<?xml version="1.0" encoding="UTF-8"?><GetPassage xmlns="http://relaxng.org/ns/structure/1.0" xmlns:tei="http://www.tei-c.org/ns/1.0" xmlns:ti="http://chs.harvard.edu/xmlns/cts"><request><requestName>GetPassage</requestName><requestUrn>urn:cts:pbc:bible.parallel.tgl.1905:61</requestUrn></request><reply><urn>urn:cts:pbc:bible.parallel.tgl.1905:61</urn><passage>Si Simon Pedro , na alipin at apostol ni Jesucristo , sa nagsipagkamit na kasama namin ng mahalagang pananampalataya sa katuwiran ng ating Dios at Tagapagligtas na si Jesucristo : Biyaya at kapayapaan ang sa inyo&#039;y dumami sa pagkakilala sa Dios at kay Jesus na Panginoon natin ; Yamang ipinagkaloob sa atin ng kaniyang banal na kapangyarihan ang lahat ng mga bagay na nauukol sa kabuhayan at sa kabanalan , sa pamamagitan ng pagkakilala sa kaniya na tumawag sa atin sa pamamagitan ng kaniyang sariling kaluwalhatian at kagalingan ; Na dahil dito ay ipinagkaloob niya sa atin ang kaniyang mahahalaga at napakadakilang pangako ; upang sa pamamagitan ng mga ito ay makabahagi kayo sa kabanalang mula sa Dios , yamang nakatanan sa kabulukang nasa sanglibutan dahil sa masamang pita . Oo , at dahil din dito , sa pagkaragdag sa ganang inyo ng buong sikap , ay ipamahagi ninyo sa inyong pananampalataya ang kagalingan ; at sa kagalingan ay ang kaalaman ; At sa kaalaman ay ang pagpipigil ; at sa pagpipigil ay ang pagtitiis ; at sa pagtitiis ay ang kabanalan ; At sa kabanalan ay ang mabuting kalooban sa kapatid ; at sa mabuting kalooban sa kapatid ay ang pagibig . Sapagka&#039;t kung nasa inyo ang mga bagay na ito at sumasagana , ay hindi kayo pababayaang maging mga tamad o mga walang bunga sa pagkakilala sa ating Panginoong Jesucristo . Sapagka&#039;t yaong wala ng mga bagay na ito ay bulag , na ang nakikita lamang ay ang nasa malapit , sa pagkalimot ng paglilinis ng kaniyang dating mga kasalanan . Kaya , mga kapatid , lalong pagsikapan ninyo na mangapanatag kayo sa pagkatawag at pagkahirang sa inyo : sapagka&#039;t kung gawin ninyo ang mga bagay na ito ay hindi kayo mangatitisod kailan man : Sapagka&#039;t sa gayon ay ipinamamahaging sagana sa inyo ang pagpasok sa kahariang walang hanggan ng Panginoon natin at Tagapagligtas na si Jesucristo . Kaya&#039;t magiging handa akong lagi na ipaalaala ko sa inyo ang mga bagay na ito , bagama&#039;t inyong nalalaman , at kayo&#039;y pinatitibay sa katotohanang nasa inyo . At inaakala kong matuwid , na samantalang ako&#039;y nasa tabernakulong ito , ay kilusin ko kayo na ipaalaala ko sa inyo ; Yamang aking nalalaman na dumarating na madali ang paghiwalay ko sa aking tabernakulo , na gaya ng ipinahiwatig sa akin ng Panginoon nating Jesucristo . Oo , pagsisikapan ko na sa tuwituwi na , pagkamatay ko&#039;y inyong maalaala ang mga bagay na ito . Sapagka&#039;t kami ay hindi nagsisunod sa mga kathang ginawang mainam , noong aming ipinakilala sa inyo ang kapangyarihan at pagparito ng ating Panginoong Jesucristo , kundi kami ay naging mga saksing nakakita ng kaniyang karangalan . Sapagka&#039;t siya&#039;y tumanggap sa Dios Ama ng karangalan at kaluwalhatian , nang dumating sa kaniya ang isang tinig mula sa Marangal na Kaluwalhatian , Ito ang sinisinta kong Anak , na siya kong kinalulugdan : At ang tinig na ito ay aming narinig na nanggaling sa langit , nang kami ay kasama niya sa banal na bundok . At kami ay mayroong lalong panatag na salita ng hula ; na mabuti ang inyong ginagawa kung ito&#039;y inyong sinusundan , na gaya ng sa isang ilawang lumiliwanag sa isang dakong madilim , hanggang sa pagbubukang liwayway , at ang tala sa umaga ay sumilang sa inyong mga puso : Na maalaman muna ito , na alin mang hula ng kasulatan ay hindi nagbuhat sa sariling pagpapaliwanag . Sapagka&#039;t hindi sa kalooban ng tao dumating ang hula kailanman : kundi ang mga tao ay nagsalita buhat sa Dios , na nangaudyokan ng Espiritu Santo . Nguni&#039;t may nagsilitaw din naman sa bayan na mga bulaang propeta , na gaya naman sa inyo&#039;y magkakaroon ng mga bulaang guro , na mangagpapasok sa lihim ng mga makakapahamak na mga hiduwang pananampalataya , na itatatuwa pati ang Panginoon na bumili sa kanila , na mangagtataglay sa kanilang sarili ng madaling pagkapahamak . At maraming magsisisunod sa kanilang mga gawang mahahalay ; na dahil sa kanila ay pagsasalitaan ng masama ang daan ng katotohanan . At sa kasakiman sa mga pakunwaring salita ay ipangangalakal kayo : na ang hatol nga sa kanila mula nang una ay hindi nagluluwat , at ang kanilang kapahamakan ay hindi nagugupiling . Sapagka&#039;t kung ang Dios ay hindi nagpatawad sa mga anghel nang mangagkasala ang mga yaon , kundi sila&#039;y ibinulid sa impierno , at kinulong sa mga hukay ng kadiliman , upang ilaan sa paghuhukom ; At ang dating sanglibutan ay hindi pinatawad , datapuwa&#039;t iningatan si Noe na tagapangaral ng katuwiran na kasama ng ibang pito pa , noong dalhin ang pagkagunaw sa sanglibutan ng masasama ; At pinarusahan niya ng pagkalipol ang mga bayan ng Sodoma at Gomorra na pinapaging abo , nang maging halimbawa sa mga magsisipamuhay na masama : At iniligtas ang matuwid na si Lot , na lubhang nahahapis sa mahahalay na pamumuhay ng masasama : ( Sapagka&#039;t ang matuwid na ito na namamayang kasama nila , ay lubhang nahapis araw-araw ang kaniyang matuwid na kaluluwa sa pagkakita at pagkarinig niya , ng mga gawa nilang laban sa kautusan ) : Ang Panginoon ay marunong magligtas ng mga banal , sa tukso at maglaan ng mga di matuwid sa ilalim ng kaparusahan hanggang sa araw ng paghuhukom ; Datapuwa&#039;t lalong-lalo na ng mga nagsisilakad ng ayon sa laman sa masamang pita ng karumihan , at nangapopoot sa pagkasakop . Mga pangahas , mapagsariling kalooban , sila&#039;y hindi natatakot na magsialipusta sa mga pangulo : Samantalang ang mga anghel , bagama&#039;t lalong dakila ang lakas at kapangyarihan , ay hindi nagtataglay ng paghatol na may alipusta laban sa kanila sa harapan ng Panginoon . Datapuwa&#039;t ang mga ito , na gaya ng mga kinapal na walang bait , na ipinanganak na talagang mga hayop upang hulihin at lipulin , na nagsisialipusta sa mga bagay na hindi nila nalalaman ay walang pagsalang lilipulin sa kanila ring pagkalipol . Na nangagbabata ng masama na kabayaran ng gawang masama ; palibhasa&#039;y inaari nilang isang kaligayahan ang magpakalayaw kung araw , mga dungis at kapintasan , na nangagpapakalayaw sa kanilang mga daya , samantalang sila&#039;y nangakikipagpiging sa inyo ; Na may mga matang puspos ng pangangalunya , at hindi maaaring maglikat sa pagkakasala ; na umaakit sa mga kaluluwang walang tiyaga ; na may pusong sanay sa kasakiman ; mga anak ng paglait , Na pagkaalis sa daang matuwid ay nangaligaw sila , palibhasa&#039;y nagsisunod sa daan ni Balaam na anak ni Beor , na nagibig ng kabayaran ng gawang masama ; Datapuwa&#039;t siya&#039;y sinasaway dahil sa kaniyang sariling pagsalangsang : na isang asnong pipi ay nangusap ng tinig ng tao at pinigil ang kaululan ng propeta . Ang mga ito&#039;y mga bukal na walang tubig , mga ulap na tinatangay ng unos ; na sa kanila&#039;y itinaan ang kapusikitan ng kadiliman ; Sapagka&#039;t , sa pananalita ng mga kapalaluan na walang kabuluhan , ay umaakit sila sa masasamang pita ng laman , sa pamamagitan ng kalibugan , doon sa nagsisitakas sa nangamumuhay sa kamalian ; Na pinangangakuan ng kalayaan , samantalang sila&#039;y mga alipin ng kabulukan ; sapagka&#039;t ang nadaig ninoman ay naging alipin din naman niyaon . Sapagka&#039;t kung , pagkatapos na sila&#039;y makatakas sa mga pagkahawa sa sanglibutan sa pamamagitan ng pagkakilala sa Panginoon at Tagapagligtas na si Jesucristo , ay muling mahalubiluhan at madaig niyaon , ay lalong sumasama ang huling kalagayan nila kay sa nang una . Sapagka&#039;t magaling pa sa kanila ang hindi nakakilala ng daan ng katuwiran , kay sa , pagkatapos na makakilala ito ay tumalikod sa banal na utos na ibinigay sa kanila . Nangyari sa kanila ang ayon sa kawikaang tunay , Nagbabalik na muli ang aso sa kaniyang sariling suka , at sa paglulubalob sa pusali ang babaing baboy na nahugasan . Ito nga ang ikalawang sulat , mga minamahal , na isinusulat ko sa inyo ; at sa dalawa&#039;y ginigising ko ang inyong tapat na pagiisip sa pamamagitan ng pagpapaalaala sa inyo ; Upang maalaala ninyo ang mga salitang sinabi nang una ng mga banal na propeta , at ang utos ng Panginoon at Tagapagligtas sa pamamagitan ng inyong mga apostol : Na maalaman muna ito , na sa mga huling araw ay magsisiparito ang mga manunuya na may pagtuya , na magsisilakad ayon sa kanikanilang masasamang pita , At magsisipagsabi , Saan naroon ang pangako ng kaniyang pagparito ? sapagka&#039;t , buhat nang araw na mangatulog ang mga magulang , ay nangananatili ang lahat ng mga bagay na gaya ng kalagayan nila mula nang pasimulan ang paglalang . Sapagka&#039;t sadyang nililimot nila , na mayroong sangkalangitan mula nang unang panahon , at isang lupang inanyuan sa tubig at sa gitna ng tubig , sa pamamagitan ng salita ng Dios ; Na sa pamamagitan din nito ang sanglibutan noon , na inapawan ng tubig , ay napahamak : Nguni&#039;t ang sangkalangitan ngayon , at ang lupa , sa pamamagitan ng gayon ding salita ay iningatang talaga sa apoy , na itinataan sa araw ng paghuhukom at ng paglipol sa mga taong masama . Datapuwa&#039;t huwag ninyong kalimutan , mga minamahal , ang isang bagay na ito , na ang isang araw sa Panginoon ay katulad ng isang libong taon , at ang isang libong taon ay katulad ng isang araw . Hindi mapagpaliban ang Panginoon tungkol sa kaniyang pangako , na gaya ng pagpapalibang ipinalalagay ng iba ; kundi mapagpahinuhod sa inyo , na hindi niya ibig na sinoman ay mapahamak , kundi ang lahat ay magsipagsisi . Datapuwa&#039;t darating ang araw ng Panginoon na gaya ng magnanakaw ; na ang sangkalangitan sa araw na iyan ay mapaparam na kasabay ng malaking ugong , at ang mga bagay sa langit ay mapupugnaw sa matinding init , at ang lupa at ang mga gawang nasa lupa ay pawang masusunog . Yamang ang lahat ng mga bagay na ito ay mapupugnaw ng ganito , ano ngang anyo ng mga pagkatao ang nararapat sa inyo sa banal na pamumuhay at pagkamaawain , Na ating hinihintay at pinakananasa ang pagdating ng kaarawan ng Dios , na dahil dito&#039;y ang sangkalangitan na nagniningas ay mapupugnaw , at ang mga bagay sa langit ay matutunaw sa matinding init ? Nguni&#039;t , ayon sa kaniyang pangako , ay naghihintay tayo ng bagong langit at ng bagong lupa , na tinatahanan ng katuwiran . Kaya nga , mga minamahal , yamang kayo&#039;y nagsisipaghintay ng mga bagay na ito , ay pagsikapan ninyong masumpungan kayo sa kapayapaan , na walang dungis at walang kapintasan sa paningin niya . At inyong ariin na ang pagpapahinuhod ng ating Panginoon ay pagliligtas ; na gaya rin naman ni Pablo , na ating minamahal na kapatid , na ayon sa karunungang ibinigay sa kaniya , ay sinulatan kayo ; Gayon din naman sa lahat ng kaniyang mga sulat , na doo&#039;y sinasalita ang mga bagay na ito ; na doo&#039;y may ilang bagay na mahirap unawain , na isinisinsay ng mga di nakaaalam at ng mga walang tiyaga , na gaya rin naman ng kanilang ginagawa sa ibang mga kasulatan , sa ikapapahamak din nila . Kaya nga , mga minamahal , yamang nalalaman na ninyo nang una ang mga bagay na ito , ay magsipagingat kayo , baka kung mangaligaw kayo sa pamamagitan ng kamalian ng masasama , ay mangahulog kayo sa inyong sariling katiyagaan . Datapuwa&#039;t magsilago kayo sa biyaya at sa pagkakilala sa ating Panginoon at Tagapagligtas na si Jesucristo . Sumakaniya nawa ang kaluwalhatian ngayon at magpakailan man . Siya nawa . </passage></reply></GetPassage>