin ang isang pinto sa Panginoon , Ay hindi ako nagkaroon ng katiwasayan sa aking espiritu , sapagka&#039;t hindi ko nasumpungan si Tito na kapatid ko : datapuwa&#039;t pagkapagpaalam ko sa kanila , ako&#039;y napasa Macedonia . Datapuwa&#039;t salamat sa Dios , na laging pinapagtatagumpay tayo kay Cristo , at sa pamamagitan natin ay ipinahahayag ang samyo ng pagkakilala sa kaniya sa bawa&#039;t dako . Sapagka&#039;t sa mga inililigtas , at sa mga napapahamak ay masarap tayong samyo ni Cristo sa Dios ; Sa isa ay samyo mula sa kamatayan sa ikamamatay ; at sa iba ay samyong mula sa kabuhayan sa ikabubuhay . At sino ang sapat sa mga bagay na ito ? Sapagka&#039;t hindi kami gaya ng karamihan na kinakalakal ang salita ng Dios : kundi sa pagtatapat , at gaya ng mula sa Dios , sa harapan ng Dios ay nagsasalita kami para kay Cristo . Pinasisimulan baga naming muli na ipagkapuri ang aming sarili ? o kami baga ay nangangailangan gaya ng iba , ng mga sulat na papuri sa inyo , o mula sa inyo ? Kayo ay ang aming sulat , na nasusulat sa aming mga puso , nakikilala at nababasa ng lahat ng mga tao ; Yamang nahahayag na kayo&#039;y sulat ni Cristo , na pinangasiwaan namin , hindi isinulat ng tinta , kundi ng Espiritu , ng Dios na buhay , hindi sa mga tapyas ng bato , kundi sa mga tapyas ng pusong laman . At ang gayong pagkakatiwala sa Dios ay taglay namin sa pamamagitan ni Cristo : Hindi sa kami ay sapat na sa aming sarili , upang isiping ang anoman ay mula sa ganang aming sarili ; kundi ang aming kasapatan ay mula sa Dios ; Na sa amin naman ay nagpapaging sapat na mga ministro ng bagong tipan ; hindi ng titik , kundi ng espiritu : sapagka&#039;t ang titik ay pumapatay , datapuwa&#039;t ang espiritu ay nagbibigay ng buhay . Nguni&#039;t kung ang pangangasiwa ng kamatayan , na nasusulat , at nauukit sa mga bato , ay nangyaring may kaluwalhatian , ano pa&#039;t ang mga anak ni Israel ay hindi makatitig sa mukha ni Moises , dahil sa kaluwalhatian ng kaniyang mukha ; na ang kaluwalhatiang ito&#039;y lumilipas : Paanong hindi lalong magkakaroon ng kaluwalhatian ang pangangasiwa ng espiritu ? Sapagka&#039;t kung ang pangangasiwa ng kahatulan ay may kaluwalhatian , ay bagkus pa ngang higit na sagana sa kaluwalhatian ang pangasiwang ukol sa katuwiran . Sapagka&#039;t katotohanang ang pinaluwalhati ay hindi pinaluwalhati sa bagay na ito , ng dahil sa kaluwalhatiang sumasagana . Sapagka&#039;t kung ang lumilipas ay may kaluwalhatian , ay lalo pang nananatili ay nasa kaluwalhatian . Yaman ngang mayroong gayong pagasa ay ginagamit namin ang buong katapangan ng pananalita , At hindi gaya ni Moises , na nagtalukbong ng kaniyang mukha upang ang mga anak ni Israel ay huwag magsititig sa katapusan niyaong lumilipas : Datapuwa&#039;t ang kanilang mga pagiisip ay nagsitigas : sapagka&#039;t hanggang sa araw na ito , pagka binabasa ang matandang tipan , ang talukbong ding iyon ay nananatili na hindi itinataas , na ito&#039;y naalis sa pamamagitan ni Cristo . Datapuwa&#039;t hanggang sa araw na ito , kailan ma&#039;t binabasa ang mga aklat ni Moises , ay may isang talukbong na nakatakip sa kanilang puso . Nguni&#039;t kailan ma&#039;t magbalik sa Panginoon , ay maaalis ang talukbong . Ngayon ang Panginoon ay siyang Espiritu : at kung saan naroroon ang Espiritu ng Panginoon , doon ay may kalayaan . Datapuwa&#039;t tayong lahat , na walang talukbong ang mukha na tumitinging gaya ng sa isang salamin sa kaluwalhatian ng Panginoon , ay nababago tayo sa gayon ding larawan mula sa kaluwalhatian hanggang sa kaluwalhatian , na gaya ng mula sa Panginoon na Espiritu . Kaya nga sa pagkakaroon namin ng ministeriong ito , ayon sa aming tinanggap na kaawaan , ay hindi kami nanghihina . Bagkus tinanggihan namin ang mga kahiyahiyang bagay na nangatatago , na hindi kami nagsisilakad sa katusuhan , ni nagsisigamit man na may daya ng mga salita ng Dios ; kundi sa pagpapahayag ng katotohanan ay ipinagtatagubilin ang aming sarili sa bawa&#039;t budhi ng mga tao sa harapan ng Dios . At kung ang aming evangelio ay natatalukbungan pa , ay may talukbong sa mga napapahamak : Na binulag ng dios ng sanglibutang ito ang mga pagiisip ng mga hindi nagsisisampalataya , upang sa kanila&#039;y huwag sumilang ang kaliwanagan ng evangelio ng kaluwalhatian ni Cristo , na siyang larawan ng Dios . Sapagka&#039;t hindi namin ipinangangaral ang aming sarili , kundi si Cristo Jesus na Panginoon , at kami ay gaya ng inyong mga alipin dahil kay Cristo . Yamang ang Dios , ang nagsabi , Magniningning ang ilaw sa kadiliman , na siyang nagningning sa aming mga puso , upang magbigay ng liwanag ng pagkakilala sa kaluwalhatian ng Dios sa mukha ni Jesucristo . Nguni&#039;t taglay namin ang kayamanang ito sa mga sisidlang-lupa , upang ang dakilang kalakhan ng kapangyarihan ay maging mula sa Dios , at huwag mula sa aming sarili ; Sa magkabikabila ay nangagigipit kami , gayon ma&#039;y hindi nangaghihinagpis ; nangatitilihan , gayon ma&#039;y hindi nangawawalan ng pagasa ; Pinaguusig , gayon ma&#039;y hindi pinababayaan ; inilulugmok , gayon ma&#039;y hindi nangasisira ; Laging saan ma&#039;y tinataglay sa katawan ang kamatayan ni Jesus , upang ang buhay ni Jesus ay mahayag naman sa aming katawan . Sapagka&#039;t kaming nangabubuhay ay laging ibinibigay sa kamatayan dahil kay Jesus , upang ang buhay naman ni Jesus ay mahayag sa aming lamang may kamatayan . Kaya nga ang kamatayan ay gumagawa sa amin , datapuwa&#039;t ang buhay ay sa inyo . Nguni&#039;t yamang mayroong gayon ding espiritu ng pananampalataya , na gaya ng nasusulat , Sumampalataya ako , at kaya&#039;t nagsalita ako ; kami naman ay nagsisisampalataya , at kaya&#039;t kami naman ay nangagsasalita ; Na aming nalalaman na ang bumuhay na maguli sa Panginoong Jesus ay siya ring bubuhay na maguli sa amin na kalakip ni Jesus , at ihaharap kaming kasama ninyo . Sapagka&#039;t ang lahat ng mga bagay ay dahil sa inyo , upang ang biyaya na pinarami sa pamamagitan ng marami , ay siyang magpasagana ng pagpapasalamat sa ikaluluwalhati ng Dios . Kaya nga hindi kami nanghihimagod ; bagama&#039;t ang aming pagkataong labas ay pahina , nguni&#039;t ang aming pagkataong loob ay nababago sa araw-araw . Sapagka&#039;t ang aming magaang kapighatian , na sa isang sangdali lamang , ay siyang gumagawa sa amin ng lalo&#039;t lalong bigat ng kaluwalhatiang walang hanggan ; Samantalang kami ay nagsisitingin hindi sa mga bagay na nangakikita , kundi sa mga bagay na hindi nangakikita : sapagka&#039;t ang mga bagay na nangakikita ay may katapusan ; datapuwa&#039;t ang mga bagay na hindi nangakikita ay walang hanggan . Sapagka&#039;t nalalaman namin na kung masira ang aming bahay na tabernakulong ukol sa lupa , ay mayroong kaming isang gusaling mula sa Dios , bahay na hindi gawa ng mga kamay , walang hanggan , sa sangkalangitan . Sapagka&#039;t tunay na sa ganito kami ay nagsisihibik , na nangagnanasang mabihisan kami ng aming tahanang mula sa langit : Na kung mabihisan nga kami niyaon ay hindi kami mangasusumpungang hubad . Sapagka&#039;t tunay na kaming nangasa tabernakulong ito ay nagsisihibik , na nangabibigatan ; hindi sa ninanasa naming maging hubad , kundi ninanasa naming kami&#039;y bihisan , upang ang may kamatayan ay lamunin ng buhay . Ngayon ang gumawa sa amin ng bagay ding ito ay ang Dios , na nagbigay sa amin ng patotoo ng Espiritu . Kaya nga kami&#039;y laging malakas ang loob , at nalalaman namin na , samantalang kami ay nangasa tahanan sa katawan , ay wala kami sa harapan ng Panginoon . ( Sapagka&#039;t nagsisilakad kami sa pamamagitan ng pananampalataya , hindi sa pamamagitan ng paningin ) ; Na malakas ang loob namin , ang sabi ko , at ibig pa nga namin ang mawala sa katawan , at mapasa tahanan na kasama ng Panginoon . Kaya&#039;t ang amin namang pinagsisikapan , maging sa tahanan man o di man , ay maging kalugodlugod kami sa kaniya . Sapagka&#039;t tayong lahat ay kinakailangang mahayag sa harapan ng hukuman ni Cristo ; upang tumanggap ang bawa&#039;t isa ng mga bagay na ginawa sa pamamagitan ng katawan , ayon sa ginawa niya , maging mabuti o masama . Yamang nalalaman nga ang pagkatakot sa Panginoon , ay aming hinihikayat ang mga tao , nguni&#039;t kami ay nangahahayag sa Dios ; at inaasahan ko na kami ay nangahayag din naman sa inyong mga budhi . Hindi namin ipinagkakapuring muli ang aming sarili sa inyo , kundi binibigyan namin kayo ng dahilan na ikaluluwalhati ninyo dahil sa amin , upang kayo&#039;y mangagkaroon ng maisasagot sa mga nagpapaluwalhati sa anyo , at hindi sa puso . Sapagka&#039;t kung kami ay maging mga ulol , ay para sa Dios ; o maging kami ay mahinahon ang pagiisip , ay para sa inyo . Sapagka&#039;t ang pagibig ni Cristo ay pumipilit sa amin ; sapagka&#039;t ipinasisiya namin ang ganito , na kung ang isa ay namatay dahil sa lahat , kung gayo&#039;y lahat ay nangamatay ; At siya&#039;y namatay dahil sa lahat , upang ang nangabubuhay ay huwag nang mabuhay pa sa kanilang sarili , kundi doon sa namatay dahil sa kanila at muling nabuhay . Kaya nga mula ngayon ay hindi namin nakikilala ang sinoman ayon sa laman : bagama&#039;t nakilala namin si Cristo ayon sa laman , nguni&#039;t sa ngayo&#039;y hindi na namin nakikilala siyang gayon . Kaya&#039;t kung ang sinoman ay na kay Cristo , siya&#039;y bagong nilalang : ang mga dating bagay ay nagsilipas na ; narito , sila&#039;y pawang naging mga bago . Datapuwa&#039;t ang lahat ng mga bagay ay pawang sa Dios , na pinakipagkasundo tayo sa kaniya rin sa pamamagitan ni Cristo , at ibinigay sa amin ang ministerio sa pagkakasundo ; Sa makatuwid baga&#039;y , na ang Dios kay Cristo ay pinakipagkasundo ang sanglibutan sa kaniya rin , na hindi ibinibilang sa kanila ang kanilang mga kasalanan , at ipinagkatiwala sa amin ang salita ng pagkakasundo . Kami nga&#039;y mga sugo sa pangalan ni Cristo , na waring namamanhik ang Dios sa pamamagitan namin : kayo&#039;y pinamamanhikan namin sa pangalan ni Cristo , na kayo&#039;y makipagkasundo sa Dios . Yaong hindi nakakilala ng kasalanan ay kaniyang inaring may sala dahil sa atin : upang tayo&#039;y maging sa kaniya&#039;y katuwiran ng Dios . At yamang kalakip niyang gumagawa ay ipinamamanhik din namin sa inyo na huwag ninyong tanggapin ang biyaya ng Dios na walang kabuluhan . ( Sapagka&#039;t sinasabi niya , Sa panahong ukol kita&#039;y pinakinggan , At sa araw ng pagliligtas kita&#039;y sinaklolohan : Narito , ngayon ang panahong ukol ; narito , ngayon ang araw ng kaligtasan ) : Na di nagbibigay ng kadahilanang ikatitisod sa anoman , upang ang aming ministerio ay huwag mapulaan ; Datapuwa&#039;t sa lahat ng mga bagay ay ipinagkakapuri namin ang aming sarili , gaya ng mga ministro ng Dios , sa maraming pagtitiis , sa mga kapighatian , sa mga pangangailangan , sa mga paghihinagpis , Sa mga latay , sa mga pagkabilanggo , sa mga kaguluhan , sa mga gawa , sa mga pagpupuyat , sa mga pagaayuno ; Sa kalinisan , sa kaalaman , sa pagpapahinuhod , sa kagandahang-loob , sa Espiritu Santo , sa pagibig na hindi pakunwari , Sa salita ng katotohanan , sa kapangyarihan ng Dios ; sa pamamagitan ng mga sandata ng katuwiran sa kanan at sa kaliwa , Sa pamamagitan ng karangalan at ng kasiraang puri , sa pamamagitan ng masamang ulat at ng mabuting ulat ; gaya ng mga magdaraya gayon ma&#039;y mga mapagtapat ; Waring hindi mga kilala , gayon ma&#039;y mga kilalang mabuti ; tulad sa nangaghihingalo , at narito , kami ay nangabubuhay ; gaya ng mga pinarurusahan , at hindi pinapatay ; Tulad sa nangalulungkot , gayon ma&#039;y laging nangagagalak ; tulad sa mga dukha , gayon ma&#039;y nangagpapayaman sa marami ; gaya ng walang anomang pag-aari , gayon ma&#039;y mayroon ng lahat ng mga bagay . Ang aming bibig ay bukas para sa inyo , Oh mga taga Corinto , ang aming puso ay lumalaki . Hindi kayo nangakasisikip sa amin , kundi nangasisikipan kayo sa inyong sariling pagibig . Kaya nga bilang ganti sa gayong bagay ( nangungusap akong gaya sa aking mga anak ) , ay mangagsilaki naman kayo . Huwag kayong makipamatok ng kabilan sa mga di nagsisisampalataya : sapagka&#039;t anong pakikisama mayroon ang katuwiran at kalikuan ? o anong pakikisama mayroon ang kaliwanagan sa kadiliman ? At anong pakikipagkasundo mayroon si Cristo kay Belial ? o anong bahagi mayroon ang sumasampalataya sa di sumasampalataya ? At anong pakikipagkaisa mayroon ang templo ng Dios sa mga diosdiosan ? sapagka&#039;t tayo&#039;y templo ng Dios na buhay ; gaya ng sabi ng Dios , Mananahan ako sa kanila , at lalakad ako sa kanila ; at ako&#039;y magiging kanilang Dios , at sila&#039;y magiging aking bayan . Kaya nga , Magsialis kayo sa kanila , at magsihiwalay kayo , sabi ng Panginoon , At huwag kayong magsihipo ng mga bagay na marumi , At kayo&#039;y aking tatanggapin , At ako sa inyo&#039;y magiging ama , At sa akin kayo&#039;y magiging mga anak na lalake at babae , sabi ng Panginoong Makapangyarihan sa lahat . Yamang taglay natin ang mga pangakong ito , mga minamahal , ay magsipaglinis tayo sa lahat ng karumihan ng laman at ng espiritu , na pakasakdalin ang kabanalan sa takot sa Dios . Buksan ninyo sa amin ang inyong mga puso : hindi namin inapi ang sinoman , hindi namin ipinasama ang sinoman , hindi namin dinaya ang sinoman . Hindi ko sinasabi ito upang kayo&#039;y hatulan : sapagka&#039;t sinabi ko na nang una , na kayo&#039;y nasa aming mga puso upang magkasamang mamatay at magkasamang mabuhay . Malaki ang katapangan ko ng pagsasalita sa inyo , malaki ang aking kapurihan dahil sa inyo : ako&#039;y puspos ng kaaliwan , nananagana sa katuwaan sa lahat ng aming kapighatian . Sapagka&#039;t nagsidating man kami sa Macedonia ang aming laman ay hindi nagkaroon ng katiwasayan , kundi sa lahat kami ay pinipighati ; sa labas ay mga pagbabaka , sa loob ay mga katakutan . Gayon man ang Dios na umaaliw sa mabababang-loob , ay kami&#039;y inaliw sa pamamagitan ng pagdating ni Tito ; At hindi lamang sa kaniyang pagdating , kundi naman sa kaaliwan ng inialiw sa kaniya dahil sa inyo , nang sa amin ay ibalita niya ang inyong pananabik , ang inyong kalumbayan , ang inyong pagmamalasakit dahil sa akin ; ano pa&#039;t ako&#039;y lubha pang nagalak . Sapagka&#039;t bagaman ako&#039;y nakapagpalumbay sa inyo sa aking sulat , ay hindi ko dinaramdam : bagama&#039;t aking dinamdam ( sapagka&#039;t akin ngang natatalastas na ang sulat na yaon ay nakapagpalumbay sa inyo , bagama&#039;t sa maikling panahon lamang ) , Ngayo&#039;y nagagalak ako , hindi dahil sa inyong pagkalumbay , kundi dahil sa inyong mga pagkalumbay na ikapagsisisi ; sapagka&#039;t kayo&#039;y pinalumbay sa paraang ukol sa Dios , upang sa anoman ay huwag kayong mangagkaroon ng kalugihan dahil sa amin . Sapagka&#039;t ang kalumbayang mula sa Dios , ay gumagawa ng pagsisisi sa ikaliligtas , na hindi ikalulungkot : datapuwa&#039;t ang kalumbayang ayon sa sanglibutan ay ikamamatay . Narito nga , ito rin ang inyong ikinalulumbay na mula sa Dios , gaanong sikap na pagiingat ang sa inyo&#039;y ginawa , oo&#039;t gaanong pagtatanggol ng inyong sarili , oo&#039;t gaanong pagkagalit , oo&#039;t gaanong katakutan , oo&#039;t gaanong pananabik , oo&#039;t gaanong pagmamalasakit , oo&#039;t gaanong paghihiganti ! Sa lahat ay napakita kayong dalisay sa bagay na ito . Kaya nga , bagama&#039;t ako&#039;y sumulat sa inyo , ay hindi dahil doon sa gumawa ng kamalian , ni dahil doon sa nagbata ng kamalian , kundi upang maihayag sa inyo ang inyong masikap na pagiingat sa amin sa harapan ng Dios . Kaya&#039;t kami&#039;y pawang nangaaliw : at sa aming pagkaaliw ay bagkus pang nangagalak kami dahil sa kagalakan ni Tito , sapagka&#039;t ang kaniyang espiritu ay inaliw ninyong lahat . Sapagka&#039;t kung ako ay nagmapuri ng anoman sa kaniya dahil sa inyo , ay hindi ako nahiya ; datapuwa&#039;t kung paanong sinabi namin ang lahat ng mga bagay sa inyo sa katotohanan , ay gayon din naman ang aming pagmamapuri na ginawa ko sa harap ni Tito ay nasumpungang totoo . At ang kaniyang pagibig ay lubha pang nanagana sa inyo , samantalang naaalaala niya ang pagtalima ninyong lahat , kung paanong siya&#039;y tinanggap ninyo na may takot at panginginig . Ako&#039;y nagagalak na sa lahat ng mga bagay ay mayroon akong lubos na pagtitiwala sa inyo . Bukod dito , mga kapatid , ay ipinatatalastas namin sa inyo ang biyaya ng Dios na ipinagkaloob sa mga iglesia ng Macedonia ; Kung paanong sa maraming pagsubok sa kapighatian ang kasaganaan ng kanilang katuwaan at ang kanilang malabis na karukhaan ay sumagana sa kayamanan ng kanilang kagandahang-loob . Sapagka&#039;t ayon sa kanilang kaya , ay nagpapatotoo ako at higit pa sa kanilang kaya , ay nagsiabuloy sila sa sariling kalooban , Na lubhang ipinamamanhik sa amin ang tungkol sa biyayang ito at sa pakikisama sa pangangasiwa ng mga abuloy sa mga banal : At ito , ay hindi ayon sa aming inaasahan , kundi ibinigay muna nila ang kanilang sarili sa Panginoon , at sa amin sa pamamagitan ng kalooban ng Dios . Ano pa&#039;t namanhik kami kay Tito , na yamang siya&#039;y nagpasimula nang una , ay siya na rin ang gumanap sa inyo ng biyayang ito . Datapuwa&#039;t yamang kayo&#039;y nagsisisagana sa lahat ng mga bagay , sa pananampalataya , at pananalita , at kaalaman , at sa buong kasipagan , at sa inyong pagibig sa amin ay magsisagana naman kayo sa biyayang ito . Hindi ako nangungusap na tulad sa naguutos , kundi gaya ng sumusubok sa pamamagitan ng kasipagan ng iba ang katapatan naman ng inyong pagibig . Sapagka&#039;t nalalaman ninyo ang biyaya ng ating Panginoong Jesucristo , na , bagaman siya&#039;y mayaman , gayon ma&#039;y nagpakadukha dahil sa inyo , upang sa pamamagitan ng kaniyang karukhaan ay magsiyaman kayo . At sa ganito&#039;y ibinibigay ko ang aking pasiya : sapagka&#039;t ito&#039;y nararapat sa inyo , na naunang nangagpasimula na may isang taon na , hindi lamang sa paggawa , kundi naman sa pagnanais . Datapuwa&#039;t ngayo&#039;y tapusin din naman ninyo ang paggawa ; upang kung paanong nagkaroon ng sikap ng pagnanais , ay gayon din namang magkaroon ng pagkatapos ayon sa inyong kaya . Sapagka&#039;t kung may sikap , ay tinatanggap ayon sa tinataglay , hindi ayon sa di tinataglay . Sapagka&#039;t hindi ko sinasabi ito upang ang mga iba ay magaanan at kayo&#039;y mabigatan ; Kundi ayon sa pagkakapantay-pantay : ang inyong kasaganaan ay naging abuloy sa panahong ito sa kanilang kakulangan , upang ang kanilang kasaganaan naman ay maging abuloy sa inyong kailangan ; upang magkaroon ng pagkakapantaypantay . Gaya ng nasusulat , Ang nagtipon ng marami ay hindi naglabis ; at ang nagtipon ng kaunti ay hindi kinulang . Datapuwa&#039;t salamat sa Dios , na naglalagay sa puso ni Tito niyaong masikap na pagiingat sa inyo . Sapagka&#039;t tunay na tinanggap niya ang aming pamanhik , nguni&#039;t palibhasa&#039;y lubha siyang masikap , ay napariyan sa inyo sa kaniyang sariling kalooban . At sinugo naming kasama niya ang kapatid na ang kaniyang kapurihan sa evangelio ay sa lahat ng mga iglesia ; At hindi lamang gayon , kundi siya naman ang inihalal ng mga iglesia na maglakbay na kasama namin tungkol sa biyayang ito , na pinangangasiwaan namin sa ikaluluwalhati ng Panginoon , at upang ipamalas ang aming sikap : Na iniilagan ito , na sinoma&#039;y huwag kaming sisihin tungkol sa abuloy na ito na aming pinangangasiwaan : Sapagka&#039;t iniisip namin ang mga bagay na kapuripuri , hindi lamang sa paningin ng Panginoon , kundi naman sa paningin ng mga tao . At aming sinugong kasama nila ang aming kapatid , na aming nasubok na madalas na masikap sa maraming bagay , datapuwa&#039;t ngayon ay lalo nang masikap , dahil sa malaking pagkakatiwala niya sa inyo . Kung may magsiyasat tungkol kay Tito , siya&#039;y aking kasama at kamanggagawa sa pagpapagal sa inyo ; o sa aming mga kapatid , sila&#039;y mga sugo ng mga iglesia , at kaluwalhatian ni Cristo . Inyo ngang ipakita sa kanila sa harapan ng mga iglesia ang katunayan ng inyong pagibig , at ng aming pagmamapuri dahil sa inyo . Sapagka&#039;t tungkol sa pangangasiwa ng mga abuloy sa mga banal , ay kalabisan na sa akin ang isulat ko pa . Sapagka&#039;t nakikilala ko ang inyong sikap , na aking ipinagmamapuri tungkol sa inyo sa mga taga Macedonia , na ang Acaya ay nahahandang isang taon na ; at ang inyong pagsisikap ay nakapagudyok sa lubhang marami sa kanila . Datapuwa&#039;t sinugo ko ang mga kapatid , upang ang aming pagmamapuri dahil sa inyo ay huwag mawalan ng kabuluhan sa bagay na ito ; na , ayon sa aking sinabi , kayo&#039;y mangakapaghanda : Baka sakaling sa anomang paraan kung magsirating na kasama ko ang ilang taga Macedonia at kayo&#039;y maratnang hindi nangahahanda , kami ( upang huwag sabihing kayo ) ay mangapahiya sa pagkakatiwalang ito . Iniisip ko ngang kailangang ipamanhik sa mga kapatid , na mangaunang pumariyan sa inyo , at ihanda agad ang inyong abuloy na ipinangako nang una , upang ito&#039;y maihanda na gaya ng abuloy , at hindi gaya ng sapilitan . Datapuwa&#039;t sinasabi ko , Ang naghahasik ng bahagya na ay magaani namang bahagya na ; at ang naghahasik na sagana ay magaani namang sagana . Magbigay ang bawa&#039;t isa ayon sa ipinasiya ng kaniyang puso : huwag mabigat sa loob , o dahil sa kailangan : sapagka&#039;t iniibig ng Dios ang nagbibigay na masaya . At maaaring gawin ng Dios na ang lahat ng biyaya ay magsisagana sa inyo ; upang kayo , na mayroong laging buong kaya sa lahat ay magsipanagana sa bawa&#039;t mabuting gawa : Gaya ng nasusulat , Siyang nagsabog , siyang nagbigay sa mga dukha ; Ang kaniyang katuwiran ay nananatili magpakailan man . At ang nagbibigay ng binhi sa naghahasik at ng tinapay na pinakapagkain , ay magbibigay at magpaparami ng inyong binhi upang ihasik , at magdaragdag ng mga bunga ng inyong katuwiran : Yamang kayo&#039;y pinayaman sa lahat ng mga bagay na ukol sa lahat ng kagandahang-loob , na nagsisigawa sa pamamagitan namin ng pagpapasalamat sa Dios . Sapagka&#039;t ang pangangasiwa sa paglilingkod na ito ay hindi lamang tumatakip sa pangangailangan ng mga banal , kundi naman umaapaw sa pamamagitan ng maraming pagpapasalamat sa Dios ; Palibhasa&#039;y sa pagsubok sa inyo sa pamamagitan ng ministeriong ito ay niluluwalhati nila ang Dios dahil sa pagtalima ng inyong pagkilala sa evangelio ni Cristo , at dahil sa kagandahang-loob ng inyong ambag sa kanila at sa lahat ; Samantalang sila rin naman , sa panalanging patungkol sa inyo , ay nananabik sa inyo dahil sa saganang biyaya ng Dios sa inyo . Salamat sa Dios dahil sa kaniyang kaloob na di masabi . Ako ngang si Pablo ay namamanhik sa inyo alangalang sa kaamuang-loob at kapakumbabaan ni Cristo , ako na sa harapan ninyo ay mapagpakumbaba sa gitna ninyo , nguni&#039;t ako&#039;y lubhang malakas ang loob kung wala sa harapan ninyo : Oo , ako&#039;y namamanhik sa inyo , upang kung ako&#039;y nahaharap ay huwag akong magpakita ng katapangang may pagkakatiwala na ipinasiya kong ipagmatapang laban sa ilang nagiisip sa amin , na waring kami ay nagsisilakad ng ayon sa laman . Sapagka&#039;t bagaman kami ay nagsisilakad sa laman , ay hindi kami nangakikipagbakang ayon sa laman . ( Sapagka&#039;t ang mga sandata ng aming pakikilaban ay hindi ukol sa laman , kundi sa harapan ng Dios ay may kapangyarihang gumiba ng mga kuta ) ; Na siyang gumigiba ng mga maling haka , at ng bawa&#039;t bagay na matayog na nagmamataas laban sa karunungan ng Dios , at bumibihag sa lahat ng pagiisip sa pagtalima kay Cristo ; At nangahahanda upang maghiganti sa lahat ng pagsuway , kung maganap na ang inyong pagtalima . Minamasdan ninyo ang mga bagay na nahaharap sa inyong mukha . Kung ang sinoman ay mayroong pagkakatiwala sa kaniyang sarili na siya&#039;y kay Cristo , ay muling dilidilihin ito sa kaniyang sarili na , kung paanong siya&#039;y kay Cristo , kami naman ay gayon din . Sapagka&#039;t bagaman ako ay magmapuri ng marami tungkol sa aming kapamahalaan ( na ibinigay ng Panginoon sa ikapagtitibay sa inyo , at hindi sa ikagigiba ninyo ) ay hindi ako mapapahiya . Upang huwag akong wari&#039;y ibig ko kayong pangilabutin sa takot sa aking mga sulat . Sapagka&#039;t , sinasabi nila , Ang kaniyang mga sulat , ay malaman at mabisa ; datapuwa&#039;t ang anyo ng kaniyang katawan ay mahina , at ang kaniyang pananalita ay walang kabuluhan . Bayaang isipin ng isang gayon ito , na , kung ano kami sa pananalita sa mga sulat pagka kami ay wala sa harapan , ay gayon din kami naman sa gawa pagka kami ay nahaharap . Sapagka&#039;t hindi kami nangagmamatapang na makibilang o makitulad sa mga ilan doon sa mga nagmamapuri sa kanilang sarili : nguni&#039;t sila na sinusukat ang kanilang sarili sa kanila rin , at kanilang itinutulad ang sarili sa kanila rin ay mga walang unawa . Datapuwa&#039;t hindi naman ipinagmamapuri ang labis sa aming sukat , kundi ayon sa sukat ng hangganang sa amin ay ipinamamahagi ng Dios , na gaya ng sukat , upang umabot hanggang sa inyo . Sapagka&#039;t hindi kami nagsisilagpas ng higit , na waring hindi na namin kayo aabutin : sapagka&#039;t hanggang sa inyo naman ay nagsirating kami sa evangelio ni Cristo : Na hindi namin ipinagmamapuri ang labis sa aming sukat , sa makatuwid baga&#039;y ang mga gawa ng ibang mga tao ; kundi yamang may pagasa , na ayon sa paglago ng inyong pananampalataya , kami&#039;y pupurihin sa inyo ayon sa aming hangganan sa lalong kasaganaan , Upang ipangaral ang evangelio sa mga dako pa roon ng lupain ninyo , at huwag kaming mangagmapuri sa hangganan ng iba tungkol sa mga bagay na nangahahanda na sa amin . Datapuwa&#039;t ang nagmamapuri ay magmapuri sa Panginoon . Sapagka&#039;t hindi subok ang nagtatagubilin sa kaniyang sarili , kundi ang ipinagtatagubilin ng Panginoon . Kahimanawari&#039;y mapagtiisan ninyo ako sa kaunting kamangmangan : nguni&#039;t tunay na ako&#039;y inyong pinagtitiisan . Sapagka&#039;t ako&#039;y naninibugho tungkol sa inyo ng panibughong ukol sa Dios : sapagka&#039;t kayo&#039;y aking pinapagasawa sa isa , upang kayo&#039;y maiharap ko kay Cristo na tulad sa dalagang malinis . Nguni&#039;t ako&#039;y natatakot , baka sa anomang paraan , kung paanong si Eva ay nadaya ng ahas sa kaniyang katusuhan , ang inyong walang malay at malinis na mga pagiisip na kay Cristo ay pasamain . Sapagka&#039;t kung yaong paririto ay mangaral ng ibang Jesus , na hindi namin ipinangaral , o kung kayo&#039;y nagsisitanggap ng ibang espiritu na hindi ninyo tinanggap , o ibang evangelio na hindi ninyo tinanggap , ay mabuting pagtiisan ninyo . Sapagka&#039;t inaakala kong sa anoman ay hindi ako huli sa lubhang mga dakilang apostol . Datapuwa&#039;t bagaman ako ay magaspang sa pananalita , gayon ma&#039;y hindi ako sa kaalaman ; hindi , kundi sa lahat ng paraan ay ipinahayag namin ito sa inyo . Ako nga baga&#039;y nagkasala sa pagpapakababa ko sa aking sarili , upang kayo&#039;y mangataas dahil sa ipinangaral ko sa inyo na walang bayad ang evangelio ng Dios ? Aking sinamsaman ang ibang mga iglesia , sa pagtanggap ko ng upa sa kanila , upang ipangasiwa ko sa inyo ; At pagka ako&#039;y kaharap ninyo at ako&#039;y nagkukulang ng ikabubuhay , ako&#039;y hindi naging pasan sa kanino man ; sapagka&#039;t mga kapatid nang sila&#039;y manggaling sa Macedonia ay tumakip ng aming pangangailangan ; at sa lahat ng mga bagay ay pinagingatan kong huwag maging pasanin ninyo , at magiingat nga ako . Kung paanong nasa akin ang katotohanan ni Cristo , sinoman ay hindi makapipigil sa akin sa pagmamapuring ito sa mga dako ng Acaya . Bakit ? sapagka&#039;t hindi ko baga kayo iniibig ? Nalalaman ng Dios . Datapuwa&#039;t ang aking ginagawa ay siya kong gagawin , upang maputol ko ang kadahilanan sa mga nagnanasa ng kadahilanan ; upang sa anomang ipinagmamapuri nila ay mangasumpungan sila na gaya namin . Sapagka&#039;t ang mga gayong tao ay mga bulaang apostol , mga magdarayang manggagawa , na nangagpapakunwaring mga apostol ni Cristo . At hindi katakataka : sapagka&#039;t si Satanas man ay nagpapakunwaring anghel ng kaliwanagan . Hindi malaking bagay nga na ang kaniyang mga ministro naman ay magpakunwari na waring ministro ng katuwiran ; na ang kanilang wakas ay masasangayon sa kanilang mga gawa . Muling sinasabi ko , Huwag isipin ng sinoman na ako&#039;y mangmang ; nguni&#039;t kung gayon , gayon ma&#039;y tanggapin ninyo akong gaya ng isang mangmang , upang ako naman ay makapagmapuri ng kaunti . Ang ipinangungusap ko ay hindi ko ipinangungusap ayon sa Panginoon , kundi gaya ng sa kamangmangan , sa pagkakatiwalang ito sa pagmamapuri . Yamang maraming nagmamapuri ayon sa laman , ako nama&#039;y magmamapuri . Sapagka&#039;t pinagtitiisan ninyo na may kasayahan ang mga mangmang , palibhasa&#039;y marurunong kayo . Sapagka&#039;t inyong pinagtitiisan ang sinoman , kung kayo&#039;y inaalipin , kung kayo&#039;y sinasakmal , kung kayo&#039;y binibihag , kung siya&#039;y nagpapalalo , kung kayo&#039;y sinasampal sa mukha . Sinasalita ko ang tungkol sa kapulaan , na wari ay naging mahina kami . Nguni&#039;t kung ang sinoman ay matapang sa anoman ( nangungusap ako sa kamangmangan ) , ako&#039;y matapang din naman . Sila baga&#039;y mga Hebreo ? ako man . Sila baga&#039;y mga Israelita ? ako man . Sila baga&#039;y binhi ni Abraham ? ako man . Sila baga&#039;y mga ministro ni Cristo ? ( ako&#039;y nangungusap na waring nasisira ang bait ) lalo pa ako ; sa pagpapagal ako&#039;y lubhang sagana , sa mga bilangguan ay lubhang madalas , sa mga palo ay walang bilang , sa mga ikamamatay ay malimit . Sa mga Judio ay makalimang tumanggap ako ng tigaapat na pung palo , kulang ng isa . Makaitlong ako&#039;y hinampas ng mga panghampas , minsan ako&#039;y binato , makaitlong ako&#039;y nabagbag , isang araw at isang gabi na ako&#039;y nasa kalaliman ng dagat ; Sa mga paglalakbay ay madalas , sa mga kapanganiban sa mga ilog , sa mga kapanganiban sa mga tulisan , sa mga kapanganiban sa aking mga kababayan , sa mga kapanganiban sa mga Gentil , sa mga kapanganiban sa bayan , sa mga kapanganiban sa mga ilang , sa mga kapanganiban sa dagat , sa mga kapanganiban sa gitna ng mga bulaang kapatid ; Sa pagpapagal at sa pagdaramdam , sa mga pagpupuyat ay madalas , sa gutom at uhaw , mga pagaayuno ay madalas , sa ginaw at kahubaran . Bukod sa mga bagay na yaon , ay may umiinis sa akin sa araw-araw , ang kabalisahan dahil sa lahat ng mga iglesia . Sino ang nanghina , at ako&#039;y hindi nanghina ? Sino ang napapatisod , at ako&#039;y di nagdaramdam ? Kung kinakailangang ako&#039;y magmapuri , ako&#039;y magmamapuri sa mga bagay na nauukol sa aking kahinaan . Ang Dios at Ama ng Panginoong Jesus , na mapalad magpakailan pa man , ang nakakaalam na ako&#039;y hindi nagsisinungaling . Sa Damasco ay binantayan ng gobernador na sakop ng haring Aretas ang bayan ng mga taga Damasco , upang ako&#039;y hulihin : At sa isang dungawan , ay napahugos ako sa kuta , sa isang balaong , at ako&#039;y nakatanan sa kanilang mga kamay . Kinakailangang ako&#039;y magmapuri , bagaman ito&#039;y hindi nararapat ; nguni&#039;t aking sasaysayin ang mga pangitain ko at mga pahayag ng Panginoon . Nakikilala ko ang isang lalake kay Cristo , na mayroong nang labingapat na taon ( maging sa katawan , aywan ko ; o maging sa labas ng katawan , aywan ko ; Dios ang nakaaalam ) na inagaw hanggang sa ikatlong langit . At nakikilala ko ang taong iyan ( maging sa katawan , o sa labas ng katawan , aywan ko ; Dios ang nakaaalam ) , Na kung paanong siya&#039;y inagaw sa Paraiso , at nakarinig ng mga salitang di masayod na hindi nararapat salitain ng tao . Tungkol sa taong yaon ako&#039;y magmamapuri : nguni&#039;t tungkol sa aking sarili ay hindi ako magmamapuri , maliban na sa aking mga kahinaan . Sapagka&#039;t kung ibigin kong ako&#039;y magmapuri , ay hindi ako magiging mangmang ; sapagka&#039;t sasalitain ko ang katotohanan : nguni&#039;t nagpipigil ako , baka ang sinoman ay magakalang ako&#039;y mataas sa nakikita niya sa akin , o naririnig sa akin . At nang ako&#039;y huwag magpalalo ng labis dahil sa kadakilaan ng mga pahayag , ay binigyan ako ng isang tinik sa laman , ng isang sugo ni Satanas , upang ako&#039;y tampalin , nang ako&#039;y huwag magpalalo ng labis . Tungkol dito&#039;y makaitlo akong nanalangin sa Panginoon , upang ilayo ito sa akin . At siya&#039;y nagsabi sa akin , Ang aking biyaya ay sapat na sa iyo : sapagka&#039;t ang aking kapangyarihan ay nagiging sakdal sa kahinaan . Kaya&#039;t bagkus akong magmamapuri na may malaking galak sa aking kahinaan upang manahan nawa sa akin ang kapangyarihan ni Cristo . Kaya nga ako&#039;y nagagalak sa mga kahinaan , sa mga pagkaapi , sa mga pangangailangan , sa mga pagkakausig , sa mga paghihinagpis , dahil kay Cristo : sapagka&#039;t pagka ako&#039;y mahina , ako nga&#039;y malakas . Ako&#039;y naging mangmang : pinilit ninyo ako ; ako sana&#039;y dapat ninyong purihin : sapagka&#039;t sa anoman ay hindi ako naging huli sa lubhang mga dakilang apostol , bagaman ako&#039;y walang kabuluhan . Tunay na ang mga tanda ng apostol ay pawang nangyari sa inyo sa buong pagtitiis , sa pamamagitan ng mga tanda at mga kababalaghan at ng mga gawang makapangyarihan . Sapagka&#039;t ano nga ang inyong ikinahuli sa ibang mga iglesia , kundi ang ako&#039;y hindi naging pasanin ninyo ? ipatawad ninyo sa akin ang kamaliang ito . Narito , ito ang ikatlo na ako&#039;y handang pumariyan sa inyo ; at ako&#039;y hindi magiging pasanin ninyo : sapagka&#039;t hindi ko hinahanap ang inyo , kundi kayo : sapagka&#039;t hindi nararapat ipagtipon ng mga anak ang mga magulang , kundi ng mga magulang ang mga anak . At ako&#039;y gugugol ng may malaking kagalakan at pagugugol dahil sa inyong mga kaluluwa . Kung kayo&#039;y iniibig ko ng lalong higit , ako baga&#039;y iniibig ng kaunti ? Datapuwa&#039;t magkagayon man , ako&#039;y hindi naging pasan sa inyo ; kundi dahil sa pagkatuso ko , kayo&#039;y hinuli ko sa daya . Kayo baga&#039;y aking dinaya sa pamamagitan ng sinoman sa mga sinugo sa inyo ? Pinamanhikan ko si Tito , at sinugo kong kasama niya ang kapatid . Kayo baga&#039;y dinaya ni Tito ? hindi baga kami ay nagsilakad sa isang Espiritu ? hindi baga kami ay nagsisunod sa gayon ding mga hakbang ? Iniisip ninyo na sa buong panahong ito&#039;y kami ay nangagdadahilan sa inyo . Sa paningin ng Dios ay nangagsasalita kami sa pangalan ni Cristo . Datapuwa&#039;t ang lahat ng mga bagay , mga minamahal , ay sa inyong mga ikatitibay . Natatakot nga ako na baka sa anomang paraan , kung ako&#039;y dumating ay kayo&#039;y masumpungan kong hindi gaya ng ibig ko , at ako ay inyong masumpungang hindi gaya ng ibig ninyo ; baka sa anomang paraan ay magkaroon ng pagtatalo , mga paninibugho , mga kagalitan , mga pagkakampikampi , mga pagsirang-puri , mga paghatid-dumapit , mga kapalaluan , mga pagkakagulo ; Baka pagka ako&#039;y dumating na muli ay ako&#039;y pababain ng Dios ko sa harapan ninyo , at ako&#039;y malumbay dahil sa marami sa nangagkasalang una , at hindi nangagsisi sa karumihan at sa pakikiapid at sa kalibugan na ginawa nila . Ito ang ikatlo na ako&#039;y paririyan sa inyo . Sa bibig ng dalawang saksi o ng tatlo ay papagtibayin ang bawa&#039;t salita . Sinabi ko na nang una , at muling aking ipinagpapauna , gaya nang ako&#039;y nahaharap ng ikalawa , gayon din ngayon , na ako&#039;y wala sa harapan , sa mga nagkasala nang una , at sa mga iba pa , na kung ako&#039;y pumariyang muli ay hindi ko na patatawarin ; Yamang nagsisihanap kayo ng isang katunayan na si Cristo ay nagsasalita sa akin ; na siya sa inyo&#039;y hindi mahina , kundi sa inyo&#039;y makapangyarihan : Sapagka&#039;t siya&#039;y ipinako sa krus dahil sa kahinaan , gayon ma&#039;y nabubuhay siya dahil sa kapangyarihan ng Dios . Sapagka&#039;t kami naman ay sa kaniya&#039;y mahihina , nguni&#039;t kami ay mabubuhay na kasama niya sa kapangyarihan ng Dios sa inyo . Siyasatin ninyo ang inyong sarili , kung kayo&#039;y nangasa pananampalataya ; subukin ninyo ang inyong sarili . Hindi baga ninyo nalalaman sa ganang inyong sarili , na si Jesucristo ay nasa inyo ? maliban na nga kung kayo&#039;y itinakuwil na . Nguni&#039;t inaasahan ko na inyong mangakikilala na kami ay hindi itinakuwil . Ngayo&#039;y idinadalangin namin sa Dios na kayo&#039;y huwag magsigawa ng masama ; hindi upang kami&#039;y mangakitang subok , kundi upang gawin ninyo ang may karangalan , kahit kami&#039;y maging gaya ng itinakuwil . Sapagka&#039;t kami&#039;y walang anomang magagawang laban sa katotohanan , kundi ayon sa katotohanan . Sapagka&#039;t kami&#039;y natutuwa kung kami&#039;y mahihina , at kayo&#039;y malalakas : at ito naman ang idinadalangin namin , sa makatuwid baga&#039;y ang inyong pagkasakdal . Dahil dito&#039;y sinusulat ko ang mga bagay na ito samantalang ako&#039;y wala sa harapan , upang kung nasa harapan ay huwag akong gumamit ng kabagsikan , ayon sa kapamahalaang ibinibigay sa akin ng Panginoon sa ikatitibay , at hindi sa ikagigiba . Sa katapustapusan , mga kapatid , paalam na . Mangagpakasakdal kayo ; mangaaliw kayo ; mangagkaisa kayo ng pagiisip ; mangabuhay kayo sa kapayapaan : at ang Dios ng pagibig at ng kapayapaan ay sasa inyo . Mangagbatian ang isa&#039;t isa sa inyo ng banal na halik . Binabati kayo ng lahat ng mga banal . Ang biyaya ng Panginoong Jesucristo , at ang pagibig ng Dios , at ang pakikipisan ng Espiritu Santo ay sumainyo nawang lahat . </passage></reply></GetPassage>