<?xml version="1.0" encoding="UTF-8"?><GetPassage xmlns="http://relaxng.org/ns/structure/1.0" xmlns:tei="http://www.tei-c.org/ns/1.0" xmlns:ti="http://chs.harvard.edu/xmlns/cts"><request><requestName>GetPassage</requestName><requestUrn>urn:cts:pbc:bible.parallel.tgl.1905:64</requestUrn></request><reply><urn>urn:cts:pbc:bible.parallel.tgl.1905:64</urn><passage>Ang matanda , kay Gayo na minamahal , na aking iniibig sa katotohanan . Minamahal , aking idinadalangin na sa lahat ng mga bagay ay guminhawa ka at bumuti ang iyong katawan , na gaya ng pagginhawa ng iyong kaluluwa . Sapagka&#039;t ako&#039;y totoong nagalak nang magsidating ang mga kapatid at mangagpatotoo sa iyong katotohanan , ayon sa paglakad mo sa katotohanan . Wala nang dakilang kagalakan sa ganang akin na gaya nito , na marinig na ang aking mga anak ay nagsisilakad sa katotohanan . Minamahal , ginagawa mo ang tapat na gawa sa lahat ng iyong ginagawa doon sa mga kapatid at sa mga taga ibang lupa ; Na siyang nangagpapatotoo ng iyong pagibig sa harapan ng iglesia : na iyong gagawan ng magaling kung iyong tutulungan sila ng nararapat sa Dios , sa kanilang paglalakbay : Sapagka&#039;t dahil sa Pangalan , ay nangagsiyaon sila na walang kinuhang anoman sa mga Gentil . Nararapat nga nating tanggaping mabuti ang mga gayon , upang tayo&#039;y maging kasama sa paggawa sa katotohanan . Ako&#039;y sumulat ng ilang bagay sa iglesia : datapuwa&#039;t si Diotrefes na nagiibig magkaroon ng kataasan sa kanila , ay hindi kami tinatanggap . Kaya&#039;t kung pumariyan ako , ay ipaaalaala ko ang mga gawang kaniyang ginagawa , na nagsasalita ng masasamang salita laban sa amin : at hindi nasisiyahan sa ganito , ni hindi man niya tinatanggap ang mga kapatid , at silang mga ibig tumanggap ay pinagbabawalan niya at pinalalayas sila sa iglesia . Minamahal , huwag mong tularan ang masama , kundi ang mabuti . Ang gumagawa ng mabuti ay sa Dios : ang gumagawa ng masama ay hindi nakakita sa Dios . Si Demetrio ay pinatototohanan ng lahat , at ng katotohanan : oo , kami man ay nagpapatotoo rin ; at nalalaman mo na ang aming patotoo ay tunay . Maraming mga bagay ang isusulat ko sana sa iyo , datapuwa&#039;t hindi ko ibig isulat sa iyo ng tinta at panulat : Datapuwa&#039;t inaasahan kong makita kang madali , at tayo&#039;y magkakausap ng mukhaan . Ang kapayapaa&#039;y sumainyo nawa . Binabati ka ng mga kaibigan . Batiin mo ang mga kaibigan sa pangalan . </passage></reply></GetPassage>