<?xml version="1.0" encoding="UTF-8"?><GetPassage xmlns="http://relaxng.org/ns/structure/1.0" xmlns:tei="http://www.tei-c.org/ns/1.0" xmlns:ti="http://chs.harvard.edu/xmlns/cts"><request><requestName>GetPassage</requestName><requestUrn>urn:cts:pbc:bible.parallel.tgl.1905:50</requestUrn></request><reply><urn>urn:cts:pbc:bible.parallel.tgl.1905:50</urn><passage>Si Pablo at si Timoteo , na mga alipin ni Cristo Jesus , sa lahat ng mga banal kay Cristo Jesus na nangasa Filipos , pati ng mga obispo at ng mga diakono : Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Dios na ating Ama at sa Panginoong Jesucristo . Ako&#039;y nagpapasalamat sa aking Dios , sa tuwing kayo&#039;y aking naaalaala , Na parating sa bawa&#039;t daing ko , ay masayang nananaing ako na patungkol sa inyong lahat , Dahil sa inyong pakikisama sa pagpapalaganap ng evangelio , mula nang unang araw hanggang ngayon ; Na ako&#039;y may lubos na pagkakatiwala sa bagay na ito , na ang nagpasimula sa inyo ng mabuting gawa , ay lulubusin hanggang sa araw ni Jesucristo : Gaya ng matuwid na aking isiping gayon tungkol sa inyong lahat , sapagka&#039;t kayo&#039;y nasa aking puso , palibhasa&#039;y , sa aking mga tanikala at pagsasanggalang at sa pagpapatunay naman sa evangelio , kayong lahat na kasama ko ay may bahagi sa biyaya . Sapagka&#039;t saksi ko ang Dios , kung gaano ang pananabik ko sa inyong lahat sa mahinahong habag ni Cristo Jesus . At ito&#039;y idinadalangin ko , na ang inyong pagibig ay lalo&#039;t lalo pang sumagana nawa sa kaalaman at sa lahat ng pagkakilala ; Upang inyong kilalanin ang mga bagay na magagaling ; upang kayo&#039;y maging mga tapat at walang kapintasan hanggang sa kaarawan ni Cristo ; Na mangapuspos ng bunga ng kabanalan , na ito&#039;y sa pamamagitan ni Jesucristo , sa ikaluluwalhati at ikapupuri ng Dios . Ngayon ibig ko na inyong maalaman , mga kapatid , na ang mga bagay na nangyari sa akin ay nangyari sa lalong ikasusulong ng evangelio ; Ano pa&#039;t ang aking mga tanikala kay Cristo ay nahayag sa lahat ng mga bantay ng pretorio , at sa mga iba&#039;t iba pa ; At ang karamihan sa mga kapatid sa Panginoon , na palibhasa&#039;y may pagkakatiwala sa aking mga tanikala , ay lalong nagkaroon ng tapang upang salitaing walang takot ang salita ng Dios . Tunay na ipinangangaral ng iba si Cristo sa kapanaghilian at sa pakikipagtalo ; at ng mga iba naman sa mabuting kalooban : Ang isa&#039;y gumagawa nito sa pagibig , palibhasa&#039;y nalalaman na ako&#039;y nalalagay sa pagsasanggalang ng evangelio ; Datapuwa&#039;t itinatanyag ng iba si Cristo dahil sa pagkakampikampi , hindi sa pagtatapat , na ang iniisip ay dalhan ako ng kapighatian sa aking mga tanikala . Ano nga ? gayon man , sa lahat ng paraan , maging sa pagdadahilan o sa katotohanan , ay itinatanyag si Cristo ; at sa ganito&#039;y nagagalak ako , oo , at ako&#039;y magagalak . Sapagka&#039;t nalalaman ko na ang kahihinatnan nito&#039;y sa aking ikaliligtas , sa pamamagitan ng inyong pananaing at kapuspusan ng Espiritu ni Cristo , Ayon sa aking maningas na paghihintay at pagasa , na , sa anoma&#039;y hindi ako mapapahiya , kundi sa buong katapangan , na gaya ng dati , gayon din naman ngayon , ay dadakilain si Cristo sa aking katawan , maging sa pamamagitan ng kabuhayan , o sa pamamagitan ng kamatayan . Sapagka&#039;t sa ganang akin ang mabuhay ay si Cristo , at ang mamatay ay pakinabang . Nguni&#039;t kung ang mabuhay sa laman ay siya kong palad , ito&#039;y magiging mabungang pagpapagal , na aywan ko nga kung ano ang aking pipiliin . Sapagka&#039;t ako&#039;y nagigipit sa magkabila , akong may nasang umalis at suma kay Cristo ; sapagka&#039;t ito&#039;y lalong mabuti : Gayon ma&#039;y ang manatili sa laman ay siyang lalong kinakailangan dahil sa inyo . At sa pagkakatiwalang ito , ay aking nalalaman na ako&#039;y mananatili , oo , at mananatili ako na kasama ninyong lahat , sa ikasusulong ninyo at ikagagalak sa pananampalataya ; Upang managana ang inyong pagmamapuri kay Cristo Jesus sa akin sa pamamagitan ng aking pagharap na muli sa inyo . Ang inyo lamang pamumuhay ay maging karapatdapat sa evangelio ni Cristo : upang , maging ako ay dumating at kayo&#039;y makita , o wala man sa harap ninyo , ay mabalitaan ko ang inyong kalagayan , na kayo&#039;y matitibay sa isang espiritu , na kayo&#039;y mangagkaisa ng kaluluwa na nangagsisikap sa pananampalataya sa evangelio ; At sa anoman ay huwag kayong mangatakot sa mga kaaway : na ito sa kanila ay malinaw na tanda ng kapahamakan , datapuwa&#039;t tanda ng inyong pagkaligtas , at ito&#039;y mula sa Dios ; Sapagka&#039;t sa inyo&#039;y ipinagkaloob alangalang kay Cristo , hindi lamang upang manampalataya sa kaniya , kundi upang magtiis din naman alangalang sa kaniya : Yamang taglay ninyo ang pakikipagbuno na inyong nakita rin sa akin , at ngayo&#039;y nababalitaan ninyong taglay ko . Kaya nga kung mayroong anomang kasiglahan kay Cristo , kung mayroong anomang kaaliwan ng pagibig , kung mayroong anomang pakikisama ng Espiritu , kung mayroong anomang mahinahong awa at habag , Ay lubusin ninyo ang aking katuwaan , upang kayo&#039;y mangagkaisa ng pagiisip , mangagtaglay ng isa ring pagibig , na mangagkaisa ng akala , at isa lamang pagiisip ; Na huwag ninyong gawin ang anoman sa pamamagitan ng pagkakampikampi o sa pamamagitan ng pagpapalalo , kundi sa kababaan ng pagiisip , na ipalagay ng bawa&#039;t isa ang iba na lalong mabuti kay sa kaniyang sarili ; Huwag tingnan ng bawa&#039;t isa sa inyo ang sa kaniyang sarili , kundi ang bawa&#039;t isa naman ay sa iba&#039;t iba . Mangagkaroon kayo sa inyo ng pagiisip , na ito&#039;y na kay Cristo Jesus din naman : Na siya , bagama&#039;t nasa anyong Dios , ay hindi niya inaring isang bagay na nararapat panangnan ang pagkapantay niya sa Dios , Kundi bagkus hinubad niya ito , at naganyong alipin , na nakitulad sa mga tao : At palibhasa&#039;y nasumpungan sa anyong tao , siya&#039;y nagpakababa sa kaniyang sarili , na nagmasunurin hanggang sa kamatayan , oo , sa kamatayan sa krus . Kaya siya naman ay pinakadakila ng Dios , at siya&#039;y binigyan ng pangalang lalo sa lahat ng pangalan ; Upang sa pangalan ni Jesus ay iluhod ang lahat ng tuhod , ng nangasa langit , at ng nangasa ibabaw ng lupa , at ng nangasa ilalim ng lupa , At upang ipahayag ng lahat ng mga dila na si Jesucristo ay Panginoon , sa ikaluluwalhati ng Dios Ama . Kaya nga , mga minamahal ko , kung paano ang inyong laging pagsunod , na hindi lamang sa harapan ko , kundi bagkus pa ngayong ako&#039;y wala , ay lubusin ninyo ang gawain ng inyong sariling pagkaligtas na may takot at panginginig ; Sapagka&#039;t Dios ang gumagawa sa inyo maging sa pagnanasa at sa paggawa , ayon sa kaniyang mabuting kalooban . Gawin ninyo ang lahat ng mga bagay na walang mga bulungbulong at pagtatalo : Upang kayo&#039;y maging walang sala at walang malay , mga anak ng Dios na walang dungis sa gitna ng isang lahing liko at masama , na sa gitna nila&#039;y lumiliwanag kayong tulad sa mga ilaw sa sanglibutan , Na nagpapahayag ng salita ng kabuhayan ; upang may ipagkapuri ako sa kaarawan ni Cristo , na hindi ako tumakbo nang walang kabuluhan ni nagpagal man nang walang kabuluhan . Oo , kahit ako&#039;y maging hain sa paghahandog at paglilingkod ng inyong pananampalataya , ako&#039;y nakikipagkatuwa , at nakikigalak sa inyong lahat : At sa ganyan ding paraan kayo&#039;y nakikipagkatuwa naman , at nakikigalak sa akin . Datapuwa&#039;t inaasahan ko sa Panginoong Jesus na suguing madali sa inyo si Timoteo , upang ako naman ay mapanatag , pagkaalam ko ng inyong kalagayan . Sapagka&#039;t walang taong katulad ko ang pagiisip na magmamalasakit na totoo sa inyong kalagayan . Sapagka&#039;t pinagsisikapan nilang lahat ang sa kanilang sarili , hindi ang mga bagay ni Jesucristo . Nguni&#039;t nalalaman ninyo ang pagkasubok sa kaniya na gaya ng paglilingkod ng anak sa ama , ay gayon naglilingkod siyang kasama ko sa ikalalaganap ng evangelio . Siya nga ang aking inaasahang suguin madali , pagkakita ko kung ano ang mangyayari sa akin : Datapuwa&#039;t umaasa ako sa Panginoon , na diya&#039;y makararating din naman akong madali . Nguni&#039;t inakala kong kailangang suguin sa inyo si Epafrodito , na aking kapatid at kamanggagawa , at kapuwa kawal at inyong sugo at katiwala sa aking kailangan . Yamang siya&#039;y nananabik sa inyong lahat , at totoong siya&#039;y namanglaw , sapagka&#039;t inyong nabalitaan na siya&#039;y may-sakit : Katotohanan ngang nagkasakit siya na malapit na sa kamatayan : nguni&#039;t kinahabagan siya ng Dios ; at hindi lamang siya kundi pati ako , upang ako&#039;y huwag magkaroon ng sapinsaping kalumbayan . Siya nga&#039;y sinugo kong may malaking pagpipilit , upang , pagkakitang muli ninyo sa kaniya , kayo&#039;y mangagalak , at ako&#039;y mabawasan ng kalumbayan . Tanggapin nga ninyo siya sa Panginoon ng buong galak ; at ang gayon ay papurihan ninyo : Sapagka&#039;t dahil sa pagpapagal kay Cristo ay nalapit siya sa kamatayan , na isinasapanganib ang kaniyang buhay upang punan ang kakulangan sa inyong paglilingkod sa akin . Sa katapustapusan , mga kapatid ko , mangagalak kayo sa Panginoon . Ang pagsulat ko nga sa inyo ng mga gayon ding bagay , sa akin ay tunay na hindi nakangangalay , nguni&#039;t sa inyo&#039;y katiwasayan . Magsipagingat kayo sa mga aso , magsipagingat kayo sa masasamang manggagawa , magsipagingat kayo sa mga sa pagtutuli : Sapagka&#039;t tayo ang pagtutuli , na nagsisisamba sa Espiritu ng Dios , at nangagmamapuri kay Cristo Jesus , at walang anomang pagkakatiwala sa laman : Bagama&#039;t ako&#039;y makapagkakatiwala sa laman : na kung ang iba ay nagaakala na may pagkakatiwala sa laman , ay lalo na ako : Na tinuli ng ikawalong araw , mula sa lahi ng Israel , mula sa angkan ni Benjamin , Hebreo sa mga Hebreo ; tungkol sa kautusan , ay Fariseo ; Tungkol sa pagsisikap , ay manguusig sa iglesia ; tungkol sa kabanalan na nasa kautusan , ay walang kapintasan . Gayon man ang mga bagay na sa akin ay pakinabang , ay inari kong kalugihan , alangalang kay Cristo . Oo nga , at lahat ng mga bagay ay inaari kong kalugihan dahil sa dakilang kagalingan ng pagkakilala kay Cristo Jesus na Panginoon ko : na alangalang sa kaniya&#039;y tiniis ko ang kalugihan ng lahat ng mga bagay , at inari kong sukal lamang , upang tamuhin ko si Cristo , At ako&#039;y masumpungan sa kaniya , na walang katuwirang aking sarili , sa makatuwid baga&#039;y sa kautusan , kundi ang katuwirang sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo , ang katuwiran ngang buhat sa Dios sa pamamagitan ng pananampalataya : Upang makilala ko siya , at ang kapangyarihan ng kaniyang pagkabuhay na maguli , at ang pakikisama ng kaniyang mga kahirapan , na ako&#039;y natutulad sa kaniyang pagkamatay ; Kung aking tamuhin sa anomang paraan ang pagkabuhay na maguli sa mga patay . Hindi sa ako&#039;y nagtamo na , o ako&#039;y nalubos na : kundi nagpapatuloy ako , baka sakaling maabot ko yaong ikinaaabot naman sa akin ni Cristo Jesus . Mga kapatid , hindi ko pa inaaring inabot : datapuwa&#039;t isang bagay ang ginagawa ko , na nililimot ang mga bagay na nasa likuran , at tinutungo ang mga bagay na hinaharap , Nagtutumulin ako sa hangganan sa ganting-pala ng dakilang pagtawag ng Dios na kay Cristo Jesus . Kaya nga , kung ilan tayong mga sakdal , ay magisip ng gayon : at kung sa anoma&#039;y nangagkakaiba kayo ng iniisip ay ipahahayag naman ito sa inyo ng Dios : Lamang , ay magsilakad tayo ayon sa gayon ding ayos na ating inabot na . Mga kapatid , kayo&#039;y mangagkaisang tumulad sa akin , at tandaan ninyo ang mga nagsisilakad ng gayon , ayon sa halimbawang nakikita ninyo sa akin . Sapagka&#039;t marami ang mga nagsisilakad , na siyang madalas na aking sinabi sa inyo , at ngayo&#039;y sinasabi ko sa inyo na may pagiyak , na sila ang mga kaaway ng krus ni Cristo : Na ang kanilang kahihinatnan ay ang kapahamakan , na ang kanilang dios ay ang tiyan , at ang kanilang kapurihan ay nasa kanilang kahihiyan , na nagiisip ng mga bagay na ukol sa lupa . Sapagka&#039;t ang ating pagkamamamayan ay nasa langit ; mula doon ay hinihintay naman natin ang Tagapagligtas , ang Panginoong Jesucristo : Na siyang magbabago ng katawan ng ating pagkamababa , upang maging katulad ng katawan ng kaniyang kaluwalhatian , ayon sa paggawa na maipagpapasuko niya sa lahat ng mga bagay sa kaniya . Kaya nga , mga kapatid kong minamahal at pinananabikan , aking katuwaan at putong , magsitibay nga kayo sa Panginoon , mga minamahal ko . Ipinamamanhik ko kay Euodias , at ipinamamanhik ko kay Sintique , na mangagkaisa ng pagiisip sa Panginoon . Oo , ipinamamanhik ko rin naman sa iyo , tapat na kasama sa pagtulong , na iyong tulungan ang mga babaing ito , sapagka&#039;t sila&#039;y nangagpagal na kasama ko sa evangelio , at kasama rin naman ni Clemente , at ng ibang aking mga kamanggagawa , na ang kanilang pangalan ay nangasa aklat ng buhay . Mangagalak kayong lagi sa Panginoon : muli kong sasabihin , Mangagalak kayo . Makilala nawa ang inyong kahinhinan ng lahat ng mga tao . Ang Panginoon ay malapit na . Huwag kayong mangabalisa sa anomang bagay ; kundi sa lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng panalangin at daing na may pagpapasalamat ay ipakilala ninyo ang inyong mga kahilingan sa Dios . At ang kapayapaan ng Dios , na di masayod ng pagiisip , ay magiingat ng inyong mga puso at ng inyong mga pagiisip kay Cristo Jesus . Katapustapusan , mga kapatid , anomang bagay na katotohanan , anomang bagay na kagalanggalang , anomang bagay na matuwid , anomang bagay na malinis , anomang bagay na kaibigibig , anomang bagay na mabuting ulat ; kung may anomang kagalingan , at kung may anomang kapurihan , ay isipin ninyo ang mga bagay na ito . Ang mga bagay na inyong natutuhan at tinanggap at narinig at nakita sa akin , ang mga bagay na ito ang gawin ninyo : at ang Dios ng kapayapaan ay sasa inyo . Datapuwa&#039;t ako&#039;y totoong nagagalak sa Panginoon , na ngayon sa kahulihulihan ay inyong binuhay ang inyong pagmamalasakit sa akin ; na dito&#039;y katotohanang nangagkaroon kayo ng malasakit , nguni&#039;t kayo&#039;y nagkulang ng mabuting pagkakataon . Hindi sa sinasabi ko ang tungkol sa kailangan : sapagka&#039;t aking natutuhan ang masiyahan sa anomang kalagayang aking kinaroroonan . Marunong akong magpakababa , at marunong naman akong magpakasagana : sa bawa&#039;t bagay at sa lahat ng bagay ay natutuhan ko ang lihim maging sa kabusugan , at maging sa kagutuman , at maging sa kasaganaan at maging sa kasalatan . Lahat ng mga bagay ay aking magagawa doon sa nagpapalakas sa akin . Gayon man ay mabuti ang inyong ginawa na kayo&#039;y nakiramay sa aking kapighatian . At kayo mga taga Filipos , nalalaman naman ninyo , na nang pasimulan ang evangelio , nang ako&#039;y umalis sa Macedonia , alin mang iglesia ay walang nakipagkaisa sa akin sa pagkakaloob at pagtanggap kundi kayo lamang ; Sapagka&#039;t sa Tesalonica ay nagpadala kayong minsan at muli para sa aking kailangan . Hindi sa ako&#039;y naghahanap ng kaloob ; kundi hinahanap ko ang bunga na dumadami sa ganang inyo . Datapuwa&#039;t mayroon ako ng lahat ng bagay , at sumasagana : ako&#039;y busog , palibhasa&#039;y tumanggap kay Epafrodito ng mga bagay na galing sa inyo , na isang samyo ng masarap na amoy , isang handog na kaayaaya , na lubhang nakalulugod sa Dios . At pupunan ng aking Dios ang bawa&#039;t kailangan ninyo ayon sa kaniyang mga kayamanan sa kaluwalhatian kay Cristo Jesus . Ngayon nawa&#039;y suma ating Dios at Ama ang kaluwalhatian magpakailan man . Siya nawa . Batiin ninyo ang bawa&#039;t banal kay Cristo Jesus . Binabati kayo ng mga kapatid na kasama ko . Binabati kayo ng lahat ng mga banal , lalong lalo na ng mga kasangbahay ni Cesar . Ang biyaya ng Panginoong Jesucristo ay sumainyo nawang espiritu . </passage></reply></GetPassage>