<?xml version="1.0" encoding="UTF-8"?><GetPassage xmlns="http://relaxng.org/ns/structure/1.0" xmlns:tei="http://www.tei-c.org/ns/1.0" xmlns:ti="http://chs.harvard.edu/xmlns/cts"><request><requestName>GetPassage</requestName><requestUrn>urn:cts:pbc:bible.parallel.tgl.1905:60</requestUrn></request><reply><urn>urn:cts:pbc:bible.parallel.tgl.1905:60</urn><passage>Si Pedro , na apostol ni Jesucristo , sa mga hinirang na nangingibang bayan na nasa Pangangalat sa Ponto , Galacia , Capadocia , Asia at Bitinia , Ayon sa paunang kaalaman ng Dios Ama , sa pagpabanal ng Espiritu , upang magsitalima at mangawisikan ng dugo ni Jesucristo : Biyaya at kapayapaan nawa ang sa inyo&#039;y sumagana . Purihin nawa ang Dios at Ama ng ating Panginoong Jesucristo , na ayon sa kaniyang malaking awa ay ipinanganak na muli tayo sa isang buhay na pagasa sa pamamagitan ng pagkabuhay na maguli ni Jesucristo sa mga patay , Sa isang manang di nasisira , at walang dungis , at hindi kumukupas , na inilaan sa langit para sa inyo , Na sa kapangyarihan ng Dios ay iniingatan sa pamamagitan ng pananampalataya sa ikaliligtas na nahanda upang ihayag sa huling panahon . Na ito ang inyong totoong ikinagagalak , bagama&#039;t ngayo&#039;y sa sangdaling panahon , kung kailangan , ay pinalumbay kayo sa muli&#039;t muling pagsubok , Upang ang pagsubok sa inyong pananampalataya na lalong mahalaga kay sa ginto na nasisira bagama&#039;t ito&#039;y sinusubok sa pamamagitan ng apoy , ay masumpungan sa ikapupuri at ikaluluwalhati at ikararangal sa pagpapakahayag ni Jesucristo : Na hindi ninyo nakita ay inyong iniibig ; na bagama&#039;t ngayon ay hindi ninyo siya nakikita , gayon ma&#039;y inyong sinasampalatayanan , na kayo&#039;y nangagagalak na totoo na may galak na di masayod at puspos ng kaluwalhatian : Na inyong tinatanggap ang layunin ng inyong pananampalataya , ang pagkaligtas ng inyong mga kaluluwa . Tungkol sa pagkaligtas na ito ay nagsikap at nagsiyasat na maigi ang mga propeta , na nangagsihula tungkol sa biyayang dadating sa inyo : Na sinisiyasat ang kahulugan kung ano at kailang panahon itinuro ng Espiritu ni Cristo na sumasa kanila , nang patotohanan nang una ang mga pagbabata ni Cristo , at ang mga kaluwalhatiang hahalili sa mga ito . Na ipinahayag sa kanila , na hindi sa ganang kanilang sarili , kundi sa ganang inyo , pinangasiwaan nila ang mga bagay na ito , na ngayo&#039;y ibinalita sa inyo sa pamamagitan ng mga nagsipangaral sa inyo ng evangelio sa pamamagitan ng Espiritu Santo na sinugo mula sa langit ; na ang mga bagay na ito&#039;y ninanasang mamasdan ng mga anghel . Kaya&#039;t inyong bigkisan ang mga baywang ng inyong pagiisip , na maging mapagpigil kayo at inyong ilagak na lubos ang inyong pagasa sa biyayang dadalhin sa inyo sa pagkahayag ni Jesucristo ; Na gaya ng mga anak na matalimahin , na huwag kayong mangagasal na ayon sa inyong dating mga masasamang pita nang kayo&#039;y na sa kawalang kaalaman : Nguni&#039;t yamang banal ang sa inyo&#039;y tumawag , ay mangagpakabanal naman kayo sa lahat ng paraan ng pamumuhay ; Sapagka&#039;t nasusulat , Kayo&#039;y mangagpakabanal ; sapagka&#039;t ako&#039;y banal . At kung inyong tinatawagan , na Ama , siyang walang itinatanging tao , na humahatol ayon sa gawa ng bawa&#039;t isa , ay gugulin ninyo sa takot ang panahon ng inyong pangingibang bayan : Na inyong nalalamang kayo&#039;y tinubos hindi ng mga bagay na nangasisira , ng pilak o ginto , mula sa inyong walang kabuluhang paraan ng pamumuhay , na ipinamana sa inyo ng inyong mga magulang ; Kundi ng mahalagang dugo , gaya ng sa korderong walang kapintasan at walang dungis , sa makatuwid baga&#039;y ang dugo ni Cristo : Na nakilala nga nang una bago itinatag ang sanglibutan , nguni&#039;t inihayag sa mga huling panahon dahil sa inyo , Na sa pamamagitan niya ay nanganampalataya kayo sa Dios , na sa kaniya&#039;y bumuhay na maguli sa mga patay , at sa kaniya&#039;y nagbigay ng kaluwalhatian ; upang ang inyong pananampalataya at pagasa ay mapasa Dios . Yamang nilinis ninyo ang mga kaluluwa sa inyong pagtalima sa katotohanan , sa pagibig na hindi pakunwari sa mga kapatid , ay mangagibigan kayo ng buong ningas ng inyong puso sa isa&#039;t isa : Yamang ipinanganak kayong muli , hindi sa binhing nasisira , kundi sa walang kasiraan , sa pamamagitan ng salita ng Dios na nabubuhay at namamalagi . Sapagka&#039;t , Ang lahat ng laman ay gaya ng damo , At ang lahat ng kaniyang karangalan ay gaya ng bulaklak ng damo . Ang damo&#039;y natutuyo , at ang bulaklak ay nalalanta : Datapuwa&#039;t ang salita ng Panginoon ay namamalagi magpakailan man . At ito ang salita ng mabubuting balita na ipinangaral sa inyo . Kaya&#039;t sa paghihiwalay ng lahat na kasamaan , at lahat ng pagdaraya , at pagpapaimbabaw , at mga pananaghili , at ng lahat ng panglalait , Gaya ng mga sanggol na bagong panganak ay nasain ninyo ang gatas na walang daya na ukol sa espiritu , upang sa pamamagitan nito&#039;y magsilago kayo sa ikaliligtas ; Kung inyong napagkilala na ang Panginoon ay mapagbiyaya : Na kayo&#039;y magsilapit sa kaniya , na isang batong buhay , na sa katotohana&#039;y itinakuwil ng mga tao , datapuwa&#039;t sa Dios ay hirang , mahalaga , Kayo rin naman , na gaya ng mga batong buhay , ay natatayong bahay na ukol sa espiritu , upang maging pagkasaserdoteng banal , upang maghandog ng mga hain na ukol sa espiritu , na nangakalulugod sa Dios sa pamamagitan ni Jesucristo . Sapagka&#039;t ito ang nilalaman ng kasulatan , Narito , aking inilalagay sa Sion ang isang batong panulok na pangulo , hirang mahalaga : At ang sumasampalataya sa kaniya ay hindi mapapahiya . Sa inyo ngang nangananampalataya , siya&#039;y mahalaga : datapuwa&#039;t sa hindi nangananampalataya , Ang batong itinakuwil ng nagsisipagtayo ng bahay Siyang naging pangulo sa panulok ; At , Batong katitisuran , at bato na pangbuwal ; Sapagka&#039;t sila ay natitisod sa salita , palibhasa&#039;y mga suwail : na dito rin naman sila itinalaga , Datapuwa&#039;t kayo&#039;y isang lahing hirang , isang makaharing pagkasaserdote , bansang banal , bayang pag-aaring sarili ng Dios , upang inyong ipahayag ang mga karangalan niyaong tumawag sa inyo mula sa kadiliman , hanggang sa kaniyang kagilagilalas na kaliwanagan : Na nang nakaraang panahon ay hindi bayan , datapuwa&#039;t ngayo&#039;y bayan ng Dios : na hindi nagsipagkamit ng awa , datapuwa&#039;t ngayo&#039;y nagsipagkamit ng awa . Mga minamahal , ipinamamanhik ko sa inyong tulad sa mga nangingibang bayan at nagsisipaglakbay , na kayo&#039;y magsipagpigil sa mga masamang pita ng laman , na nakikipaglaban sa kaluluwa ; Na kayo&#039;y mangagkaroon ng timtimang ugali sa gitna ng mga Gentil ; upang , sa mga bagay na ipinagsasalita nila laban sa inyong tulad sa nagsisigawa ng masama , dahil sa inyong mabubuting gawa na kanilang nakikita , ay purihin nila ang Dios sa araw ng pagdalaw . Kayo&#039;y pasakop sa bawa&#039;t palatuntunan ng tao alangalang sa Panginoon : maging sa hari , na kataastaasan ; O sa mga gobernador , na sinugo niya sa panghihiganti sa nagsisigawa ng masama at sa kapurihan ng nagsisigawa ng mabuti . Sapagka&#039;t siyang kalooban ng Dios , na dahil sa paggawa ng mabuti ay inyong mapatahimik ang kamangmangan ng mga taong palalo : Na gaya nang kayo&#039;y mga laya , at ang inyong kalayaan ay hindi ginagamit na balabal ng kasamaan , kundi gaya ng mga alipin ng Dios . Igalang ninyo ang lahat ng mga tao . Ibigin ninyo ang pagkakapatiran . Mangatakot kayo sa Dios . Igalang ninyo ang hari . Mga alila , kayo&#039;y magsisuko na may buong takot sa inyong mga panginoon ; hindi lamang sa mabubuti at mahihinahon , kundi naman sa mababagsik . Sapagka&#039;t ito&#039;y kalugodlugod , kung dahil sa budhing ukol sa Dios ay magtiis ang sinoman ng mga kalumbayan , na magbata ng di matuwid . Sapagka&#039;t anong kapurihan nga , kung kayo&#039;y nangagkakasala , at kayo&#039;y tinatampal ay inyong tanggapin na may pagtitiis ? nguni&#039;t kung kayo&#039;y gumagawa ng mabuti , at kayo&#039;y nagbabata , ay inyong tanggapin na may pagtitiis , ito&#039;y kalugodlugod sa Dios . Sapagka&#039;t sa ganitong bagay kayo&#039;y tinawag : sapagka&#039;t si Cristo man ay nagbata dahil sa inyo , na kayo&#039;y iniwanan ng halimbawa , upang kayo&#039;y mangagsisunod sa mga hakbang niya : Na siya&#039;y hindi nagkasala , o kinasumpungan man ng daya ang kaniyang bibig : Na , nang siya&#039;y alipustain , ay hindi gumanti ng pagalipusta ; nang siya&#039;y magbata , ay hindi nagbala ; kundi ipinagkatiwala ang kaniyang sarili doon sa humahatol ng matuwid : Na siya rin ang nagdala ng ating mga kasalanan sa kaniyang katawan sa ibabaw ng kahoy , upang pagkamatay natin sa mga kasalanan , ay mangabuhay tayo sa katuwiran ; na dahil sa kaniyang mga sugat ay nangagsigaling kayo . Sapagka&#039;t kayo&#039;y gaya ng mga tupang nangaliligaw ; datapuwa&#039;t ngayon ay nangabalik kayo sa Pastor at Obispo ng inyong mga kaluluwa . Gayon din naman , kayong mga asawang babae , pasakop kayo sa inyong sarisariling asawa ; upang , kung ang ilan ay hindi tumalima sa salita , ay mangahikayat ng walang salita sa pamamagitan ng ugali ng kanikaniyang asawang babae ; Sa pagkamasid nila ng inyong ugaling mahinhin na may takot . Na huwag sa labas ang kanilang paggayak na gaya ng pagpapahiyas ng buhok , at pagsusuot ng mga hiyas na ginto , o pagbibihis ng maringal na damit ; Kundi ang pagkataong natatago sa puso na may damit na walang kasiraan ng espiritung maamo at payapa , na may malaking halaga sa paningin ng Dios . Sapagka&#039;t nang unang panahon , ay ganito naman nagsigayak ang mga babaing banal na nagsiasa sa Dios , na pasakop sa kanikaniyang asawa ; Na gaya ni Sara na tumalima kay Abraham , na kaniyang tinawag na panginoon : na kayo ang mga anak niya ngayon , kung nagsisigawa kayo ng mabuti , at di kayo nangatatakot sa anomang kasindakan . Gayon din naman kayong mga lalake , magsipamahay kayong kasama ng inyo-inyong asawa ayon sa pagkakilala , na pakundanganan ang babae , na gaya ng marupok na sisidlan , yamang kayo nama&#039;y kasamang tagapagmana ng biyaya ng kabuhayan : upang ang inyong mga panalangin ay huwag mapigilan . Katapustapusan , kayong lahat ay mangagkaisang akala , madamayin , mangagibigang tulad sa magkakapatid , mga mahabagin , mga mapagkumbabang pagiisip : Na huwag ninyong gantihin ng masama ang masama , o ng alipusta ang pagalipusta ; kundi ng pagpapala ; sapagka&#039;t dahil dito kayo&#039;y tinawag , upang kayo&#039;y mangagmana ng pagpapala . Sapagka&#039;t , Ang magnais umibig sa buhay , At makakita ng mabubuting araw , Ay magpigil ng kaniyang dila sa masama , At ang kaniyang mga labi ay huwag magsalita ng daya : At tumalikod siya sa masama , at gumawa ng mabuti ; Hanapin ang kapayapaan , at kaniyang sundan . Sapagka&#039;t ang mga mata ng Panginoon ay nasa mga matuwid , At ang kaniyang mga pakinig ay sa kanilang mga daing : Nguni&#039;t ang mukha ng Panginoon ay laban sa mga nagsisigawa ng masama . At sino ang sa inyo ay aapi , kung kayo&#039;y mapagmalasakit sa mabuti ? Datapuwa&#039;t kung mangagbata kayo ng dahil sa katuwiran ay mapapalad kayo : at huwag kayong mangatakot sa kanilang pangtakot , o huwag kayong mangagulo ; Kundi inyong ariing banal si Cristo na Panginoon sa inyong mga puso : na lagi kayong handa ng pagsagot sa bawa&#039;t tao na humihingi sa inyo ng katuwiran tungkol sa pagasang nasa inyo , nguni&#039;t sa kaamuan at takot : Na taglay ang mabuting budhi ; upang , sa mga bagay na salitain laban sa inyo , ay mangapahiya ang nagsisialipusta sa inyong mabuting paraan ng pamumuhay kay Cristo . Sapagka&#039;t lalong magaling , kung gayon ang iniibig ng kalooban ng Dios na kayo&#039;y mangagbata dahil sa paggawa ng mabuti kay sa dahil sa paggawa ng masama . Sapagka&#039;t si Cristo man ay nagbata ring minsan dahil sa mga kasalanan , ang matuwid dahil sa mga di matuwid , upang tayo&#039;y madala niya sa Dios ; siyang pinatay sa laman , nguni&#039;t binuhay sa espiritu ; Na iyan din ang kaniyang iniyaon at nangaral sa mga espiritung nasa bilangguan , Na nang unang panahon ay mga suwail , na ang pagpapahinuhod ng Dios , ay nanatili noong mga araw ni Noe , samantalang inihahanda ang daong , na sa loob nito&#039;y kakaunti , sa makatuwid ay walong kaluluwa , ang nangaligtas sa pamamagitan ng tubig : Na ayon sa tunay na kahawig ngayo&#039;y nagligtas , sa makatuwid baga&#039;y ang bautismo , hindi sa pagaalis ng karumihan ng laman , kundi sa paghiling ng isang mabuting budhi sa Dios , sa pamamagitan ng pagkabuhay na maguli ni Jesucristo ; Na nasa kanan ng Dios , pagkaakyat niya sa langit ; na ipinasakop sa kaniya ang mga anghel at ang mga kapamahalaan ang mga kapangyarihan . Kung paano ngang si Cristo ay nagbata sa laman , ay magsandata rin naman kayo ng gayong pagiisip ; sapagka&#039;t siya na nagbata sa laman ay nagpapatigil sa kasalanan ; Upang huwag na kayong mangabuhay sa laman sa inyong nalalabing panahon sa mga masamang pita ng mga tao , kundi sa kalooban ng Dios . Sapagka&#039;t sukat na ang nakaraang panahon upang gawin ang hangad ng mga Gentil , at lumakad sa kalibugan , sa mga masamang pita , sa mga paglalasing , sa mga kalayawan , sa mga kayamuan , at sa kasuklamsuklam na pagsamba sa mga diosdiosan : Ikinahahanga nila ang bagay na ito na kayo&#039;y hindi nakikitakbong kasama nila sa gayong pagpapakalabis ng kaguluhan , kung kaya&#039;t kayo&#039;y pinagsasalitaan ng masama : Na sila&#039;y magbibigay sulit sa kaniya na handang humukom sa mga buhay at sa mga patay . Sapagka&#039;t dahil dito&#039;y ipinangaral maging sa mga patay ang evangelio , upang sila , ayon sa mga tao sa laman ay mangahatulan , datapuwa&#039;t mangabuhay sa espiritu ayon sa Dios . Nguni&#039;t ang wakas ng lahat ng mga bagay ay malapit na : kayo nga&#039;y mangagpakahinahon , at mangagpuyat sa pananalangin : Na una sa lahat ay maging maningas kayo sa inyong pagiibigan ; sapagka&#039;t ang pagibig ay nagtatakip ng karamihang kasalanan : Na mangagpatuluyan kayo ng walang bulongbulungan : Na ayon sa kaloob na tinanggap ng bawa&#039;t isa , ay ipaglingkod sa inyo-inyo rin , na gaya ng mabubuting katiwala ng masaganang biyaya ng Dios ; Na kung ang sinoma&#039;y nagsasalita , ay gaya ng sa mga aral ng Dios : kung ang sinoman ay nangangasiwa , ay gaya ng sa kalakasang ibinibigay ng Dios : upang ang Dios ay papurihan sa lahat ng mga bagay sa pamamagitan ni Jesucristo , na sa kaniya ang kaluwalhatian at ang paghahari magpakailan man . Siya nawa . Mga minamahal , huwag kayong mangagtaka tungkol sa mahigpit na pagsubok sa inyo , na dumarating sa inyo upang kayo&#039;y subukin , na waring ang nangyayari sa inyo&#039;y di karaniwang bagay : Kundi kayo&#039;y mangagalak , sapagka&#039;t kayo&#039;y mga karamay sa mga hirap ni Cristo ; upang sa pagkahayag ng kaniyang kaluwalhatian naman ay mangagalak kayo ng malabis na galak . Kung kayo&#039;y mapintasan dahil sa pangalan ni Cristo , ay mapapalad kayo ; sapagka&#039;t ang Espiritu ng kaluwalhatian at ang Espiritu ng Dios ay nagpapahingalay sa inyo . Nguni&#039;t huwag magbata ang sinoman sa inyo na gaya ng mamamatay-tao , o magnanakaw , o manggagawa ng masama , o gaya ng mapakialam sa mga bagay ng iba : Nguni&#039;t kung ang isang tao ay magbata na gaya ng Cristiano , ay huwag mahiya ; kundi luwalhatiin ang Dios sa pangalang ito . Sapagka&#039;t dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Dios : at kung mauna sa atin , ano kaya ang wakas ng mga hindi nagsisitalima sa evangelio ng Dios ? At kung ang matuwid ay bahagya ng makaliligtas , ang masama at ang makasalanan ay saan kaya magsisiharap ? Kaya&#039;t ipagkatiwala naman ng nangagbabata ayon sa kalooban ng Dios ang kanilang mga kaluluwa sa paggawa ng mabuti sa tapat na Lumalang . Sa matatanda nga sa inyo&#039;y umaaral ako , akong matandang kasamahan ninyo , at isang saksi ng mga hirap ni Cristo , na may bahagi naman sa kaluwalhatiang ihahayag : Pangalagaan ninyo ang kawan ng Dios na nasa inyo , na magsigamit kayo ng pagpupuno , na hindi sapilitan , kundi may kasayahan , na ayon sa kalooban ng Dios ; ni hindi dahil sa mahalay na kapakinabangan , kundi sa handang pagiisip ; Ni hindi din naman ang gaya ng kayo&#039;y may pagkapanginoon sa pinangangasiwaang ipinagtagubilin sa inyo , kundi kayo&#039;y maging mga uliran ng kawan . At pagkahayag ng pangulong Pastor , ay magsisitanggap kayo ng di nasisirang putong ng kaluwalhatian . Gayon din naman , kayong mga kabataan , ay magsisuko sa matatanda . Oo , kayong lahat ay mangagbigkis ng kapakumbabaan , na kayo-kayo&#039;y maglingkuran : sapagka&#039;t ang Dios ay sumasalangsang sa mga palalo , datapuwa&#039;t nagbibigay ng biyaya sa mga mapagpakumbaba . Kaya&#039;t kayo&#039;y mangagpakababa sa ilalim ng makapangyarihang kamay ng Dios , upang kayo&#039;y kaniyang itaas sa kapanahunan ; Na inyong ilagak sa kaniya ang lahat ng inyong kabalisahan , sapagka&#039;t kayo&#039;y ipinagmamalasakit niya . Kayo&#039;y maging mapagpigil , kayo&#039;y maging mapagpuyat ; ang inyong kalaban na diablo , na gaya ng leong umuungal , ay gumagala na humahanap ng masisila niya : Na siya&#039;y labanan ninyong matatag sa inyong pananampalataya , yamang inyong nalalaman na ang mga gayong hirap ay nagaganap sa inyong mga kapatid na nangasa sanglibutan . At ang Dios ng buong biyaya na sa inyo&#039;y tumawag sa kaniyang walang hanggang kaluwalhatian kay Cristo , pagkatapos na kayo&#039;y makapagbatang sangdaling panahon , ay siya rin ang magpapasakdal , magpapatibay , at magpapalakas sa inyo . Sumasakaniya nawa ang paghahari magpakailan man . Siya nawa . Sa pamamagitan ni Silvano , na tapat nating kapatid , ayon sa aking palagay sa kaniya , ay sinulatan ko kayo ng maiksi , na aking iniaaral at sinasaksihan na ito ang tunay na biyaya ng Dios : magsitibay kayo dito . Binabati kayo ng nasa Babilonia , na kasamang hinirang ; at ni Marcos na aking anak . Mangagbatian kayo ng halik ng pagibig . Kapayapaan nawa ang sumainyong lahat na na kay Cristo . </passage></reply></GetPassage>