<?xml version="1.0" encoding="UTF-8"?><GetPassage xmlns="http://relaxng.org/ns/structure/1.0" xmlns:tei="http://www.tei-c.org/ns/1.0" xmlns:ti="http://chs.harvard.edu/xmlns/cts"><request><requestName>GetPassage</requestName><requestUrn>urn:cts:pbc:bible.parallel.tgl.1905:52</requestUrn></request><reply><urn>urn:cts:pbc:bible.parallel.tgl.1905:52</urn><passage>Si Pablo , at si Silvano , at si Timoteo , sa iglesia ng mga taga Tesalonica sa Dios Ama at sa Panginoong Jesucristo : Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaan . Nangagpapasalamat kaming lagi sa Dios dahil sa inyong lahat , na aming binabanggit kayo sa aming mga panalangin ; Na aming inaalaalang walang patid sa harapan ng ating Dios at Ama , ang inyong gawa sa pananampalataya at pagpapagal sa pagibig at pagtitiis sa pagasa sa ating Panginoong Jesucristo ; Yamang aming nalalaman , mga kapatid na minamahal ng Dios , ang pagkahirang sa inyo , Kung paanong ang aming evangelio ay hindi dumating sa inyo sa salita lamang , kundi sa kapangyarihan din naman , at sa Espiritu Santo , at sa lubos na katiwasayan ; na gaya ng inyong nalalaman kung anong pagkatao namin ang aming ipinakita sa inyo dahil sa inyo . At kayo&#039;y nagsitulad sa amin , at sa Panginoon , nang inyong tanggapin ang salita sa malaking kapighatian , na may katuwaan sa Espiritu Santo ; Ano pa&#039;t kayo&#039;y naging uliran ng lahat ng nangananampalatayang nangasa Macedonia at nangasa Acaya . Sapagka&#039;t mula sa inyo&#039;y nabansag ang salita ng Panginoon , hindi lamang sa Macedonia at Acaya , kundi sa lahat ng mga dako ay natanyag ang inyong pananampalataya sa Dios ; ano pa&#039;t kami ay wala nang kailangang magsabi pa ng anoman . Sapagka&#039;t sila rin ang nangagbalita tungkol sa amin kung paanong nangakapasok kami sa inyo ; at kung paanong nangagbalik kayo sa Dios mula sa mga diosdiosan , upang mangaglingkod sa Dios na buhay at tunay , At upang hintayin ang kaniyang Anak na mula sa langit , na kaniyang ibinangon sa mga patay , si Jesus nga na nagligtas sa atin mula sa galit na darating . Kaya nga nalalaman ninyo rin , mga kapatid , na ang aming pagkapasok sa inyo , ay hindi nawalan ng kabuluhan : Kundi palibhasa&#039;y nagsipagbata kami nang una at inalipusta , gaya ng inyong nalalaman , sa Filipos , ay nangagkaroon kami ng kalakasan ng loob dahil sa ating Dios upang salitain sa inyo ang evangelio ng Dios sa gitna ng maraming kaligaligan . Sapagka&#039;t ang aming iniaaral ay hindi sa kamalian , ni sa karumihan , ni sa pagdaraya . Kundi kung paanong kami&#039;y minarapat ng Dios upang pagkatiwalaan kami ng evangelio , ay gayon namin sinasalita ; hindi gaya ng nangagbibigay lugod sa mga tao , kundi sa Dios na sumusubok ng aming mga puso . Sapagka&#039;t hindi kami nasusumpungang nagsisigamit kailan man ng mga salitang paimbabaw , gaya ng nalalaman ninyo , ni ng balabal man ng kasakiman , saksi ang Dios ; Ni nagsihanap man sa mga tao ng kapurihan , ni sa inyo man , ni sa mga iba man , nang maaaring magsigamit kami ng kapamahalaan gaya ng mga apostol ni Cristo . Kundi kami ay nangagpapakalumanay sa gitna ninyo , na gaya ng isang sisiwa pagka inaamoamo ang kaniyang sariling mga anak : Gayon din kami , palibhasa&#039;y may magiliw na pagibig sa inyo , ay kinalugdan naming kayo&#039;y bahaginan , hindi lamang ng evangelio ng Dios , kundi naman ng aming sariling mga kaluluwa , sapagka&#039;t kayo&#039;y naging lalong mahal sa amin . Sapagka&#039;t inaalaala ninyo , mga kapatid , ang aming pagpapagal at pagdaramdam : amin ngang ipinangaral ang evangelio ng Dios na kami ay gumagawa gabi&#039;t araw , upang huwag kaming maging isang pasanin sa kanino man sa inyo . Kayo&#039;y mga saksi , at ang Dios man , kung gaanong pagkabanal at pagkamatuwid at pagkawalang kapintasan ang inugali namin sa inyong nagsisisampalataya : Gaya ng inyong nalalaman kung ano ang inugali namin sa bawa&#039;t isa sa inyo , na gaya ng isang ama sa kaniyang sariling mga anak , na kayo&#039;y inaaralan , at pinalalakas ang loob ninyo , at nagpapatotoo , Upang kayo&#039;y magsilakad ng nararapat sa Dios , na siyang tumawag sa inyo sa kaniyang sariling kaharian at kaluwalhatian . At dahil naman dito kami ay nangagpapasalamat na walang patid sa Dios , na nang inyong tanggapin sa amin ang salita na ipinangaral , sa makatuwid baga&#039;y ang salita ng Dios , ay inyong tinanggap na hindi gaya ng salita ng mga tao , kundi , ayon sa katotohanan , na salita ng Dios , na gumagawa naman sa inyo na nagsisisampalataya . Sapagka&#039;t kayo , mga kapatid , ay nagsitulad sa mga iglesia ng Dios na nasa Judea kay Cristo Jesus : sapagka&#039;t nagsipagbata naman kayo sa inyong sariling mga kababayan , gaya naman nila sa mga Judio ; Na nagsipatay sa Panginoong Jesus , at gayon din sa mga propeta , at kami ay kanilang pinalayas , at di nangagbibigay lugod sa Dios , at laban sa lahat ng mga tao ; Na pinagbabawalan kaming makipagusap sa mga Gentil upang mangaligtas ang mga ito ; upang kanilang paramihing lagi ang kanilang mga kasalanan : nguni&#039;t dumating sa kanila ang kagalitan , hanggang sa katapusan . Nguni&#039;t kami , mga kapatid , na nangahiwalay sa inyong sangdaling panahon , sa katawan hindi sa puso , ay nangagsisikap na lubha , upang makita ang inyong mukha na may dakilang pagnanais : Sapagka&#039;t nangagnasa kaming pumariyan sa inyo , akong si Pablo , na minsan at muli ; at hinadlangan kami ni Satanas . Sapagka&#039;t ano ang aming pagasa , o katuwaan , o putong , na ipinagmamapuri ? Hindi baga kayo rin sa harapan ng ating Panginoong Jesucristo sa kaniyang pagparito ? Sapagka&#039;t kayo ang aming kaluwalhatian at aming katuwaan . Kaya&#039;t nang hindi na kami mangakatiis , ay minagaling naming maiwang nangagiisa sa Atenas ; At aming sinugo si Timoteo , na aming kapatid at ministro ng Dios sa evangelio ni Cristo , upang kayo&#039;y kaniyang patibayin at aliwin , tungkol sa inyong pananampalataya ; Upang ang sinoma&#039;y huwag mabagabag sa pamamagitan ng mga kapighatiang ito ; sapagka&#039;t kayo rin ang nangakaaalam na itinalaga kami sa bagay na ito . Sapagka&#039;t sa katotohanan , nang kami ay kasama ninyo ay aming sinabi nang una sa inyo na kami ay mangagbabata ng kapighatian ; gaya nga na nangyari , at nalalaman ninyo . Dahil dito naman , nang hindi ko na matiis pa , ako&#039;y nagsugo upang matalastas ko ang inyong pananampalataya , baka sa anomang paraan kayo&#039;y nangatukso ng manunukso , at ang aming pagpapagal ay mawalan ng kabuluhan . Datapuwa&#039;t nang si Timoteo ay dumating sa amin ngayon na buhat sa inyo , at nagdala sa amin ng mabubuting balita tungkol sa inyong pananampalataya at pagibig , at laging kami&#039;y inaalaalang mabuti ninyo , na ninanasang makita kami na gaya naman namin sa inyo ; Dahil dito&#039;y nangaaliw kami , mga kapatid , tungkol sa inyo sa pamamagitan ng inyong pananampalataya sa lahat naming kagipitan at kapighatian : Sapagka&#039;t ngayon ay nangabubuhay kami , kung kayo&#039;y nangamamalaging matibay sa Panginoon . Sapagka&#039;t ano ngang pagpapasalamat ang aming muling maibibigay sa Dios dahil sa inyo , dahil sa buong kagalakan na aming ikinagalak dahil sa inyo sa harapan ng aming Dios ; Gabi&#039;t araw ay idinadalangin naming buong ningas na aming makita ang inyong mukha , at aming malubos ang inyong pananampalataya . Ngayo&#039;y patnugutan nawa ng atin ding Dios at Ama , at ng ating Panginoong Jesus , ang aming paglalakbay sa inyo : At kayo&#039;y palaguin at pasaganain ng Panginoon sa pagibig sa isa&#039;t isa , at sa lahat ng mga tao , na gaya naman ng amin sa inyo ; Upang patibayin niya ang inyong mga puso , na walang maipipintas sa kabanalan sa harapan ng ating Dios at Ama , sa pagparito ng ating Panginoong Jesus na kasama ang kaniyang lahat na mga banal . Katapustapusan nga , mga kapatid , kayo&#039;y aming pinamamanhikan at inaaralan sa Panginoong Jesus , na , ayon sa tinanggap ninyo sa amin , na kung paanong kayo&#039;y dapat magsilakad at mangagbigay lugod sa Dios , na gaya ng inyong paglakad , upang kayo&#039;y magsipanagana ng higit at higit . Sapagka&#039;t talastas ninyo kung anong mga tagubilin ang ibinigay namin sa inyo sa pamamagitan ng Panginoong Jesus . Sapagka&#039;t ito ang kalooban ng Dios , sa makatuwid baga&#039;y ang inyong pagpapakabanal , na kayo&#039;y magsiilag sa pakikiapid ; Na ang bawa&#039;t isa sa inyo&#039;y makaalam na maging mapagpigil sa kaniyang sariling katawan sa pagpapakabanal at kapurihan , Hindi sa pita ng kahalayan , na gaya ng mga Gentil na hindi nangakakakilala sa Dios ; Na sinoma&#039;y huwag lumapastangan at magdaya sa kaniyang kapatid sa bagay na ito : sapagka&#039;t ang Panginoon ay mapaghiganti sa lahat ng mga bagay na ito , na gaya naman ng aming ipinatalastas nang una na sa inyo at pinatotohanan . Sapagka&#039;t tayo&#039;y tinawag ng Dios hindi sa ikarurumi , kundi sa pagpapakabanal . Kaya&#039;t ang nagtatakuwil , hindi ang tao ang itinatakuwil , kundi ang Dios , na nagbibigay sa inyo ng kaniyang Espiritu Santo . Datapuwa&#039;t tungkol sa pagiibigang kapatid ay hindi ninyo kailangan na kayo&#039;y sulatan ng sinoman : sapagka&#039;t kayo rin ay tinuruan ng Dios na mangagibigan kayo sa isa&#039;t isa ; Sapagka&#039;t katotohanang ginagawa ninyo ang gayon sa lahat ng kapatid na nangasa buong Macedonia . Nguni&#039;t aming iniaaral sa inyo , mga kapatid , na kayo&#039;y lalo&#039;t lalong magsipanagana . At pagaralan ninyong maging matahimik , at gawin ang inyong sariling gawain , at kayo&#039;y mangagpagal ng inyong sariling mga kamay , na gaya ng aming ipinagbilin sa inyo ; Upang kayo&#039;y magsilakad ng nararapat sa nangasa labas , at huwag kayong maging mapagkailangan . Nguni&#039;t hindi namin ibig na kayo&#039;y di makaalam , mga kapatid , tungkol sa nangatutulog ; upang kayo&#039;y huwag mangalumbay , na gaya ng mga iba , na walang pagasa . Sapagka&#039;t kung tayo&#039;y nagsisisampalatayang si Jesus ay namatay at nabuhay na maguli , ay gayon din naman ang nangatutulog kay Jesus ay dadalhin ng Dios na kasama niya . Sapagka&#039;t ito&#039;y sinasabi namin sa inyo sa salita ng Panginoon , na tayong nangabubuhay , na nangatitira hanggang sa pagparito ng Panginoon , ay hindi tayo mangauuna sa anomang paraan sa nangatutulog . Sapagka&#039;t ang Panginoon din ang bababang mula sa langit , na may isang sigaw , may tinig ng arkanghel , at may pakakak ng Dios : at ang nangamatay kay Cristo ay unang mangabubuhay na maguli ; Kung magkagayon , tayong nangabubuhay , na nangatitira , ay aagawing kasama nila sa mga alapaap , upang salubungin ang Panginoon sa hangin : at sa ganito&#039;y sasa Panginoon tayo magpakailan man . Kaya&#039;t mangagaliwan kayo sa isa&#039;t isa ng mga salitang ito . Datapuwa&#039;t tungkol sa mga kapanahunan at mga bahagi ng panahon , mga kapatid , hindi ninyo kailangan na isulat ko pa sa inyo ang anoman . Sapagka&#039;t kayo rin ang mga lubos na nangakakaalam , na ang pagdating ng kaarawan ng Panginoon ay gaya ng magnanakaw sa gabi . Pagka sinasabi ng mga tao , Kapayapaan at katiwasayan , kung magkagayo&#039;y darating sa kanila ang biglang pagkawasak , na gaya ng pagdaramdam , sa panganganak ng babaing nagdadalang-tao ; at sila&#039;y hindi mangakatatanan sa anomang paraan . Nguni&#039;t kayo , mga kapatid , ay wala sa kadiliman , upang sa araw na yaon ay masubukan kayong gaya ng magnanakaw : Sapagka&#039;t kayong lahat ay pawang mga anak ng kaliwanagan , at mga anak ng araw : tayo&#039;y hindi ng gabi , ni ng kadiliman man ; Huwag nga tayong mangatulog , gaya ng mga iba , kundi tayo&#039;y mangagpuyat at mangagpigil . Sapagka&#039;t ang nangatutulog ay nangatutulog sa gabi ; at ang nangaglalasing ay nangaglalasing sa gabi . Datapuwa&#039;t palibhasa&#039;y mga anak tayo ng araw , mangagpigil tayo , na isuot ang baluti ng pananampalataya at ng pagibig ; at ang maging turbante ay ang pagasa ng kaligtasan . Sapagka&#039;t tayo&#039;y hindi itinalaga ng Dios sa galit , kundi sa pagtatamo ng pagkaligtas sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesucristo , Na namatay dahil sa atin , upang tayo , sa gising o tulog man , ay mangabuhay tayong kasama niya . Dahil dito kayo&#039;y mangagpangaralan , at mangagpatibayan sa isa&#039;t isa sa inyo , gaya ng inyong ginagawa . Datapuwa&#039;t ipinamamanhik namin sa inyo , mga kapatid , na inyong kilalanin ang nangagpapagal sa inyo , at nangamumuno sa inyo sa Panginoon , at nangagpapaalaala sa inyo ; At inyong lubos na pakamahalin sila sa pagibig , dahil sa kanilang gawa . Magkaroon kayo-kayo ng kapayapaan . At aming ipinamamanhik sa inyo , mga kapatid , na inyong paalalahanan ang mga manggugulo , palakasin ang mga mahihinang-loob , alalayan ang mga mahihina , at maging mapagpahinuhod kayo sa lahat . Tingnan nga ninyo na huwag gumanti ang sinoman ng masama sa masama ; nguni&#039;t sundin ninyong lagi ang mabuti , ang isa&#039;y sa iba , at sa lahat . Mangagalak kayong lagi ; Magsipanalangin kayong walang patid ; Sa lahat ng mga bagay ay magpasalamat kayo ; sapagka&#039;t ito ang kalooban ng Dios kay Cristo tungkol sa inyo . Huwag ninyong patayin ang ningas ng Espiritu ; Huwag ninyong hamakin ang mga panghuhula ; Subukin ninyo ang lahat ng mga bagay , ingatan ninyo ang mabuti ; Layuan ninyo ang bawa&#039;t anyo ng masama . At pakabanalin kayong lubos ng Dios din ng kapayapaan ; at ang inyong espiritu at kaluluwa at katawan ay ingatang buo , na walang kapintasan sa pagparito ng ating Panginoong Jesucristo . Tapat yaong sa inyo&#039;y tumatawag , na gagawa rin naman nito . Mga kapatid , idalangin ninyo kami . Batiin ninyo ang lahat ng mga kapatid ng banal na halik . Idinadaing ko sa inyo alangalang sa Panginoon na basahin sa lahat ng mga kapatid ang sulat na ito . Ang biyaya ng ating Panginoong Jesucristo ay sumainyo nawa . </passage></reply></GetPassage>