<?xml version="1.0" encoding="UTF-8"?><GetPassage xmlns="http://relaxng.org/ns/structure/1.0" xmlns:tei="http://www.tei-c.org/ns/1.0" xmlns:ti="http://chs.harvard.edu/xmlns/cts"><request><requestName>GetPassage</requestName><requestUrn>urn:cts:pbc:bible.parallel.tgl.1905:55</requestUrn></request><reply><urn>urn:cts:pbc:bible.parallel.tgl.1905:55</urn><passage>Si Pablo , na apostol ni Cristo Jesus sa pamamagitan ng kalooban ng Dios , ayon sa pangako ng buhay na nasa kay Cristo Jesus , Kay Timoteo na aking minamahal na anak : Biyaya , kaawaan , kapayapaan nawang mula sa Dios Ama at kay Cristo Jesus na Panginoon natin . Nagpapasalamat ako sa Dios , na mula sa aking kanunununuan ay aking pinaglilingkuran sa budhing malinis , na walang patid na inaalaala kita sa aking mga daing , gabi&#039;t araw ; Na kinasasabikan kong makita kita , na inaalaala ang iyong mga pagluha , upang ako&#039;y mapuspos ng kagalakan ; Na inaalaala ko ang pananampalatayang hindi pakunwari na nasa iyo ; na namalagi muna kay Loida na iyong lelang , at kay Eunice na iyong ina ; at , ako&#039;y naniniwalang lubos , na nasa iyo rin naman . Dahil dito ay ipinaaalaala ko sa iyo na paningasin mo ang kaloob ng Dios , na nasa iyo sa pamamagitan ng pagpapatong ng aking mga kamay . Sapagka&#039;t hindi tayo binigyan ng Dios ng espiritu ng katakutan ; kundi ng kapangyarihan at ng pagibig at ng kahusayan . Huwag mo ngang ikahiya ang pagpapatotoo sa ating Panginoon , ni ako na bilanggo niya : kundi magtiis ka ng mga kahirapan dahil sa evangelio ayon sa kapangyarihan ng Dios ; Na siyang sa atin ay nagligtas , at sa atin ay tumawag ng isang banal na pagtawag , hindi ayon sa ating mga gawa , kundi ayon sa kaniyang sariling akala at biyaya , na ibinigay sa atin kay Cristo Jesus buhat pa ng mga panahong walang hanggan . Nguni&#039;t ngayon ay nahayag sa pamamagitan ng pagpapakita ng ating Tagapagligtas na si Cristo Jesus , na siyang nagalis ng kamatayan , at nagdala sa liwanag ng buhay at ng walang pagkasira sa pamamagitan ng evangelio , Na sa bagay na ito ay ako&#039;y itinalaga na tagapangaral , at apostol at guro . Dahil dito&#039;y nagtiis din ako ng mga bagay na ito : gayon ma&#039;y hindi ako nahihiya ; sapagka&#039;t nakikilala ko yaong aking sinampalatayanan , at lubos akong naniniwalang siya&#039;y makapagiingat ng aking ipinagkatiwala sa kaniya hanggang sa araw na yaon . Ingatan mo ang mga ulirang mga salitang magagaling na narinig mo sa akin , sa pananampalataya at pagibig na nasa kay Cristo Jesus . Yaong mabuting bagay na ipinagkatiwala sa iyo ay ingatan mo sa pamamagitan ng Espiritu Santo na nananahan sa atin . Ito&#039;y nalalaman mo , na nagsihiwalay sa akin ang lahat ng nangasa Asia ; na sa mga yaon ay si Figello at si Hermogenes . Pagkalooban nawa ng Panginoon ng habag ang sangbahayan ni Onesiforo : sapagka&#039;t madalas niya akong pinaginhawa , at hindi ikinahiya ang aking tanikala ; Kundi , nang siya&#039;y nasa Roma , ay hinanap niya ako ng buong sikap , at ako&#039;y nasumpungan niya . ( Pagkalooban nawa siya ng Panginoon na masumpungan niya ang kahabagan ng Panginoon sa araw na yaon ) ; at totoong alam mo kung gaano karaming mga bagay ang ipinaglingkod niya sa Efeso . Ikaw nga , anak ko , magpakalakas ka sa biyayang nasa kay Cristo Jesus . At ang mga bagay na iyong narinig sa akin sa gitna ng maraming saksi , ay siya mo ring ipagkatiwala sa mga taong tapat , na makapagtuturo naman sa mga iba . Makipagtiis ka sa akin ng mga kahirapan , na gaya ng mabuting kawal ni Cristo Jesus . Sinomang kawal na nasa pagkakawal ay hindi nahalubilo sa mga bagay ng buhay na ito ; upang siya&#039;y kalugdan niyaong nagtala sa pagkakawal . At kung ang sinoman ay makikipaglaban naman sa mga laro , ay hindi pinuputungan maliban na kung makipaglabang matuwid . Ang magsasaka na nagpapagal ay siyang kailangang unang makabahagi sa mga bunga . Isipin mo ang sinasabi ko ; sapagka&#039;t bibigyan ka ng Panginoon ng pagkaunawa sa lahat ng mga bagay . Alalahanin mo si Jesucristo na muling nabuhay sa mga patay , sa binhi ni David , ayon sa aking evangelio : Na siyang pinagtitiisan ko ng kahirapan sa mga tanikala , na tulad sa tampalasan ; nguni&#039;t ang salita ng Dios ay hindi natatanikalaan . Kaya aking tinitiis ang lahat ng mga bagay dahil sa mga hinirang , upang kamtan naman nila ang pagkaligtas na nasa kay Cristo Jesus na may kaluwalhatiang walang hanggan . Tapat ang pasabi : Sapagka&#039;t kung tayo&#039;y nangamatay na kalakip niya , ay mangabubuhay naman tayong kasama niya : Kung tayo&#039;y mangagtiis , ay mangaghahari naman tayong kasama niya : kung ating ikaila siya , ay ikakaila naman niya tayo : Kung tayo&#039;y hindi mga tapat , siya&#039;y nananatiling tapat ; sapagka&#039;t hindi makapagkakaila sa kaniyang sarili . Ipaalaala mo sa kanila ang mga bagay na ito , na sila&#039;y pagbilinan sa paningin ng Panginoon , na sila&#039;y huwag makipagtalo tungkol sa mga salitaan na hindi mapapakinabangan , sa ikapapahamak ng mga nakikinig . Pagsikapan mong humarap na subok sa Dios , manggagawang walang anomang ikahihiya , na gumagamit na matuwid ng salita ng katotohanan . Datapuwa&#039;t ilagan mo ang mga usapang walang kabuluhan : sapagka&#039;t sila&#039;y lalong magpapatuloy sa kasamaan , At ang kanilang salita ay kakalat na gaya ng ganggrena : na sa mga ito ay si Himeneo at si Fileto ; Na mga taong tungkol sa katotohanan ay nangasinsay , na sinasabing ang pagkabuhay na maguli ay nakaraan na , at ginugulo ang pananampalataya ng iba . Gayon ma&#039;y ang matibay na pinagsasaligan ng Dios ay nananatili na may tatak nito , Nakikilala ng Panginoon ang mga kaniya : at , Lumayo sa kalikuan ang bawa&#039;t isa na sumasambitla ng pangalan ng Panginoon . Datapuwa&#039;t sa isang malaking bahay ay hindi lamang may mga sisidlang ginto at pilak , kundi mayroon din namang kahoy at lupa ; at ang iba&#039;y sa ikapupuri , at ang iba&#039;y sa ikasisirang-puri . Kung ang sinoman nga ay malinis sa alin man sa mga ito , ay magiging sisidlang ikapupuri , pinakabanal , marapat gamitin ng mayari , nahahanda sa lahat ng gawang mabuti . Datapuwa&#039;t layuan mo ang masasamang pita ng kabinataan , at sundin mo ang kabanalan , ang pananampalataya , ang pagibig , ang kapayapaan , kasama ng mga nagsisitawag sa Panginoon mula sa pusong malinis . Nguni&#039;t tanggihan mo ang mga usapang walang kabuluhan at hangal , yamang nalalaman mo na namumunga ng mga pagtatalo . At ang alipin ng Panginoon ay hindi nararapat na makipagtalo , kundi maamo sa lahat , sapat na makapagturo , matiisin , Na sawaying may kaamuan ang mga nagsisisalangsang ; baka sakaling sila&#039;y pagkalooban ng Dios ng pagsisisi sa ikaaalam ng katotohanan , At sila&#039;y makawala sa silo ng diablo , na bumihag sa kanila ayon sa kaniyang kalooban . Datapuwa&#039;t alamin mo ito , na sa mga huling araw ay darating ang mga panahong mapanganib . Sapagka&#039;t ang mga tao&#039;y magiging maibigin sa kanilang sarili , maibigin sa salapi , mayayabang , mga mapagmalaki , mapagtungayaw , masuwayin sa mga magulang , mga walang turing , mga walang kabanalan , Walang katutubong pagibig , mga walang paglulubag , mga palabintangin , mga walang pagpipigil sa sarili , mga mabangis , hindi mga maibigin sa mabuti , Mga lilo , mga matitigas ang ulo , mga palalo , mga maibigin sa kalayawan kay sa mga maibigin sa Dios ; Na may anyo ng kabanalan , datapuwa&#039;t tinanggihan ang kapangyarihan nito : lumayo ka rin naman sa mga ito . Sapagka&#039;t sa mga ito ang nanganggagapang sa mga bahay , at binibihag ang babaing haling na lipos ng mga kasalanan , hinihila ng mga iba&#039;t ibang pita , Na laging nagsisipagaral , at kailan pa man ay hindi nakararating sa pagkaalam ng katotohanan . At kung paanong si Janes at si Jambres ay nagsilaban kay Moises , ay gayon din naman ang mga ito&#039;y nagsisilaban sa katotohanan ; mga taong masasama ang pagiisip , mga itinakuwil tungkol sa pananampalataya . Nguni&#039;t sila&#039;y hindi mangagpapatuloy : sapagka&#039;t mangahahayag sa lahat ng mga tao ang kanilang kamangmangan , gaya naman ng pagkahayag ng sa mga yaon . Nguni&#039;t sinunod mo ang aking aral , ugali , akala , pananampalataya , pagpapahinuhod , pagibig , pagtitiis , Mga paguusig , mga pagbabata ; anomang mga bagay ang nangyari sa akin sa Antioquia , sa Iconio , sa Listra ; anomang mga paguusig ang tiniis ko : at sa lahat ay iniligtas ako ng Panginoon . Oo , at lahat na ibig mabuhay na may kabanalan kay Cristo Jesus ay mangagbabata ng paguusig . Datapuwa&#039;t ang masasamang tao at mga magdaraya ay lalong sasama ng sasama , na mangagdadaya , at sila rin ang mangadadaya . Datapuwa&#039;t manatili ka sa mga bagay na iyong pinagaralan at sa pinagkaroonan mo ng katunayan , yamang nalalaman mo kung kanino mo nangatutuhan ; At mula sa pagkasanggol ay iyong nalalaman ang mga banal na kasulatan na makapagpadunong sa iyo sa ikaliligtas sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo Jesus . Ang lahat ng mga kasulatan na kinasihan ng Dios ay mapapakinabangan din naman sa pagtuturo , sa pagsansala , sa pagsaway , sa ikatututo na nasa katuwiran : Upang ang tao ng Dios ay maging sakdal , tinuruang lubos sa lahat ng mga gawang mabuti . Ipinagbibilin ko sa iyo sa paningin ng Dios , at ni Cristo Jesus , na siyang huhukom sa mga buhay at sa mga patay , sa pamamagitan ng kaniyang pagpapakita at sa kaniyang kaharian : Ipangaral mo ang salita ; magsikap ka sa kapanahunan , at sa di kapanahunan , sumawata ka , sumaway ka , mangaral ka na may buong pagpapahinuhod at pagtuturo . Sapagka&#039;t darating ang panahon na hindi nila titiisin ang magaling na aral ; kundi , pagkakaroon nila ng kati ng tainga , ay magsisipagbunton sila sa kanilang sarili ng mga gurong ayon sa kanilang sariling mga masasamang pita ; At ihihiwalay sa katotohanan ang kanilang mga tainga , at mga ibabaling sa katha . Nguni&#039;t ikaw ay magpigil sa lahat ng mga bagay , magtiis ka ng mga kahirapan , gawin mo ang gawa ng evangelista , ganapin mo ang iyong ministerio . Sapagka&#039;t ako&#039;y iniaalay na , at ang panahon ng aking pagpanaw ay dumating na . Nakipagbaka ako ng mabuting pakikipagbaka , natapos ko na ang aking takbo , iningatan ko ang pananampalataya : Buhat ngayon ay natataan sa akin ang putong na katuwiran , na ibibigay sa akin ng Panginoon na tapat na hukom sa araw na yaon ; at hindi lamang sa akin , kundi sa lahat din naman ng mga naghahangad sa kaniyang pagpapakita . Magsikap kang pumarini na madali sa akin : Sapagka&#039;t ako&#039;y pinabayaan ni Demas , palibhasa&#039;y iniibig niya ang sanglibutang ito , at napasa Tesalonica ; si Crescente ay napasa Galacia , at si Tito ay sa Dalmacia . Si Lucas lamang ang kasama ko . Kaunin mo si Marcos , at ipagsama mo ; sapagka&#039;t siya&#039;y napapakinabangan ko sa ministerio . Datapuwa&#039;t si Tiquico ay sinugo ko sa Efeso . Ang balabal na aking iniwan sa Troas kay Carpo ay iyong dalhin pagparini mo , at ang mga aklat , lalong lalo na ang mga pergamino . Si Alejandro na panday-tanso ay ginawan ako ng lubhang masama : gagantihan siya ng Panginoon ayon sa kaniyang mga gawa : Magingat ka rin naman sa kaniya ; sapagka&#039;t totoong kaniyang sinalangsang ang aming mga salita . Sa aking unang pagsasanggalang sinoman ay walang kumampi sa akin , bagkus pinabayaan ako ng lahat : huwag nawang ibilang sa kanila ito . Datapuwa&#039;t ang Panginoon ay sumaakin , at ako&#039;y pinalakas ; upang sa pamamagitan ko ang mabuting balita ay maitanyag ng ganap , at upang mapakinggan ng lahat ng mga Gentil : at ako&#039;y iniligtas sa bibig ng leon . Ako&#039;y ililigtas ng Panginoon sa bawa&#039;t gawa ng masama , at ako&#039;y kaniyang iingatan sa kaniyang kaharian sa langit : na sumakaniya nawa ang kaluwalhatian magpakailan man . Siya nawa . Batiin mo si Prisca at si Aquila , at ang sangbahayan ni Onesiforo . Si Erasto ay natira sa Corinto ; datapuwa&#039;t si Trofimo ay iniwan kong may-sakit sa Mileto . Magsikap kang pumarini bago magtaginaw . Binabati ka ni Eubulo , at ni Pudente , at ni Lino , at ni Claudia , at ng lahat ng mga kapatid . Ang Panginoon nawa&#039;y sumainyong espiritu . Ang biyaya nawa&#039;y sumainyo . </passage></reply></GetPassage>