<?xml version="1.0" encoding="UTF-8"?><GetPassage xmlns="http://relaxng.org/ns/structure/1.0" xmlns:tei="http://www.tei-c.org/ns/1.0" xmlns:ti="http://chs.harvard.edu/xmlns/cts"><request><requestName>GetPassage</requestName><requestUrn>urn:cts:pbc:bible.parallel.tgl.1905:56</requestUrn></request><reply><urn>urn:cts:pbc:bible.parallel.tgl.1905:56</urn><passage>Si Pablo , na alipin ng Dios , at apostol ni Jesucristo , ayon sa pananampalataya ng mga hinirang ng Dios , at sa pagkaalam ng katotohanan na ayon sa kabanalan , Sa pagasa sa buhay na walang hanggan , na ipinangako ng Dios na di makapagsisinungaling buhat pa ng mga panahong walang hanggan ; Nguni&#039;t sa kaniyang mga panahon ay ipinahayag ang kaniyang salita sa pangangaral , na sa akin ay ipinagkatiwala ayon sa utos ng Dios na ating Tagapagligtas ; Kay Tito na aking tunay na anak ayon sa pananampalataya ng lahat : Biyaya at kapayapaan nawang mula sa Dios Ama at kay Cristo Jesus na Tagapagligtas natin . Dahil dito&#039;y iniwan kita sa Creta , upang husayin mo ang mga bagay na nagkukulang , at maghalal ng mga matanda sa bawa&#039;t bayan , na gaya ng ipinagbilin ko sa iyo ; Kung ang sinoman ay walang kapintasan , asawa ng isang babae lamang , na may mga anak na nagsisisampalataya , na hindi maisusumbong sa pangliligalig o suwail . Sapagka&#039;t dapat na ang obispo ay walang kapintasan , palibhasa siya&#039;y katiwala ng Dios ; hindi mapagsariling kalooban , hindi magagalitin , hindi manggugulo , hindi palaaway , hindi masakim sa mahalay na kapakinabangan ; Kundi mapagpatuloy , maibigin sa mabuti , mahinahon ang pagiisip , matuwid , banal , mapagpigil ; Na nananangan sa tapat na salita na ayon sa turo , upang umaral ng magaling na aral , at papaniwalain ang nagsisisalangsang . Sapagka&#039;t may maraming mga suwail , na mapagsalita ng walang kabuluhan at mga magdaraya , lalong lalo na yaong mga sa pagtutuli , Na ang kanilang mga bibig ay nararapat matikom ; mga taong nagsisipanggulo sa buong mga sangbahayan , na nangagtuturo ng mga bagay na di nararapat , dahil sa mahalay na kapakinabangan . Sinabi ng isa sa kanila rin , ng isang propetang sarili nila , Ang mga taga Creta kailan pa man ay mga sinungaling , masasamang hayop , matatakaw na mga tamad . Ang patotoong ito ay tunay . Dahil dito&#039;y sawayin mong may kabagsikan sila , upang mangapakagaling sa pananampalataya , Na huwag mangakinig sa mga katha ng mga Judio , at sa mga utos ng mga tao na nangagsisisinsay sa katotohanan . Sa malinis ang lahat ng mga bagay ay malinis : datapuwa&#039;t sa nangahawa at di nagsisisampalataya ay walang anomang malinis ; kundi pati ng kanilang pagiisip at kanilang budhi ay pawang nangahawa . Sila&#039;y nangagpapanggap na nakikilala nila ang Dios ; nguni&#039;t ikinakaila sa pamamagitan ng kanilang mga gawa , palibhasa&#039;y mga malulupit , at mga masuwayin , at mga itinakuwil sa bawa&#039;t gawang mabuti . Nguni&#039;t magsalita ka ng mga bagay na nauukol sa aral na magaling : Na ang matatandang lalake ay maging mapagpigil , mahusay , mahinahon ang pagiisip , magagaling sa pananampalataya , sa pagibig , sa pagtitiis : Na gayon din ang matatandang babae ay maging magalang sa kanilang kilos , hindi palabintangin ni paalipin man sa maraming alak , mga guro ng kabutihan ; Upang kanilang maturuan ang mga babaing may kabataan na magsiibig sa kanikaniyang asawa , magsiibig sa kanilang mga anak , mangagpakahinahon , Mangagpakahinahon , mangagpakalinis , mangagpakasipag sa bahay , magagandang-loob , pasakop sa kanikaniyang asawa , upang huwag lapastanganin ang salita ng Dios : Iaral mo rin naman sa mga bagong tao na sila&#039;y mangagpakahinahon ng pagiisip : Sa lahat ng mga bagay ay magpakilala kang ikaw ay isang uliran sa mabubuting gawa ; at sa iyong aral ay ipakilala mo ang walang kamalian ang kahusayan , Pangungusap na magaling , na di mahahatulan ; upang sila na nasa kabilang panig ay mahiya , nang walang anomang masamang masabi tungkol sa atin . Iaral mo sa mga alipin na sila&#039;y pasakop sa kanikaniyang Panginoon , at kanilang kalugdan sa lahat ng mga bagay ; at huwag mga masagutin ; Huwag mangagdaya , kundi mangagpakita ng buong buting pagtatapat ; upang pamutihan sa lahat ng mga bagay ang aral ng Dios na ating Tagapagligtas . Sapagka&#039;t napakita ang biyaya ng Dios , na may dalang kaligtasan sa lahat ng mga tao , Na nagtuturo sa atin , upang , pagtanggi natin sa kalikuan at sa mga kahalayan ng sanglibutan , ay marapat mabuhay tayong may pagpipigil at matuwid at banal sa panahong kasalukuyan ng sanglibutang ito ; Na hintayin yaong mapalad na pagasa at ang pagpapakita ng kaluwalhatian ng ating dakilang Dios at Tagapagligtas na si Jesucristo ; Na siyang nagbigay ng kaniyang sarili dahil sa atin , upang tayo&#039;y matubos niya sa lahat ng mga kasamaan , at malinis niya sa kaniyang sarili ang bayang masikap sa mabubuting gawa , upang maging kaniyang sariling pag-aari . Ang mga bagay na ito ay iyong salitain at iaral at isaway ng buong kapangyarihan . Sinoman ay huwag humamak sa iyo . Ipaalala mo sa kanilang pasakop sa mga pinuno , sa mga may kapangyarihan , na mangagmasunurin , na humanda sa bawa&#039;t gawang mabuti , Na huwag magsalita ng masama tungkol sa kanino man , na huwag makipagtalo , kundi mapakahinhin , at magpakahinahon sa lahat ng mga tao . Sapagka&#039;t tayo rin naman nang unang panahon ay mga mangmang , mga suwail , mga nadaya , na nagsisipaglingkod sa sarisaring masamang pita at kalayawan , na nangamumuhay sa masasamang akala at kapanaghilian , mga napopoot , at tayo&#039;y nangagkakapootan . Nguni&#039;t nang mahayag na ang kagandahang-loob ng Dios na ating Tagapagligtas , at ang kaniyang pagibig sa tao , Na hindi dahil sa mga gawa sa katuwiran na ginawa nating sarili , kundi ayon sa kaniyang kaawaan ay kaniyang iniligtas tayo , sa pamamagitan ng paghuhugas sa muling kapanganakan at ng pagbabago sa Espiritu Santo , Na kaniyang ibinuhos ng sagana sa atin , sa pamamagitan ni Jesucristo na ating Tagapagligtas ; Upang , sa pagkaaring-ganap sa atin sa pamamagitan ng kaniyang biyaya , ay maging tagapagmana tayo ayon sa pagasa sa buhay na walang hanggan . Tapat ang pasabi , at tungkol sa mga bagay na ito ay ninanasa kong patotohanan mong may pagkakatiwala , upang ang mga nagsisipanampalataya sa Dios ay maging maingat na papanatilihin ang mabubuting gawa . Ang mga bagay na ito ay pawang mabubuti at mapapakinabangan ng mga tao : Nguni&#039;t ilagan mo ang mga hangal na usapan , at ang mga pagsasalaysay ng lahi , at ang mga pagtatalo , at pagtataltalan tungkol sa kautusan ; sapagka&#039;t ang mga ito ay di pinakikinabangan at walang kabuluhan . Ang taong may maling pananampalataya pagkatapos nang una at ikalawang pagsaway ay itakuwil mo ; Yamang nalalaman mo na ang gayon ay napahamak , at nagkakasala at siya&#039;y hinahatulan ng kaniyang sarili . Pagka susuguin ko sa iyo si Artemas , o si Tiquico , ay magsikap kang pumarini sa akin sa Nicopolis : sapagka&#039;t pinasiyahan kong doon matira sa taginaw . Suguin mong may sikap si Zenas na tagapagtanggol ng kautusan at si Apolos sa kanilang paglalakbay , upang sila&#039;y huwag kulangin ng ano man . At pagaralan din naman ng ating mga tao na manatili sa mabubuting gawa sa kagamitang kailangan , upang huwag mawalan ng bunga . Binabati ka ng lahat ng mga kasama ko . Batiin mo ang mga nagsisiibig sa atin sa pananampalataya . Biyaya ang sumainyo nawang lahat . </passage></reply></GetPassage>