<?xml version="1.0" encoding="UTF-8"?><GetPassage xmlns="http://relaxng.org/ns/structure/1.0" xmlns:tei="http://www.tei-c.org/ns/1.0" xmlns:ti="http://chs.harvard.edu/xmlns/cts"><request><requestName>GetPassage</requestName><requestUrn>urn:cts:pbc:bible.parallel.tgl.1905:49</requestUrn></request><reply><urn>urn:cts:pbc:bible.parallel.tgl.1905:49</urn><passage>Si Pablo , na apostol ni Cristo Jesus sa pamamagitan ng kalooban ng Dios , sa mga banal na nangasa Efeso , at sa mga tapat kay Cristo Jesus : Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Dios na ating Ama at sa Panginoong Jesucristo . Purihin nawa ang Dios at Ama ng ating Panginoong Jesucristo , na siyang nagpala sa atin ng bawa&#039;t pagpapalang ukol sa espiritu sa sangkalangitan kay Cristo : Ayon sa pagkapili niya sa atin sa kaniya bago itinatag ang sanglibutan , upang tayo&#039;y maging mga banal at mga walang dungis sa harapan niya sa pagibig : Na tayo&#039;y itinalaga niya nang una pa sa pagkukupkop na tulad sa mga anak sa pamamagitan ni Jesucristo sa ganang kaniya , ayon sa minagaling ng kaniyang kalooban , Sa ikapupuri ng kaluwalhatian ng kaniyang biyaya , na sa atin ay ipinagkaloob na masagana sa Minamahal : Na sa kaniya&#039;y mayroon tayo ng ating katubusan sa pamamagitan ng kaniyang dugo , na kapatawaran ng ating mga kasalanan , ayon sa mga kayamanan ng kaniyang biyaya , Na pinasagana niya sa atin , sa buong karunungan at katalinuhan , Na ipinakikilala niya sa atin ang hiwaga ng kaniyang kalooban , ayon sa kaniyang minagaling na ipinasiya niya sa kaniya rin . Sa pagiging katiwala sa kaganapan ng mga panahon , upang tipunin ang lahat ng mga bagay kay Cristo , ang mga bagay na nangasa sangkalangitan , at ang mga bagay na nangasa ibabaw ng lupa ; sa kaniya , sinasabi ko , Tayo rin naman sa kaniya ay ginawang mana , na itinalaga na niya tayo nang una pa ayon sa pasiya niyaong gumagawa ng lahat ng mga bagay ayon sa pasiya ng kaniyang kalooban ; Upang tayo&#039;y maging kapurihan ng kaniyang kaluwalhatian , tayong nagsiasa nang una kay Cristo : Na sa kaniya&#039;y kayo rin naman , pagkarinig ng aral ng katotohanan , ng evangelio ng inyong kaligtasan , na sa kaniya rin naman , mula nang kayo&#039;y magsisampalataya , ay kayo&#039;y tinatakan ng Espiritu Santo , na ipinangako , Na siyang patotoo sa ating mana , hanggang sa ikatutubos ng sariling pag-aari ng Dios , sa ikapupuri ng kaniyang kaluwalhatian . Dahil dito ako rin naman , pagkarinig ng pananampalataya sa Panginoong Jesus na nasa inyo , at ng pagibig na inyong ipinakita sa lahat ng mga banal , Ay hindi ako tumitigil ng pagpapasalamat dahil sa inyo , na aking binabanggit kayo sa aking mga panalangin ; Upang ipagkaloob sa inyo ng Dios ng ating Panginoong Jesucristo , ng Ama ng kaluwalhatian , ang espiritu ng karunungan at ng pahayag sa pagkakilala sa kaniya ; Yamang naliwanagan ang mga mata ng inyong puso , upang maalaman ninyo kung ano ang pagasa sa kaniyang pagtawag , kung ano ang mga kayamanan ng kaluwalhatian ng kaniyang pamana sa mga banal , At kung ano ang dakilang kalakhan ng kaniyang kapangyarihan sa ating nagsisisampalataya , ayon sa gawa ng kapangyarihan ng kaniyang lakas , Na kaniyang ginawa kay Cristo , nang ito&#039;y kaniyang buhaying maguli sa mga patay , at pinaupo sa kaniyang kanan sa sangkalangitan , Sa kaibaibabawan ng lahat na pamunuan , at kapamahalaan , at kapangyarihan , at pagkasakop , at sa bawa&#039;t pangalan na ipinangungusap , hindi lamang sa sanglibutang ito , kundi naman sa darating : At ang lahat ng mga bagay ay pinasuko niya sa ilalim ng kaniyang mga paa , at siyang pinagkaloobang maging pangulo ng lahat ng mga bagay sa iglesia , Na siyang katawan niya , na kapuspusan niyaong pumupuspos ng lahat sa lahat . At kayo&#039;y binuhay niya , nang kayo&#039;y mga patay dahil sa inyong mga pagsalangsang at mga kasalanan , Na inyong nilakaran noong una ayon sa lakad ng sanglibutang ito , ayon sa pangulo ng mga kapangyarihan ng hangin , ng espiritu na ngayon ay gumagawa sa mga anak ng pagsuway ; Sa gitna ng mga yaon , tayo rin naman , ng ibang panahon ay nangabubuhay sa mga kahalayan ng ating laman , na ating ginagawa ang mga pita ng laman at ng pagiisip , at tayo noo&#039;y katutubong mga anak ng kagalitan , gaya naman ng mga iba : Nguni&#039;t ang Dios , palibhasa&#039;y mayaman sa awa , dahil sa kaniyang malaking pagibig na kaniyang iniibig sa atin , Bagama&#039;t tayo&#039;y mga patay dahil sa ating mga kasalanan , tayo&#039;y binuhay na kalakip ni Cristo ( sa pamamagitan ng biyaya kayo&#039;y nangaligtas ) , At tayo&#039;y ibinangong kalakip niya , at pinaupong kasama niya sa sangkalangitan , kay Cristo Jesus : Upang sa mga panahong darating ay maihayag niya ang dakilang kayamanan ng kaniyang biyaya sa kagandahang-loob sa atin kay Cristo Jesus : Sapagka&#039;t sa biyaya kayo&#039;y nangaligtas sa pamamagitan ng pananampalataya ; at ito&#039;y hindi sa inyong sarili , ito&#039;y kaloob ng Dios ; Hindi sa pamamagitan ng mga gawa , upang ang sinoman ay huwag magmapuri . Sapagka&#039;t tayo&#039;y kaniyang gawa , na nilalang kay Cristo Jesus para sa mabubuting gawa , na mga inihanda ng Dios nang una upang siya nating lakaran . Kaya nga alalahanin ninyo , na kayo noong una , mga Gentil sa laman , tinatawag na Di-pagtutuli niyaong tinatawag na Pagtutuli sa laman , na ginawa ng mga kamay : Na kayo nang panahong yaon ay mga hiwalay kay Cristo , na mga di kabilang sa bansa ng Israel , at mga taga ibang lupa tungkol sa mga tipan ng pangako , na walang pagasa at walang Dios sa sanglibutan . Datapuwa&#039;t ngayon kay Cristo Jesus kayo na noong panahon ay nalalayo ay inilapit sa dugo ni Cristo . Sapagka&#039;t siya ang ating kapayapaan , na kaniyang pinagisa ang dalawa , at iginiba ang pader na nasa gitna na nagpapahiwalay , Na inalis ang pagkakaalit sa pamamagitan ng kaniyang laman , kahit kautusan na may mga batas at ang palatuntunan ; upang sa dalawa ay lalangin sa kaniyang sarili ang isang taong bago , sa ganito&#039;y ginagawa ang kapayapaan ; At upang papagkasunduin silang dalawa sa isang katawan sa Dios sa pamamagitan ng krus , na sa kaniya&#039;y pinatay ang pagkakaalit . At siya&#039;y naparito at ipinangaral ang kapayapaan sa inyong nalalayo , at ang kapayapaan sa nangalalapit : Sapagka&#039;t sa pamamagitan niya tayo&#039;y may pagpasok sa isang Espiritu rin sa Ama . Kaya nga hindi na kayo mga taga ibang lupa at mga manglalakbay , kundi kayo&#039;y mga kababayan na kasama ng mga banal , at sangbahayan ng Dios , Na mga itinatayo sa ibabaw ng kinasasaligan ng mga apostol at ng mga propeta , na si Cristo Jesus din ang pangulong bato sa panulok ; Na sa kaniya&#039;y ang buong gusali , na nakalapat na mabuti , ay lumalago upang maging isang templong banal sa Panginoon ; Na sa kaniya&#039;y itinayo naman kayo upang maging tahanan ng Dios sa Espiritu . Dahil dito , akong si Pablo , na bilanggo ni Cristo Jesus dahil sa inyong mga Gentil , Kung tunay na inyong narinig yaong pagiging katiwala sa biyaya ng Dios na sa akin ay ibinigay sa ikagagaling ninyo ; Kung paanong sa pahayag ay ipinakilala sa akin ang hiwaga , gaya ng isinulat ko nang una sa ilang salita . Sa pamamagitan niyaon , sa pagbasa ninyo , ay inyong mapagtatalastas ang aking pagkakilala sa hiwaga ni Cristo ; Na nang ibang panahon ay hindi ipinakilala sa mga anak ng mga tao , na gaya ngayon na ipinahayag sa kaniyang mga banal na apostol at propeta sa Espiritu ; Na ang mga Gentil ay mga tagapagmana , at mga kasangkap ng katawan , at mga may bahagi sa pangako na kay Cristo Jesus sa pamamagitan ng evangelio , Na dito&#039;y ginawa akong ministro , ayon sa kaloob ng biyayang yaon ng Dios na sa akin ay ibinigay ayon sa paggawa ng kaniyang kapangyarihan . Sa akin , na ako ang kababababaan sa lahat ng lalong mababa sa mga banal , ay ibinigay ang biyayang ito , upang ipangaral sa mga Gentil ang mga di malirip na mga kayamanan ni Cristo ; At maipakita sa lahat ng mga tao kung ano ang pagiging katiwala sa hiwaga na sa lahat ng panahon ay inilihim ng Dios na lumalang ng lahat ng mga bagay ; Upang ngayo&#039;y sa pamamagitan ng iglesia , ay maipakikilala sa mga pamunuan at sa mga kapangyarihan sa sangkalangitan ang kapuspusan ng karunungan ng Dios , Ayon sa panukalang walang hanggan na ipinanukala kay Cristo Jesus na Panginoon natin : Na sa kaniya&#039;y mayroon tayong lakas ng loob at pagpasok na may pagasa sa pamamagitan ng ating pananampalataya sa kaniya . Kaya nga ipinamamanhik ko na huwag kayong manglupaypay sa mga kapighatian ko dahil sa inyo , na pawang kapurihan ninyo . Dahil dito ay iniluluhod ko ang aking mga tuhod sa Ama , Na sa kaniya&#039;y kumukuha ng pangalan ang bawa&#039;t sangbahayan sa langit at sa lupa , Upang sa inyo&#039;y ipagkaloob niya , ayon sa mga kayamanan ng kaniyang kaluwalhatian , na kayo&#039;y palakasin ng kapangyarihan sa pamamagitan ng kaniyang Espiritu sa pagkataong loob ; Na si Cristo ay manahan sa inyong mga puso sa pamamagitan ng pananampalataya ; upang kung kayo&#039;y magugat at magtumibay sa pagibig . Ay lumakas upang matalastas pati ng lahat ng mga banal kung ano ang luwang at ang haba at ang taas at lalim , At makilala ang pagibig ni Cristo na di masayod ng kaalaman , upang kayo&#039;y mangapuspos hanggang sa buong kapuspusan ng Dios . Ngayon sa makapangyarihang gumawa ng lubhang sagana ng higit sa lahat ng ating hinihingi o iniisip , ayon sa kapangyarihang gumagawa sa atin , Ay sumakaniya nawa ang kaluwalhatian sa iglesia at kay Cristo Jesus sa buong panahon magpakailan man . Siya nawa . Namamanhik nga sa inyo akong bilanggo sa Panginoon , na kayo&#039;y magsilakad ng nararapat sa pagkatawag na sa inyo&#039;y itinawag , Ng buong kapakumbabaan at kaamuan , na may pagpapahinuhod , na mangagbatahan kayo-kayo sa pagibig ; Na pagsakitan ninyong ingatan ang pakikipagkaisa sa Espiritu sa tali ng kapayapaan . May isang katawan , at isang Espiritu , gaya naman ng pagkatawag sa inyo sa isang pagasa ng pagtawag sa inyo ; Isang Panginoon , isang pananampalataya , isang bautismo , Isang Dios at Ama ng lahat , na siyang sumasa ibabaw sa lahat , at sumasa lahat , at nasa lahat . Datapuwa&#039;t ang bawa&#039;t isa sa atin ay binigyan ng biyaya ayon sa sukat na kaloob ni Cristo . Kaya&#039;t sinasabi niya , Nang umakyat siya sa itaas ay dinala niyang bihag ang pagkabihag , At nagbigay ng mga kaloob sa mga tao . ( Ngayon ito , Umakyat Siya , ano ito , kundi siya&#039;y bumaba rin naman sa mga dakong kalaliman ng lupa ? Ang bumaba ay siya rin namang umakyat sa kaitaasan ng buong sangkalangitan , upang kaniyang mapuspos ang lahat ng mga bagay . ) At pinagkalooban niya ang mga iba na maging mga apostol ; at ang mga iba&#039;y propeta ; at ang mga iba&#039;y evangelista ; at ang mga iba&#039;y pastor at mga guro ; Sa ikasasakdal ng mga banal , sa gawaing paglilingkod sa ikatitibay ng katawan ni Cristo : Hanggang sa abutin nating lahat ang pagkakaisa ng pananampalataya , at ang pagkakilala sa Anak ng Dios , hanggang sa lubos na paglaki ng tao , hanggang sa sukat ng pangangatawan ng kapuspusan ni Cristo : Upang tayo&#039;y huwag nang maging mga bata pa , na napapahapay dito&#039;t doon at dinadala sa magkabikabila ng lahat na hangin ng aral , sa pamamagitan ng mga daya ng mga tao , sa katusuhan , ayon sa mga lalang ng kamalian ; Kundi sa pagsasalita ng katotohanan na may pagibig , ay mangagsilaki sa lahat ng mga bagay sa kaniya , na siyang pangulo , sa makatuwid baga&#039;y si Cristo ; Na dahil sa kaniya&#039;y ang buong katawan na nakalapat na mabuti at nagkakalakip sa pamamagitan ng tulong ng bawa&#039;t kasukasuan , ayon sa paggawang nauukol sa bawa&#039;t iba&#039;t ibang sangkap , ay nagpapalaki sa katawan sa ikatitibay ng kaniyang sarili sa pagibig . Ito nga ang sinasabi ko , at sinasaksihan sa Panginoon , na kayo&#039;y hindi na nagsisilakad pa na gaya naman ng lakad ng mga Gentil , sa pagpapalalo sa kanilang pagiisip , Na sa kadiliman ng kanilang pagiisip , ay nangahiwalay sa buhay ng Dios , dahil sa kahangalang nasa kanila , dahil sa pagmamatigas ng kanilang puso ; Na sila sa di pagkaramdam ng kahihiyan ay napahikayat sa kalibugan , upang kalakalin ang lahat ng karumihan ng buong kasakiman . Nguni&#039;t kayo&#039;y hindi nangatuto ng ganito kay Cristo ; Kung tunay na siya&#039;y inyong pinakinggan , at kayo&#039;y tinuruan sa kaniya , gaya ng katotohanan na kay Jesus . At inyong iwan , tungkol sa paraan ng inyong pamumuhay na nakaraan , ang dating pagkatao , na sumama ng sumama ayon sa mga kahalayan ng pagdaraya ; At kayo&#039;y mangagbago sa espiritu ng inyong pagiisip , At kayo&#039;y mangagbihis ng bagong pagkatao , na ayon sa Dios ay nilalang sa katuwiran at sa kabanalan ng katotohanan . Kaya nga , pagkatakuwil ng kasinungalingan , ay magsasalita ang bawa&#039;t isa sa inyo ng katotohanan sa kaniyang kapuwa : sapagka&#039;t tayo&#039;y mga sangkap na isa&#039;t isa sa atin . Kayo&#039;y mangagalit at huwag kayong mangakasala : huwag lumubog ang araw sa inyong galit : Ni bigyan daan man ang diablo . Ang nagnanakaw ay huwag nang magnakaw pa : bagkus magpagal , na igawa ang kaniyang mga kamay ng mabuting bagay , upang siya&#039;y may maibigay sa nangangailangan . Anomang salitang mahalay ay huwag lumabas sa inyong bibig , kundi ang mabuting ikatitibay ayon sa pangangailangan , upang makinabang ng biyaya ang mga nagsisipakinig . At huwag ninyong pighatiin ang Espiritu Santo ng Dios , na sa kaniya kayo&#039;y tinatakan hanggang sa kaarawan ng pagkatubos . Ang lahat ng kapaitan , at kagalitan , at pagkakaalit , at kadaldalan , at panglilibak , ay mangaalis nawa sa inyo , pati ng lahat ng masasamang akala : At magmagandang-loob kayo sa isa&#039;t isa , mga mahabagin , na mangagpatawaran kayo sa isa&#039;t isa , gaya naman ng pagpapatawad sa inyo ng Dios kay Cristo . Kayo nga&#039;y magsitulad sa Dios , na gaya ng mga anak na minamahal ; At magsilakad kayo sa pagibig , gaya rin naman ng pagibig ni Cristo sa inyo , at ibinigay dahil sa atin ang kaniyang sarili , na hain at handog sa Dios upang maging samyo ng masarap na amoy . Nguni&#039;t ang pakikiapid , at ang lahat ng karumihan , o kasakiman , ay huwag man lamang masambit sa inyo , gaya ng nararapat sa mga banal ; O ang karumihan man , o mga mangmang na pananalita , o ang mga pagbibiro , na di nangararapat : kundi kayo&#039;y magpasalamat . Sapagka&#039;t talastas ninyong lubos , na sinomang mapakiapid , o mahalay , o masakim , na isang mapagsamba sa mga diosdiosan , ay walang anomang mamanahin sa kaharian ni Cristo at ng Dios . Huwag kayong madaya ng sinoman ng mga salitang walang kabuluhan : sapagka&#039;t dahil sa mga bagay na ito&#039;y dumarating ang galit ng Dios sa mga anak ng pagsuway . Huwag kayong makibahagi sa kanila ; Sapagka&#039;t noong panahon kayo&#039;y kadiliman , datapuwa&#039;t ngayon kayo&#039;y kaliwanagan sa Panginoon : magsilakad kayong gaya ng mga anak ng kaliwanagan : ( Sapagka&#039;t ang bunga ng kaliwanagan ay nabubuo ng kabutihan at katuwiran at katotohanan ) , Na inyong pinatutunayan ang kinalulugdan ng Panginoon ; At huwag kayong makibahagi sa mga walang mapapakinabang na gawa ng kadiliman , kundi bagkus inyong sawatain ; Sapagka&#039;t ang mga bagay na ginagawa nila sa lihim ay mahalay na salitain man lamang . Datapuwa&#039;t ang lahat ng mga bagay pagka sawata ay itinatanyag ng kaliwanagan : sapagka&#039;t ang lahat ng mga bagay na itinatanyag ay kaliwanagan . Kaya sinasabi niya , Gumising kang natutulog , at magbangon ka sa gitna ng mga patay , at liliwanagan ka ni Cristo . Mangagingat nga kayong lubos kung paano kayo lumalakad , huwag gaya ng mga mangmang , kundi gaya ng marurunong ; Na inyong samantalahin ang panahon , sapagka&#039;t ang mga araw ay masasama . Kaya huwag kayong maging mga mangmang , kundi unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon . At huwag kayong magsipaglasing ng alak na kinaroroonan ng kaguluhan , kundi kayo&#039;y mangapuspos ng Espiritu ; Na kayo&#039;y mangagusapan ng mga salmo at mga himno at mga awit na ukol sa espiritu , na nangagaawitan at nangagpupuri sa inyong mga puso sa Panginoon ; Na kayo&#039;y laging magpasalamat sa lahat ng mga bagay sa pangalan ng ating Panginoong Jesucristo sa Dios na ating Ama ; Na pasakop kayo sa isa&#039;t isa sa takot kay Cristo . Mga babae , pasakop kayo sa inyo-inyong sariling asawa , na gaya ng sa Panginoon . Sapagka&#039;t ang lalake ay pangulo ng kaniyang asawa , gaya naman ni Cristo na pangulo ng iglesia , na siya rin ang tagapagligtas ng katawan . Datapuwa&#039;t kung paanong ang iglesia ay nasasakop ni Cristo , ay gayon din naman ang mga babae ay pasakop sa kani-kaniyang asawa sa lahat ng mga bagay . Mga lalake , ibigin ninyo ang inyo-inyong asawa , gaya naman ni Cristo na umibig sa iglesia , at ibinigay ang kaniyang sarili dahil sa kaniya ; Upang kaniyang pakabanalin ito , na nilinis sa pamamagitan ng paghuhugas ng tubig na may salita , Upang ang iglesia ay maiharap sa kaniyang sarili na maluwalhati , na walang dungis o kulubot o anomang gayong bagay ; kundi ito&#039;y nararapat maging banal at walang kapintasan . Gayon din naman nararapat ibigin ng mga lalake ang kani-kaniyang sariling asawa , na gaya ng kanilang sariling mga katawan . Ang umiibig sa kaniyang sariling asawa ay umiibig sa kaniyang sarili : Sapagka&#039;t walang sinoman na napoot kailan man sa kaniyang sariling katawan ; kundi kinakandili at minamahal , gaya naman ni Cristo sa iglesia ; Sapagka&#039;t tayo ay mga sangkap ng kaniyang katawan . Dahil dito&#039;y iiwan ng lalake ang kaniyang ama at ina , at makikisama sa kaniyang asawa ; at ang dalawa ay magiging isang laman . Ang hiwagang ito ay dakila : datapuwa&#039;t sinasalita ko ang tungkol kay Cristo at tungkol sa iglesia . Gayon man ay umibig naman ang bawa&#039;t isa sa inyo sa kani-kaniyang sariling asawa gaya ng sa kaniyang sarili ; at ang babae ay gumalang sa kaniyang asawa . Mga anak , magsitalima kayo sa inyong mga magulang sa Panginoon : sapagka&#039;t ito&#039;y matuwid . Igalang mo ang iyong ama at ina ( na siyang unang utos na may pangako ) , Upang yumaon kang mabuti , at ikaw ay mabuhay na malaon sa lupa . At , kayong mga ama , huwag ninyong ipamungkahi sa galit ang inyong mga anak : kundi inyong turuan sila ayon sa saway at aral ng Panginoon . Mga alipin , magsitalima kayo sa mga yaong ayon sa laman ay inyong mga panginoon , na may takot at panginginig , sa katapatan ng inyong puso , na gaya ng kay Cristo ; Hindi ang paglilingkod sa paningin , na gaya ng pagbibigay lugod sa mga tao ; kundi bagkus gaya ng mga alipin ni Cristo , na ginagawa mula sa puso ang kalooban ng Dios ; Maglingkod na may mabuting kalooban , na gaya ng sa Panginoon , at hindi sa mga tao : Yamang napagaalaman na anomang mabuting bagay na gawin ng bawa&#039;t isa , ay gayon din ang muling tatanggapin niya sa Panginoon , maging alipin o laya . At kayong mga panginoon , gayon din ang inyong gawin sa kanila , at iwan ninyo ang mga pagbabala : yamang napagaalaman na ang Panginoon nila at ninyo ay nasa langit , at sa kaniya&#039;y walang itinatanging tao . Sa katapustapusa&#039;y magpakalakas kayo sa Panginoon , at sa kapangyarihan ng kaniyang kalakasan . Mangagbihis kayo ng buong kagayakan ng Dios , upang kayo&#039;y magsitibay laban sa mga lalang ng diablo . Sapagka&#039;t ang ating pakikibaka ay hindi laban sa laman at dugo , kundi laban sa mga pamunuan , laban sa mga kapangyarihan , laban sa mga namamahala ng kadilimang ito sa sanglibutan , laban sa mga ukol sa espiritu ng kasamaan sa mga dakong kaitaasan . Dahil dito magsikuha kayo ng buong kagayakan ng Dios , upang kayo&#039;y mangakatagal sa araw na masama , at kung magawa ang lahat , ay magsitibay . Magsitibay nga kayo , na ang inyong mga baywang ay may bigkis na katotohanan , na may sakbat na baluti ng katuwiran , At ang inyong mga paa ay may panyapak na paghahanda ng evangelio ng kapayapaan ; Bukod dito ay taglayin ninyo ang kalasag ng pananampalataya , na siyang ipapatay ninyo sa lahat ng nangagniningas na suligi ng masama . At magsikuha rin naman kayo ng turbante ng kaligtasan , at ng tabak ng Espiritu , na siyang salita ng Dios : Na magsipanalangin kayo sa Espiritu ng lahat ng panalangin at daing sa buong panahon , at mangagpuyat sa buong katiyagaan at daing na patungkol sa lahat ng mga banal , At sa akin , upang ako&#039;y pagkalooban ng pananalita sa pagbubuka ng aking bibig , upang ipakilalang may katapangan ang hiwaga ng evangelio , Na dahil dito ako&#039;y isang sugong natatanikalaan ; upang sa ganito ako&#039;y magsalita na may katapangan gaya ng nararapat na aking salitain . Datapuwa&#039;t upang mangaalaman ninyo naman ang mga bagay na ukol sa akin , at ang kalagayan ko , si Tiquico na aking minamahal na kapatid at tapat na ministro sa Panginoon , ay siyang magpapakilala sa inyo ng lahat ng mga bagay : Na siyang aking sinugo sa inyo sa bagay na ito , upang makilala ninyo ang aming kalagayan , at upang kaniyang aliwin ang inyong mga puso . Kapayapaan nawa sa mga kapatid , at pagibig na may pananampalataya , mula sa Dios Ama at sa Panginoong Jesucristo . Ang biyaya nawa&#039;y sumalahat ng mga nagsisiibig sa ating Panginoong Jesucristo ng pagibig na walang pagkasira . Siya nawa . </passage></reply></GetPassage>