<?xml version="1.0" encoding="UTF-8"?><GetPassage xmlns="http://relaxng.org/ns/structure/1.0" xmlns:tei="http://www.tei-c.org/ns/1.0" xmlns:ti="http://chs.harvard.edu/xmlns/cts"><request><requestName>GetPassage</requestName><requestUrn>urn:cts:pbc:bible.parallel.tgl.1905:63</requestUrn></request><reply><urn>urn:cts:pbc:bible.parallel.tgl.1905:63</urn><passage>Ang matanda sa hirang na ginang at sa kaniyang mga anak , na aking iniibig sa katotohanan ; at hindi lamang ako , kundi pati ng lahat ng mga nakakakilala ng katotohanan ; Alangalang sa katotohanan na nananahan sa atin , at sasa atin magpakailan man : Sumaatin nawa ang biyaya , awa , at kapayapaang mula sa Dios Ama at kay Jesucristo , Anak ng Ama , sa katotohanan at sa pagibig . Ako&#039;y lubhang nagagalak na aking nasumpungan ang ilan sa iyong mga anak na nagsisilakad sa katotohanan , ayon sa ating tinanggap na utos sa Ama . At ngayo&#039;y ipinamamanhik ko sa iyo , ginang , na hindi waring sinusulatan kita ng isang bagong utos , kundi niyaong ating tinanggap nang pasimula , na tayo&#039;y mangagibigan sa isa&#039;t isa . At ito ang pagibig , na tayo&#039;y mangagsilakad ayon sa kaniyang mga utos . Ito ang utos , na tayo&#039;y mangagsilakad sa kaniya , gaya ng inyong narinig nang pasimula . Sapagka&#039;t maraming magdaraya na nangagsilitaw sa sanglibutan , sa makatuwid ay ang mga hindi nangagpapahayag na si Jesucristo ay napariritong nasa laman . Ito ang magdaraya at ang anticristo . Mangagingat kayo sa inyong sarili , upang huwag ninyong iwala ang mga bagay na aming pinagpagalan , kundi upang tanggapin ninyo ang isang lubos na kagantihan . Ang sinomang nagpapatuloy at hindi nananahan sa aral ni Cristo , ay hindi kinaroroonan ng Dios : ang nananahan sa aral , ay kinaroroonan ng Ama at gayon din ng Anak . Kung sa inyo&#039;y dumating ang sinoman , at hindi dala ang aral na ito , ay huwag ninyong tanggapin sa inyong bahay , at huwag ninyo siyang batiin : Sapagka&#039;t ang bumabati sa kaniya ay nararamay sa kaniyang masasamang gawa . Yamang may maraming mga bagay na isusulat sa inyo , ay hindi ko ibig isulat sa papel at tinta ; datapuwa&#039;t inaasahan kong pumariyan sa inyo , at makipagusap ng mukhaan , upang malubos ang inyong galak . Ang mga anak ng iyong hirang na kapatid na babae ay bumabati sa iyo . </passage></reply></GetPassage>