<?xml version="1.0" encoding="UTF-8"?><GetPassage xmlns="http://relaxng.org/ns/structure/1.0" xmlns:tei="http://www.tei-c.org/ns/1.0" xmlns:ti="http://chs.harvard.edu/xmlns/cts"><request><requestName>GetPassage</requestName><requestUrn>urn:cts:pbc:bible.parallel.tgl.1905:58</requestUrn></request><reply><urn>urn:cts:pbc:bible.parallel.tgl.1905:58</urn><passage>Ang Dios , na nagsalita nang unang panahon sa ating mga magulang sa iba&#039;t ibang panahon at sa iba&#039;t ibang paraan sa pamamagitan ng mga propeta , Ay nagsalita sa atin sa mga huling araw na ito sa pamamagitan , ng kaniyang Anak , na siyang itinalaga na tagapagmana ng lahat ng mga bagay , na sa pamamagitan naman niya&#039;y ginawa ang sanglibutan ; Palibhasa&#039;y siyang sinag ng kaniyang kaluwalhatian , at tunay na larawan ng kaniyang pagka-Dios , at umaalalay ng lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng salita ng kaniyang kapangyarihan , nang kaniyang magawa na ang paglilinis ng mga kasalanan , ay lumuklok sa kanan ng Karangalan sa kaitaasan ; Na naging lalong mabuti kay sa mga anghel , palibhasa&#039;y nagmana ng lalong marilag na pangalan kay sa kanila . Sapagka&#039;t kanino nga sa mga anghel sinabi niya kailan man , Ikaw ay aking Anak , Ikaw ay aking ipinanganak ngayon ? at muli , Ako&#039;y magiging kaniyang Ama , At siya&#039;y magiging aking Anak ? At muli nang dinadala niya ang panganay sa sangkalupaan ay sinasabi , At sambahin siya ng lahat ng mga anghel ng Dios . At sinasabi niya tungkol sa mga anghel , Yaong ginagawang mga anghel niya ang mga hangin , At ang kaniyang mga ministro ay ningas ng apoy : Nguni&#039;t tungkol sa Anak ay sinasabi , Ang iyong luklukan , Oh Dios , ay magpakailan man ; At ang setro ng katuwiran ay siyang setro ng iyong kaharian . Inibig mo ang katuwiran , at kinapootan mo ang kasamaan ; Kaya&#039;t ang Dios , ang Dios mo , ay nagbuhos sa inyo , Ng langis ng kasayahang higit sa iyong mga kasamahan . At , Ikaw , Panginoon , nang pasimula&#039;y inilagay mo ang kinasasaligan ng lupa , At ang mga langit ay mga gawa ng iyong mga kamay : Sila&#039;y mangapapahamak ; datapuwa&#039;t ikaw ay nananatili : At silang lahat ay mangalulumang gaya ng isang kasuutan ; At gaya ng isang balabal sila&#039;y iyong bibilutin , At sila&#039;y mapapalitang gaya ng kasuutan : Nguni&#039;t ikaw ay ikaw rin , At ang iyong mga taon ay di matatapos . Nguni&#039;t kanino sa mga anghel sinabi niya kailan man , Lumuklok ka sa aking kanan , Hanggang sa ang iyong mga kaaway ay gawin kong tungtungan ng iyong mga paa ? Hindi baga silang lahat ay mga espiritung tagapaglingkod , na mga sinugo upang magsipaglingkod sa kapakinabangan ng mangagmamana ng kaligtasan ? Kaya&#039;t nararapat nating pagkatantuin ang mga bagay na narinig , baka sakaling tayo&#039;y makahagpos . Sapagka&#039;t kung ang ipinangusap na salita sa pamamagitan ng mga anghel ay nagtibay , at ang bawa&#039;t pagsalangsang at pagsuway ay tumanggap ng matuwid na parusa na kabayaran ; Paanong makatatanan tayo , kung ating pabayaan ang ganitong dakilang kaligtasan ? na ipinangusap ng Panginoon noong una ay pinatunayan sa atin sa pamamagitan ng mga nakarinig ; Na pawang sinasaksihan naman ng Dios na kasama nila , sa pamamagitan ng mga tanda at mga kababalaghan , at ng saganang kapangyarihan , at ng mga kaloob ng Espiritu Santo , ayon sa kaniyang sariling kalooban . Sapagka&#039;t hindi niya ipinasakop sa mga anghel ang sanglibutang darating , na siya naming isinasaysay . Nguni&#039;t pinatunayan ng isa sa isang dako , na sinasabi , Ano ang tao , upang siya&#039;y iyong alalahanin ? O ang anak ng tao , upang siya&#039;y iyong dalawin ? Siya&#039;y ginawa mong mababa ng kaunti kay sa mga anghel ; Siya&#039;y pinutungan mo ng kaluwalhatian at ng karangalan , At siya&#039;y inilagay mo sa ibabaw ng mga gawa ng iyong mga kamay : Inilagay mo ang lahat ng mga bagay sa pagsuko sa ilalim ng kaniyang mga paa . Sapagka&#039;t nang pasukuin niya ang lahat ng mga bagay sa kaniya , ay wala siyang iniwan na di sumuko sa kaniya . Nguni&#039;t ngayon ay hindi pa natin nakikitang sumuko sa kaniya ang lahat ng mga bagay . Kundi nakikita natin ang ginawang mababa ng kaunti kay sa mga anghel , sa makatuwid ay si Jesus , na dahil sa pagbata ng kamatayan ay pinutungan ng kaluwalhatian at karangalan , upang sa pamamagitan ng biyaya ng Dios ay lasapin niya ang kamatayan dahil sa bawa&#039;t tao . Sapagka&#039;t marapat sa kaniya na pinagukulan ng lahat ng mga bagay , at sa pamamagitan niya ang lahat ng mga bagay , sa pagdadala ng maraming anak sa kaluwalhatian na gawing sakdal siyang may gawa ng kaligtasan nila sa pamamagitan ng mga sakit . Sapagka&#039;t ang nagpapagingbanal at ang mga pinapagingbanal ay pawang sa isa : na dahil dito&#039;y hindi siya nahihiyang tawagin silang mga kapatid , Na sinasabi , Ibabalita ko ang iyong pangalan sa aking mga kapatid , Sa gitna ng kapisanan ay aawitin ko ang kapurihan mo . At muli , ilalagak ko ang aking pagkakatiwala sa kaniya . At muli , Narito , ako at ang mga anak na ibinigay sa akin ng Dios . Dahil sa ang mga anak ay mga may bahagi sa laman at dugo , siya nama&#039;y gayon ding nakabahagi sa mga ito ; upang sa pamamagitan ng kamatayan ay kaniyang malipol yaong may paghahari sa kamatayan , sa makatuwid ay ang diablo : At mailigtas silang lahat na dahil sa takot sa kamatayan ay nangasailalim ng pagkaalipin sa buong buhay nila . Sapagka&#039;t tunay na hindi niya tinutulungan ang mga anghel , kundi tinutulungan niya ang binhi ni Abraham . Kaya&#039;t nararapat sa kaniya na sa lahat ng mga bagay ay matulad sa kaniyang mga kapatid , upang maging isang dakilang saserdoteng maawain at tapat sa mga bagay na nauukol sa Dios , upang gumawa ng pangpalubag-loob patungkol sa mga kasalanan ng bayan . Palibhasa&#039;y nagbata siya sa pagkatukso , siya&#039;y makasasaklolo sa mga tinutukso . Kaya , mga banal na kapatid , mga may bahagi sa pagtawag ng kalangitan , inyong isipin ang Apostol at Dakilang Saserdote na ating kinikilala , si Jesus ; Na siya&#039;y tapat sa naglagay sa kaniya na gaya rin naman ni Moises sa buong sangbahayan niya . Sapagka&#039;t siya ay inaring may karapatan sa lalong kaluwalhatian kay sa kay Moises , palibhasa&#039;y may lalong karangalan kay sa bahay yaong nagtayo ng bahay . Sapagka&#039;t ang bawa&#039;t bahay ay may nagtayo ; datapuwa&#039;t ang nagtayo ng lahat ng mga bagay ay ang Dios . At sa katotohanang si Moises ay tapat sa buong sangbahayan niya gaya ng lingkod , na pinakapatotoo sa mga bagay na sasabihin pagkatapos ; Datapuwa&#039;t si Cristo , gaya ng anak ay puno sa bahay niya ; na ang bahay niya ay tayo , kung ating ingatang matibay ang ating pagkakatiwala at pagmamapuri sa pagasa natin hanggang sa katapusan . Gaya nga ng sabi ng Espiritu Santo , Ngayon kung marinig ninyo ang kaniyang tinig , Huwag ninyong papagmatigasin ang inyong mga puso , na gaya ng sa pamumungkahi , Gaya nang sa araw ng pagtukso sa ilang , Na doon ako tinukso ng inyong mga magulang sa pagsubok sa akin , At apat na pung taon na nangakita ang aking mga gawa . Dahil dito&#039;y nagalit ako sa lahing ito , At aking sinabi , Laging sila&#039;y nangagkakamali sa kanilang puso : Nguni&#039;t hindi nila nangakilala ang aking mga daan ; Ano pa&#039;t aking isinumpa sa aking kagalitan , Sila&#039;y hindi magsisipasok sa aking kapahingahan . Magsipagingat kayo , mga kapatid , baka sakaling mayroon sa kanino man sa inyo ng isang pusong masama na walang pananampalataya , na naghihiwalay sa inyo sa Dios na buhay : Nguni&#039;t kayo&#039;y mangagpangaralan sa isa&#039;t isa araw-araw , samantalang sinasabi , Ngayon ; baka papagmatigasin ang sinoman sa inyo ng daya ng kasalanan : Sapagka&#039;t tayo&#039;y nagiging kabahagi ni Cristo , kung ating iniingatang matibay ang pasimula ng ating pagkakatiwala hanggang sa katapusan : Samantalang sinasabi , Ngayon kung marinig ninyo ang kaniyang tinig , Huwag ninyong papagmatigasin ang inyong mga puso , na gaya ng sa pamumungkahi . Sapagka&#039;t sino-sino , na pagkarinig ay namungkahi ? nguni&#039;t , hindi baga yaong lahat na nagsialis sa Egipto sa pamamagitan ni Moises ? At sino-sino ang kinagalitan niyang apat na pung taon ? hindi baga yaong nangagkasala , na ang kanilang mga katawan ay nangabuwal sa ilang ? At sa kani-kanino isinumpa niyang hindi makapapasok sa kaniyang kapahingahan , kundi yaong mga nagsisuway ? At nakikita natin na sila&#039;y hindi nangakapasok dahil sa kawalan ng pananampalataya . Mangatakot nga tayo , yamang may iniwang pangako ng pagpasok sa kaniyang kapahingahan , baka sakaling sinoman sa inyo ay maging tulad sa di nakaabot niyaon . Sapagka&#039;t tunay na tayo&#039;y pinangaralan ng mabubuting balita , gaya rin naman nila : nguni&#039;t hindi nila pinakinabangan ang salitang napakinggan , dahil sa walang kalakip na pananampalataya ang nangakarinig . Sapagka&#039;t tayong nagsisipanampalataya ay nagsisipasok sa kapahingahang yaon ; gaya ng sinabi niya , Gaya ng aking isinumpa sa aking kagalitan , Sila&#039;y hindi magsisipasok sa aking kapahingahan : bagama&#039;t ang mga gawa ay nangatapos mula nang itatag ang sanglibutan . Sapagka&#039;t sa isang dako ay sinabi niya ang ganito tungkol sa ikapitong araw , At nagpahinga nang ikapitong araw ang Dios sa lahat ng kaniyang mga gawa ; At sa dakong ito ay muling sinabi , Sila&#039;y hindi magsisipasok sa aking kapahingahan . Kaya&#039;t yamang may natitira pang ibang dapat magsipasok doon , at ang mga pinangaralan nang una ng mabubuting balita ay hindi nangapasok dahil sa pagsuway , Ay muling nagtangi siya ng isang araw , Ngayon pagkatapos ng ilang panahon na sinabi sa mga awit ni David ( ayon sa sinabi na ng una ) , Ngayon kung marinig ninyo ang kaniyang tinig , Huwag ninyong papagmatigasin ang inyong mga puso . Sapagka&#039;t kung ibinigay sa kanila ni Josue ang kapahingahan , ay hindi na sana niya sasalitain pagkatapos ang ibang araw . May natitira pa ngang isang pamamahingang sabbath , ukol sa bayan ng Dios . Sapagka&#039;t ang pumasok sa kaniyang kapahingahan ay nagpahinga naman sa kaniyang mga gawa , gaya ng Dios sa kaniyang mga gawa . Magsipagsikap nga tayo ng pagpasok sa kapahingahang yaon , upang huwag marapa ang sinoman ayon sa gayong halimbawa ng pagsuway . Sapagka&#039;t ang salita ng Dios ay buhay , at mabisa , at matalas kay sa alin mang tabak na may dalawang talim , at bumabaon hanggang sa paghihiwalay ng kaluluwa at espiritu , ng mga kasukasuan at ng utak , at madaling kumilala ng mga pagiisip at mga haka ng puso . At walang anomang nilalang na hindi nahahayag sa kaniyang paningin : nguni&#039;t ang lahat ng mga bagay ay hubad at hayag sa harapan ng mga mata niyaong ating pagsusulitan . Yaman ngang tayo&#039;y mayroong isang lubhang dakilang saserdote , na pumasok sa kalangitan , si Jesus na Anak ng Dios , ay ingatan nating matibay ang ating pagkakilala . Sapagka&#039;t tayo&#039;y walang isang dakilang saserdote na hindi maaaring mahabag sa ating kahinaan , kundi isa na tinukso sa lahat ng mga paraan gaya rin naman natin gayon ma&#039;y walang kasalanan . Magsilapit nga tayong may pagkakatiwala sa luklukan ng biyaya , upang tayo&#039;y magsipagtamo ng awa , at mangakasumpong ng biyaya upang tumulong sa atin sa panahon ng pangangailangan . Sapagka&#039;t ang bawa&#039;t dakilang saserdote palibhasa&#039;y hinugot sa mga tao , ay inilagay dahil sa mga tao sa mga bagay na nauukol sa Dios , upang siya&#039;y makapaghandog ng mga kaloob at mga hain namang patungkol sa mga kasalanan : Na makapagtitiis na may kaamuan sa mga di nakaaalam at nangamamali , yamang siya rin naman ay nalilibid ng kahinaan ; At dahil dito&#039;y nararapat siyang maghandog dahil sa mga kasalanan , at hindi lamang patungkol sa mga tao , kundi naman sa kaniyang sarili . At sinoman ay hindi tumatanggap sa kaniyang sarili ng karangalang ito , liban na kung tawagin siya ng Dios , na gaya ni Aaron . Gayon din si Cristo man ay hindi nagmapuri sa kaniyang sarili upang maging dakilang saserdote , kundi yaong sa kaniya ay nagsabi , Ikaw ay aking Anak . Ikaw ay aking naging anak ngayon : Gaya rin naman ng sinasabi niya sa ibang dako , Ikaw ay saserdote magpakailan man Ayon sa pagkasaserdote ni Melquisedec . Na siya sa mga araw ng kaniyang laman ay naghandog ng mga panalangin at mga daing na sumisigaw ng malakas at lumuluha doon sa may kapangyarihang makapagligtas sa kaniya sa kamatayan , at siya&#039;y dininig dahil sa kaniyang banal na takot , Bagama&#039;t siya&#039;y Anak , gayon may natuto ng pagtalima sa pamamagitan ng mga bagay na kaniyang tiniis ; At nang siya&#039;y mapaging sakdal , ay siya ang gumawa ng walang hanggang kaligtasan ng lahat na mga nagsisitalima sa kaniya ; Pinanganlan ng Dios na dakilang saserdote ayon sa pagkasaserdote ni Melquisedec . Tungkol sa kaniya&#039;y marami kaming sasabihin , at mahirap na saysayin , palibhasa&#039;y nagsipurol kayo sa pakikinig . Sapagka&#039;t nang kayo&#039;y nangararapat nang maging mga guro dahil sa kaluwatan , ay muling kayo&#039;y nangangailangan na kayo&#039;y turuan ninoman ng mga unang simulain ng aral ng Dios ; at naging tulad sa mga nangangailangan ng gatas , at hindi ng pagkaing matigas . Sapagka&#039;t bawa&#039;t tumatanggap ng gatas ay walang karanasan sa salita ng katuwiran ; sapagka&#039;t siya&#039;y isang sanggol . Nguni&#039;t ang pagkaing matigas ay sa mga may gulang , sa makatuwid ay doon sa mga sa pamamagitan ng pamimihasa ay nangasanay ang kanilang mga pakiramdam , upang makilala ang mabuti at ang masama . Kaya&#039;t tayo&#039;y tumigil na ng pagsasalita ng mga unang simulain ng aral ni Cristo , at tayo&#039;y mangagpatuloy sa kasakdalan ; na huwag nating ilagay na muli ang kinasasaligan ng pagsisisi sa mga patay na gawa , at ng pananampalataya sa Dios , Ng aral na tungkol sa mga paglilinis , at ng pagpapatong ng mga kamay , at ng pagkabuhay na maguli ng mga patay , at ng paghuhukom na walang hanggan . At ating gagawin ito , kung ipahihintulot ng Dios . Sapagka&#039;t tungkol sa mga minsang naliwanagan at nakalasap ng kaloob ng kalangitan , at mga nakabahagi ng Espiritu Santo , At nakalasap ng mabuting salita ng Dios , at ng mga kapangyarihan ng panahong darating , At saka nahiwalay sa Dios ay di maaaring baguhin silang muli sa pagsisisi ; yamang kanilang ipinapapakong muli sa ganang kanilang sarili ang Anak ng Dios , at inilalagay na muli siya sa hayag na kahihiyan . Sapagka&#039;t ang lupang humitit ng ulang madalas na lumalagpak sa kaniya , at tinutubuan ng mga damong pakikinabangan ng mga yaon na dahil sa kanila&#039;y binukid , ay tumanggap ng pagpapalang mula sa Dios : Datapuwa&#039;t kung namumunga ng mga tinik at dawag , ay itinatakuwil at malapit sa sumpa ; at ang kaniyang kahihinatnan ay ang sunugin . Nguni&#039;t , mga minamahal , naniniwala kaming lubos sa magagaling na bagay tungkol sa inyo , at sa mga bagay na kalakip ng pagkaligtas , bagama&#039;t kami ay nagsasalita ng ganito : Sapagka&#039;t ang Dios ay hindi liko upang limutin ang inyong gawa at ang pagibig na inyong ipinakita sa kaniyang pangalan , sa inyong paglilingkod sa mga banal , at hanggang ngayo&#039;y nagsisipaglingkod kayo . At ninanasa namin na ang bawa&#039;t isa sa inyo ay magpakita ng gayon ding sikap sa ikalulubos ng pagasa hanggang sa katapusan : Na huwag kayong mga tamad , kundi mga taga tulad kayo sa mga na sa pamamagitan ng pananampalataya at ng pagtitiis ay nagsisipagmana ng mga pangako . Sapagka&#039;t nang mangako ang Dios kay Abraham , palibhasa&#039;y hindi niya maipanumpa ang anomang lalong mataas , ay ipinanumpa ang kaniyang sarili , Na sinasabi , Tunay sa pagpapala ay pagpapalain kita , at sa pagpaparami ay pararamihin kita . At sa ganito , nang makapaghintay na may pagtitiis , ay nagtamo siya ng pangako . Sapagka&#039;t ipinanunumpa ng mga tao ang lalong mataas : at sa bawa&#039;t pagtatalo nila&#039;y ang sumpa sa pagpapatotoo ang siyang katapusan . Sa ganito , sa pagkaibig ng Dios na maipakitang lalong sagana sa mga tagapagmana ng pangako ang kawalan ng pagbabago ng kaniyang pasiya , ay ipinamagitan ang sumpa ; Upang sa dalawang bagay na di mababago , na diya&#039;y di maaaring ang Dios ay magbulaan , ay mangagkaroon tayo ng isang matibay na kasiglahan , tayong nangagsitakas na sumakanlong upang mangapit sa pagasang nalalagay sa ating unahan : Na ating inaring tulad sa sinepete ng kaluluwa , isang pagasa na matibay at matatag at pumapasok sa nasa loob ng tabing ; Na doo&#039;y pumasok dahil sa atin si Jesus , na gaya ng pangunahin , na naging dakilang saserdote magpakailan man ayon sa pagkasaserdote ni Melquisedec . Sapagka&#039;t itong si Melquisedec , hari sa Salem , saserdote ng Kataastaasang Dios , na siyang sumalubong kay Abraham sa pagbabalik na galing sa paglipol sa mga hari at siya&#039;y pinagpala niya , Na siya namang binahagihan ni Abraham ng ikasangpung bahagi ng lahat ( na kung sasaysayin , una-una , siya&#039;y Hari ng katuwiran , at saka Hari naman sa Salem , na sa makatuwid , ay Hari ng kapayapaan ; Na walang ama , walang ina , walang tandaan ng lahi , at walang pasimula ng mga araw ni katapusan ng buhay man , datapuwa&#039;t naging katulad ng Anak ng Dios ) , ay nanatiling saserdote magpakailan man . Nilaynilayin nga ninyo kung gaano ang kadakilaan ng taong ito , na binigyan ni Abraham , na patriarka , ng ikasangpung bahagi ng mga pinakamagagaling na samsam . At katotohanan ang mga sa anak ni Levi na nagsisitanggap ng katungkulang saserdote , ay mayroong utos na kumuha ng ikasangpung bahagi sa bayan ayon sa kautusan , sa makatuwid ay sa kanilang mga kapatid , bagama&#039;t ang mga ito ay nagsilabas sa mga balakang ni Abraham : Nguni&#039;t yaong ang talaan ng lahi ay hindi ibinibilang sa kanila ay kumuha ng ikasangpung bahagi kay Abraham , at pinagpala yaong may mga pangako . Datapuwa&#039;t walang anomang pagtatalo ang mababa ay pinagpapala ng mataas . At dito&#039;y ang mga taong may kamatayan ay tumatanggap ng ikasangpung bahagi ; datapuwa&#039;t doon ay ang isa , na pinatutunayang nabubuhay . At sa makatuwid baga&#039;y sa pamamagitan ni Abraham pati si Levi , na tumatanggap ng ikasangpung bahagi , ay nagbayad ng ikasangpung bahagi ; Sapagka&#039;t siya&#039;y nasa mga balakang pa ng kaniyang ama , nang ito&#039;y salubungin ni Melquisedec . Ngayon kung may kasakdalan nga sa pamamagitan ng pagkasaserdote ng mga Levita ( sapagka&#039;t sa ilalim nito ay tinanggap ng bayan ang kautusan ) , anong kailangan pa na magbangon ang ibang saserdote , ayon sa pagkasaserdote ni Melquisedec at hindi ibilang ayon sa pagkasaserdote ni Aaron ? Sapagka&#039;t nang palitan ang pagkasaserdote ay kinailangang palitan naman ang kautusan . Sapagka&#039;t yaong tungkol sa kaniya ay sinasabi ang mga bagay na ito ay naukol sa ibang angkan , na doon ang sinoma&#039;y hindi naglilingkod sa dambana . Sapagka&#039;t maliwanag na ang ating Panginoon ay lumitaw mula kay Juda ; na tungkol sa angkang yao&#039;y walang sinalitang anoman si Moises hinggil sa mga saserdote . At lalo pang napakaliwanag ito , kung ayon sa anyo ni Melquisedec ay lumitaw ang ibang saserdote , Na ginawa , hindi ayon sa kautusan ng utos na ukol sa laman , kundi ayon sa kapangyarihan ng isang buhay na walang katapusan : Sapagka&#039;t pinatotohanan tungkol sa kaniya , Ikaw ay saserdote magpakailan man Ayon sa pagkasaserdote ni Melquisedec . Sapagka&#039;t napapawi ang unang utos dahil sa kaniyang kahinaan at kawalan ng kapakinabangan . ( Sapagka&#039;t ang kautusan ay walang anomang pinasasakdal ) , at may pagpapasok ng isang pagasang lalong magaling , na sa pamamagitan nito ay nagsisilapit tayo sa Dios . At yamang yao&#039;y hindi naging sa walang sumpa : ( Sapagka&#039;t sila&#039;y sa katotohanan ay ginawang mga saserdote na walang sumpa ; datapuwa&#039;t siya&#039;y may sumpa sa pamamagitan niyaong nagsasabi tungkol sa kaniya , Sumumpa ang Panginoon at hindi siya nagsisisi , Ikaw ay saserdote magpakailan man ) ; Ay gayon din naman si Jesus ay naging tagapanagot sa lalong mabuting tipan . At katotohanang sila&#039;y marami sa bilang na naging mga saserdote , sapagka&#039;t dahil sa kamatayan ay napigil sila ng pagpapatuloy : Datapuwa&#039;t siya , sapagka&#039;t namamalagi magpakailan man ay may pagkasaserdote siyang di mapapalitan . Dahil dito naman siya&#039;y nakapagliligtas na lubos sa mga nagsisilapit sa Dios sa pamamagitan niya , palibhasa&#039;y laging nabubuhay siya upang mamagitan sa kanila . Sapagka&#039;t nararapat sa atin ang gayong dakilang saserdoteng banal , walang sala , walang dungis , nahihiwalay sa mga makasalanan , at ginawang lalong mataas pa kay sa mga langit ; Na hindi nangangailangan araw-araw na maghandog ng hain , na gaya niyaong mga dakilang saserdote una-una&#039;y patungkol sa kaniyang sariling mga kasalanan at saka patungkol sa mga kasalanan ng bayan : sapagka&#039;t ito&#039;y ginawa niyang minsan magpakailan man , nang kaniyang ihandog ang kaniyang sarili . Sapagka&#039;t inilagay ng kautusan na mga dakilang saserdote ang mga taong may kahinaan ; nguni&#039;t ang salita ng sumpa na kasunod ng kautusan ay siyang naglalagay sa Anak , na sakdal magpakailan man . Ang kinauuwian nga ng mga bagay na aming sinasabi ay ito : Mayroon tayong isang dakilang saserdote , na nakaupo sa kanan ng luklukan ng Karangalan sa mga langit , Ministro sa santuario , at sa tunay na tabernakulo , na itinayo ng Panginoon , hindi ng tao . Sapagka&#039;t ang bawa&#039;t dakilang saserdote ay inilagay upang maghandog ng mga kaloob at ng mga hain naman : sa ganito&#039;y kinakailangan din namang siya&#039;y magkaroon ng anomang ihahandog . Kung siya nga&#039;y nasa lupa ay hindi siya saserdote sa anomang paraan , palibhasa&#039;y mayroon nang nagsisipaghandog ng mga kaloob ayon sa kautusan ; Na nangaglilingkod sa anyo at anino ng mga bagay sa kalangitan , gaya naman ni Moises na pinagsabihan ng Dios nang malapit ng gawin niya ang tabernakulo : sapagka&#039;t sinabi niya , Ingatan mo na iyong gawin ang lahat ng mga bagay ayon sa anyong ipinakita sa iyo sa bundok . Datapuwa&#039;t ngayo&#039;y kinamtan niya ang ministeriong lalong marangal , palibhasa&#039;y siya nama&#039;y tagapamagitan sa isang tipang lalong magaling , na inilagda sa lalong mabubuting pangako . Sapagka&#039;t kung ang unang tipang yaon ay naging walang kakulangan , ay hindi na sana inihanap ng pangangailangan ang ikalawa . Sapagka&#039;t sa pagkakita ng kakulangan sa kanila , ay sinabi niya , Narito , dumarating ang mga araw , sinasabi ng Panginoon , Na ako&#039;y gagawa ng isang bagong pakikipagtipan ; sa sangbahayan ni Israel at sa sangbahayan ni Juda . Hindi ayon sa tipang aking ipinakipagtipan sa kanilang mga magulang Nang araw na sila&#039;y aking tangnan sa kamay , upang sila&#039;y ihatid sa labas ng lupain ng Egipto ; Sapagka&#039;t sila&#039;y hindi nanatili sa aking tipan , At akin silang pinabayaan , sinasabi ng Panginoon . Sapagka&#039;t ito ang pakikipagtipang aking gagawin sa sangbahayan ni Israel Pagkatapos ng mga araw na yaon , sinasabi ng Panginoon ; Ilalagay ko ang aking mga kautusan sa kanilang pagiisip , At sa kanilang mga puso&#039;y aking isusulat ang mga ito . At ako&#039;y magiging Dios nila , At sila&#039;y magiging bayan ko : At hindi magtuturo ang bawa&#039;t isa sa kaniyang kababayan , At ang bawa&#039;t isa sa kaniyang kapatid , na sasabihing , Kilalanin mo ang Panginoon : Sapagka&#039;t ako&#039;y makikilala ng lahat , Mula sa kaliitliitan hanggang sa kadakidakilaan sa kanila . Sapagka&#039;t ako&#039;y magiging mahabagin sa kanilang kalikuan , At ang kanilang mga kasalanan ay hindi ko na aalalahanin pa . Doon sa sinasabi niya , Isang bagong tipan , ay linuma niya ang una . Datapuwa&#039;t ang nagiging luma at tumatanda ay malapit ng lumipas . Ngayon , ang unang tipan din ay nagkaroon ng mga palatuntunan ng pagsamba sa Dios , at ng kaniyang santuario , ang santuario ng sanglibutang ito . Sapagka&#039;t inihanda ang isang tabernakulo , ang una , na kinaroroonan ng kandelero , at ng dulang , at ng mga tinapay na handog ; na siyang tinatawag na Dakong Banal . At sa likod ng ikalawang tabing ay ang tabernakulo na tinatawag na Dakong Kabanalbanalan ; Na may isang gintong dambana ng kamangyan at kaban ng tipan , at ang paligid ay nakakalupkupan ng ginto , na siyang kinaroroonan ng sisidlang-ginto na may lamang mana , at tungkod ni Aaron na namulaklak , at mga tapyas na bato ng tipan ; At sa ibabaw nito ay ang mga querubin ng kaluwalhatian na nangagsisililim sa luklukan ng awa ; na ang mga bagay na ito ay hindi natin mapaguusapan ngayon ng isa isa . At sa ganitong pagkahanda ng mga bagay na ito , sa unang tabernakulo ay palaging nagsisipasok ang mga saserdote , na tinutupad ang mga katungkulan ; Datapuwa&#039;t sa ikalawa ay pumapasok na nagiisa ang dakilang saserdote , minsan sa isang taon , na hindi walang dalang dugo , na inihahandog na patungkol sa kaniyang sarili , at sa mga kamalian ng bayan : Na ipinakikilala ng Espiritu Santo , na hindi pa naihahayag ang pagpasok sa dakong banal samantalang natatayo pa ang unang tabernakulo ; Na yao&#039;y isang talinghaga ng panahong kasalukuyan ; ayon dito ay inihahandog ang mga kaloob at ang mga hain , tungkol sa budhi , na hindi magpapasakdal sa sumasamba , Palibhasa&#039;y palatuntunan lamang na ukol sa laman , na iniatang hanggang sa panahon ng pagbabago ( gaya ng mga pagkain , at mga inumin at sarisaring paglilinis ) . Nguni&#039;t pagdating ni Cristo na dakilang saserdote ng mabubuting bagay na darating , sa pamamagitan ng lalong malaki at lalong sakdal na tabernakulo , na hindi gawa ng mga kamay , sa makatuwid baga&#039;y hindi sa paglalang na ito , At hindi rin naman sa pamamagitan ng dugo ng mga kambing at ng mga bulong baka , kundi sa pamamagitan ng kaniyang sariling dugo , ay pumasok na minsan magpakailan man sa dakong banal , na kinamtan ang walang hanggang katubusan . Sapagka&#039;t kung ang dugo ng mga kambing at ng mga baka , at ang abo ng dumalagang baka na ibinubudbod sa mga nadungisan , ay makapagiging banal sa ikalilinis ng laman : Gaano pa kaya ang dugo ni Cristo , na sa pamamagitan ng Espiritu na walang hanggan ay inihandog ang kaniyang sarili na walang dungis sa Dios , ay maglilinis ng inyong budhi sa mga gawang patay upang magsipaglingkod sa Dios na buhay ? At dahil dito&#039;y siya ang tagapamagitan ng isang bagong tipan , upang sa pamamagitan ng isang kamatayan na ukol sa ikatutubos ng mga pagsalangsang na nasa ilalim ng unang tipan , ang mga tinawag ay magsitanggap ng pangako na manang walang hanggan . Sapagka&#039;t kung saan mayroong tipan doo&#039;y kinakailangan ang kamatayan ng gumawa niyaon . Sapagka&#039;t ang isang tipan ay may kabuluhan kung mamatay ang gumawa : sa ibang paraa&#039;y walang anomang kabuluhan samantalang nabubuhay ang gumawa . Kaya&#039;t ang una mang tipan ay hindi itinalaga ng walang dugo . Sapagka&#039;t nang salitain ni Moises ang bawa&#039;t utos sa buong bayan ayon sa kautusan , ay kumuha siya ng dugo ng mga bulong baka at ng mga kambing , na may tubig at balahibong mapula ng tupa at isopo , at winisikan ang aklat at gayon din ang buong bayan , Na sinasabi , Ito ang dugo ng tipan na iniutos ng Dios tungkol sa inyo . Gayon din ang tabernakulo at ang lahat ng mga kasangkapan sa pangangasiwa ay pinagwiwisikan niya ng dugo sa gayon ding paraan . At ayon sa kautusan , ay halos masasabi kong lahat ng mga bagay ay nililinis ng dugo , at maliban na sa pagkabuhos ng dugo ay walang kapatawaran . Kinakailangan nga na ang mga anyo ng mga bagay sa sangkalangitan ay linisin ng mga ito ; nguni&#039;t ang mga bagay ring ito sa sangkalangitan ay linisin ng lalong mabubuting handog kay sa rito . Sapagka&#039;t hindi pumasok si Cristo sa dakong banal na ginawa ng mga kamay , na kahalintulad lamang ng tunay ; kundi sa talagang langit , upang humarap ngayon sa harapan ng Dios dahil sa atin : At siya&#039;y hindi rin naman kailangang ihandog na madalas pa ang kaniyang sarili , na gaya ng dakilang saserdote na pumapasok sa dakong banal taon-taon na may dalang dugo na hindi niya sarili ; Sa ibang paraan ay kailangan na siya&#039;y magbatang madalas mula nang itatag ang sanglibutan : datapuwa&#039;t ngayon ay minsan siya&#039;y nahayag sa katapusan ng mga panahon upang alisin ang kasalanan sa pamamagitan ng pagkahandog ng kaniyang sarili . At kung paanong itinakda sa mga tao ang mamatay na minsan , at pagkatapos nito ay ang paghuhukom ; Ay gayon din naman si Cristo , na inihandog na minsan upang dalhin ang mga kasalanan ng marami , sa ikalawa&#039;y pakikita na hiwalay sa kasalanan , sa ikaliligtas ng mga nagsisipaghintay sa kaniya . Sapagka&#039;t ang kautusan na may isang anino ng mabubuting bagay na darating , hindi ang tunay na larawan ng mga bagay , kailan pa man ay di maaaring magpasakdal sa mga nagsisilapit sa pamamagitan ng mga hain na laging inihahandog sa taon-taon . Sa ibang paraan ay hindi kaya baga nagsipaglikat sila ng paghahandog ? sapagka&#039;t ang mga nagsisisamba , yamang nalinis na minsan , ay hindi na sana nagkaroon pa ng budhi sa mga kasalanan . Nguni&#039;t sa mga hain yaon ginagawa ang pagaalaala sa mga kasalanan taon-taon . Sapagka&#039;t di maaari na ang dugo ng mga baka at ng mga kambing ay makapagalis ng mga kasalanan . Kaya&#039;t pagpasok niya sa sanglibutan , ay sinasabi , Hain at handog ay hindi mo ibig . Nguni&#039;t isang katawan ang sa akin ay inihanda mo ; Sa mga handog na susunugin at mga haing patungkol sa mga kasalanan ay hindi ka nalugod . Nang magkagayo&#039;y sinabi ko , Narito , ako&#039;y pumarito ( sa balumbon ng aklat ay nasusulat tungkol sa akin . ) Upang gawin , Oh Dios , ang iyong kalooban . Sa itaas ay sinasabi , Mga hain at mga handog at mga handog na susunuging buo at mga haing patungkol sa kasalanan ay hindi mo ibig , at di mo rin kinalulugdan ( mga bagay na inihahandog ayon sa kautusan ) , Saka sinabi niya , Narito , ako&#039;y pumarito upang gawin ang iyong kalooban . Inaalis niya ang una , upang maitatag ang ikalawa . Sa kaloobang yaon tayo&#039;y pinapaging-banal , sa pamamagitan ng pagkahandog ng katawan ni Cristo na minsan magpakailan man . At katotohanang ang bawa&#039;t saserdote na araw-araw ay nangangasiwa ng patayo at naghahandog na madalas ng gayon ding mga hain , na hindi makaalis kailan pa man ng mga kasalanan : Nguni&#039;t siya , nang makapaghandog ng isa lamang hain patungkol sa mga kasalanan magpakailan man , ay umupo sa kanan ng Dios ; Buhat noon ay naghihintay hanggang sa ang kaniyang mga kaaway ay maging tungtungan ng kaniyang mga paa . Sapagka&#039;t sa pamamagitan ng isang paghahandog ay kaniyang pinasakdal magpakailan man ang mga pinapagiging-banal . At ang Espiritu Santo ay nagbibigay patotoo rin naman sa atin ; sapagka&#039;t pagkasabi niya na , Ito ang tipang gagawin ko sa kanila Pagkatapos ng mga araw na yaon , sabi ng Panginoon ; Ilalagay ko ang aking mga kautusan sa kanilang puso , At isusulat ko rin naman sa kanilang pagiisip ; At ang kanilang mga kasalanan at kanilang mga kasamaan ay hindi ko na aalalahanin pa . At kung saan may kapatawaran ng mga ito ay wala nang paghahandog na patungkol pa sa kasalanan . Mga kapatid , yamang may kalayaan ngang makapasok sa dakong banal sa pamamagitan ng dugo ni Jesus , Sa pamamagitan ng daang bago at buhay na kaniyang itinalaga sa atin , sa pamamagitan ng tabing , sa makatuwid baga&#039;y sa kaniyang laman ; At yamang may isang Dakilang Saserdote na pangulo sa bahay ng Dios ; Tayo&#039;y magsilapit na may tapat na puso sa lubos na pananampalataya , na ang ating mga puso na winisikan mula sa isang masamang budhi : at mahugasan ang ating katawan ng dalisay na tubig , Na ating ingatang matibay ang pagkakilala ng ating pagasa upang huwag magalinlangan : sapagka&#039;t tapat ang nangako : At tayo&#039;y mangagtinginan upang tayo&#039;y mangaudyok sa pagiibigan at mabubuting gawa ; Na huwag nating pabayaan ang ating pagkakatipon , na gaya ng ugali ng iba , kundi mangagaralan sa isa&#039;t isa ; at lalo na kung inyong namamalas na nalalapit na ang araw . Sapagka&#039;t kung ating sinasadya ang pagkakasala pagkatapos na ating matanggap ang pagkakilala sa katotohanan , ay wala nang haing natitira pa tungkol sa mga kasalanan , Kundi isang kakilakilabot na paghihintay sa paghuhukom , at isang kabangisan ng apoy na lalamon sa mga kaaway . Ang magpawalang halaga sa kautusan ni Moises sa patotoo ng dalawa o tatlong saksi , ay mamamatay na walang awa : Gaano kayang higpit ng parusa , sa akala ninyo , ang ihahatol na nauukol doon sa yumurak sa Anak ng Dios , at umaring di banal sa dugo ng tipan na nagpabanal sa kaniya , at umalipusta sa Espiritu ng biyaya ? Sapagka&#039;t ating nakikilala yaong nagsabi , Akin ang paghihiganti , ako ang gaganti . At muli , Huhukuman ng Panginoon ang kaniyang bayan . Kakilakilabot na bagay ang mahulog sa mga kamay ng Dios na buhay . Datapuwa&#039;t alalahanin ang mga nakaraang araw , na sa mga yaon , pagkatapos na kayo&#039;y maliwanagan , ay nangagtiis kayo ng malaking pakikilaban ng mga pagbabata ; Na una una ay naging isang katawatawa dahil sa mga pagkasiphayo at gayon din sa mga kahirapan ; at sa ikalawa , ay naging kasama niyaong mga inaring gayon . Sapagka&#039;t kayo&#039;y nangahabag sa mga may tanikala , at tinanggap ninyo ng buong galak ang pagkaagaw ng inyong pag-aari , palibhasa&#039;y inyong nalalamang mayroon kayo sa inyong sarili ng isang pag-aaring lalong mabuti at tumatagal . Huwag nga ninyong itakuwil ang inyong pagkakatiwala , na may dakilang ganting-pala . Sapagka&#039;t kayo&#039;y nangangailangan ng pagtitiis , upang kung inyong magawa ang kalooban ng Dios , ay magsitanggap kayo ng pangako . Sapagka&#039;t sa madaling panahon , Siyang pumaparito ay darating , at hindi magluluwat . Nguni&#039;t ang aking lingkod na matuwid ay mabubuhay sa pananampalataya : At kung siya ay umurong , ay hindi kalulugdan ng aking kaluluwa . Nguni&#039;t tayo&#039;y hindi doon sa mga nagsisibalik sa kapahamakan ; kundi doon sa mga may pananampalataya sa ikaliligtas ng kaluluwa . Ngayon , ang pananampalataya ay siyang kapanatagan sa mga bagay na hinihintay , ang katunayan ng mga bagay na hindi nakikita . Sapagka&#039;t sa pamamagitan nito ang mga matanda ay sinaksihan . Sa pananampalataya ay natatalastas natin na ang sanglibutan ay natatag sa pamamagitan ng salita ng Dios , ano pa&#039;t ang nakikita ay hindi ginawa sa mga bagay na nakikita . Sa pananampalataya si Abel ay naghandog sa Dios ng lalong mabuting hain kay sa kay Cain , sa pamamagitan nito&#039;y sinaksihan sa kaniyang siya&#039;y matuwid , na nagpapatotoo ang Dios tungkol sa kaniyang mga kaloob : at sa pamamagitan nito patay na siya ay nagsasalita pa . Sa pananampalataya si Enoc ay inilipat upang huwag niyang makita ang kamatayan ; at hindi siya nasumpungan , sapagka&#039;t siya&#039;y inilipat ng Dios : sapagka&#039;t bago siya inilipat ay pinatotohanan sa kaniyang siya&#039;y naging kalugodlugod sa Dios : At kung walang pananampalataya ay hindi maaaring maging kalugodlugod sa kaniya ; sapagka&#039;t ang lumalapit sa Dios ay dapat sumampalatayang may Dios , at siya ang tagapagbigay ganti sa mga sa kaniya&#039;y nagsisihanap . Sa pananampalataya si Noe , nang paunawaan ng Dios tungkol sa mga bagay na hindi pa nakikita , dala ng banal na takot , ay naghanda ng isang daong sa ikaliligtas ng kaniyang sangbahayan ; na sa pamamagitan nito ay hinatulan niya ang sanglibutan , at naging tagapagmana ng katuwiran na ayon sa pananampalataya . Sa pananampalataya si Abraham , nang tawagin , ay tumalima upang pumaroon sa isang dakong kaniyang tatanggaping mana ; at siya&#039;y yumaon na di nalalaman kung saan siya paroroon . Sa pananampalataya siya&#039;y naging manglalakbay sa lupang pangako , na gaya sa hindi niya sariling lupa , at tumahan sa mga tolda na kasama si Isaac at si Jacob , na mga tagapagmana ng isang pangako na kasama niya : Sapagka&#039;t inaasahan niya ang bayang may mga kinasasaligan , na ang nagtayo at gumawa ay ang Dios . Sa pananampalataya si Sara rin ay tumanggap ng lakas upang ipaglihi ang binhi , nang lipas na ang kaniyang gulang , palibhasa&#039;y inari niyang tapat ang nangako : Kaya naman sumibol sa isa , sa kaniya na tila patay na , ang kasing dami ng mga bituin sa langit sa karamihan , at di mabilang na gaya ng mga buhanging nasa tabi ng dagat . Ayon sa pananampalataya ay nangamatay ang lahat ng mga ito , na hindi kinamtan ang mga pangako , nguni&#039;t kanilang nangakita na natanaw mula sa malayo , at kanilang ipinahayag na sila&#039;y pawang taga ibang bayan at manglalakbay sa ibabaw ng lupa . Sapagka&#039;t ang mga nagsisipagsabi ng mga gayong bagay ay nagpapakilalang hinahanap nila ang lupaing kanilang sarili . At katotohanang kung kanilang naalaala yaong lupaing kanilang pinanggalingan , ay nagkaroon sana sila ng mabuting pagkakataon upang bumalik . Nguni&#039;t ngayon ay nagnanasa sila ng lalong magaling na lupain , sa makatuwid baga&#039;y ang sa langit : kaya hindi sila ikinahihiya ng Dios na tawaging Dios nila ; sapagka&#039;t kaniyang ipinaghanda sila ng isang bayan . Sa pananampalataya , nang subukin si Abraham , ay inihandog si Isaac : oo , siyang tumanggap na may galak ng mga pangako ay siyang naghandog sa kaniyang bugtong na anak ; Sa makatuwid baga&#039;y yaong pinagsabihan , Kay Isaac ay tatawagin ang iyong binhi : Na inisip na maging sa gitna ng mga patay ay maaaring buhayin siyang maguli ng Dios ; mula diyan din naman ay muli siyang tinanggap sa isang halimbawa . Sa pananampalataya&#039;y binasbasan ni Isaac si Jacob at si Esau , tungkol sa mga bagay na darating . Sa pananampalataya , si Jacob ng mamatay na ay binasbasan niya ang bawa&#039;t isa sa mga anak ni Jose ; at sumambang nakatangan sa puno ng kaniyang tungkod . Sa pananampalataya , nang malapit nang mamatay si Jose , ay binanggit niya ang pagalis sa Egipto ng mga anak ni Israel ; at nagutos tungkol sa kaniyang mga buto . Sa pananampalataya , nang ipanganak si Moises , ay itinagong tatlong buwan ng kaniyang mga magulang , sapagka&#039;t kanilang nakitang maganda ang bata ; at hindi sila natakot sa utos ng hari . Sa pananampalataya , nang lumaki na si Moises , ay tumangging siya&#039;y tawaging anak ng anak na babae ni Faraon ; Na pinili pa ang siya&#039;y tampalasanin na kasama ng bayan ng Dios , kay sa magtamo ng nagsisikupas na kaligayahan sa pagkakasala ; Na inaring malaking kayamanan ang kadustaan ni Cristo , kay sa mga kayamanan ng Egipto : sapagka&#039;t ang kaniyang tinititigan ay ang gantingpalang kabayaran . Sa pananampalataya&#039;y iniwan niya ang Egipto , na hindi natakot sa poot ng hari : sapagka&#039;t nagtitiyagang tulad sa nakakita niyaong di nakikita . Sa pananampalataya&#039;y itinatag niya ang paskua , at ang pagwiwisik ng dugo , upang ang manglilipol sa mga panganay ay huwag silang lipulin . Sa pananampalataya&#039;y nagsipagdaan sila sa gitna ng Dagat na Mapula na gaya ng sa lupang tuyo : na nang subuking gawin ito ng mga taga Egipto ay pawang nangalunod . Sa pananampalataya&#039;y nangalagpak ang mga kuta ng Jerico , pagkatapos na makubkob na pitong araw . Sa pananampalataya&#039;y hindi napahamak na kasama ng mga manunuway , ang patutot na si Rahab , na tumanggap na payapa sa mga tiktik . At ano pa ang aking sasabihin ? sapagka&#039;t kukulangin ako ng panahon kung sasaysayin ko ang tungkol kay Gideon , kay Barac , kay Samson , kay Jefte ; tungkol kay David , at kay Samuel at sa mga propeta : Na ang mga ito , sa pamamagitan ng pananampalataya&#039;y nagsilupig ng mga kaharian , nagsigawa ng katuwiran , nangagtamo ng mga pangako , nangagtikom ng mga bibig ng mga leon , Nagsipatay ng bisa ng apoy , nangakatanan sa talim ng tabak , nagsilakas sa kahinaan , naging mga makapangyarihan sa pakikipagbaka , nangagpaurong ng mga hukbong taga ibang lupa . Tinanggap ng mga babae ang kanilang mga patay sa pamamagitan ng pagkabuhay na maguli : at ang iba&#039;y nangamatay sa hampas , na hindi tinanggap ang kanilang katubusan ; upang kamtin nila ang lalong mabuting pagkabuhay na maguli : At ang iba&#039;y nangagkaroon ng pagsubok sa pagkalibak at pagkahampas , oo , bukod dito&#039;y sa mga tanikala at bilangguan naman : Sila&#039;y pinagbabato , pinaglagari , pinagtutukso , pinagpapatay sa tabak : sila&#039;y nagsilakad na paroo&#039;t parito na may balat ng mga tupa&#039;t kambing : na mga salat , nangapipighati , tinatampalasan ; ( Na sa mga yaon ay hindi karapatdapat ang sanglibutan ) , na nangaliligaw sa mga ilang at sa mga kabundukan at sa mga yungib , at sa mga lungga ng lupa . At ang lahat ng mga ito , nang sila&#039;y mapatotohanan na dahil sa kanilang pananampalataya , ay hindi kinamtan ang pangako , Na ipinaghanda ng Dios ng lalong mabuting bagay tungkol sa atin , upang sila&#039;y huwag maging sakdal ng bukod sa atin . Kaya&#039;t yamang nakukubkob tayo ng makapal na bilang ng mga saksi , itabi namang walang liwag ang bawa&#039;t pasan , at ang pagkakasalang pumipigil sa atin , at ating takbuhing may pagtitiis ang takbuhing inilagay sa harapan natin , Na masdan natin si Jesus na gumawa at sumakdal ng ating pananampalataya , na siya dahil sa kagalakang inilagay sa harapan niya ay nagtiis ng krus , na niwalang bahala ang kahihiyan , at umupo sa kanan ng luklukan ng Dios . Sapagka&#039;t dilidilihin ninyo yaong nagtiis ng gayong pagsalangsang ng mga makasalanan laban sa kaniyang sarili , upang kayo&#039;y huwag magsihina , na manglupaypay sa inyong mga kaluluwa . Hindi pa kayo nakikipaglaban hanggang sa mabubo ang dugo , na nakikipagaway laban sa kasalanan : At inyong nilimot ang iniaral na ipinakikipagtalo sa inyong tulad sa mga anak , Anak ko , huwag mong waling bahala ang parusa ng Panginoon , O manglupaypay man kung ikaw ay pinagwiwikaan niya ; Sapagka&#039;t pinarurusahan ng Panginoon ang kaniyang iniibig , At hinahampas ang bawa&#039;t tinatanggap na anak . Na dahil sa ito&#039;y parusa kayo&#039;y nagtitiis ; inaari kayo ng Dios na tulad sa mga anak ; sapagka&#039;t alin ngang anak ang hindi pinarurusahan ng kaniyang ama ? Datapuwa&#039;t kung kayo&#039;y hindi pinarurusahan , na pawang naranasan ng lahat , kung gayo&#039;y mga anak sa ligaw kayo , at hindi tunay na anak . Bukod dito , tayo&#039;y nangagkaroon ng mga ama ng ating laman upang tayo&#039;y parusahan , at sila&#039;y ating iginagalang : hindi baga lalong tayo&#039;y pasasakop sa Ama ng mga espiritu , at tayo&#039;y mabubuhay ? Sapagka&#039;t katotohanang tayo&#039;y pinarusahan nilang ilang araw ayon sa kanilang minagaling ; nguni&#039;t siya&#039;y sa kapakinabangan natin , upang tayo&#039;y makabahagi ng kaniyang kabanalan . Lahat ng parusa sa ngayon ay tila man din hindi ikaliligaya kundi ikalulungkot ; gayon ma&#039;y pagkatapos ay namumunga ng bungang mapayapa ng katuwiran sa mga nagsipagsanay sa pamamagitan nito . Kaya&#039;t itaas ninyo ang mga kamay na nakababa , ang mga tuhod namang nanginginig ; At magsigawa kayo ng matuwid na landas sa inyong mga paa , upang huwag maligaw ang pilay , kundi bagkus gumaling . Sundin ninyo ang kapayapaan sa lahat ng mga tao , at ang pagpapakabanal na kung wala ito&#039;y sinoman ay di makakakita sa Panginoon : Na pakaingatan na baka ang sinoma&#039;y di makaabot sa biyaya ng Dios ; baka kayo&#039;y bagabagin ng anomang ugat ng kapaitan na sumisibol , at dahil dito&#039;y mahawa ang marami ; Baka magkaroon ng sinomang mapakiapid , o mapaglapastangan , gaya ni Esau , na sa isang pinggang pagkain ay ipinagbili ang kaniyang sariling pagkapanganay . Sapagka&#039;t nalalaman ninyo na bagama&#039;t pagkatapos ay ninanasa niyang magmana ng pagpapala , siya&#039;y itinakuwil ; sapagka&#039;t wala na siyang nasumpungang pagkakataon ng pagsisisi sa kaniyang ama , bagama&#039;t pinagsisikapan niyang mapilit na lumuluha . Sapagka&#039;t hindi kayo nagsilapit sa bundok na nahihipo , at nagliliyab sa apoy , at sa kapusikitan , at sa kadiliman , at sa unos , At tunog ng pakakak , at tinig ng mga salita ; na ang nakarinig ng tinig na ito ay nagsipamanhik na huwag nang sa kanila&#039;y salitain pa ang anomang salita ; Sapagka&#039;t hindi matiis ang iniuutos , Kahit ang isang hayop kung tumungtong sa bundok ay babatuhin ; At totoong kakilakilabot ang napanood , ano pa&#039;t sinabi ni Moises , Ako&#039;y totoong nasisindak at nanginginig : Datapuwa&#039;t nagsilapit kayo sa bundok ng Sion , at sa bayan ng Dios na buhay , ang Jerusalem sa kalangitan , at sa mga di mabilang na hukbo ng mga anghel , Sa pangkalahatang pulong at iglesia ng mga panganay na nangatatala sa langit , at sa Dios na Hukom ng lahat , at mga espiritu ng mga taong ganap na pinasakdal , At kay Jesus na tagapamagitan ng bagong tipan , at dugong pangwisik na nagsasalita ng lalong mabuti kay sa dugo ni Abel . Pagingatan ninyong kayo&#039;y huwag tumanggi sa nagsasalita . Sapagka&#039;t kung hindi nakatanan ang mga nagsitanggi sa nagbalita sa kanila sa ibabaw ng lupa , ay lalo pa tayong hindi makatatanan na nagsisihiwalay Doon sa nagbabalitang buhat sa langit : Na ang tinig na yaon ay nagpayanig noon ng lupa : datapuwa&#039;t ngayo&#039;y nangako siya , na nagsasabi , Minsan pang yayanigin ko , hindi lamang ang lupa , kundi pati ng langit . At itong salita , Minsan pang , ay pinakakahuluganan ang pagaalis niyaong mga bagay na niyanig , gaya ng mga bagay na ginawa , upang mamalagi ang mga hindi niyanig . Kaya&#039;t pagkatanggap ng isang kahariang hindi magagalaw , ay magkaroon tayo ng biyayang sa pamamagitan nito ay makapaghahandog tayong may paggalang at katakutan ng paglilingkod na nakalulugod sa Dios : Sapagka&#039;t ang Dios natin ay isang apoy na mamumugnaw . Mamalagi nawa ang pagibig sa mga kapatid . Huwag ninyong limutin ang pagpapakita ng pagibig sa mga taga ibang lupa : sapagka&#039;t sa pamamagitan nito ang iba&#039;y walang malay na nakapagpapatuloy ng mga anghel . Alalahanin ninyo ang mga may tanikala , gaya ng kayo&#039;y nangagagapos na kasama nila ; ang mga tinatampalasan na gaya ng kayo naman ay tinatampalasan sa katawan . Maging marangal nawa sa lahat ang pagaasawa , at huwag nawang magkadungis ang higaan : sapagka&#039;t ang mga mapakiapid at ang mga mapangalunya ay pawang hahatulan ng Dios . Mangilag kayo sa pagibig sa salapi ; mangagkasiya kayo sa inyong tinatangkilik : sapagka&#039;t siya rin ang nagsabi , Sa anomang paraan ay hindi kita papagkukulangin , sa anomang paraan ni hindi kita pababayaan . Ano pa&#039;t ating masasabi ng buong tapang , Ang Panginoon ang aking katulong ; hindi ako matatakot : Anong magagawa sa akin ng tao ? Alalahanin ninyo ang nangagkaroon ng pagpupuno sa inyo na siyang nangagsalita sa inyo ng salita ng Dios ; at sa pagdidilidili ng wakas ng kanilang pamumuhay , ay inyong tularan ang kanilang pananampalataya . Si Jesucristo ay siya ring kahapon at ngayon , oo at magpakailan man . Huwag nga kayong padala sa mga turong sarisari at di kilala : sapagka&#039;t mabuti na ang puso ay patibayin sa pamamagitan ng biyaya ; hindi sa pamamagitan ng mga pagkain , na di pinakikinabangan ng mga nagabala sa kanila . Tayo ay may isang dambana , na hindi matuwid kainan ng mga nagsisipaglingkod sa tabernakulo . Sapagka&#039;t ang mga katawan ng mga hayop na ang mga dugo&#039;y dinadala ng dakilang saserdote sa dakong banal na handog na patungkol sa kasalanan , ay sinusunog sa labas ng kampamento . Kaya naman si Jesus , upang mapaging banal sa pamamagitan ng kanilang sariling dugo ang bayan , ay nagbata sa labas ng pintuan . Atin nga siyang labasin sa labas ng kampamento na dalhin natin ang kaniyang pagkadusta . Sapagka&#039;t dito&#039;y wala tayong bayan na namamalagi , nguni&#039;t hinahanap natin ang bayan na darating . Sa pamamagitan nga niya ay maghandog tayong palagi ng hain ng pagpupuri sa Dios , sa makatuwid baga , ay ng bunga ng mga labi na nagpapahayag ng kaniyang pangalan . Datapuwa&#039;t ang paggawa ng mabuti at ang pagabuloy ay huwag ninyong kalimutan : sapagka&#039;t sa mga gayong hain ang Dios ay totoong nalulugod . Magsitalima kayo sa namiminuno sa inyo , at kayo&#039;y pasakop sa kanila : sapagka&#039;t pawang nangagpupuyat dahil sa inyong mga kaluluwa , na parang sila ang mangagsusulit ; upang ito&#039;y gawin nilang may kagalakan , at huwag may hapis : sapagka&#039;t sa ganito&#039;y di ninyo mapapakinabangan . Idalangin ninyo kami : sapagka&#039;t kami&#039;y naniniwalang lubos na kami ay may mabuting budhi , na nagnanasang mabuhay na marangal sa lahat ng mga bagay . At iniaaral ko sa inyong malabis na inyong gawin ito , upang ako&#039;y masauli na lalong madali sa inyo . Ngayon ang Dios ng kapayapaan na muling nagdala mula sa mga patay sa dakilang pastor ng mga tupa sa pamamagitan ng dugo ng walang hanggang tipan , sa makatuwid baga&#039;y ang Panginoon nating si Jesus , Ay pakasakdalin nawa niya kayo sa bawa&#039;t mabuting gawa upang gawin ang kanyang kalooban , na gawin sa atin ang nakalulugod sa paningin niya , sa pamamagitan ni Jesucristo ; na mapasa kaniya nawa ang kaluwalhatian magpakailan man . Siya nawa . Datapuwa&#039;t ipinamamanhik ko sa inyo , mga kapatid , na inyong pagtiisan ang salitang iniaral : sapagka&#039;t kayo&#039;y sinulatan ko ng ilang salita . Inyong talastasin na ang ating kapatid na si Timoteo ay pinawalan na ; na kung siya&#039;y dumating na madali , kayo&#039;y makikita kong kasama niya . Batiin ninyo ang lahat ng mga namiminuno sa inyo , at ang lahat ng mga banal . Kayo&#039;y binabati ng nangasa Italia . Ang biyaya&#039;y sumainyo nawang lahat . Siya nawa . </passage></reply></GetPassage>