<?xml version="1.0" encoding="UTF-8"?><GetPassage xmlns="http://relaxng.org/ns/structure/1.0" xmlns:tei="http://www.tei-c.org/ns/1.0" xmlns:ti="http://chs.harvard.edu/xmlns/cts"><request><requestName>GetPassage</requestName><requestUrn>urn:cts:pbc:bible.parallel.tgl.1905:48</requestUrn></request><reply><urn>urn:cts:pbc:bible.parallel.tgl.1905:48</urn><passage>Si Pablo , na Apostol ( hindi mula sa mga tao , ni sa pamamagitan man ng tao , kundi sa pamamagitan ni Jesucristo , at ng Dios Ama , na siyang sa kaniya&#039;y muling bumuhay ; ) At ang lahat ng mga kapatid na mga kasama ko , sa mga iglesia ng Galacia : Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Dios na Ama , at sa ating Panginoong Jesucristo , Na siyang nagbigay sa kaniyang sarili dahil sa ating mga kasalanan , upang tayo&#039;y mailigtas dito sa kasalukuyang masamang sanglibutan , ayon sa kalooban ng ating Dios at Ama : Na sumakaniya ang kaluwalhatian magpakailan man . Siya nawa . Ako&#039;y namamangha na kay dali ninyong nagsilipat sa ibang evangelio buhat sa tumawag sa inyo sa biyaya ni Cristo ; Na ito&#039;y hindi ibang evangelio : kundi mayroong ilan na sa inyo&#039;y nagsisiligalig , at nangagiibig na pasamain ang evangelio ni Cristo . Datapuwa&#039;t kahima&#039;t kami , o isang anghel na mula sa langit , ang mangaral sa inyo ng anomang evangelio na iba sa aming ipinangangaral sa inyo , ay matakuwil . Ayon sa aming sinabi nang una , ay muling gayon ang aking sinasabi ngayon , Kung ang sinoman ay mangaral sa inyo ng anomang evangelio na iba kay sa inyong tinanggap na , ay matakuwil . Sapagka&#039;t ako baga&#039;y nanghihikayat ngayon sa mga tao o sa Dios ? o ako baga&#039;y nagsisikap na magbigay-lugod sa mga tao ? kung ako&#039;y magbibigay-lugod pa sa mga tao , ay hindi ako magiging alipin ni Cristo . Sapagka&#039;t aking ipinatatalastas sa inyo , mga kapatid , tungkol sa evangelio na aking ipinangaral , na ito&#039;y hindi ayon sa tao . Sapagka&#039;t hindi ko tinanggap ito sa tao , ni itinuro man sa akin , kundi aking tinanggap sa pamamagitan ng pahayag ni Jesucristo . Sapagka&#039;t inyong nabalitaan ang aking pamumuhay nang nakaraang panahon sa relihion ng mga Judio , kung paanong aking inuusig na malabis , at nilipol ang iglesia ng Dios : At ako&#039;y nangunguna sa relihion ng mga Judio ng higit kay sa marami sa aking mga kasing gulang sa aking mga kababayan , palibhasa&#039;y totoong masikap ako sa mga sali&#039;t-saling sabi ng aking mga magulang . Nguni&#039;t nang magalingin ng Dios na siyang sa akin ay nagbukod , buhat pa sa tiyan ng aking ina , at ako&#039;y tawagin sa pamamagitan ng kaniyang biyaya , Na ihayag ang kaniyang Anak sa akin , upang siya&#039;y aking ipangaral sa gitna ng mga Gentil ; pagkaraka&#039;y hindi ako sumangguni sa laman at sa dugo : Ni inahon ko man sa Jerusalem silang mga apostol na nangauna sa akin : kundi sa Arabia ako naparoon ; at muling nagbalik ako sa Damasco . Nang makaraan nga ang tatlong taon ay umahon ako sa Jerusalem upang dalawin si Cefas , at natira akong kasama niyang labing-limang araw . Nguni&#039;t wala akong nakita sa mga ibang apostol , maliban na kay Santiago na kapatid ng Panginoon . Tungkol nga sa mga bagay na isinusulat ko sa inyo , narito , sa harapan ng Dios , hindi ako nagsisinungaling . Pagkatapos ay naparoon ako sa mga lupain ng Siria at Cilicia . At hindi pa ako nakikilala sa mukha ng mga iglesia ng Judea na pawang kay Cristo . Kundi ang kanila lamang naririnig na pinaguusapan ay , Yaong umuusig sa atin nang una , ngayo&#039;y nangangaral ng pananampalataya na nang ibang panahon ay kaniyang sinisira ; At kanilang niluluwalhati ang Dios sa akin . Nang makaraan nga ang labingapat na taon ay umahon akong muli sa Jerusalem na kasama si Bernabe , at isinama ko rin naman si Tito . At ako&#039;y umahon dahil sa pahayag ; at isinaysay ko sa harapan nila ang evangelio na aking ipinangangaral sa gitna ng mga Gentil , datapuwa&#039;t sa harapan ng mga may dangal ay sa lihim , baka sa anomang paraan ako&#039;y tatakbo , o tumakbo , ng walang kabuluhan . Datapuwa&#039;t maging si Tito man na kasama ko , bagama&#039;t Griego , ay hindi napilit na patuli . At yaon ay dahil sa mga hindi tunay na kapatid na ipinasok ng lihim , na nagsipasok ng lihim upang tiktikan ang aming kalayaan na taglay namin kay Cristo Jesus , upang kami&#039;y ilagay nila sa pagkaalipin : Sa mga yaon ay hindi kami napahinuhod na supilin kami , kahit isang oras ; upang ang katotohanan ng evangelio ay manatili sa inyo . Datapuwa&#039;t ang mga wari&#039;y may dangal ng kaunti ( maging anoman sila , ay walang anoman sa akin : ang Dios ay hindi tumatanggap ng anyo ninoman ) silang may dangal , sinasabi ko , ay hindi nagbahagi sa akin ng anoman : Kundi bagkus nang makita nila na sa akin ay ipinagkatiwala ang evangelio ng di-pagtutuli , gaya rin naman ng pagkakatiwala kay Pedro ng evangelio ng pagtutuli ; ( Sapagka&#039;t ang naghanda kay Pedro sa pagkaapostol sa pagtutuli ay naghanda rin naman sa akin sa pagkaapostol sa mga Gentil ) ; At nang makita nila ang biyayang sa akin ay ipinagkaloob , ang mga kanang kamay ng pakikisama ay ibinigay sa akin at kay Bernabe ni Santiago at ni Cefas at ni Juan , sila na mga inaaring haligi , upang kami ay magsiparoon sa mga Gentil , at sila&#039;y sa pagtutuli ; Ang kanila lamang hinihiling ay aming alalahanin ang mga dukha ; na ang bagay ring ito&#039;y aking pinagsisikapan gawain . Nguni&#039;t nang dumating si Cefas sa Antioquia , ay sumalansang ako sa kaniya ng mukhaan , sapagka&#039;t siya&#039;y nararapat hatulan . Sapagka&#039;t bago nagsidating ang ilang mula kay Santiago , ay nakisalo siya sa mga Gentil ; nguni&#039;t nang sila&#039;y magsidating na , siya&#039;y umurong , at humiwalay sa mga Gentil , palibhasa&#039;y natatakot sa mga sa pagtutuli . At ang ibang mga Judio ay nangagpakunwari rin namang kasama niya : ano pa&#039;t pati si Bernabe ay nabuyo sa kanilang pagkukunwari . Nguni&#039;t nang aking makita na hindi sila nagsisilakad ng matuwid ayon sa katotohanan ng evangelio , sinabi ko kay Cefas sa harapan nilang lahat , Kung ikaw , na Judio , ay namumuhay gaya ng mga Gentil , at di gaya ng mga Judio , bakit mo pinipilit ang mga Gentil na mamuhay na gaya ng mga Judio ? Tayo&#039;y mga Judio sa katutubo , at hindi mga makasalanang Gentil , Bagama&#039;t naaalaman na ang tao ay hindi inaaring-ganap sa mga gawang ayon sa kautusan , maliban na sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesucristo , tayo rin ay nagsisampalataya kay Cristo Jesus , upang tayo&#039;y ariing-ganap sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo , at hindi dahil sa mga gawang ayon sa kautusan : sapagka&#039;t sa mga gawang ayon sa kautusan ay hindi aariing-ganap ang sinomang laman . Nguni&#039;t kung , samantalang ating pinagsisikapan na tayo&#039;y ariing-ganap kay Cristo , ay tayo rin naman ay nangasusumpungang mga makasalanan , si Cristo baga ay ministro ng kasalanan ? Huwag nawang mangyari . Kung akin ngang muling itayo ang mga bagay na aking sinira , sa aking sarili ay pinatutunayan ko na ako&#039;y suwail . Sapagka&#039;t ako sa pamamagitan ng kautusan ay namatay , sa kautusan , upang ako&#039;y mabuhay sa Dios . Ako&#039;y napako sa krus na kasama ni Cristo ; at hindi na ako ang nabubuhay , kundi si Cristo ang nabubuhay sa akin : at ang buhay na ikinabubuhay ko ngayon sa laman ay ikinabubuhay ko sa pananampalataya , ang pananampalataya na ito&#039;y sa Anak ng Dios , na sa akin ay umibig , at ibinigay ang kaniyang sarili dahil sa akin . Hindi ko niwawalan ng halaga ang biyaya ng Dios : sapagka&#039;t kung sa pamamagitan ng kautusan ay ang katuwiran , kung gayo&#039;y si Cristo ay namatay ng walang kabuluhan . Oh mga mangmang na taga Galacia , sino ang mga nagsigayuma sa inyo , na sa harapan ng inyong mga mata&#039;y si Jesucristo , na napako sa krus , ay maliwanag na inihayag ? Ito lamang ang ibig kong maalaman sa inyo , Tinanggap baga ninyo ang Espiritu sa pamamagitan ng mga gawang ayon sa kautusan , o sa pamamagitan ng pakikinig ng tungkol sa pananampalataya ? Napakamangmang na baga kayo ? kayong nagpasimula sa Espiritu , ngayo&#039;y nangagpapakasakdal kayo sa laman ? Tiniis baga ninyong walang kabuluhan ang lubhang maraming mga bagay ? kung tunay na walang kabuluhan . Siya na nagbibigay nga sa inyo ng Espiritu , at gumagawa ng mga himala sa gitna ninyo , ginagawa baga sa pamamagitan ng mga gawang ayon sa kautusan , o sa pakikinig ng tungkol sa pananampalataya ? Gaya nga ni Abraham na sumampalataya sa Dios , at ito&#039;y ibinilang sa kaniya na katuwiran . Talastasin nga ninyo na ang mga sa pananampalataya , ang mga yaon ay mga anak ni Abraham . At sapagka&#039;t ipinakita na ng kasulatan , na aariing-ganap ng Dios ang mga Gentil sa pamamagitan ng pananampalataya , ay ipinangaral na nang una ang evangelio kay Abraham , na sinasabi , Sa iyo ay pagpapalain ang lahat ng mga bansa . Kaya&#039;t ang mga sa pananampalataya ay pinagpapala kay Abraham na may pananampalataya . Sapagka&#039;t ang lahat na sa mga gawang ayon sa kautusan ay nasa ilalim ng sumpa : sapagka&#039;t nasusulat , Sinusumpa ang bawa&#039;t hindi nananatili sa lahat ng mga bagay na nasusulat sa aklat ng kautusan , upang gawin nila . Maliwanag nga na sinoman ay hindi inaaring-ganap sa kautusan sa harapan ng Dios ; sapagka&#039;t , Ang ganap ay mabubuhay sa pananampalataya . At ang kautusan ay hindi sa pananampalataya ; kundi , Ang gumaganap ng mga yaon ay mabubuhay sa mga yaon . Sa sumpa ng kautusan ay tinubos tayo ni Cristo , na naging sumpa sa ganang atin ; sapagka&#039;t nasusulat , Sinusumpa ang bawa&#039;t binibitay sa punong kahoy : Upang sa mga Gentil ay dumating ang pagpapala ni Abraham na kay Cristo Jesus ; upang sa pamamagitan ng pananampalataya ay tanggapin natin ang pangako ng Espiritu . Mga kapatid , nagsasalita ako ayon sa kaugalian ng mga tao : Bagama&#039;t ang pakikipagtipan ay gawa lamang ng tao , gayon ma&#039;y pagka pinagtibay , sinoman ay hindi makapagpapawalang kabuluhan , o makapagdaragdag man . Ngayon kay Abraham nga sinabi ang mga pangako , at sa kaniyang binhi . Hindi sinasabi ng Dios , At sa mga binhi , na gaya baga sa marami ; kundi gaya sa iisa lamang , At sa iyong binhi , na si Cristo . Ito nga ang aking sinasabi : Ang isang pakikipagtipang pinagtibay na nang una ng Dios , ay hindi mapawawalang kabuluhan ng kautusan , na sumipot nang makaraan ang apat na raan at tatlongpung taon , ano pa&#039;t upang pawalang kabuluhan ang pangako . Sapagka&#039;t kung ang mana ay sa pamamagitan ng kautusan , ay hindi na sa pamamagitan ng pangako : datapuwa&#039;t ipinagkaloob ng Dios kay Abraham sa pamamagitan ng pangako . Ano nga ang kabuluhan ng kautusan ? Idinagdag dahil sa mga pagsalangsang , hanggang sa pumarito ang binhi na siyang pinangakuan ; at ito&#039;y iniutos sa pamamagitan ng mga anghel sa kamay ng isang tagapamagitan . Ngayon ang isang tagapamagitan ay hindi tagapamagitan ng iisa ; datapuwa&#039;t ang Dios ay iisa . Ang kautusan nga baga ay laban sa mga pangako ng Dios ? Huwag nawang mangyari : sapagka&#039;t kung ibinigay sana ang isang kautusang may kapangyarihang magbigay buhay , tunay ngang ang katuwiran sana ay naging dahil sa kautusan . Datapuwa&#039;t kinulong ng kasulatan ang lahat ng mga bagay sa ilalim ng kasalanan , upang ang pangako sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesucristo ay maibigay sa mga nagsisisampalataya . Nguni&#039;t bago dumating ang pananampalataya , ay nabibilanggo tayo sa ilalim ng kautusan , na nakukulong tayo hanggang sa ang pananampalataya ay ipahahayag pagkatapos . Ano pa&#039;t ang kautusan ay siyang naging tagapagturo natin upang ihatid tayo kay Cristo , upang tayo&#039;y ariing-ganap sa pamamagitan ng pananampalataya . Datapuwa&#039;t ngayong dumating na ang pananampalataya , ay wala na tayo sa ilalim ng tagapagturo . Sapagka&#039;t kayong lahat ay mga anak ng Dios , sa pamamagitan ng pananampalataya , kay Cristo Jesus . Sapagka&#039;t ang lahat na sa inyo ay binautismuhan kay Cristo ay ibinihis si Cristo . Walang magiging Judio o Griego man , walang magiging alipin o malaya man , walang magiging lalake o babae man ; sapagka&#039;t kayong lahat ay iisa kay Cristo Jesus . At kung kayo&#039;y kay Cristo , kayo nga&#039;y binhi ni Abraham , at mga tagapagmana ayon sa pangako . Nguni&#039;t sinasabi ko na samantalang ang tagapagmana ay bata , ay walang pagkakaibang anoman sa alipin bagama&#039;t siya&#039;y panginoon ng lahat ; Datapuwa&#039;t nasa ilalim ng mga tagapagampon at ng mga tagapangasiwa hanggang sa panahong itinakda ng ama . Gayon din naman tayo , nang tayo&#039;y mga bata pa , tayo&#039;y nasasakop ng pagkaalipin sa ilalim ng mga pasimulang aral ng sanglibutan . Datapuwa&#039;t nang dumating ang kapanahunan , ay sinugo ng Dios ang kaniyang Anak , na ipinanganak ng isang babae , na ipinanganak sa ilalim ng kautusan , Upang matubos niya ang nangasa ilalim ng kautusan , upang matanggap natin ang pagkukupkop sa mga anak . At sapagka&#039;t kayo&#039;y mga anak , ay sinugo ng Dios ang Espiritu ng kaniyang Anak sa ating mga puso , na sumisigaw , Abba , Ama . Ano pa&#039;t hindi ka na alipin , kundi anak ; at kung anak , ay tagapagmana ka nga sa pamamagitan ng Dios . Gayon man nang panahong yaon , sa hindi ninyo pagkakilala sa Dios , kayo&#039;y nasa pagkaalipin ng sa katutubo ay hindi mga dios : Datapuwa&#039;t ngayon yamang nakikilala na ninyo ang Dios , o ang lalong mabuting sabihin , kayo&#039;y nangakikilala ng Dios , bakit muling nangagbabalik kayo doon sa mahihina at walang bisang mga pasimulang aral , na sa mga yao&#039;y ninanasa ninyong magbalik sa pagkaalipin ? Ipinangingilin ninyo ang mga araw , at mga buwan , at mga panahon , at mga taon . Ako&#039;y natatakot tungkol sa inyo , baka sa anomang paraan ay nagpagal ako sa inyo ng walang kabuluhan . Ipinamamanhik ko sa inyo , mga kapatid , na kayo&#039;y mangagsitulad sa akin , sapagka&#039;t ako&#039;y katulad din ninyo . Wala kayong ginawa sa aking anomang kasamaan . Datapuwa&#039;t nalalaman ninyo na dahil sa sakit ng laman , ay ipinangaral ko sa inyo ang evangelio nang pasimula : At yaong sa inyo&#039;y isang tukso sa aking laman ay hindi ninyo inalipusta , ni itinakuwil man ; kundi ako&#039;y tinanggap ninyong tulad sa isang anghel ng Dios , tulad kay Cristo Jesus . Saan nga naroon yaong inyong kapalaran ? sapagka&#039;t pinatototohanan ko sa inyo , na , kung mangyayari , ay inyong dinukit sana ang inyong mga mata at ibinigay sa akin . Kaya nga ako baga&#039;y naging kaaway ninyo , sa pagsasabi ko sa inyo ng katotohanan ? May nangagmamalasakit sa inyo sa hindi mabuting akala ; subali&#039;t , ang ibig nila ay ihiwalay kayo , upang ipagmalasakit ninyo sila . Datapuwa&#039;t mabuti ang ipagmalasakit sa mabuting bagay sa lahat ng panahon , at hindi lamang samantalang ako&#039;y kaharap ninyo . Maliliit kong mga anak , na muli kong ipinagdaramdam sa panganganak hanggang si Cristo ay mabadha sa inyo . Datapuwa&#039;t , ibig kong makaharap ninyo ako ngayon , at baguhin ang aking tinig ; sapagka&#039;t ako&#039;y nagaalinlangan tungkol sa inyo . Sabihin ninyo sa akin , kayong nagsisipagnasang mapasa ilalim ng kautusan , hindi baga ninyo naririnig ang kautusan ? Sapagka&#039;t nasusulat , na si Abraham ay nagkaroon ng dalawang anak , ang isa&#039;y sa aliping babae , at ang isa&#039;y sa babaing malaya . Gayon man ang anak sa alipin ay ipinanganak ayon sa laman ; nguni&#039;t ang anak sa babaing malaya ay sa pamamagitan ng pangako . Ang mga bagay na ito&#039;y may lamang talinghaga : sapagka&#039;t ang mga babaing ito&#039;y dalawang tipan ; ang isa&#039;y mula sa bundok ng Sinai , na nanganganak ng mga anak sa pagkaalipin , na ito&#039;y si Agar . Ang Agar ngang ito ay bundok ng Sinai sa Arabia , at ito&#039;y katulad ng Jerusalem ngayon : sapagka&#039;t ito&#039;y nasa pagkaalipin kasama ng kaniyang mga anak . Nguni&#039;t ang Jerusalem na nasa itaas ay malaya , na siyang ina natin . Sapagka&#039;t nasusulat , Magsaya ka , Oh baog na hindi nanganganak ; Magbiglang umawit at humiyaw ka , ikaw na hindi nagdaramdam sa panganganak : Sapagka&#039;t higit pa ang mga anak ng pinabayaan kay sa mga anak ng may asawa . At tayo , mga kapatid , tulad ni Isaac , ay mga anak sa pangako . Datapuwa&#039;t kung papaanong yaong ipinanganak ayon sa laman ay nagusig sa ipinanganak ayon sa espiritu , ay gayon din naman ngayon . Gayon man ano ang sinasabi ng kasulatan ? Palayasin ang aliping babae at ang kaniyang anak : sapagka&#039;t hindi magmamana ang anak ng babaing alipin na kasama ng anak ng babaing malaya . Kaya nga , mga kapatid , hindi tayo mga anak ng babaing alipin , kundi ng babaing malaya . Sa kalayaan ay pinalaya tayo ni Cristo : magsitibay nga kayo , at huwag na kayong pasakop na muli sa pamatok ng pagkaalipin . Narito , akong si Pablo ay nagsasabi sa inyo , na , kung inyong tinatanggap ang pagtutuli , ay wala kayong mapapakinabang na anoman kay Cristo . Oo , pinatotohanan kong muli sa bawa&#039;t taong tumatanggap ng pagtutuli , na siya&#039;y may kautangang tumupad ng buong kautusan . Kayo&#039;y hiwalay kay Cristo , kayong nangagiibig na ariing-ganap ng kautusan ; nangahulog kayo mula sa biyaya . Sapagka&#039;t tayo sa pamamagitan ng Espiritu sa pananampalataya ay naghihintay ng pangako ng katuwiran . Sapagka&#039;t kay Cristo Jesus , kahit ang pagtutuli ay walang kabuluhan , kahit man ang di-pagtutuli ; kundi ang pananampalataya na gumagawa sa pamamagitan ng pagibig . Nagsisitakbo kayong mabuti nang una ; sino ang gumambala sa inyo upang kayo&#039;y huwag magsisunod sa katotohanan ? Ang paghikayat na ito ay hindi nagmula doon sa tumawag sa inyo . Ang kaunting lebadura ay nagpapakumbo sa buong limpak . Ako&#039;y may pagkakatiwala sa inyo sa Panginoon , na hindi kayo nagsipagisip ng ibang paraan : datapuwa&#039;t ang gumagambala sa inyo ay magtataglay ng kaniyang kahatulan , maging sinoman siya . Nguni&#039;t ako , mga kapatid , kung ipinangangaral ko pa ang pagtutuli , bakit ako&#039;y pinaguusig pa ? kung gayon ay natapos na ang katitisuran sa krus . Ibig ko sana na ang mga nagsisigulo sa inyo ay gumawa ng higit sa pagtutuli . Sapagka&#039;t kayo , mga kapatid , ay tinawag sa kalayaan ; huwag lamang gamitin ang inyong kalayaan , upang magbigay kadahilanan sa laman , kundi sa pamamagitan ng pagibig ay mangaglingkuran kayo . Sapagka&#039;t ang buong kautusan ay natutupad sa isang salita , sa makatuwid ay dito : Iibigin mo ang inyong kapuwa na gaya ng inyong sarili . Nguni&#039;t kung kayo-kayo rin ang nangagkakagatan at nangagsasakmalan , magsipagingat kayo na baka kayo&#039;y mangaglipulan sa isa&#039;t isa . Sinasabi ko nga , Magsilakad kayo ayon sa Espiritu , at hindi ninyo gagawin ang mga pita ng laman . Sapagka&#039;t ang laman ay nagnanasa ng laban sa Espiritu , at ang Espiritu ay laban sa laman ; sapagka&#039;t ang mga ito ay nagkakalaban ; upang huwag ninyong gawin ang bagay na inyong ibigin . Datapuwa&#039;t kung kayo&#039;y pinapatnubayan ng Espiritu , ay wala kayo sa ilalim ng kautusan . At hayag ang mga gawa ng laman , sa makatuwid ay ang mga ito : pakikiapid , karumihan , kalibugan , Pagsamba sa diosdiosan , pangkukulam , mga pagtataniman , mga pagtatalo , mga paninibugho , mga pagkakaalitan , mga pagkakampikampi , mga pagkakabahabahagi , mga hidwang pananampalataya , Mga kapanaghilian , mga paglalasing , mga kalayawan , at ang mga katulad nito ; tungkol sa mga bagay na ito ay aking ipinagpapaunang ipaalaala sa inyo , tulad sa aking pagpapaalaala nang una sa inyo , na ang mga nagsisigawa ng gayong mga bagay ay hindi magsisipagmana ng kaharian ng Dios . Datapuwa&#039;t ang bunga ng Espiritu ay pagibig , katuwaan , kapayapaan , pagpapahinuhod , kagandahang-loob , kabutihan , pagtatapat , Kaamuan , pagpipigil ; laban sa mga gayong bagay ay walang kautusan . At ipinako sa krus ng mga na kay Cristo Jesus ang laman na kasama ang mga masasamang pita at mga kahalayan nito . Kung tayo&#039;y nangabubuhay sa pamamagitan ng Espiritu , ay mangagsilakad naman tayo ayon sa Espiritu . Huwag tayong maging mga palalo , na tayo-tayo&#039;y nangagmumungkahian sa isa&#039;t isa , nangagiinggitan sa isa&#039;t isa . Mga kapatid , kung ang sinoman ay masumpungan sa anomang pagsuway , kayong mga sa espiritu , ay inyong papanumbalikin ang gayon sa espiritu ng kahinhinan ; na iyong pagwariin ang iyong sarili , baka ikaw naman ay matukso . Mangagdalahan kayo ng mga pasanin ng isa&#039;t isa , at tuparin ninyong gayon ang kautusan ni Cristo . Sapagka&#039;t kung ang sinoman ay nagaakala na siya&#039;y may kabuluhan bagaman siya ay walang kabuluhan , ang kaniyang sarili ang dinadaya niya . Nguni&#039;t siyasatin ng bawa&#039;t isa ang kaniyang sariling gawa , at kung magkagayon ay magkakaroon siya ng kaniyang kapurihan tungkol sa kaniyang sarili lamang , at hindi tungkol sa kapuwa . Sapagka&#039;t ang bawa&#039;t tao ay magpapasan ng kaniyang sariling pasan . Datapuwa&#039;t ang tinuturuan sa aral ng Dios ay makidamay doon sa nagtuturo sa lahat ng mga bagay na mabuti . Huwag kayong padaya ; ang Dios ay hindi napabibiro : sapagka&#039;t ang lahat na ihasik ng tao , ay siya namang aanihin niya . Sapagka&#039;t ang naghahasik ng sa kaniyang sariling laman ay sa laman magaani ng kasiraan ; datapuwa&#039;t ang naghahasik ng sa Espiritu ay sa Espiritu magaani ng buhay na walang hanggan . At huwag tayong mangapagod sa paggawa ng mabuti : sapagka&#039;t sa kapanahunan ay magsisipagani tayo , kung hindi tayo manganghihimagod . Kaya nga , samantalang tayo&#039;y may pagkakataon , ay magsigawa tayo ng mabuti sa lahat , at lalong lalo na sa mga kasangbahay sa pananampalataya . Tingnan ninyo kung gaano kalalaking mga titik ang isinulat ko sa inyo ng aking sariling kamay . Yaong lahat na may ibig magkaroon ng isang mabuting anyo sa laman , ay siyang pumipilit sa inyo na mangagtuli ; upang huwag lamang silang pagusigin dahil sa krus ni Cristo . Sapagka&#039;t yaon mang nangatuli na ay hindi rin nagsisitupad ng kautusan ; nguni&#039;t ibig nilang kayo&#039;y ipatuli , upang sila&#039;y mangagmapuri sa inyong laman . Datapuwa&#039;t malayo nawa sa akin ang pagmamapuri , maliban na sa krus ng ating Panginoong Jesucristo , na sa pamamagitan niyao&#039;y ang sanglibutan ay napako sa krus sa ganang akin , at ako&#039;y sa sanglibutan . Sapagka&#039;t ang pagtutuli ay walang anoman , kahit man ang di-pagtutuli , kundi ang bagong nilalang . At ang lahat na mangagsisilakad ayon sa alituntuning ito , kapayapaan at kaawaan nawa ang sumakanila , at sa Israel ng Dios . Buhat ngayon sinoman ay huwag bumagabag sa akin ; sapagka&#039;t dala kong nakalimbag sa aking katawan ang mga tanda ni Jesus . Mga kapatid , ang biyaya ng ating Panginoong Jesucristo ay sumainyo nawang espiritu . Siya nawa . </passage></reply></GetPassage>