<?xml version="1.0" encoding="UTF-8"?><GetPassage xmlns="http://relaxng.org/ns/structure/1.0" xmlns:tei="http://www.tei-c.org/ns/1.0" xmlns:ti="http://chs.harvard.edu/xmlns/cts"><request><requestName>GetPassage</requestName><requestUrn>urn:cts:pbc:bible.parallel.tgl.1905:62</requestUrn></request><reply><urn>urn:cts:pbc:bible.parallel.tgl.1905:62</urn><passage>Yaong buhat sa pasimula , yaong aming narinig , yaong nakita ng aming mga mata , yaong aming namasdan , at nahipo ng aming mga kamay , tungkol sa salita ng buhay ; ( At ang buhay ay nahayag , at aming nakita , at pinatotohanan , at sa inyo&#039;y aming ibinabalita ang buhay , ang buhay na walang hanggan , na kasama ng Ama at sa atin ay nahayag ) ; Yaong aming nakita at narinig ay siya rin naming ibinabalita sa inyo , upang kayo naman ay magkaroon ng pakikisama sa amin : oo , at tayo ay may pakikisama sa Ama , at sa kaniyang Anak na si Jesucristo : At ang mga bagay na ito ay aming isinusulat , upang ang ating kagalakan ay malubos . At ito ang pasabing aming narinig sa kaniya at sa inyo&#039;y aming ibinabalita , na ang Dios ay ilaw , at sa kaniya&#039;y walang anomang kadiliman . Kung sinasabi nating tayo&#039;y may pakikisama sa kaniya at nagsisilakad tayo sa kadiliman , ay nangagbubulaan tayo , at hindi tayo nagsisigawa ng katotohanan : Nguni&#039;t kung tayo&#039;y nagsisilakad sa liwanag , na gaya niyang nasa liwanag , ay may pakikisama tayo sa isa&#039;t isa , at nililinis tayo ng dugo ni Jesus na kaniyang Anak sa lahat ng kasalanan . Kung sinasabi nating tayo&#039;y walang kasalanan , ay ating dinadaya ang ating sarili , at ang katotohanan ay wala sa atin . Kung ipinahahayag natin ang ating mga kasalanan , ay tapat at banal siya na tayo&#039;y patatawarin sa ating mga kasalanan , at tayo&#039;y lilinisin sa lahat ng kalikuan . Kung sinasabi nating tayo&#039;y hindi nangagkasala , ay ating ginagawang sinungaling siya , at ang kaniyang salita ay wala sa atin . Mumunti kong mga anak , ang mga bagay na ito ay isinusulat ko sa inyo upang kayo&#039;y huwag mangagkasala . At kung ang sinoman ay magkasala , ay may Tagapamagitan tayo sa Ama , si Jesucristo ang matuwid : At siya ang pangpalubag-loob sa ating mga kasalanan ; at hindi lamang sa ating mga kasalanan , kundi ng sa buong sanglibutan din naman . At sa ganito&#039;y nalalaman natin na siya&#039;y ating nakikilala , kung tinutupad natin ang kaniyang mga utos . Ang nagsasabing , Nakikilala ko siya , at hindi tumutupad ng kaniyang mga utos , ay sinungaling , at ang katotohanan ay wala sa kaniya ; Datapuwa&#039;t ang sinomang tumutupad ng kaniyang salita , tunay na sa kaniya ay naging sakdal ang pagibig ng Dios . Dahil dito&#039;y nalalaman nating tayo&#039;y nasa kaniya : Ang nagsasabing siya&#039;y nananahan sa kaniya ay nararapat din namang lumakad na gaya ng inilakad niya . Mga minamahal , wala akong isinusulat sa inyo na anomang bagong utos , kundi ang dating utos na nasa inyo buhat nang pasimula ; ang dating utos ay ang salita na inyong narinig . Muli , isang bagong utos ang isinusulat ko sa inyo , bagay na tunay sa kaniya at sa inyo ; sapagka&#039;t ang kadiliman ay lumilipas , at ang tunay na ilaw ay lumiliwanag na . Ang nagsasabing siya&#039;y nasa liwanag at napopoot sa kaniyang kapatid , ay nasa kadiliman pa hanggang ngayon . Ang umiibig sa kaniyang kapatid ay nananahan sa liwanag , at sa kaniya&#039;y walang anomang kadahilanang ikatitisod . Nguni&#039;t ang napopoot sa kaniyang kapatid ay nasa kadiliman , at lumalakad sa kadiliman , at hindi niya nalalaman kung saan siya naparoroon , sapagka&#039;t ang kaniyang mga mata ay binulag ng kadiliman . Kayo&#039;y sinusulatan ko , mumunti kong mga anak , sapagka&#039;t ipinatawad sa inyo ang inyong mga kasalanan dahil sa kaniyang pangalan . Kayo&#039;y sinusulatan ko , mga ama , sapagka&#039;t inyong nakikilala yaong buhat pa nang pasimula ay siya na . Kayo&#039;y sinusulatan ko , mga binata , sapagka&#039;t inyong dinaig ang masama . Kayo&#039;y aking sinulatan , mumunting mga anak , sapagka&#039;t inyong nakikilala ang Ama . Kayo&#039;y aking sinulatan , mga ama , sapagka&#039;t inyong nakikilala yaong buhat pa nang pasimula ay siya na . Kayo&#039;y aking sinulatan , mga binata , sapagka&#039;t kayo&#039;y malalakas , at ang salita ng Dios ay nananahan sa inyo , at inyong dinaig ang masama . Huwag ninyong ibigin ang sanglibutan , ni ang mga bagay na nasa sanglibutan . Kung ang sinoman ay umiibig sa sanglibutan , ay wala sa kaniya ang pagibig ng Ama . Sapagka&#039;t ang lahat na nangasa sanglibutan , ang masamang pita ng laman at ang masamang pita ng mga mata at ang kapalaluan sa buhay , ay hindi mula sa Ama , kundi sa sanglibutan . At ang sanglibutan ay lumilipas , at ang masamang pita niyaon ; datapuwa&#039;t ang gumagawa ng kalooban ng Dios ay nananahan magpakailan man . Mumunting mga anak , ito ang huling oras : at gaya ng inyong narinig na darating ang anticristo , kahit ngayon ay lumitaw ang marami nang anticristo ; kaya nga nalalaman natin na ito na ang huling oras . Sila&#039;y nangagsilabas sa atin , nguni&#039;t sila&#039;y hindi sa atin ; sapagka&#039;t kung sila&#039;y sa atin ay nagsipanatili sana sa atin : nguni&#039;t nangagsilabas , upang sila&#039;y mahayag na silang lahat ay hindi sa atin . At kayo&#039;y may pahid ng Banal , at nalalaman ninyo ang lahat ng mga bagay . Hindi ko kayo sinulatan ng dahil sa hindi ninyo nalalaman ang katotohanan , kundi dahil sa inyong nalalaman , at sapagka&#039;t alin mang kasinungalingan ay hindi sa katotohanan . Sino ang sinungaling kundi ang tumatanggi na si Jesus ay siyang Cristo ? Ito ang anticristo , sa makatuwid ay ang tumatanggi sa Ama at sa Anak . Ang sinomang tumatanggi sa Anak , ay hindi sumasa kaniya ang Ama : ang nagpapahayag sa Anak ay sumasa kaniya naman ang Ama . Tungkol sa inyo , ay manahan sa inyo ang inyong narinig buhat nang pasimula . Kung manahan sa inyo yaong buhat nang pasimula ay inyong narinig , kayo naman ay mananahan sa Anak , at sa Ama . At ito ang pangakong kaniyang ipinangako sa atin , ang buhay na walang hanggan . Isinulat ko sa inyo ang mga bagay na ito tungkol sa mga may ibig na magligaw sa inyo . At tungkol sa inyo , ang pagkapahid na sa kaniya&#039;y inyong tinanggap ay nananahan sa inyo , at hindi ninyo kailangang kayo&#039;y turuan ng sinoman ; nguni&#039;t kung paanong kayo&#039;y tinuturuan ng kaniyang pahid tungkol sa lahat ng mga bagay , at siyang totoo , at hindi kasinungalingan , at kung paanong kayo&#039;y tinuruan nito , ay gayon kayong nananahan sa kaniya . At ngayon , mumunti kong mga anak , manahan kayo sa kaniya ; upang , kung siya&#039;y mahayag , ay magkaroon kayo ng pagkakatiwala , at huwag tayong mangapahiya sa harapan niya sa kaniyang pagparito . Kung nalalaman ninyong siya&#039;y matuwid , nalalaman naman ninyo na ang bawa&#039;t gumagawa ng katuwiran ay ipinanganak niya . Masdan ninyo kung gaanong pagibig ang ipinagkaloob sa atin ng Ama , upang tayo&#039;y mangatawag na mga anak ng Dios ; at tayo&#039;y gayon nga . Dahil dito&#039;y hindi tayo nakikilala ng sanglibutan , sapagka&#039;t siya&#039;y hindi nakilala nito . Mga minamahal , ngayon ay mga anak tayo ng Dios , at hindi pa nahahayag kung magiging ano tayo . Nalalaman natin , na kung siya&#039;y mahayag , tayo&#039;y magiging katulad niya : sapagka&#039;t siya&#039;y ating makikitang gaya ng kaniyang sarili . At sinomang mayroon ng pagasang ito sa kaniya ay naglilinis sa kaniyang sarili , gaya naman niyang malinis . Ang sinomang gumagawa ng kasalanan ay sumasalangsang din naman sa kautusan : at ang kasalanan ay ang pagsalangsang sa kautusan . At nalalaman ninyo na siya&#039;y nahayag upang magalis ng mga kasalanan ; at sa kaniya&#039;y walang kasalanan . Ang sinomang nananahan sa kaniya ay hindi nagkakasala ; sinomang nagkakasala ay hindi nakakita sa kaniya , ni hindi man nakakilala sa kaniya . Mumunti kong mga anak , huwag kayong padaya kanino man : ang gumagawa ng katuwiran ay matuwid , gaya niya na matuwid : Ang gumagawa ng kasalanan ay sa diablo ; sapagka&#039;t buhat pa nang pasimula ay nagkakasala ang diablo . Sa bagay na ito&#039;y nahayag ang Anak ng Dios , upang iwasak ang mga gawa ng diablo . Ang sinomang ipinanganak ng Dios ay hindi nagkakasala , sapagka&#039;t ang kaniyang binhi ay nananahan sa kaniya : at siya&#039;y hindi maaaring magkasala , sapagka&#039;t siya&#039;y ipinanganak ng Dios . Dito nahahayag ang mga anak ng Dios , at ang mga anak ng diablo : ang sinomang hindi gumagawa ng katuwiran ay hindi sa Dios , ni ang hindi umiibig sa kaniyang kapatid . Sapagka&#039;t ito ang pasabing inyong narinig buhat ng pasimula , na mangagibigan tayo sa isa&#039;t isa : Hindi gaya ni Cain na siya&#039;y sa masama , at pinatay ang kaniyang kapatid . At bakit niya pinatay ? Sapagka&#039;t ang kaniyang mga gawa ay masasama , at ang mga gawa ng kaniyang kapatid ay matuwid . Huwag kayong mangagtaka , mga kapatid , kung kayo&#039;y kinapopootan ng sanglibutan . Nalalaman nating tayo&#039;y nangalipat na sa buhay mula sa kamatayan , sapagka&#039;t tayo&#039;y nagsisiibig sa mga kapatid . Ang hindi umiibig ay nananahan sa kamatayan . Ang sinomang napopoot sa kaniyang kapatid ay mamamatay-tao : at nalalaman ninyong sinomang mamamatay-tao ay hindi pinananahanan ng buhay na walang hanggan . Dito&#039;y nakikilala natin ang pagibig , sapagka&#039;t kaniyang ibinigay ang kaniyang buhay dahil sa atin ; at nararapat nating ibigay ang ating mga buhay dahil sa mga kapatid . Datapuwa&#039;t ang sinomang mayroong mga pag-aari sa sanglibutang ito , at nakikita ang kaniyang kapatid na nangangailangan , at doo&#039;y ipagkait ang kaniyang awa , paanong mananahan ang pagibig ng Dios sa kaniya ? Mumunti kong mga anak , huwag tayong magsiibig ng salita , ni ng dila man ; kundi ng gawa at katotohanan . Dito&#039;y makikilala nating tayo&#039;y sa katotohanan , at papapanatagin natin ang ating mga puso sa harapan niya . Sapagka&#039;t kung hinahatulan tayo ng ating puso , ang Dios ay lalong dakila kay sa ating puso , at nalalaman niya ang lahat ng mga bagay . Mga minamahal , kung tayo&#039;y hindi hinahatulan ng ating puso , ay may pagkakatiwala tayo sa Dios ; At anomang ating hingin ay tinatanggap natin sa kaniya , sapagka&#039;t tinutupad natin ang kaniyang mga utos at ginagawa natin ang mga bagay na kalugodlugod sa kaniyang paningin . At ito ang kaniyang utos , na manampalataya tayo sa pangalan ng kaniyang Anak na si Jesucristo , at tayo&#039;y mangagibigan , ayon sa ibinigay niyang utos sa atin . At ang tumutupad ng kaniyang mga utos ay mananahan sa kaniya , at siya ay sa kaniya . At dito&#039;y nakikilala natin na siya&#039;y nananahan sa atin , sa pamamagitan ng Espiritu na kaniyang ibinigay sa atin . Mga minamahal , huwag kayong magsipaniwala sa bawa&#039;t espiritu , kundi inyong subukin ang mga espiritu , kung sila&#039;y sa Dios : sapagka&#039;t maraming nagsilitaw na mga bulaang propeta sa sanglibutan . Dito&#039;y nakikilala ninyo ang Espiritu ng Dios : ang bawa&#039;t espiritung nagpapahayag na si Jesucristo ay naparitong nasa laman ay sa Dios : At ang bawa&#039;t espiritung hindi ipinahahayag si Jesus , ay hindi sa Dios : at ito ang sa anticristo , na inyong narinig na darating ; at ngayo&#039;y nasa sanglibutan na . Kayo&#039;y sa Dios , mumunti kong mga anak , at inyong dinaig sila : sapagka&#039;t lalong dakila siyang nasa inyo kay sa nasa sanglibutan . Sila&#039;y sa sanglibutan : kaya&#039;t tungkol sa sanglibutan ang sinasalita nila , at sila&#039;y dinidinig ng sanglibutan . Tayo nga&#039;y sa Dios : ang nakakakilala sa Dios ay dumirinig sa atin ; ang hindi sa Dios ay hindi dumirinig sa atin . Dito&#039;y ating nakikilala ang espiritu ng katotohanan , at ang espiritu ng kamalian . Mga minamahal , mangagibigan tayo sa isa&#039;t isa : sapagka&#039;t ang pagibig ay sa Dios ; at ang bawa&#039;t umiibig ay ipinanganak ng Dios , at nakakakilala sa Dios . Ang hindi umiibig ay hindi nakakakilala sa Dios ; sapagka&#039;t ang Dios ay pagibig . Dito nahayag ang pagibig ng Dios sa atin , sapagka&#039;t sinugo ng Dios ang kaniyang bugtong na Anak sa sanglibutan upang tayo&#039;y mabuhay sa pamamagitan niya . Narito ang pagibig , hindi sa tayo&#039;y umibig sa Dios , kundi siya ang umibig sa atin , at sinugo ang kaniyang Anak na pangpalubagloob sa ating mga kasalanan . Mga minamahal , kung tayo&#039;y inibig ng Dios ng gayon , ay nararapat na mangagibigan din naman tayo . Sinoman ay hindi nakakita kailan man sa Dios : kung tayo&#039;y nangagiibigan , ang Dios ay nananahan sa atin , at ang kaniyang pagibig ay nagiging sakdal sa atin : Dito&#039;y nakikilala natin na tayo&#039;y nangananahan sa kaniya at siya&#039;y sa atin , sapagka&#039;t binigyan niya tayo ng kaniyang Espiritu . At nakita natin at sinasaksihan na sinugo ng Ama ang Anak upang maging Tagapagligtas ng sanglibutan . Ang sinomang nagpapahayag na si Jesus ay Anak ng Dios , ang Dios ay nananahan sa kaniya , at siya&#039;y sa Dios . At ating nakilala at ating sinampalatayanan ang pagibig ng Dios sa atin . Ang Dios ay pagibig ; at ang nananahan sa pagibig ay nananahan sa Dios , at ang Dios ay nananahan sa kaniya . Dito&#039;y naging sakdal ang pagibig sa atin , upang tayo&#039;y magkaroon ng pagkakatiwala sa araw ng paghuhukom ; sapagka&#039;t kung ano siya , ay gayon din naman tayo sa sanglibutang ito . Walang takot sa pagibig : kundi ang sakdal na pagibig ay nagpapalayas ng takot , sapagka&#039;t ang takot ay may kaparusahan ; at ang natatakot ay hindi pa pinasasakdal sa pagibig . Tayo&#039;y nagsisiibig , sapagka&#039;t siya&#039;y unang umibig sa atin . Kung sinasabi ng sinoman , Ako&#039;y umiibig sa Dios , at napopoot sa kaniyang kapatid , ay sinungaling ; sapagka&#039;t ang hindi umiibig sa kaniyang kapatid na kaniyang nakita , ay paanong makaiibig siya sa Dios na hindi niya nakita ? At ang utos na itong mula sa kaniya ay nasa atin , na ang umiibig sa Dios ay dapat umibig sa kaniyang kapatid . Ang sinomang nananampalataya na si Jesus ay siyang Cristo ay ipinanganak ng Dios : at ang bawa&#039;t umiibig sa nanganak ay umiibig din naman sa ipinanganak niyaon . Dito&#039;y ating nakikilala na tayo&#039;y nagsisiibig sa mga anak ng Dios , pagka tayo&#039;y nagsisiibig sa Dios at tinutupad natin ang kaniyang mga utos . Sapagka&#039;t ito ang pagibig sa Dios , na ating tuparin ang kaniyang mga utos : at ang kaniyang mga utos ay hindi mabibigat . Sapagka&#039;t ang sinomang ipinanganak ng Dios ay dumadaig sa sanglibutan : at ito ang pagtatagumpay na dumadaig sa sanglibutan , sa makatuwid ay ang ating pananampalataya . At sino ang dumadaig sa sanglibutan , kundi yaong nananampalatayang si Jesus ay anak ng Dios ? Ito yaong naparito sa pamamagitan ng tubig at dugo , sa makatuwid ay si Jesucristo ; hindi sa tubig lamang , kundi sa tubig at sa dugo . At ang Espiritu ang nagpapatotoo , sapagka&#039;t ang Espiritu ay katotohanan . Sapagka&#039;t may tatlong nagpapatotoo , ang Espiritu , ang tubig , at ang dugo : at ang tatlo ay nagkakaisa . Kung tinatanggap natin ang patotoo ng mga tao , ay lalong dakila ang patotoo ng Dios , sapagka&#039;t ito ang patotoo ng Dios : sapagka&#039;t ito papatotoo tungkol sa kaniyang Anak . Ang nananampalataya sa Anak ng Dios ay may patotoo sa kaniya : ang hindi nananampalataya sa Dios ay ginagawang isang sinungaling ang Dios : sapagka&#039;t hindi sumampalataya sa patotoo na ibinigay ng Dios tungkol sa kaniyang Anak . At ito ang patotoo , na tayo&#039;y binigyan ng Dios ng buhay na walang hanggan , at ang buhay na ito ay nasa kaniyang Anak . Ang kinaroroonan ng Anak ay kinaroroonan ng buhay ; ang hindi kinaroroonan ng Anak ng Dios ay hindi kinaroroonan ng buhay . Ang mga bagay na ito ay isinulat ko sa inyo , upang inyong maalaman na kayo&#039;y mayroong buhay na walang hanggan , sa makatuwid ay sa inyong nananampalataya sa pangalan ng Anak ng Dios . At ito ang nasa ating pagkakatiwala sa kaniya , na kung tayo&#039;y humingi ng anomang bagay na ayon sa kaniyang kalooban , ay dinidinig tayo niya : At kung ating nalalaman na tayo&#039;y dinidinig niya sa anomang ating hingin , ay nalalaman natin na nasa atin ang mga kahilingang sa kaniya&#039;y ating hiningi . Kung makita ng sinoman na ang kaniyang kapatid ay nagkakasala ng kasalanang hindi ikamamatay , ay idalangin siya at bibigyan siya ng Dios ng buhay , na ukol sa mga nagkakasala nang hindi ikamamatay . May kasalanang ikamamatay : hindi tungkol dito ang sinasabi ko na idalangin niya . Lahat ng kalikuan ay kasalanan : at may kasalanang hindi ikamamatay . Nalalaman natin na ang sinomang ipinanganak ng Dios ay hindi nagkakasala ; datapuwa&#039;t ang ipinanganak ng Dios ay nagiingat sa kaniyang sarili , at hindi siya ginagalaw ng masama . Nalalaman natin na tayo&#039;y sa Dios at ang buong sanglibutan ay nakahilig sa masama . At nalalaman natin na naparito ang Anak ng Dios , at tayo&#039;y binigyan ng pagkaunawa , upang ating makilala siya na totoo , at tayo&#039;y nasa kaniya na totoo , sa makatuwid ay sa kaniyang Anak na si Jesucristo . Ito ang tunay na Dios , at ang buhay na walang hanggan . Mga anak ko , mangagingat kayo sa mga diosdiosan . </passage></reply></GetPassage>