<?xml version="1.0" encoding="UTF-8"?><GetPassage xmlns="http://relaxng.org/ns/structure/1.0" xmlns:tei="http://www.tei-c.org/ns/1.0" xmlns:ti="http://chs.harvard.edu/xmlns/cts"><request><requestName>GetPassage</requestName><requestUrn>urn:cts:pbc:bible.parallel.tgl.1905:54</requestUrn></request><reply><urn>urn:cts:pbc:bible.parallel.tgl.1905:54</urn><passage>Si Pablo , na apostol ni Cristo Jesus ayon sa utos ng Dios na ating Tagapagligtas , at ni Cristo Jesus na ating pagasa ; Kay Timoteo na aking tunay na anak sa pananampalataya : Biyaya , kahabagan , at kapayapaan nawang mula sa Dios na Ama at kay Jesucristo na Panginoon natin . Kung paanong ipinamanhik ko sa iyo na ikaw ay matira sa Efeso , nang pumaparoon ako sa Macedonia , upang maipagbilin mo sa ilang tao na huwag magsipagturo ng ibang aral , Ni huwag makinig sa mga katha at sa mga kasaysayan ng mga lahi na walang katapusan , na pinanggagalingan ng pagtatalo , at hindi ng pagkakatiwalang mula sa Dios na nasa pananampalataya ; ay gayon din ang ipinamamanhik ko ngayon . Nguni&#039;t ang kinauuwian ng bilin ay ang pagibig na nagbubuhat sa malinis na puso at sa mabuting budhi at sa pananampalatayang hindi paimbabaw : Na pagkasinsay ng iba sa mga bagay na ito ay nagsibaling sa walang kabuluhang pananalita ; Na nagsisipagnasang maging mga guro ng kautusan , bagaman di nila natatalastas kahit ang kanilang sinasabi , kahit ang kanilang buong tiwalang pinatutunayan . Datapuwa&#039;t nalalaman natin na ang kautusan ay mabuti , kung ginagamit ng tao sa matuwid , Yamang nalalaman ito , na ang kautusan ay hindi ginawa dahil sa taong matuwid , kundi sa mga walang kautusan at manggugulo , dahil sa masasama at mga makasalanan , dahil sa mga di banal at mapaglapastangan , dahil sa nagsisipatay sa ama at sa nagsisipatay sa ina , dahil sa mga mamamatay-tao , Dahil sa mga nakikiapid , dahil sa mga mapakiapid sa kapuwa lalake , dahil sa mga nagnanakaw ng tao , dahil sa mga bulaan , dahil sa mga mapagsumpa ng kabulaanan , at kung mayroon pang ibang bagay laban sa mabuting aral ; Ayon sa evangelio ng kaluwalhatian ng mapagpalang Dios , na ipinagkatiwala sa akin . Nagpapasalamat ako sa kaniya na nagpapalakas sa akin , kay Cristo Jesus na Panginoon natin , sapagka&#039;t ako&#039;y inari niyang tapat , na ako&#039;y inilagay sa paglilingkod sa kaniya ; Bagaman nang una ako&#039;y naging mamumusong , at manguusig ; at mangaalipusta : gayon ma&#039;y kinahabagan ako , sapagka&#039;t yao&#039;y ginawa ko sa di pagkaalam sa kawalan ng pananampalataya ; At totoong sumagana ang biyaya ng ating Panginoon na nasa pananampalataya at pagibig na pawang kay Cristo Jesus . Tapat ang pasabi , at nararapat tanggapin ng lahat , na si Cristo Jesus ay naparito sa sanglibutan upang iligtas ang mga makasalanan ; na ako ang pangulo sa mga ito ; Gayon ma&#039;y dahil dito , kinahabagan ako , upang sa akin na pangulong makasalanan , ay maipahayag ni Jesucristo ang buong pagpapahinuhod niya , na halimbawa sa mga magsisisampalataya sa kaniya , sa ikabubuhay na walang hanggan . Ngayon sa Haring walang hanggan , walang kamatayan , di nakikita , sa iisang Dios , ay ang kapurihan at kaluwalhatian magpakailan kailan man . Siya nawa . Ang biling ito ay ipinagtatagubilin ko sa iyo , Timoteo na aking anak , ayon sa mga hula na nangauna tungkol sa iyo , upang sa pamamagitan ng mga ito ay makipagbaka ka ng mabuting pakikipagbaka ; Na ingatan mo ang pananampalataya at ang mabuting budhi ; na nang ito&#039;y itakuwil ng iba sa kanila ay nangabagbag tungkol sa pananampalataya : Na sa mga ito&#039;y si Himeneo at si Alejandro ; na sila&#039;y aking ibinigay kay Satanas , upang sila&#039;y maturuang huwag mamusong . Una-una nga sa lahat ng mga bagay , ay iniaaral ko na manaing , manalangin , mamagitan , at magpasalamat na patungkol sa lahat ng mga tao ; Ang mga hari at ang lahat ng nangasa mataas na kalagayan ; upang tayo&#039;y mangabuhay na tahimik at payapa sa buong kabanalan at kahusayan . Ito&#039;y mabuti at nakalulugod sa paningin ng Dios na ating Tagapagligtas ; Na siyang may ibig na ang lahat ng mga tao&#039;y mangaligtas , at mangakaalam ng katotohanan . Sapagka&#039;t may isang Dios at may isang Tagapamagitan sa Dios at sa mga tao , ang taong si Cristo Jesus , Na ibinigay ang kaniyang sarili na pangtubos sa lahat ; na pagpapatotoong mahahayag sa sariling kapanahunan ; Na dito&#039;y itinalaga ako na tagapangaral at apostol ( sinasabi ko ang katotohanan , hindi ako nagsisinungaling ) , guro sa mga Gentil sa pananampalataya at katotohanan . Ibig ko ngang ang mga tao&#039;y magsipanalangin sa bawa&#039;t dako , na iunat ang mga kamay na banal , na walang galit at pakikipagtalo . Gayon din naman , na ang mga babae ay magsigayak ng mahinhing damit na may katimtiman at hinahon ; hindi ng mahalagang hiyas ng buhok , at ginto o perlas o damit na mahalaga ; Kundi ( siyang nararapat sa mga babae na magpakabanal ) sa pamamagitan ng mabubuting gawa . Ang babae&#039;y magaral na tumahimik na may buong pagkapasakop . Nguni&#039;t hindi ko ipinahihintulot na ang babae ay magturo , ni magkaroon ng pamumuno sa lalake , kundi tumahimik . Sapagka&#039;t si Adam ay siyang unang nilalang , saka si Eva ; At si Adam ay hindi nadaya , kundi ang babae nang madaya ay nahulog sa pagsalangsang ; Nguni&#039;t ililigtas siya sa pamamagitan ng panganganak , kung sila&#039;y magsisipamalagi sa pananampalataya at pagibig at sa pagpapakabanal na may hinahon . Tapat ang pasabi , Kung ang sinoman ay magsisikap na maging obispo , ay mabuting gawa ang ninanasa . Dapat nga na ang obispo ay walang kapintasan , asawa ng isa lamang babae , mapagpigil , mahinahon ang pagiisip , mahusay , mapagpatuloy , sapat na makapagturo ; Hindi magulo , hindi palaaway , kundi malumanay , hindi mapakipagtalo , hindi maibigin sa salapi ; Namamahalang mabuti ng kaniyang sariling sangbahayan , na sinusupil ang kaniyang mga anak na may buong kahusayan ; ( Nguni&#039;t kung ang sinoman nga ay hindi marunong mamahala sa kaniyang sariling sangbahayan paanong makapamamahala sa iglesia ng Dios ? ) Hindi baguhan , baka siya kung magpalalo ay mahulog sa kaparusahan ng diablo . Bukod dito&#039;y dapat din namang siya&#039;y magkaroon ng mabuting patotoo ng nangasa labas , baka mahulog sa kapintasan at silo ng diablo . Gayon din naman ang mga diakono dapat ay mahuhusay , hindi dalawang dila , hindi mahilig sa maraming alak , hindi mga sakim sa mahahalay na kapakinabangan ; Na iniingatan ang hiwaga ng pananampalataya ng malinis na budhi . At ang mga ito rin naman ay subukin muna ; kung magkagayo&#039;y mamahalang may pagka diakono , kung walang kapintasan . Gayon din naman ang mga babae dapat ay mahuhusay , hindi palabintangin , mapagpigil , tapat sa lahat ng mga bagay . Maging asawa ang mga diakono ng tigiisa lamang na babae , na pamahalaang mabuti ang kanilang mga anak at ang kanilang sariling mga sangbahayan . Sapagka&#039;t ang nangamamahalang mabuti sa pagka diakono , ay nangagtatamo sa kanilang sarili ng isang mabuting kalagayan , at malaking katapangan sa pananampalataya na kay Cristo Jesus . Ang mga bagay na ito ay aking isinusulat sa iyo , na inaasahang makararating sa iyong madali ; Nguni&#039;t kung ako&#039;y magluwat ng mahabang panahon , ay upang maalaman mo kung paano ang dapat sa mga tao na ugaliin nila sa bahay ng Dios , na siyang iglesia ng Dios na buhay , at haligi at suhay ng katotohanan . At walang pagtatalo , dakila ang hiwaga ng kabanalan ; Yaong nahayag sa laman , Pinapaging-banal sa espiritu , Nakita ng mga anghel , Ipinangaral sa mga bansa , Sinampalatayanan sa sanglibutan , Tinanggap sa itaas sa kaluwalhatian . Nguni&#039;t hayag na sinasabi ng Espiritu , na sa mga huling panahon ang iba&#039;y magsisitalikod sa pananampalataya , at mangakikinig sa mga espiritung mapanghikayat at sa mga aral ng mga demonio , Sa pamamagitan ng pagpapaimbabaw ng mga tao na nagsisipagsalita ng mga kasinungalingan , na hinerohan ang kanilang mga sariling budhi ng waring bakal na nagbabaga ; Na ipinagbabawal ang pagaasawa , at ipinaguutos na lumayo sa mga lamangkati , na nilalang ng Dios upang tanggapin na may pagpapasalamat ng mga nagsisisampalataya at nangakakaalam ng katotohanan . Sapagka&#039;t ang bawa&#039;t nilalang ng Dios ay mabuti , at walang anomang nararapat na itakuwil , kung tinatanggap na may pagpapasalamat : Sapagka&#039;t pinakababanal sa pamamagitan ng salita ng Dios at ng pananalangin . Kung ipaalaala mo sa mga kapatid ang mga bagay na ito , ikaw ay magiging isang mabuting ministro ni Cristo Jesus , na kinandili sa mga salita ng pananampalataya at ng mabuting aral na sinusunod mo hanggang ngayon : Datapuwa&#039;t itakuwil mo ang mga kathang masasama at walang kabuluhan . At magsanay ka sa kabanalan : Sapagka&#039;t sa pagsasanay ng katawan ay may kaunting pakinabang , nguni&#039;t ang kabanalang sa lahat ng mga bagay ay pinakikinabangan , na may pangako sa buhay na ito , at sa darating . Tapat ang pasabi , at nararapat tanggapin ng lahat . Sapagka&#039;t dahil dito ay nagsisipagpagal kami at nagsisipagsikap , sapagka&#039;t may pagasa kami sa Dios na buhay , na siyang Tagapagligtas sa lahat ng mga tao , lalong lalo na sa mga nagsisisampalataya . Ang mga bagay na ito&#039;y iyong iutos at ituro . Huwag hamakin ng sinoman ang iyong kabataan ; kundi ikaw ay maging uliran ng mga nagsisisampalataya , sa pananalita , sa pamumuhay , sa pagibig , sa pananampalataya , sa kalinisan . Hanggang ako&#039;y pumariyan ay magsikap ka sa pagbasa , sa pangangaral , sa pagtuturo . Huwag mong pabayaan ang kaloob na nasa iyo , na sa iyo&#039;y ibinigay sa pamamagitan ng hula , na may pagpapatong ng mga kamay ng kapulungan ng mga presbitero . Magsipag ka sa mga bagay na ito ; tumalaga kang lubos sa mga ito ; upang ang iyong pagkasulong ay mahayag sa lahat . Magingat ka sa iyong sarili , at sa iyong turo . Manatili ka sa mga bagay na ito ; sapagka&#039;t sa paggawa nito ay ang iyo ring sarili ang ililigtas mo at pati ng mga nagsisipakinig sa iyo . Huwag mong pagwikaan ang matanda , kundi pangaralan mo siyang tulad sa ama ; ang mga kabataang lalake na tulad sa mga kapatid : Ang mga babaing matatanda na tulad sa mga ina ; at ang mga kabataang babae na tulad sa mga kapatid na babae sa buong kalinisan . Papurihan mo ang mga babaing bao na tunay na bao . Nguni&#039;t kung ang sinomang babaing bao ay may mga anak o mga apo , magsipagaral ang mga ito muna ng pamamahalang may kabanalan sa kanilang sariling sangbahayan , at magsiganti sa kanilang mga magulang : sapagka&#039;t ito&#039;y nakalulugod sa paningin ng Dios . Kaya&#039;t ang tunay na babaing bao at walang nagaampon , ay may pagasa sa Dios , at nananatili sa mga pagdaing at mga panalangin gabi&#039;t araw . Datapuwa&#039;t ang nangagpapakabuyo sa mga kalayawan , bagama&#039;t buhay ay patay . Ang mga bagay na ito&#039;y iutos mo rin naman , upang sila&#039;y mawalan ng kapintasan . Datapuwa&#039;t kung ang sinoman ay hindi nagkakandili sa mga sariling kaniya , lalong lalo na sa kaniyang sariling sangbahayan , ay tumanggi siya sa pananampalataya at lalong masama kay sa hindi sumasampalataya . Huwag itala na gaya ng babaing bao samantalang walang anim na pung taon , na naging asawa ng isang lalake , Na may mabuting patotoo tungkol sa mabubuting gawa ; kung siya&#039;y nagalaga sa mga anak , kung siya&#039;y nagpatuloy sa mga taga ibang bayan , kung siya&#039;y naghugas ng mga paa ng mga banal , kung siya&#039;y umabuloy sa mga napipighati , kung ginanap niya na may kasipagan ang bawa&#039;t mabuting gawa . Nguni&#039;t tanggihan mo ang mga batang babaing bao : sapagka&#039;t pagkakaroon nila ng masamang pita na hiwalay kay Cristo , ay nagsisipagnasang magasawa ; Na nagkakaroon ng kahatulan , sapagka&#039;t itinakuwil nila ang unang pananampalataya . At bukod dito ay nangagaaral din naman na maging mga tamad , na nagpapalipatlipat sa bahay-bahay ; at hindi lamang mga tamad , kundi matatabil din naman at mga mapakialam , na nagsisipagsalita ng mga bagay na di nararapat . Ibig ko ngang magsipagasawa ang mga batang babaing bao , magsipanganak , magsipamahala ng sangbahayan , huwag magbigay sa kaaway ng anomang pagkadahilanan ng ikalilibak : Sapagka&#039;t ang mga iba&#039;y nagsibaling na sa hulihan ni Satanas . Kung ang sinomang babaing nanampalataya ay may inaampong mga babaing bao , ay umabuloy sa kanila , at huwag pabigatan ang iglesia , upang maabuluyan nito ang mga tunay na bao . Ang mga matanda na nagsisipamahalang mabuti ay ariing may karapatan sa ibayong kapurihan , lalong lalo na ang mga nangagpapagal sa salita at sa pagtuturo . Sapagka&#039;t sinasabi ng kasulatan , Huwag mong lalagyan ng busal ang baka pagka gumigiik . At , ang nagpapagal ay karapatdapat sa kaupahan sa kaniya . Laban sa matanda ay huwag kang tatanggap ng sumbong , maliban sa dalawa o tatlong saksi . Sila na mga nagkakasala ay paalalahanan mo sa harapan ng lahat upang ang iba nama&#039;y mangatakot . Pinagbibilinan kita sa paningin ng Dios , at ni Cristo Jesus , at ng mga anghel na hinirang , na iyong ganapin ang mga bagay na ito na walang pagtatangi na huwag mong gagawin ang anomang pagayo . Huwag mong ipatong na madalian ang iyong mga kamay sa kanino man , ni huwag kang makaramay sa mga kasalanan ng iba : ingatan mong malinis ang iyong sarili . Huwag kang iinom pa ng tubig lamang , kundi gumamit ka ng kaunting alak dahil sa iyong sikmura at sa iyong madalas na pagkakasakit . Ang mga kasalanan ng ilang tao ay hayag na , na nagsisipanguna sa paghukom : at ang ilang mga tao naman ay kanilang sinusundan . Gayon din naman ang mabubuting gawa ay hayag : at ang mga di gayo&#039;y hindi maaaring ilihim . Ang lahat ng mga alipin na nangasa ilalim ng pamatok ay ariin ang kanilang mga panginoon na karapatdapat sa buong kapurihan , upang ang pangalan ng Dios at ang aral ay huwag malapastangan . At ang mga may panginoong nagsisisampalataya , ay huwag mayamot sa kanila , sapagka&#039;t sila&#039;y pawang magkakapatid ; kundi bagkus paglingkuran nila silang mabuti , sapagka&#039;t nagsisipanampalataya at mga minamahal ang mga nagsisitanggap ng kapakinabangan . Iyong ituro at iaral ang mga bagay na ito . Kung ang sinoma&#039;y nagtuturo ng ibang aral , at hindi sumasangayon sa mga salitang nakagagaling , sa makatuwid ay sa mga salita ng ating Panginoong Jesucristo , at sa aral na ayon sa kabanalan ; Ang gayon ay palalo , walang nalalamang anoman , kundi may-sakit sa mga usapan at mga pagtatalo , sa mga salitang pinagbubuhatan ng kapanaghilian , mga pagkakaalit , mga pagalipusta , mga masasamang akala . Pagtataltalan ng mga taong masasama ang pagiisip at salat sa katotohanan , na nagsisipagakala na ang kabanalan ay paraan ng pakinabang . Datapuwa&#039;t ang kabanalan na may kasiyahan ay malaking kapakinabangan : Sapagka&#039;t wala tayong dinalang anoman sa sanglibutan , at wala rin naman tayong mailalabas na anoman ; Nguni&#039;t kung tayo&#039;y may pagkain at pananamit ay masisiyahan na tayo doon . Datapuwa&#039;t ang mga nagsisipagnasang yumaman , ay nangahuhulog sa tukso at sa silo at sa maraming mga pitang hangal at nakasasama , na siyang naglulubog sa mga tao sa kapahamakan at kamatayan . Sapagka&#039;t ang pagibig sa salapi ay ugat ng lahat ng uri ng kasamaan ; na sa pagnanasa ng iba ay nangasinsay sa pananampalataya , at tinuhog ang kanilang sarili ng maraming mga kalumbayan . Datapuwa&#039;t ikaw , Oh tao , ng Dios , tumakas ka sa mga bagay na ito , at sumunod ka sa katuwiran , sa kabanalan , sa pananampalataya , sa pagibig , sa pagtitiis , sa kaamuan . Makipagbaka ka ng mabuting pakikipagbaka ng pananampalataya , manangan ka sa buhay na walang hanggan , na dito&#039;y tinawag ka , at ipinahayag mo ang mabuting pagpapahayag sa harapan ng maraming mga saksi . Ipinagbibilin ko sa iyo sa paningin ng Dios na bumubuhay sa lahat ng mga bagay , at ni Cristo Jesus , na sa harapan ni Poncio Pilato ay sumaksi ng mabuting pagpapahayag ; Na tuparin mo ang utos , na walang dungis , walang kapintasan hanggang sa pagpapakita ng ating Panginoong Jesucristo : Na sa kaniyang kapanahunan ay ipahahayag siya , na mapalad at tanging Makapangyarihan Hari ng mga hari , at Panginoon ng mga panginoon ; Na siya lamang ang walang kamatayan , na nananahan sa liwanag na di malapitan ; na di nakita ng sinomang tao , o makikita man : sumakaniya nawa ang kapurihan at paghaharing walang hanggan . Siya nawa . Ang mayayaman sa sanglibutang ito , ay pagbilinan mo na huwag magsipagmataas ng pagiisip , at huwag umasa sa mga kayamanang di nananatili , kundi sa Dios na siyang nagbibigay sa ating sagana ng lahat ng mga bagay upang ating ikagalak ; Na sila&#039;y magsigawa ng mabuti , na sila&#039;y magsiyaman sa mabuting gawa , na sila&#039;y maging handa sa pamimigay , maibigin sa pamamahagi ; Na mangagtipon sa kanilang sarili ng isang mabuting kinasasaligan para sa panahong darating , upang sila&#039;y makapanangan sa buhay na tunay na buhay . Oh Timoteo , ingatan mo ang ipinagkatiwala sa iyo , na ilagan mo ang mga usapan na walang kabuluhan at ang mga pagsalungat ng maling tawag na kaalaman ; Na palibhasa&#039;y pinaniwalaan ng ilan ay nangasinsay tungkol sa pananampalataya . Ang biyaya ay sumainyo nawa . </passage></reply></GetPassage>