<?xml version="1.0" encoding="UTF-8"?><GetPassage xmlns="http://relaxng.org/ns/structure/1.0" xmlns:tei="http://www.tei-c.org/ns/1.0" xmlns:ti="http://chs.harvard.edu/xmlns/cts"><request><requestName>GetPassage</requestName><requestUrn>urn:cts:pbc:bible.parallel.tgl.1905:65</requestUrn></request><reply><urn>urn:cts:pbc:bible.parallel.tgl.1905:65</urn><passage>Si Judas , na alipin ni Jesucristo , at kapatid ni Santiago , sa mga tinawag , na minamahal sa Dios Ama , at iniingatang para kay Jesucristo : Kaawaan at kapayapaan at pagibig ang sa inyo nawa&#039;y paramihin . Mga minamahal , samantalang ako&#039;y totoong nagsisikap ng pagsulat sa inyo tungkol sa kaligtasan nating lahat , ay napilitan akong sumulat sa inyo na inaaralan kayong makipaglabang masikap dahil sa pananampalataya na ibinigay na minsan at magpakailan man sa mga banal . Sapagka&#039;t may ilang taong nagsipasok ng lihim , yaong mga itinalaga nang una pa sa kahatulang ito , mga di banal , na pinalitan ng kalibugan ang biyaya ng ating Dios , na itinatatuwa ang ating iisang Guro at Panginoong si Jesucristo . Ninanasa ko ngang ipaalaala sa inyo , bagama&#039;t nalalaman ninyong maigi ang lahat ng mga bagay , na nang mailigtas ng Panginoon ang isang bayan , sa lupain ng Egipto , ay nilipol niya pagkatapos yaong mga hindi nagsisipanampalataya . At ang mga anghel na hindi nangagingat ng kanilang sariling pamunuan , kundi iniwan ang kanilang sariling tahanan , ay iniingatan niya sa mga tanikalang walang hanggan sa paghuhukom sa dakilang araw . Gayon din ang Sodoma at Gomorra , at ang mga bayang nasa palibot ng mga ito , na dahil sa pagpapakabuyo sa pakikiapid at sa pagsunod sa ibang laman , ay inilagay na pinakahalimbawa , na sila&#039;y nagbabata ng parusang apoy na walang hanggan . Gayon ma&#039;y ang mga ito rin naman sa kanilang pagkagupiling ay inihahawa ang laman , at hinahamak ang mga paghahari , at nilalait ang mga puno . Datapuwa&#039;t ang arkanghel Miguel , nang makipaglaban sa diablo , na nakikipagtalo tungkol sa katawan ni Moises , ay hindi nangahas gumamit laban sa kaniya ng isang hatol na may pagalipusta , kundi sinabi , Sawayin ka nawa ng Panginoon . Datapuwa&#039;t ang mga ito&#039;y nangalipusta sa anomang bagay na hindi nila nalalaman : at sa mga bagay na talagang kanilang nauunawa , ay nangagpapakasira na gaya ng mga kinapal na walang bait . Sa aba nila ! sapagka&#039;t sila&#039;y nagsilakad sa daan ni Cain , at nagsidaluhong na walang pagpipigil sa kamalian ni Balaam dahil sa upa , at nangapahamak sa pagsalangsang ni Core . Ang mga ito&#039;y pawang mga batong natatago sa inyong piging ng pagiibigan , kung sila&#039;y nakikipagpiging sa inyo , mga pastor na walang takot na nangagpapasabsab sa kanilang sarili ; mga alapaap na walang tubig , na tinatangay ng mga hangin ; mga punong kahoy sa taginaw na walang bunga , na makalawang namatay , na binunot pati ugat ; Mga mabangis na alon sa dagat , na pinagbubula ang kanilang sariling kahihiyan ; mga bituing gala na siyang pinaglaanan ng pusikit ng kadiliman magpakailan man . At ang mga ito naman ang hinulaan ni Enoc , na ikapito sa bilang mula kay Adam , na nagsabi , Narito , dumating ang Panginoon , na kasama ang kaniyang mga laksalaksang banal , Upang isagawa ang paghuhukom sa lahat , at upang sumbatan ang lahat ng masasama sa lahat ng kanilang mga gawang masasama na kanilang ginawang may kasamaan , at sa lahat ng mga bagay na mabibigat na sinalita laban sa kaniya ng mga makasalanang masasama . Ang mga ito&#039;y mga mapagbulong , mga madaingin , na nangagsisilakad ayon sa kanilang masasamang pita ( at ang kanilang bibig ay nangagsasalita ng mga kapalaluan ) , nangagpapakita ng galang sa mga tao dahil sa pakikinabangin . Nguni&#039;t kayo , mga minamahal , ay alalahanin ninyo ang mga salitang nang una&#039;y sinabi ng mga apostol ng ating Panginoong Jesucristo ; Kung paanong sinabi sa inyo , Magkakaroon ng mga manunuya sa huling panahon , na magsisilakad ayon sa kanikanilang masasamang pita . Ang mga ito ang nagsisigawa ng paghihiwalay , malalayaw , na walang taglay na Espiritu . Nguni&#039;t kayo , mga minamahal , papagtibayin ninyo ang inyong sarili sa inyong lubhang banal na pananampalataya , na manalangin sa Espiritu Santo , Na magsipanatili kayo sa pagibig sa Dios , na inyong asahan ang awa ng ating Panginoong Jesucristo sa ikabubuhay na walang hanggan . At ang ibang nagaalinlangan ay inyong kahabagan ; At ang iba&#039;y inyong iligtas , na agawin ninyo sa apoy ; at ang iba&#039;y inyong kahabagan na may takot ; na inyong kapootan pati ng damit na nadungisan ng laman . Ngayon doon sa makapagiingat sa inyo mula sa pagkatisod , at sa inyo&#039;y makapaghaharap na walang kapintasan na may malaking galak , sa harapan ng kaniyang kaluwalhatian . Sa iisang Dios na ating Tagapagligtas , sa pamamagitan ni Jesucristo na ating Panginoon , ay sumakaniya nawa ang kaluwalhatian , ang karangalan , ang paghahari , at ang kapangyarihan , sa kaunaunahang panahon , at ngayon at magpakailan man . Siya nawa . </passage></reply></GetPassage>