<?xml version="1.0" encoding="UTF-8"?><GetPassage xmlns="http://relaxng.org/ns/structure/1.0" xmlns:tei="http://www.tei-c.org/ns/1.0" xmlns:ti="http://chs.harvard.edu/xmlns/cts"><request><requestName>GetPassage</requestName><requestUrn>urn:cts:pbc:bible.parallel.tgl.1905:51</requestUrn></request><reply><urn>urn:cts:pbc:bible.parallel.tgl.1905:51</urn><passage>Si Pablo , na apostol ni Jesucristo sa pamamagitan ng kalooban ng Dios , at ang kapatid nating si Timoteo , Sa mga banal at tapat na mga kapatid kay Cristo , na nangasa sa Colosas : Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Dios na ating Ama . Nagpapasalamat kami sa Dios , na Ama ng ating Panginoong Jesucristo , na kayo&#039;y laging idinadalangin , Nang nabalitaan namin ng inyong pananampalataya kay Cristo Jesus , at ang pagibig ninyo sa lahat ng mga banal , Dahil sa pagasa na natataan para sa inyo sa langit , na nang una ay inyong narinig sa salita ng katotohanan ng evangelio , Na ito&#039;y dumating sa inyo ; gayon din naman kung paano sa buong sanglibutan na namumunga at lumalaganap , gaya rin naman sa inyo , mula nang araw na inyong marinig at maalaman ang biyaya ng Dios sa katotohanan ; Ayon sa inyong natutuhan kay Epafras na aming minamahal na kasamang lingkod , na isang tapat na ministro ni Cristo , sa ganang atin ; Na siya rin namang sa amin ay nagbalita ng inyong pagibig sa Espiritu . Dahil dito&#039;y kami naman , mula nang araw na aming marinig ito , ay hindi kami nagsisitigil ng pananalangin at ng paghingi na patungkol sa inyo , upang kayo&#039;y puspusin ng kaalaman ng kaniyang kalooban , sa buong karunungan at pagkaunawa ayon sa espiritu , Upang kayo&#039;y magsilakad ng nararapat sa Panginoon , sa buong ikalulugod niya , at magsipamunga sa bawa&#039;t gawang mabuti , at magsilago sa kaalaman ng Dios ; Na kayo&#039;y palakasin ng buong kapangyarihan , ayon sa kalakasan ng kaniyang kaluwalhatian , sa buong pagtitiis at pagpapahinuhod na may galak ; Na nagpapasalamat sa Ama , na nagpaging dapat sa atin upang makabahagi sa mana ng mga banal sa kaliwanagan ; Na siyang nagligtas sa atin sa kapangyarihan ng kadiliman , at naglipat sa atin sa kaharian ng Anak ng kaniyang pagibig ; Na siyang kinaroroonan ng ating katubusan , na siyang kapatawaran ng ating mga kasalanan : Na siya ang larawan ng Dios na di nakikita , ang panganay ng lahat ng mga nilalang ; Sapagka&#039;t sa kaniya nilalang ang lahat na mga bagay , sa sangkalangitan at sa sangkalupaan , na mga bagay na nakikita at ang mga bagay na di nakikita , maging mga luklukan o mga pagsakop o mga pamunuan o mga kapangyarihan ; lahat ng mga bagay ay nilalang sa pamamagitan niya at ukol sa kaniya ; At siya&#039;y una sa lahat ng mga bagay , at ang lahat ng mga bagay ay nangabubuhay dahil sa kaniya . At siya ang ulo ng katawan , sa makatuwid baga&#039;y ng iglesia ; na siya ang pasimula , ang panganay sa mga patay ; upang sa lahat ng mga bagay , ay magkaroon siya ng kadakilaan . Sapagka&#039;t minagaling ng Ama na ang buong kapuspusan ay manahanan sa kaniya ; At sa pamamagitan niya ay pakipagkasunduin sa kaniya ang lahat ng mga bagay , na pinapayapa niya sa pamamagitan ng dugo ng kaniyang krus ; sa pamamagitan niya , sinasabi ko , maging mga bagay sa kalupaan , o mga bagay sa sangkalangitan . At kayo , nang nakaraang panahon ay nangahihiwalay at mga kaaway sa inyong pagiisip sa inyong mga gawang masasama . Gayon ma&#039;y pinakipagkasundo niya ngayon sa katawan ng kaniyang laman , sa pamamagitan ng kamatayan , upang kayo&#039;y iharap na mga banal at walang dungis at walang kapintasan sa harapan niya : Kung tunay na kayo&#039;y mamamalagi sa pananampalataya , na nababaon at matitibay , at di makilos sa pagasa sa evangelio na inyong narinig , na ipinangaral sa lahat ng mga nilalang sa silong ng langit ; na dito akong si Pablo ay ginawang ministro . Ngayo&#039;y nagagalak ako sa aking mga hirap dahil sa inyo , at aking pinupunan sa akin ang kakulangan ng mga hirap ni Cristo sa aking laman dahil sa kaniyang katawan , na siyang iglesia ; Na ako&#039;y ginawang ministro nito , ayon sa pamamahala na mula sa Dios na ibinigay sa akin para sa inyo upang maipahayag ang salita ng Dios , Maging ang hiwaga na inilihim sa lahat ng panahon at lahi : datapuwa&#039;t ngayo&#039;y ipinahayag sa kaniyang mga banal , Na sa kanila&#039;y minagaling ng Dios na ipakilala kung ano ang mga kayamanan ng kaluwalhatian ng hiwagang ito sa gitna ng mga Gentil , na ito&#039;y si Cristo na nasa inyo , na pagasa ninyo sa kaluwalhatian : Na siya naming inihahayag , na pinaaalalahanan ang bawa&#039;t tao at tinuturuan ang bawa&#039;t tao , sa buong karunungan , upang maiharap naming sakdal kay Cristo ang bawa&#039;t tao ; Na dahil dito&#039;y nagpapagal din naman ako , na nagpipilit ayon sa kaniyang paggawa , na siyang sa akin ay gumagawa na may kapangyarihan . Sapagka&#039;t ibig ko na inyong maalaman kung gaano kalaki ang aking pagpipilit dahil sa inyo , at sa nangasa Laodicea , at sa lahat na hindi nakakita ng mukha ko sa laman ; Upang mangaaliw ang kanilang mga puso , sa kanilang pagkakalakip sa pagibig , at sa lahat ng mga kayamanan ng lubos na katiwasayan ng pagkaunawa , upang makilala nila ang hiwaga ng Dios , sa makatuwid baga&#039;y si Cristo , Na siyang kinatataguan ng lahat ng mga kayamanan ng karunungan at ng kaalaman . Ito&#039;y sinasabi ko , upang huwag kayong madaya ng sinoman sa mga pananalitang kaakitakit . Sapagka&#039;t bagaman sa laman ako&#039;y wala sa harap , gayon ma&#039;y nasa inyo ako sa espiritu , na nagagalak at nakikita ko ang inyong ayos , at ang katibayan ng inyong pananampalataya kay Cristo . Kung paano nga na inyong tinanggap si Cristo Jesus na Panginoon , ay magsilakad kayong gayon sa kaniya , Na nangauugat at nangatatayo sa kaniya , at matibay sa inyong pananampalataya , gaya ng pagkaturo sa inyo , na sumasagana sa pagpapasalamat . Kayo&#039;y magsipagingat , baka sa inyo&#039;y may bumihag sa pamamagitan ng kaniyang pilosopia at walang kabuluhang pagdaraya , ayon sa sali&#039;t saling sabi ng mga tao , ayon sa mga pasimulang aral ng sanglibutan , at di ayon kay Cristo : Sapagka&#039;t sa kaniya&#039;y nananahan ang buong kapuspusan ng pagka Dios sa kahayagan ayon sa laman , At sa kaniya kayo&#039;y napuspus na siyang pangulo ng lahat na pamunuan at kapangyarihan : Na sa kaniya ay tinuli rin naman kayo ng pagtutuling hindi gawa ng mga kamay , sa pagkahubad ng katawang laman , sa pagtutuli ni Cristo ; Na nangalibing na kalakip niya sa bautismo , na kayo nama&#039;y muling binuhay na kalakip niya , sa pamamagitan ng pananampalataya sa pagawa ng Dios , na muling bumangon sa kaniya sa mga patay . At nang kayo&#039;y mga patay dahil sa inyong mga kasalanan , at sa di pagtutuli ng inyong laman ay kaniyang binuhay kayo na kalakip niya , na ipinatawad sa atin ang ating lahat na mga kasalanan : Na pinawi ang usapang nasusulat sa mga palatuntunan laban sa atin , na hindi naayon sa atin : at ito&#039;y kaniyang inalis , na ipinako sa krus ; Pagkasamsam sa mga pamunuan at sa mga kapangyarihan sila&#039;y mga inilagay niya sa hayag na kahihiyan , na nagtatagumpay siya sa kanila sa bagay na ito . Sinoman nga ay huwag humatol sa inyo tungkol sa pagkain , o sa paginom , o tungkol sa kapistahan , o bagong buwan o araw ng sabbath : Na isang anino ng mga bagay na magsisidating : nguni&#039;t ang katawan ay kay Cristo . Sinoman ay huwag manakawan ng ganting-pala sa inyo sa pamamagitan ng kusang pagpapakababa at pagsamba sa mga anghel , na nananatili sa mga bagay na kaniyang nakita , na nagpapalalo ng walang kabuluhan sa pamamagitan ng kaniyang akalang ukol sa laman , At hindi nangangapit sa Ulo , na sa kaniya&#039;y ang buong katawan , na inaalalayan at nakalakip sa pamamagitan ng mga kasukasuan at mga litid , ay lumalago ng paglagong mula sa Dios . Kung kayo&#039;y nangamatay na kalakip ni Cristo mula sa mga pasimulang aral ng sanglibutan , bakit , na waring kayo&#039;y nangabubuhay pa sa sanglibutan , kayo&#039;y nangapasasakop sa mga palatuntunan , Gaya ng : Huwag dumampot , ni huwag lumasap , ni huwag humipo ; ( Ang lahat ng mga bagay na ito ay mangasisira sa paggamit ) , ayon sa mga utos at mga aral ng mga tao ? Ang mga bagay na iya&#039;y katotohanang mayroong anyo ng karunungan sa pagsambang kusa , at sa pagpapakababa , at sa pagpapakahirap sa katawan ; nguni&#039;t walang anomang kabuluhan laban sa ikalalayaw ng laman . Kung kayo nga&#039;y muling binuhay na kalakip ni Cristo , ay hanapin ninyo ang mga bagay na nangasa itaas , na kinaroroonan ni Cristo , na nakaupo sa kanan ng Dios . Ilagak ninyo ang inyong pagiisip sa mga bagay na nangasa itaas , huwag sa mga bagay na nangasa ibabaw ng lupa . Sapagka&#039;t kayo&#039;y nangamatay na , at ang inyong buhay ay natatagong kasama ni Cristo sa Dios . Pagka si Cristo na ating buhay ay mahayag , ay mahahayag nga rin kayo na kasama niya sa kaluwalhatian . Patayin nga ninyo ang inyong mga sangkap ng katawang nangasa ibabaw ng lupa , pakikiapid , karumihan , masamang pita , masasamang nasa , at kasakiman , na iya&#039;y pagsamba sa mga diosdiosan ; Na dahil sa mga bagay na iyan ay dumarating ang kagalitan ng Dios sa mga anak ng pagsuway : Na inyo ring nilakaran nang una , nang kayo&#039;y nangabubuhay pa sa mga bagay na ito ; Datapuwa&#039;t ngayon ay inyo namang layuan ang lahat ng mga ito : galit , kapootan , paghihinala , panunungayaw , mga salitang kahalay-halay na mula sa inyong bibig : Huwag kayong mangagbubulaan sa isa&#039;t isa ; yamang hinubad na ninyo ang datihang pagkatao pati ng kaniyang mga gawa , At kayo&#039;y nangagbihis ng bagong pagkatao , na nagbabago sa kaalaman ayon sa larawan niyaong lumalang sa kaniya : Doo&#039;y hindi maaaring magkaroon ng Griego at ng Judio , ng pagtutuli at ng di pagtutuli , ng barbaro , ng Scita , ng alipin , ng laya ; kundi si Cristo ang lahat , at sa lahat . Mangagbihis nga kayo gaya ng mga hinirang ng Dios , na mga banal at minamahal , ng isang pusong mahabagin , ng kagandahangloob , ng kababaan , ng kaamuan , ng pagpapahinuhod : Mangagtiisan kayo sa isa&#039;t isa , at mangagpatawaran kayo sa isa&#039;t isa , kung ang sinoman ay may sumbong laban sa kanino man ; na kung paanong pinatawad kayo ng Panginoon , ay gayon din naman ang inyong gawin : At sa ibabaw ng lahat ng mga bagay na ito ay mangagbihis kayo ng pagibig na siyang tali ng kasakdalan . At maghari sa inyong puso ang kapayapaan ni Cristo , na diya&#039;y tinawag din naman kayo sa isang katawan ; at kayo&#039;y maging mapagpasalamat . Manahanan nawang sagana sa inyo ang salita ni Cristo ; ayon sa buong karunungan , kayo&#039;y mangagturuan at mangagpaalalahanan sa isa&#039;t isa sa pamamagitan ng mga salmo at ng mga himno at mga awit na ukol sa espiritu , na magsiawit kayong may biyaya sa inyong puso sa Dios . At anomang inyong ginagawa , sa salita , o sa gawa , gawin ninyong lahat sa pangalan ng Panginoong Jesus , na nagpapasalamat kayo sa Dios sa pamamagitan niya . Mga babae , pasakop kayo sa inyo-inyong asawa , gaya ng nararapat sa Panginoon . Mga lalake , ibigin ninyo ang inyo-inyong asawa , at huwag kayong maging mapait sa kanila . Mga anak , magsitalima kayo sa inyong magulang sa lahat ng mga bagay , sapagka&#039;t ito&#039;y totoong nakalulugod sa Panginoon . Mga ama , huwag ninyong ipamungkahi sa galit ang inyong mga anak , upang huwag manghina ang loob nila . Mga alipin , magsitalima kayo sa lahat ng mga bagay sa mga yaong ayon sa laman ay inyong mga panginoon : hindi ang paglilingkod sa paningin , na gaya ng pagbibigay lugod sa mga tao , kundi sa katapatan ng puso , na mangatakot sa Panginoon : Anomang inyong ginagawa , ay inyong gawin ng buong puso , na gaya ng sa Panginoon , at hindi sa mga tao ; Yamang inyong nalalaman na sa Panginoon ay tatanggapin ninyo ang ganting mana ; sapagka&#039;t naglilingkod kayo sa Panginoong Jesucristo . Sapagka&#039;t ang gumagawa ng masama ay tatanggap ng ayon sa masama na kaniyang ginawa ; at walang itinatanging mga tao . Mga panginoon , gawin ninyo sa inyong mga alipin ang matuwid , at katampatan ; yamang nalalaman ninyo na kayo naman ay mayroong ding isang Panginoon sa langit . Manatili kayong palagi sa pananalangin , na kayo&#039;y mangagpuyat na may pagpapasalamat ; Na tuloy idalangin din ninyo kami , na buksan sa amin ng Dios ang pinto sa salita , upang aming salitain ang hiwaga ni Cristo , na dahil din dito&#039;y may mga tanikala ako ; Upang ito&#039;y aking maihayag , gaya ng aking nararapat na salitain . Magsilakad kayo na may karunungan sa nangasa labas , na inyong samantalahin ang panahon . Ang inyong pananalita nawa&#039;y laging may biyaya , na magkalasang asin , upang inyong maalaman kung ano ang nararapat ninyong isagot sa bawa&#039;t isa . Ang lahat na mga bagay ukol sa akin ay ipatatalastas sa inyo ni Tiquico , na minamahal na kapatid at tapat na ministro , at kasamang lingkod sa Panginoon : Na siyang aking sinugo sa inyo sa bagay na ito , upang maalaman ninyo ang aming kalagayan , at upang kaniyang aliwin ang inyong mga puso ; Na kasama ni Onesimo , tapat at minamahal na kapatid , na siya&#039;y isa sa inyo . Sila ang magpapatalastas sa inyo ng lahat ng mga bagay na nangyayari dini . Binabati kayo ni Aristarco na kasama ko sa bilangguan , at ni Marcos na pinsan ni Bernabe ( tungkol sa kaniya&#039;y tinanggap na ninyo ang mga utos : kung paririyan siya sa inyo , ay inyong tanggapin ) , At si Jesus na tinatawag na Justo , na pawang sa pagtutuli : ang mga ito lamang ang aking kamanggagawa sa kaharian ng Dios , mga taong naging kaaliwan ko . Binabati kayo ni Epafras , na isa sa inyo , na lingkod ni Cristo Jesus , na siyang laging nagsisikap dahil sa inyo sa kaniyang pananalangin , upang kayo&#039;y magsitatag na mga sakdal at lubos na tiwasay sa lahat na kalooban ng Dios . Sapagka&#039;t siya&#039;y binibigyan kong patotoo na siya&#039;y totoong nagpapagal sa inyo , at sa nangasa Laodicea , at sa nangasa Hierapolis . Binabati kayo ni Lucas , ang minamahal na manggagamot , at ni Demas . Batiin ninyo ang mga kapatid na nangasa Laodicea , at si Nimfas , at ang iglesiang nasa kanilang bahay . At pagkabasa ng sulat na ito sa inyo , ay ipabasa naman ninyo sa iglesia ng mga taga Laodicea ; at basahin naman ninyo ang sulat na mula sa Laodicea . At sabihin ninyo kay Arquipo , Ingatan mong tuparin ang ministerio na tinanggap mo sa Panginoon . Ang bating sinulat ng aking sariling kamay , akong si Pablo . Alalahanin ninyo ang aking mga tanikala . Ang biyaya&#039;y sumasainyo nawa . </passage></reply></GetPassage>