<?xml version="1.0" encoding="UTF-8"?><GetPassage xmlns="http://relaxng.org/ns/structure/1.0" xmlns:tei="http://www.tei-c.org/ns/1.0" xmlns:ti="http://chs.harvard.edu/xmlns/cts"><request><requestName>GetPassage</requestName><requestUrn>urn:cts:pbc:bible.parallel.tgl.1905:66</requestUrn></request><reply><urn>urn:cts:pbc:bible.parallel.tgl.1905:66</urn><passage>Ang Apocalipsis ni Jesucristo , na ibinigay ng Dios sa kaniya upang ipahayag sa kaniyang mga alipin , sa makatuwid ay ang mga bagay na nararapat mangyaring madali : at kaniyang ipinadala at ipinaalam sa pamamagitan ng kaniyang anghel sa kaniyang alipin na si Juan ; Na sumaksi sa salita ng Dios , at sa patotoo ni Jesucristo , sa lahat ng mga bagay na nakita niya . Mapalad ang bumabasa , at ang nangakikinig ng mga salita ng hula , at tumutupad ng mga bagay na nangasusulat doon : sapagka&#039;t ang panaho&#039;y malapit na . Si Juan sa pitong iglesia na nasa Asia : Biyaya ang sumainyo nawa , at kapayapaang mula doon sa kaniya na ngayon , at nang nakaraan at darating ; at mula sa pitong Espiritu na nasa harapan ng kaniyang luklukan ; At mula kay Jesucristo na siyang saksing tapat , na panganay sa mga patay , at pangulo ng mga hari sa lupa . Doon sa umiibig sa atin , at sa nagkalag sa atin sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng kaniyang dugo ; At ginawa tayong kaharian , mga saserdote sa kaniyang Dios at Ama ; sumakaniya nawa ang kaluwalhatian at ang paghahari magpakailan kailan man . Siya nawa . Narito , siya&#039;y pumaparitong nasasa mga alapaap ; at makikita siya ng bawa&#039;t mata , at ng nangagsiulos sa kaniya ; at ang lahat ng mga angkan sa lupa ay magsisitaghoy dahil sa kaniya . Gayon din , Siya nawa . Ako ang Alpha at ang Omega , sabi ng Panginoong Dios , ngayon at nang nakaraan at sa darating , ang Makapangyarihan sa lahat . Akong si Juan , na inyong kapatid at inyong karamay sa kapighatian at sa kaharian at sa pagtitiis na kay Jesus , ay nasasa pulo na tinatawag na Patmos , dahil sa salita ng Dios at sa patotoo ni Jesus . Ako&#039;y nasa Espiritu nang araw ng Panginoon , at narinig ko sa aking likuran ang dakilang tinig , na tulad sa isang pakakak . Na nagsasabi , Ang iyong nakikita , ay isulat mo sa isang aklat at iyong ipadala sa pitong iglesia : sa Efeso , at sa Smirna , at sa Pergamo , at sa Tiatira , at sa Sardis , at sa Filadelfia , at sa Laodicea . At ako&#039;y lumingon upang makita ang tinig na nagsasalita sa akin . At nang ako&#039;y lumingon ay nakita ko ang pitong kandelerong ginto : At sa gitna ng mga kandelero ay may isang katulad ng isang anak ng tao , na may suot na damit hanggang sa paa , at may bigkis ang dibdib na isang pamigkis na ginto . At ang kaniyang ulo at ang kaniyang buhok ay mapuputing gaya ng balahibong maputi ng tupa , gaya ng niebe ; at ang kaniyang mga mata ay gaya ng ningas ng apoy ; At ang kaniyang mga paa ay katulad ng tansong binuli , na gaya ng dinalisay sa isang lutuang-bakal ; at ang kaniyang tinig ay gaya ng lagaslas ng maraming tubig . At sa kaniyang kanang kamay ay may pitong bituin : at sa kaniyang bibig ay lumabas ang isang matalas na tabak na may dalawang talim : at ang kaniyang mukha ay gaya ng araw na sumisikat ng matindi . At nang siya&#039;y aking makita , ay nasubasob akong waring patay sa kaniyang paanan . At ipinatong niya sa akin ang kaniyang kanang kamay , na sinasabi , Huwag kang matakot ; ako&#039;y ang una at ang huli , At ang Nabubuhay ; at ako&#039;y namatay , at narito , ako&#039;y nabubuhay magpakailan man , at nasa akin ang mga susi ng kamatayan at ng Hades . Isulat mo nga ang mga bagay na nakita mo , at ang mga bagay ngayon , at ang mga bagay na mangyayari sa darating ; Ang hiwaga ng pitong bituin na iyong nakita sa aking kanang kamay , at ng pitong kandelerong ginto . Ang pitong bituin ay ang mga anghel ng pitong iglesia : at ang pitong kandelero ay ang pitong iglesia . Sa anghel ng iglesia sa Efeso ay isulat mo : Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng may hawak ng pitong bituin sa kaniyang kanang kamay , na yaong lumalakad sa gitna ng pitong kandelerong ginto : Nalalaman ko ang iyong mga gawa , at ang iyong pagpapagal at pagtitiis , at hindi mo matiis ang masasamang tao , at sinubok mo ang mga nagpapanggap na apostol , at sila&#039;y hindi gayon , at nasumpungan mo silang pawang bulaan ; At may pagtitiis ka at nagbata ka dahil sa aking pangalan , at hindi ka napagod . Nguni&#039;t mayroon akong laban sa iyo , na iyong iniwan ang iyong unang pagibig . Kaya&#039;t alalahanin mo kung saan ka nahulog , at magsisi ka at gawin mo ang iyong mga unang gawa ; o kung hindi ay paririyan ako sa iyo , at aalisin ko ang iyong kandelero sa kaniyang kinalalagyan , maliban na magsisi ka . Nguni&#039;t ito&#039;y nasa iyo , na iyong kinapopootan ang mga gawa ng mga Nicolaita , na kinapopootan ko naman . Ang may pakinig , ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia . Ang magtagumpay , ay siya kong pakakanin ng punong kahoy ng buhay , na nasa Paraiso ng Dios . At sa anghel ng iglesia sa Smirna ay isulat mo : Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng una at ng huli , na namatay , at muling nabuhay : Nalalaman ko ang iyong kapighatian , at ang iyong kadukhaan ( datapuwa&#039;t ikaw ay mayaman ) , at ang pamumusong ng mga nagsasabing sila&#039;y mga Judio , at hindi sila gayon , kundi isang sinagoga ni Satanas . Huwag mong katakutan ang mga bagay na iyong malapit ng tiisin : narito , malapit ng ilagay ng diablo ang ilan sa inyo sa bilangguan , upang kayo&#039;y masubok ; at magkakaroon kayo ng kapighatiang sangpung araw . Magtapat ka hanggang sa kamatayan , at bibigyan kita ng putong ng buhay . Ang may pakinig , ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia . Ang magtagumpay ay hindi parurusahan ng ikalawang kamatayan . At sa anghel ng iglesia sa Pergamo ay isulat mo : Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng may matalas na tabak na may dalawang talim : Nalalaman ko kung saan ka tumatahan , sa makatuwid baga&#039;y sa kinaroroonan ng luklukan ni Satanas ; at iniingatan mong matibay ang aking pangalan , at hindi mo ikinaila ang aking pananampalataya , kahit nang mga araw man ni Antipas na aking saksi , aking taong tapat , na pinatay sa gitna ninyo , na tinatahanan ni Satanas . Datapuwa&#039;t mayroon akong ilang bagay na laban sa iyo , sapagka&#039;t mayroon ka diyang ilan na nanghahawak sa aral ni Balaam , na siyang nagturo kay Balac na maglagay ng katisuran sa harapan ng mga anak ni Israel , upang magsikain ng mga bagay na inihahain sa mga diosdiosan , at makiapid . Gayon din naman na mayroon kang ilan na nanghahawak sa aral ng mga Nicolaita . Magsisi ka nga ; o kung hindi ay madaling paririyan ako sa iyo , at babakahin ko sila ng tabak ng aking bibig . Ang may pakinig , ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia . Ang magtagumpay ay bibigyan ko ng manang natatago , at siya&#039;y bibigyan ko ng isang batong puti , at sa bato ay may nakasulat na isang bagong pangalan , na walang nakakaalam kundi yaong tumatanggap . At sa anghel ng iglesia sa Tiatira ay isulat mo : Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng Anak ng Dios , na may mga matang gaya ng ningas ng apoy , at ang kaniyang mga paa ay gaya ng tansong binuli : Nalalaman ko ang iyong mga gawa , at ang iyong pagibig , at pananampalataya at ministerio at pagtitiis , at ang iyong mga huling gawa ay higit kay sa mga una . Datapuwa&#039;t mayroon akong laban sa iyo , na pinahintulutan mo ang babaing si Jezebel , na nagpapanggap na propetisa ; at siya&#039;y nagtuturo at humihikayat sa aking mga lingkod upang makiapid , at kumain ng mga bagay na inihahain sa mga diosdiosan . At binigyan ko siya ng panahon upang makapagsisi ; at siya&#039;y ayaw magsisi sa kaniyang pakikiapid . Narito , akin siyang iniraratay sa higaan , at ang mga nakikiapid sa kaniya sa malaking kapighatian , maliban na kung sila&#039;y magsisipagsisi sa kaniyang mga gawa . At papatayin ko ng salot ang kaniyang mga anak ; at malalaman ng lahat ng mga iglesia na ako&#039;y yaong sumasaliksik ng mga pagiisip at ng mga puso : at bibigyan ko ang bawa&#039;t isa sa inyo ng ayon sa inyong mga gawa . Datapuwa&#039;t sinasabi ko sa inyo , sa mga iba na nasa Tiatira , sa lahat ng walang aral na ito , na hindi nakakaalam ng malalalim na bagay ni Satanas , gaya ng sinasabi nila ; hindi na ako magpapasan sa inyo ng ibang pasan . Gayon ma&#039;y ang nasa inyo&#039;y panghawakan ninyong matibay hanggang sa ako&#039;y pumariyan . At ang magtagumpay , at tumupad ng aking mga gawa hanggang sa katapusan , ay bibigyan ko ng kapamahalaan sa mga bansa : At sila&#039;y paghaharian niya sa pamamagitan ng isang panghampas na bakal , gaya ng pagkadurog ng mga sisidlang lupa ng magpapalyok ; gaya naman ng tinanggap ko sa aking Ama : At sa kaniya&#039;y ibibigay ko ang tala sa umaga . Ang may pakinig , ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia . At sa anghel ng iglesia sa Sardis ay isulat mo : Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng may pitong Espiritu ng Dios , at may pitong bituin : Nalalaman ko ang iyong mga gawa , na ikaw ay may pangalang ikaw ay nabubuhay , at ikaw ay patay . Magpuyat ka , at pagtibayin mo ang mga bagay na natitira , na malapit ng mamatay : sapagka&#039;t wala akong nasumpungang iyong mga gawang sakdal sa harapan ng aking Dios . Alalahanin mo nga kung paanong iyong tinanggap at narinig ; at ito&#039;y tuparin mo , at magsisi ka . Kaya&#039;t kung hindi ka magpupuyat ay paririyan akong gaya ng magnanakaw , at hindi mo malalaman kung anong panahon paririyan ako sa iyo . Nguni&#039;t mayroon kang ilang pangalan sa Sardis na hindi nangagdumi ng kanilang mga damit : at sila&#039;y kasama kong magsisilakad na may mga damit na maputi ; sapagka&#039;t sila&#039;y karapatdapat . Ang magtagumpay ay daramtang gayon ng mga mapuputing damit ; at hindi ko papawiin sa anomang paraan ang kaniyang pangalan sa aklat ng buhay , at ipahahayag ko ang kaniyang pangalan sa harapan ng aking Ama , at sa harapan ng kaniyang mga anghel . Ang may pakinig , ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia . At sa anghel ng iglesia sa Filadelfia ay isulat mo : Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng banal , niyaong totoo , niyaong may susi ni David , niyaong nagbubukas at di mailalapat ng sinoman , at naglalapat at di maibubukas ng sinoman : Nalalaman ko ang iyong mga gawa ( narito , inilagay ko sa harapan mo ang isang pintuang bukas , na di mailalapat ng sinoman ) , na ikaw ay may kaunting kapangyarihan , at tinupad mo ang aking salita , at hindi mo ikinaila ang aking pangalan . Narito , ibinibigay ko sa sinagoga ni Satanas , ang mga nagsasabing sila&#039;y mga Judio , at sila&#039;y hindi , kundi nangagbubulaan ; narito , sila&#039;y aking papapariyanin at pasasambahin sa harap ng iyong mga paa , at nang maalamang ikaw ay aking inibig . Sapagka&#039;t tinupad mo ang salita ng aking pagtitiis , ikaw naman ay aking iingatan sa panahon ng pagsubok , na darating sa buong sanglibutan , upang subukin ang mga nananahan sa ibabaw ng lupa . Ako&#039;y dumarating na madali : panghawakan mong matibay ang nasa iyo , upang huwag kunin ng sinoman ang iyong putong . Ang magtagumpay , ay gagawin kong haligi sa templo ng aking Dios , at hindi na siya&#039;y lalabas pa doon : at isusulat ko sa kaniya ang pangalan ng aking Dios , at ang pangalan ng bayan ng aking Dios , ang bagong Jerusalem , na mananaog buhat sa langit mula sa aking Dios , at ang aking sariling bagong pangalan . Ang may pakinig , ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia . At sa anghel ng iglesia sa Laodicea ay isulat mo : Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng Siya Nawa , ng saksing tapat at totoo , ng pasimula ng paglalang ng Dios : Nalalaman ko ang iyong mga gawa , na ikaw ay hindi malamig o mainit man : ibig ko sanang ikaw ay malamig o mainit . Kaya sapagka&#039;t ikaw ay malahininga , at hindi mainit o malamig man , ay isusuka kita sa aking bibig . Sapagka&#039;t sinasabi mo , Ako&#039;y mayaman , at nagkamit ng kayamanan , at hindi ako nangangailangan ng anoman ; at hindi mo nalalamang ikaw ang aba at maralita at dukha at bulag at hubad : Ipinapayo ko sa iyo na ikaw ay bumili sa akin ng gintong dinalisay ng apoy , upang ikaw ay yumaman : at ng mapuputing damit , upang iyong maisuot , at upang huwag mahayag ang iyong kahiyahiyang kahubaran ; at ng pangpahid sa mata , na ipahid sa iyong mga mata , upang ikaw ay makakita . Ang lahat kong iniibig , ay aking sinasaway at pinarurusahan : ikaw nga&#039;y magsikap , at magsisi . Narito ako&#039;y nakatayo sa pintuan at tumutuktok : kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto , ako&#039;y papasok sa kaniya , at hahapong kasalo niya , at siya&#039;y kasalo ko . Ang magtagumpay , ay aking pagkakaloobang umupong kasama ko sa aking luklukan , gaya ko naman na nagtagumpay , at umupong kasama ng aking Ama sa kaniyang luklukan . Ang may pakinig , ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia . Pagkatapos ng mga bagay na ito ay tumingin ako , at narito , ang isang pintong bukas sa langit , at ang unang tinig na aking narinig , na gaya ng sa pakakak , na nakikipagusap sa akin , ay sa isang nagsasabi , Umakyat ka rito , at ipakikita ko sa iyo ang mga bagay na dapat mangyari sa haharapin . Pagdaka&#039;y napasa Espiritu ako : at narito , may isang luklukang nalalagay sa langit , at sa ibabaw ng luklukan ay may isang nakaupo ; At ang nakaupo ay katulad ng isang batong jaspe at isang sardio : at naliligid ng isang bahaghari na tulad sa anyo ng isang esmeralda . At sa palibot ng luklukan ay may dalawangpu&#039;t apat na luklukan : at sa mga luklukan ay nakita kong nangakaupo ang dalawangpu&#039;t apat na matatanda , na nadaramtan ng mapuputing damit ; at sa kanilang mga ulo ay may mga putong na ginto . At mula sa luklukan ay may lumalabas na kidlat , at mga tinig at mga kulog . At may pitong ilawang apoy na mga nagliliyab sa harapan ng luklukan , na siyang pitong Espiritu ng Dios ; At sa harapan ng luklukan , ay wari na may isang dagat na bubog na katulad ng salamin ; at sa gitna ng luklukan , at sa palibot ng luklukan , ay may apat na nilalang na buhay na puno ng mga mata sa harapan at sa likuran . At ang unang nilalang ay katulad ng isang leon , at ang ikalawang nilalang ay katulad ng isang guyang baka , at ang ikatlong nilalang ay may mukhang katulad ng sa isang tao , at ang ikaapat na nilalang ay katulad ng isang agila na lumilipad . At ang apat na nilalang na buhay , na may anim na pakpak bawa&#039;t isa sa kanila , ay mga puno ng mata sa palibot at sa loob ; at sila&#039;y walang pahinga araw at gabi , na nagsasabi , Banal , banal , banal , ang Panginoong Dios , ang Makapangyarihan sa lahat , na nabuhay at nabubuhay at siyang darating . At pagka ang mga nilalang na buhay ay nangagpupuri , at nangagpaparangal at nangagpapasalamat sa nakaupo sa luklukan , doon sa nabubuhay magpakailan kailan man , Ang dalawangpu&#039;t apat na matatanda ay mangagpapatirapa sa harapan niyaong nakaupo sa luklukan , at mangagsisisamba doon sa nabubuhay magpakailan kailan man , at ilalagay ang kanilang putong sa harapan ng luklukan na nangagsasabi , Marapat ka , Oh Panginoon namin at Dios namin , na tumanggap ng kaluwalhatian at ng kapurihan at ng kapangyarihan : sapagka&#039;t nilikha mo ang lahat ng mga bagay at dahil sa iyong kalooban ay nangagsilitaw , at nangalikha . At nakita ko sa kanang kamay niyaong nakaupo sa luklukan ang isang aklat na may sulat sa loob at sa labas , na tinatakang mahigpit ng pitong tatak . At nakakita ako ng isang malakas na anghel na nagtatanyag ng malakas na tinig , Sinong karapatdapat magbukas ng aklat , at magtanggal ng mga tatak nito ? At sinoman sa langit , o sa ibabaw man ng lupa , o sa ilalim man ng lupa , ay hindi makapagbukas ng aklat , o makatingin man . At ako&#039;y umiyak na mainam , sapagka&#039;t hindi nakasumpong ng sinomang marapat magbukas ng aklat , o makatingin man : At sinabi sa akin ng isa sa matatanda , Huwag kang umiyak ; narito , ang Leon sa angkan ni Juda , ang Ugat ni David , ay nagtagumpay upang magbukas ng aklat at ng pitong tatak nito . At nakita ko sa gitna ng luklukan at ng apat na nilalang na buhay , at sa gitna ng matatanda , ang isang Cordero na nakatayo , na wari ay pinatay , na may pitong sungay , at pitong mata , na siyang pitong Espiritu ng Dios , na sinugo sa buong lupa . At siya&#039;y lumapit , at kinuha ang aklat sa kanang kamay niyaong nakaupo sa luklukan . At pagkakuha niya ng aklat , ang apat na nilalang na buhay at ang dalawangpu&#039;t apat na matatanda ay nangagpatirapa sa harapan ng Cordero , na ang bawa&#039;t isa&#039;y may alpa , at mga mangkok na ginto na puno ng kamangyan , na siyang mga panalangin ng mga banal . At sila&#039;y nangagaawitan ng isang bagong awit , na nagsasabi , Ikaw ang karapatdapat na kumuha ng aklat , at magbukas ng mga tatak nito : sapagka&#039;t ikaw ay pinatay , at binili mo sa Dios ng iyong dugo ang mga tao sa bawa&#039;t angkan , at wika , at bayan , at bansa . At sila&#039;y iyong ginawang kaharian at mga saserdote sa aming Dios ; at sila&#039;y nangaghahari sa ibabaw ng lupa . At nakita ko , at narinig ko ang tinig ng maraming mga anghel sa palibot ng luklukan at ng mga nilalang na buhay at ng matatanda ; at ang bilang nila ay sangpung libong tigsasangpung libo at libolibo ; Na nangagsasabi ng malakas na tinig , Karapatdapat ang Cordero na pinatay upang tumanggap ng kapangyarihan , at kayamanan , at karunungan , at kalakasan , at kapurihan , at kaluwalhatian , at pagpapala . At ang bawa&#039;t bagay na nilalang na nasa langit , at nasa ibabaw ng lupa , at nasa ilalim ng lupa , at nasa ibabaw ng dagat , at lahat ng mga bagay na nasa mga ito , ay narinig kong nangagsasabi , Sa kaniya na nakaupo sa luklukan , at sa Cordero ay ang pagpapala , at kapurihan , at kaluwalhatian , at paghahari , magpakailan kailan man . At ang apat na nilalang na buhay ay nagsabi , Siya nawa . At ang matatanda ay nangagpatirapa at nangagsisamba . At nakita ko nang buksan ng Cordero ang isa sa pitong tatak , at narinig ko sa isa sa apat na nilalang na buhay , na nagsalitang gaya ng tunog ng kulog , Halika . At tumingin ako , at narito , ang isang kabayong maputi , at yaong nakasakay dito ay may isang busog ; at binigyan siya ng isang putong : at siya&#039;y yumaong nagtatagumpay , at upang magtagumpay . At nang buksan niya ang ikalawang tatak , ay narinig ko sa ikalawang nilalang na buhay , na sinasabi , Halika . At may lumabas na ibang kabayo , na kabayong mapula : at ang nakasakay dito , ay pinagkaloobang magalis sa lupa ng kapayapaan , at upang mangagpatayan ang isa&#039;t isa : at binigyan siya ng isang malaking tabak . At nang buksan niya ang ikatlong tatak , ay narinig ko sa ikatlong nilalang na buhay , na nagsasabi , Halika . At tumingin ako , at narito , ang isang kabayong maitim ; at yaong nakasakay dito ay may isang timbangan sa kaniyang kamay . At narinig ko ang gaya ng isang tinig sa gitna ng apat na nilalang na buhay na nagsasabi , Sa isang denario ay isang takal na trigo , at sa isang denario ay tatlong takal na sebada ; at huwag mong ipahamak ang langis at ang alak . At nang buksan niya ang ikaapat na tatak , ay narinig ko ang tinig ng ikaapat na nilalang na buhay na nagsasabi , Halika . At tumingin ako , at narito , ang isang kabayong maputla : at ang nakasakay dito ay may pangalang Kamatayan ; at ang Hades ay sumusunod sa kaniya . At sila&#039;y pinagkalooban ng kapamahalaan sa ikaapat na bahagi ng lupa , na pumatay sa pamamagitan ng tabak , at ng gutom , at ng salot , at ng mga ganid na hayop sa lupa . At nang buksan niya ang ikalimang tatak , ay nakita ko sa ilalim ng dambana ang mga kaluluwa ng mga pinatay dahil sa salita ng Dios , at dahil sa patotoong sumakanila : At sila&#039;y sumigaw ng tinig na malakas , na nagsasabi , Hanggang kailan , Oh Panginoong banal at totoo , hindi mo hahatulan at ipaghihiganti ang aming dugo , sa mga nananahan sa ibabaw ng lupa ? At binigyan ang bawa&#039;t isa sa kanila ng isang maputing balabal ; at sa kanila&#039;y sinabi , na mangagpahinga pa ng kaunting panahon , hanggang sa maganap ang bilang ng kanilang mga kapuwa alipin at ng kanilang mga kapatid , na mga papatayin namang gaya nila . At nakita ko nang buksan niya ang ikaanim na tatak , at nagkaroon ng malakas na lindol ; at ang araw ay umitim na gaya ng isang magaspang na kayong buhok na maitim , at ang buong buwan ay naging gaya ng dugo ; At ang mga bituin sa langit ay nangahulog sa lupa , gaya ng puno ng igos na isinasambulat ang kaniyang mga bungang bubot pagka hinahampas ng malakas na hangin . At ang langit ay nahawi na gaya ng isang lulong aklat kung nalululon ; at ang bawa&#039;t bundok at pulo ay naalis sa kanilang kinatatayuan . At ang mga hari sa lupa , at ang mga prinsipe , at ang mga pangulong kapitan , at ang mayayaman , at ang mga makapangyarihan , at ang bawa&#039;t alipin at ang bawa&#039;t laya , ay nagsipagtago sa mga yungib at sa mga bato sa mga bundok ; At sinasabi nila sa mga bundok at sa mga bato , Mahulog kayo sa amin , at kami&#039;y inyong itago sa mukha noong nakaupo sa luklukan , at sa galit ng Cordero : Sapagka&#039;t dumating na ang dakilang araw ng kanilang kagalitan ; at sino ang makatatayo ? At pagkatapos nito ay nakita ko ang apat na anghel na nakatayo sa apat na sulok ng lupa , na pinipigil ang apat na hangin ng lupa , upang huwag humihip ang hangin sa lupa , o sa dagat man , o sa anomang punong kahoy . At nakita ko ang ibang anghel na umaakyat mula sa sikatan ng araw , na taglay ang tatak ng Dios na buhay : at siya&#039;y sumigaw ng tinig na malakas sa apat na anghel na pinagkaloobang maipahamak ang lupa at ang dagat , Na nagsasabi , Huwag ninyong ipahamak ang lupa , kahit ang dagat , kahit ang mga punong kahoy , hanggang sa aming matatakan sa kanilang mga noo ang mga alipin ng ating Dios . At narinig ko ang bilang ng mga natatakan , na isang daan at apat na pu&#039;t apat na libo , na natatakan , sa bawa&#039;t angkan ng mga anak ni Israel : Sa angkan ni Juda ay labingdalawang libo ang tinatakan ; Sa angkan ni Ruben ay labingdalawang libo ; Sa angkan ni Gad ay labingdalawang libo ; Sa angkan ni Aser ay labingdalawang libo ; Sa angkan ni Neftali ay labingdalawang libo ; Sa angkan ni Manases ay labingdalawang libo ; Sa angkan ni Simeon ay labingdalawang libo ; Sa angkan ni Levi ay labingdalawang libo ; Sa angkan ni Isacar ay labingdalawang libo ; Sa angkan ni Zabulon ay labingdalawang libo ; Sa angkan ni Jose ay labingdalawang libo ; Sa angkan ni Benjamin ay labingdalawang libo ang tinatakan . Pagkatapos ng mga bagay na ito ay tumingin ako , at narito , ang isang lubhang karamihan na di mabilang ng sinoman , na mula sa bawa&#039;t bansa at lahat ng mga angkan at mga bayan at mga wika , na nakatayo sa harapan ng luklukan at sa harapan ng Cordero , na nangadaramtan ng mapuputing damit , at may mga palma sa kanilang mga kamay ; At nagsisigawan ng tinig na malakas , na nangagsasabi , Ang pagliligtas ay sumaaming Dios na nakaupo sa luklukan , at sa Cordero . At ang lahat ng mga anghel ay nangakatayo sa palibot ng luklukan , at ng matatanda at ng apat na nilalang na buhay ; at sila&#039;y nangagpatirapa sa harapan ng luklukan , at nangagsisamba sa Dios , Na nangagsasabi , Siya nawa : Pagpapala at kaluwalhatian , at karunungan , at pagpapasalamat , at karangalan , at kapangyarihan , at kalakasan , nawa ang sumaaming Dios magpakailan kailan man . Siya nawa . At sumagot ang isa sa matatanda na , nagsasabi sa akin , Ang mga ito na nangadaramtan ng mapuputing damit , ay sino-sino at saan nagsipanggaling ? At sinabi ko sa kaniya , Panginoon ko , Ikaw ang nakakaalam . At sinabi niya sa akin , Ang mga ito&#039;y ang nanggaling sa malaking kapighatian , at nangaghugas ng kanilang mga damit , at pinaputi sa dugo ng Cordero . Kaya&#039;t sila&#039;y nasa harapan ng luklukan ng Dios ; at nangaglilingkod sa kaniya araw at gabi sa kaniyang templo : at siyang nakaupo sa luklukan , ay lulukuban sila ng kaniyang tabernakulo . Sila&#039;y hindi na magugutom pa , ni mauuhaw pa man ; ni hindi na sila tatamaan ng araw , o ng anomang init : Sapagka&#039;t ang Cordero na nasa gitna ng luklukan ay siyang magiging pastor nila , at sila&#039;y papatnugutan sa mga bukal ng tubig ng buhay : at papahirin ng Dios ang bawa&#039;t luha ng kanilang mga mata . At nang buksan niya ang ikapitong tatak , ay nagkaroon ng katahimikan sa langit na may kalahating oras . At nakita ko ang pitong anghel na nangakatayo sa harapan ng Dios ; at sila&#039;y binigyan ng pitong pakakak . At dumating ang ibang anghel at tumayo sa harap ng dambana , na may hawak na isang gintong pangsuob ng kamangyan ; at binigyan siya ng maraming kamangyan , upang idagdag ito sa mga panalangin ng lahat ng mga banal sa ibabaw ng dambanang ginto , na nasa harapan ng luklukan . At ang usok ng kamangyan , kalakip ng mga panalangin ng mga banal , ay napailanglang mula sa kamay ng anghel , sa harapan ng Dios . At kinuha ng anghel ang pangsuob ng kamangyan ; at pinuno niya ng apoy ng dambana , at itinapon sa lupa : at nagkaroon ng mga kulog , at mga tinig , at mga kidlat , at ng isang lindol . At ang pitong anghel na may pitong pakakak ay nagsihanda upang magsihihip . At humihip ang una , at nagkaroon ng granizo at apoy , na may halong dugo , at itinapon sa lupa : at ang ikatlong bahagi ng lupa ay nasunog , at ang ikatlong bahagi ng mga punong kahoy ay nasunog , at ang lahat ng sariwang damo ay nasunog . At humihip ang ikalawang anghel , at ang tulad sa isang malaking bundok na nagliliyab sa apoy ay nabulusok sa dagat : at ang ikatlong bahagi ng dagat ay naging dugo ; At namatay ang ikatlong bahagi ng mga nilalang na nasa dagat , na mga may buhay ; at ang ikatlong bahagi sa mga daong ay nawalat . At humihip ang ikatlong anghel , at nahulog mula sa langit ang isang malaking bituin , na nagliliyab na gaya ng isang sulo , at nahulog sa ikatlong bahagi ng mga ilog , at sa mga bukal ng tubig ; At ang pangalan ng bituin ay Ajenjo : at ang ikatlong bahagi ng tubig ay naging ajenjo ; at maraming tao ay nangamatay dahil sa tubig , sapagka&#039;t mapait ang tubig . At humihip ang ikaapat na anghel , at nasugatan ang ikatlong bahagi ng araw , at ang ikatlong bahagi ng buwan , at ang ikatlong bahagi ng bituin ; upang magdilim ang ikatlong bahagi nila , at upang ang ikatlong bahagi ng maghapon ay huwag lumiwanag , at gayon din naman ang gabi . At nakita ko , at narinig ko ang isang anghel , na lumilipad sa pagitan ng langit , na nagsasabi ng malakas na tinig , Sa aba , sa aba , sa aba ng mga nananahan sa ibabaw ng lupa , dahil sa mga ibang tunog ng pakakak ng tatlong anghel , na magsisihihip pa . At humihip ang ikalimang anghel , at nakita ko ang isang bituin na nahulog sa lupa mula sa langit : at sa kaniya&#039;y ibinigay ang susi ng hukay ng kalaliman . At binuksan niya ang balon ng kalaliman ; at napailanglang ang usok mula sa hukay , na gaya ng usok ng isang malaking lutuang-bakal ; at nagdilim ang araw at ang himpapawid dahil sa usok ng hukay . At nangagsilabas sa usok ang mga balang sa lupa ; at binigyan sila ng kapangyarihan , na gaya ng mga alakdan sa lupa na may kapangyarihan . At sinabi sa kanila na huwag ipahamak ang damo sa lupa , ni ang anomang bagay na sariwa , ni ang anomang punong kahoy , kundi ang mga tao lamang na walang tatak ng Dios sa kanilang mga noo . At pinagkalooban silang huwag patayin ang mga ito , kundi pahirapan nilang limang buwan : at ang kanilang pahirap ay gaya ng pahirap ng alakdan kung kumakagat sa isang tao . At sa mga araw na yaon ay hahanapin ng mga tao ang kamatayan , at sa anomang paraa&#039;y hindi nila masusumpungan ; at mangagnanasang mamatay , at ang kamatayan ay tatakas sa kanila . At ang anyo ng mga balang ay katulad ng mga kabayong nahahanda sa pagbabaka ; at sa kanilang mga ulo ay gaya ng mga putong na katulad ng ginto , at ang kanilang mga mukha ay gaya ng mga mukha ng mga tao . At sila&#039;y may buhok na gaya ng buhok ng mga babae , at ang kanilang mga ngipin ay gaya ng sa mga leon . At sila&#039;y may mga baluti , na gaya ng baluting bakal ; at ang ugong ng kanilang mga pakpak ay gaya ng ugong ng mga karro , at ng maraming kabayo na dumadaluhong sa pagbabaka . At sila&#039;y may mga buntot na gaya ng sa mga alakdan , at mga tibo ; at sa kanilang mga buntot naroroon ang kanilang kapangyarihan upang ipahamak ang mga taong limang buwan . Sila&#039;y may pinakahari na anghel ng kalaliman : ang kaniyang pangalan sa wikang Hebreo ay Abaddon , at sa Griego ay may pangalan siyang Apolyon . Ang unang Pagkaaba ay nakaraan na : narito , darating pa ang dalawang Pagkaaba sa haharapin . At humihip ang ikaanim na anghel , at narinig ko ang isang tinig mula sa mga sungay ng dambanang ginto na nasa harapan ng Dios , Na nagsasabi sa ikaanim na anghel na may pakakak , Kalagan mo ang apat na anghel na nagagapos sa malaking ilog ng Eufrates . At kinalagan ang apat na anghel , na nangahahanda sa oras at araw at buwan at taon upang patayin ang ikatlong bahagi ng mga tao . At ang bilang ng mga hukbong nangangabayo ay makalawang sangpunglibong tigsasangpung libo : aking narinig ang bilang nila . At nakita kong sa pangitain ang mga kabayo , at ang mga nakasakay dito , na may mga baluting gaya ng apoy at ng jacinto at ng asupre : at ang mga ulo ng mga kabayo ay gaya ng mga ulo ng mga leon ; at sa kanilang mga bibig ay lumalabas ang apoy at usok at asupre . Sa pamamagitan ng tatlong salot na ito ay napatay ang ikatlong bahagi ng mga tao , sa pamamagitan ng apoy at ng usok at ng asupre , na nangagsisilabas sa kanilang mga bibig . Sapagka&#039;t ang kapangyarihan ng mga kabayo ay nasa kanilang bibig , at nasa kanilang mga buntot ; sapagka&#039;t ang kanilang mga buntot ay kawangis ng mga ahas , at may mga ulo ; at siya nilang ipinananakit . At ang nalabi sa mga tao , na hindi napatay sa mga salot na ito , ay hindi nagsipagsisi sa mga gawa ng kanilang mga kamay , upang huwag sumamba sa mga demonio , at sa mga diosdiosang ginto , at pilak , at tanso , at bato , at kahoy ; na hindi nangakakakita , ni nangakaririnig man , ni nangakalalakad man . At sila&#039;y hindi nagsipagsisi sa kanilang mga pagpatay , kahit man sa kanilang panggagaway , kahit man sa kanilang pakikiapid , kahit man sa kanilang pagnanakaw . At nakita ko ang ibang malakas na anghel na nanaog na mula sa langit , na nabibihisan ng isang alapaap ; at ang bahaghari ay nasa kaniyang ulo , at ang kaniyang mukha ay gaya ng araw , at ang kaniyang mga paa ay gaya ng mga haliging apoy ; At may isang maliit na aklat na bukas sa kaniyang kamay : at itinungtong ang kaniyang kanang paa sa dagat , at ang kaniyang kaliwa ay sa lupa ; At sumigaw ng malakas na tinig , na gaya ng leon na umaangal : at pagkasigaw niya , ay ang pitong kulog ay umugong . At pagkaugong ng pitong kulog , ay isusulat ko sana : at narinig ko ang isang tinig na mula sa langit , na nagsasabi , Tatakan mo ang mga bagay na sinalita ng pitong kulog , at huwag mong isulat . At ang anghel na aking nakita na nakatayo sa ibabaw ng dagat at sa ibabaw ng lupa ay itinaas ang kaniyang kanang kamay sa langit , At ipinanumpa yaong nabubuhay magpakailan kailan man , na lumalang ng langit at ng mga bagay na naroroon , at ng lupa at ng mga bagay na naririto , at ng dagat at ng mga bagay na naririto , na hindi na magluluwat ang panahon : Kundi sa mga araw ng tinig ng ikapitong anghel , pagka malapit nang siya&#039;y humihip , kung magkagayo&#039;y ganap na ang hiwaga ng Dios , ayon sa mabubuting balita na kaniyang isinaysay sa kaniyang mga alipin na mga propeta . At ang tinig na aking narinig na mula sa langit , ay muling nagsalita sa akin , at nagsabi , Humayo ka , kunin mo ang aklat na bukas na nasa kamay ng anghel na nakatayo sa ibabaw ng dagat at sa ibabaw ng lupa . At ako&#039;y naparoon sa anghel na nagsabi ako sa kaniya na ibigay sa akin ang maliit na aklat . At kaniyang sinabi sa akin , Kunin mo ito , at ito&#039;y kanin mo ; at papapaitin ang iyong tiyan , datapuwa&#039;t sa iyong bibig ay magiging matamis na gaya ng pulot . At kinuha ko ang maliit na aklat sa kamay ng anghel , at aking kinain ; at sa aking bibig ay matamis na gaya ng pulot : at nang aking makain , ay pumait ang aking tiyan . At sinasabi nila sa akin , Dapat kang manghulang muli sa maraming mga bayan at mga bansa at mga wika at mga hari . At binigyan ako ng isang tambong katulad ng isang panukat : at may isang nagsabi , Magtindig ka , at sukatin mo ang templo ng Dios , at ang dambana , at ang mga sumasamba doon . At ang loobang nasa labas ng templo ay pabayaan mo , at huwag mong sukatin ; sapagka&#039;t ibinigay sa mga Gentil ; at kanilang yuyurakang apat na pu&#039;t dalawang buwan ang banal na siudad . At may ipagkakaloob ako sa aking dalawang saksi , at sila&#039;y magsisipanghulang isang libo at dalawang daan at anim na pung araw , na nararamtan ng magagaspang na kayo . Ang mga ito&#039;y ang dalawang punong olibo at ang dalawang kandelero , na nangakatayo sa harapan ng Panginoon ng lupa . At kung nasain ng sinoman na sila&#039;y ipahamak , ay apoy ang lumalabas sa kanilang bibig , at lumalamon sa kanilang mga kaaway ; at kung nasain ng sinoman na sila&#039;y ipahamak ay kailangan ang mamatay sa ganitong paraan . Ang mga ito&#039;y may kapangyarihang magsara ng langit , upang huwag umulan sa loob ng mga araw ng kanilang hula : at may kapangyarihan sila sa mga tubig na mapaging dugo , at mapahirapan ang lupa ng bawa&#039;t salot sa tuwing kanilang nasain . At pagka natapos nila ang kanilang patotoo , ang hayop na umahon mula sa kalaliman ay babaka sa kanila , at pagtatagumpayan sila , at sila&#039;y papatayin . At ang kanilang mga bangkay ay nasa lansangan ng malaking bayan , na ayon sa espiritu ay tinatawag na Sodoma at Egipto , na doon din naman ipinako sa krus ang Panginoon nila . At ang mga tao mula sa gitna ng mga bayan at mga angkan at mga wika at mga bansa , ay nanonood sa kanilang mga bangkay na tatlong araw at kalahati , at hindi itutulot na ang kanilang mga bangkay ay malibing . At ang mga nananahan sa ibabaw ng lupa ay mangagagalak tungkol sa kanila , at mangatutuwa ; at sila&#039;y mangagpapadalahan ng mga kaloob ; sapagka&#039;t ang dalawang propetang ito ay nagpahirap sa nangananahan sa ibabaw ng lupa . At pagkatapos ng tatlong araw at kalahati , ang hininga ng buhay na mula sa Dios ay pumasok sa kanila , at sila&#039;y nangagsitindig ; at dinatnan ng malaking takot ang mga nakakita sa kanila . At narinig nila ang isang malakas na tinig na nagsasabi sa kanila , Umakyat kayo rito . At sila&#039;y umakyat sa langit sa isang alapaap ; at pinagmasdan sila ng kanilang mga kaaway . At nang oras na yaon ay nagkaroon ng isang malakas na lindol , at nagiba ang ikasangpung bahagi ng bayan ; at may nangamatay sa lindol na pitong libo katao : at ang mga iba ay nangatatakot , at nangagbigay ng kaluwalhatian sa Dios ng langit . Nakaraan na ang ikalawang Pagkaaba : narito , nagmamadaling dumarating ang ikatlong Pagkaaba . At humihip ang ikapitong anghel ; at nagkaroon ng malalakas na tinig sa langit , at nagsasabi , Ang kaharian ng sanglibutan ay naging sa ating Panginoon , at sa kaniyang Cristo : at siya&#039;y maghahari magpakailan kailan man . At ang dalawangpu&#039;t apat na matatanda na nakaupo sa kanikaniyang luklukan sa harapan ng Dios ay nangagpatirapa , at nangagsisamba sa Dios , Na nangagsasabi , Pinasasalamatan ka namin , Oh Panginoong Dios , na Makapangyarihan sa lahat , na ikaw ngayon , at naging ikaw nang nakaraan ; sapagka&#039;t hinawakan mo ang iyong dakilang kapangyarihan , at ikaw ay naghari . At nangagalit ang mga bansa , at dumating ang iyong poot , at ang panahon ng mga patay upang mangahatulan , at ang panahon ng pagbibigay mo ng ganting-pala sa iyong mga alipin na mga propeta , at sa mga banal , at sa mga natatakot sa iyong pangalan , maliliit at malalaki ; at upang ipahamak mo ang mga nagpapahamak ng lupa . At nabuksan ang templo ng Dios na nasa langit : at nakita sa kaniyang templo ang kaban ng kaniyang tipan ; at nagkaroon ng mga kidlat , at mga tinig , at mga kulog , at isang lindol , at malaking granizo . At ang isang dakilang tanda ay nakita sa langit : isang babae na nararamtan ng araw , at ang buwan ay nasa ilalim ng kaniyang mga paa , at sa kaniyang ulo ay may isang putong na labingdalawang bituin ; At siya&#039;y nagdadalang tao ; at siya&#039;y sumisigaw , na nagdaramdam sa panganganak , at sa hirap upang manganak . At ang ibang tanda ay nakita sa langit : at narito , ang isang malaking dragong mapula , na may pitong ulo at sangpung sungay , at sa kaniyang mga ulo&#039;y may pitong diadema . At kinaladkad ng kaniyang buntot ang ikatlong bahagi ng mga bituin sa langit , at ipinaghagis sa lupa : at lumagay ang dragon sa harapan ng babaing manganganak na , upang lamunin ang kaniyang anak pagkapanganak niya . At siya&#039;y nanganak ng isang anak na lalake , na maghahari na may panghampas na bakal sa lahat ng mga bansa : at ang kaniyang anak ay inagaw na dinala hanggang sa Dios , at hanggang sa kaniyang luklukan . At tumakas ang babae sa ilang , na doon siya&#039;y ipinaghanda ng Dios ng isang dako , upang doon siya ampuning isang libo dalawang daan at anim na pung araw . At nagkaroon ng pagbabaka sa langit : si Miguel at ang kaniyang mga anghel ay nakipagbaka sa dragon ; at ang dragon at ang kaniyang mga anghel ay nakipagbaka ; At hindi sila nanganalo , ni nasumpungan pa man ang kanilang dako sa langit . At inihagis ang malaking dragon , ang matandang ahas , ang tinatawag na Diablo at Satanas , ang dumadaya sa buong sanglibutan ; siya&#039;y inihagis sa lupa , at ang kaniyang mga anghel ay inihagis na kasama niya . At narinig ko ang isang malakas na tinig sa langit , na nagsasabi , Ngayo&#039;y dumating ang kaligtasan , at ang kapangyarihan , at ang kaharian ng ating Dios , at ang kapamahalaan ng kaniyang Cristo : sapagka&#039;t inihagis na ang tagapagsumbong sa ating mga kapatid na siyang sa kanila&#039;y nagsusumbong sa harapan ng ating Dios araw at gabi . At siya&#039;y kanilang dinaig dahil sa dugo ng Cordero , at dahil sa salita ng kanilang patotoo , at hindi nila inibig ang kanilang buhay hanggang sa kamatayan . Kaya&#039;t mangagalak kayo , Oh mga langit at kayong nagsisitahan diyan . Sa aba ng lupa at ng dagat : sapagka&#039;t ang diablo&#039;y bumaba sa inyo , na may malaking galit , sa pagkaalam niya na kaunting panahon na lamang mayroon siya . At nang makita ng dragon na siya&#039;y inihagis sa lupa , ay inusig niya ang babaing nanganak ng sanggol na lalake . At sa babae&#039;y ibinigay ang dalawang pakpak ng agilang malaki , upang ilipad sa ilang mula sa harap ng ahas hanggang sa kaniyang tahanan , na pinagkandilihan sa kaniyang isang panahon , at mga panahon , at kalahati ng isang panahon . At ang ahas ay nagbuga sa kaniyang bibig sa likuran ng babae ng tubig na gaya ng isang ilog , upang maipatangay siya sa agos . At tinulungan ng lupa ang babae , at ibinuka ang kaniyang bibig at nilamon ang ilog na ibinuga ng dragon sa kaniyang bibig . At nagalit ang dragon sa babae , at umalis upang bumaka sa nalabi sa kaniyang binhi , na siyang nagsisitupad ng mga utos ng Dios , at mga may patotoo ni Jesus : At siya&#039;y tumayo sa buhanginan ng dagat . At nakita ko ang isang hayop na umaahon sa dagat , na may sangpung sungay at pitong ulo , at sa kanilang mga sungay ay may sangpung diadema , at sa kaniyang mga ulo ay mga pangalan ng kapusungan . At ang hayop na aking nakita ay katulad ng isang leopardo , at ang kaniyang mga paa ay gaya ng sa oso , at ang kaniyang bibig ay gaya ng bibig ng leon : at ibinigay sa kaniya ng dragon ang kaniyang kapangyarihan , at ang kaniyang luklukan , at dakilang kapamahalaan . At nakita ko ang isa sa kaniyang mga ulo na waring sinugatan ng ikamamatay ; at ang kaniyang sugat na ikamamatay ay gumaling : at ang buong lupa&#039;y nanggilalas sa hayop ; At sila&#039;y nangagsisamba sa dragon , sapagka&#039;t ibinigay niya ang kaniyang kapamahalaan sa hayop ; at nangagsisamba sa hayop , na nangagsasabi , Sino ang kagaya ng hayop ? at sinong makababaka sa kaniya ? At binigyan siya ng isang bibig na nagsasalita ng malalaking bagay at mga kapusungan : at binigyan siya ng kapamahalaan , upang magpatuloy na apat na pu&#039;t dalawang buwan . At binuka niya ang kaniyang bibig sa mga kapusungan laban sa Dios , upang pusungin ang kaniyang pangalan , at ang kaniyang tabernakulo , gayon din naman ang mga nananahan sa langit . At ipinagkaloob sa kaniya na makipagbaka sa mga banal , at pagtagumpayan sila ; at binigyan siya ng kapamahalaan sa bawa&#039;t angkan at bayan at wika at bansa . At ang lahat ng nangananahan sa lupa ay magsisisamba sa kaniya , na ang kanikaniyang pangalan ay hindi nasusulat sa aklat ng buhay ng Cordero na pinatay buhat nang itatag ang sanglibutan . Kung ang sinoman ay may pakinig , ay makinig . Kung ang sinoman ay sa pagkabihag , ay sa pagkabihag paroroon siya : kung ang sinoman ay papatay sa tabak , ay dapat siyang mamatay sa tabak . Narito ang pagtitiyaga at ang pananampalataya ng mga banal . At nakita ko ang ibang hayop na umaahon sa lupa ; at may dalawang sungay na katulad ng sa isang kordero , at siya&#039;y nagsasalitang gaya ng dragon . At kaniyang isinasagawa ang buong kapamahalaan ng unang hayop sa kaniyang paningin . At pinasasamba niya ang lupa at ang nangananahan dito sa unang hayop , na gumaling ang sugat na ikamamatay . At siya&#039;y gumagawa ng mga dakilang tanda , na ano pa&#039;t nakapagpapababa ng kahit apoy mula sa langit hanggang sa lupa sa paningin ng mga tao . At nadadaya niya ang mga nananahan sa lupa dahil sa mga tanda na sa kaniya&#039;y ipinagkaloob na magawa sa paningin ng hayop ; na sinasabi sa mga nananahan sa lupa , na dapat silang gumawa ng isang larawan ng hayop na mayroon ng sugat ng tabak at nabuhay . At siya&#039;y pinagkaloobang makapagbigay ng hininga sa larawan ng hayop , upang ang larawan ng hayop ay makapangusap , at maipapatay naman ang lahat ng hindi sumasamba sa larawan ng hayop . At ang lahat , maliliit at malalaki , at mayayaman at mga dukha , at ang mga laya at ang mga alipin ay pinabigyan ng isang tanda sa kanilang kanang kamay , o sa noo ; At nang huwag makabili o makapagbili ang sinoman , kundi siyang mayroong tanda , sa makatuwid ay ng pangalan ng hayop o bilang ng kaniyang pangalan . Dito&#039;y may karunungan . Ang may pagkaunawa ay bilangin ang bilang ng hayop ; sapagka&#039;t siyang bilang ng isang tao : at ang kaniyang bilang ay Anim na raan at anim na pu&#039;t anim . At tumingin ako , at narito , ang Cordero ay nakatayo sa bundok ng Sion , at ang kasama niya&#039;y isang daan at apat na pu&#039;t apat na libong may pangalan niya , at pangalan ng kaniyang Ama , na nasusulat sa kanikaniyang noo . At narinig ko ang isang tinig na mula sa langit , na gaya ng lagaslas ng maraming tubig , at gaya ng ugong ng malakas na kulog : at ang tinig na aking narinig ay gaya ng sa mga manunugtog ng alpa na tumutugtog ng kanilang mga alpa : At sila&#039;y nangagaawitan na wari&#039;y isang bagong awit sa harapan ng luklukan , at sa harap ng apat na nilalang na buhay at ng matatanda : at sinoman ay hindi maaaring matuto ng awit kundi ang isang daan at apat na pu&#039;t apat na libo lamang , sa makatuwid ay siyang mga binili mula sa lupa . Ang mga ito&#039;y ang hindi nangahawa sa mga babae ; sapagka&#039;t sila&#039;y mga malilinis . At ang mga ito&#039;y ang nagsisisunod sa Cordero saan man siya pumaroon . Ang mga ito&#039;y ang binili sa gitna ng mga tao , na maging mga pangunahing bunga sa Dios at sa Cordero . At sa kanikaniyang bibig ay walang nasumpungang kasinungalingan : sila&#039;y mga walang dungis . At nakita ko ang ibang anghel na lumilipad sa gitna ng langit , na may mabuting balita na walang hanggan upang ibalita sa mga nananahan sa lupa , at sa bawa&#039;t bansa at angkan at wika at bayan ; At sinasabi niya ng malakas na tinig , Matakot kayo sa Dios , at magbigay kaluwalhatian sa kaniya ; sapagka&#039;t dumating ang panahon ng kaniyang paghatol : at magsisamba kayo sa gumawa ng langit at ng lupa at ng dagat at ng mga bukal ng tubig . At ang iba , ang pangalawang anghel , ay sumunod na nagsasabi , Naguho , naguho ang dakilang Babilonia , na siyang nagpainom sa lahat na bansa ng alak ng kagalitan ng kaniyang pakikiapid . At ang ibang anghel , ang pangatlo , ay sumunod sa kanila , na nagsasabi ng malakas na tinig , Kung ang sinoman ay sumasamba sa hayop at sa kaniyang larawan , at tumatanggap ng tanda sa kaniyang noo , o sa kaniyang kamay , Ay iinom din naman siya ng alak ng kagalitan ng Dios , na nahahandang walang halo sa inuman ng kaniyang kagalitan ; at siya&#039;y pahihirapan ng apoy at asupre sa harapan ng mga banal na anghel , at sa harapan ng Cordero : At ang usok ng hirap nila ay napaiilanglang magpakailan kailan man ; at sila&#039;y walang kapahingahan araw at gabi , silang mga nagsisisamba sa hayop at sa kaniyang larawan , at sinomang tumatanggap ng tanda ng kaniyang pangalan . Narito ang pagtitiyaga ng mga banal , ng mga nagsisitupad ng mga utos ng Dios , at ng pananampalataya kay Jesus . At narinig ko ang isang tinig na mula sa langit na nagsasabi , Isulat mo , Mapapalad ang mga patay na nangamamatay sa Panginoon mula ngayon : oo , sinasabi ng Espiritu , upang sila&#039;y mangagpahinga sa kanilang mga gawa ; sapagka&#039;t ang kanilang mga gawa ay sumusunod sa kanila . At nakita ko , at narito , ang isang alapaap na maputi ; at nakita ko na nakaupo sa alapaap ang isang katulad ng isang anak ng tao , na sa kaniyang ulo&#039;y may isang putong na ginto , at sa kaniyang kamay ay may isang panggapas na matalas . At lumabas ang ibang anghel sa templo , na sumisigaw ng malakas na tinig doon sa nakaupo sa alapaap , Ihulog mo ang iyong panggapas , at gumapas ka ; sapagka&#039;t dumating ang oras ng paggapas , sapagka&#039;t ang aanihin sa lupa ay hinog na . At inihagis ng nakaupo sa alapaap ang kaniyang panggapas sa lupa ; at ang lupa ay nagapasan . At lumabas ang ibang anghel sa templong nasa langit , na may panggapas din namang matalas . At ang ibang anghel ay lumabas sa dambana , na siyang may kapangyarihan sa apoy , at tinawagan ng malakas na tinig yaong may panggapas na matalas , na sinasabi , Ihulog mo ang iyong panggapas na matalas , at putihin mo ang mga buwig sa ubasan sa lupa ; sapagka&#039;t ang kaniyang mga ubas ay mga hinog na . At inihagis ng anghel ang kaniyang panggapas sa lupa , at pinuti ang mga ubas sa lupa , at inihagis sa pisaan ng ubas , sa malaking pisaan ng kagalitan ng Dios . At nayurakan ang pisaan ng ubas sa labas ng bayan , at lumabas sa pisaan ng ubas ang dugo , na umapaw hanggang sa mga preno ng mga kabayo , sa lawak na isang libo at anim na raang estadio . At nakita ko ang ibang tanda sa langit , dakila at kagilagilalas . Pitong anghel na may pitong salot , na siyang mga panghuli , sapagka&#039;t sa mga yao&#039;y magaganap ang kagalitan ng Dios . At nakita ko ang gaya ng isang dagat na bubog na may halong apoy , at yaong nangagtagumpay sa hayop , at sa kaniyang larawan , at sa bilang ng kaniyang pangalan , ay nangakatayo sa tabi ng dagat na bubog , na may mga alpa ng Dios . At inaawit nila ang awit ni Moises na alipin ng Dios , at ang awit ng Cordero , na sinasabi , Mga dakila at kagilagilalas ang iyong mga gawa , Oh Panginoong Dios , na Makapangyarihan sa lahat ; matuwid at tunay ang iyong mga daan , ikaw na Hari ng mga bansa . Sinong hindi matatakot , Oh Panginoon , at luluwalhatiin ang iyong pangalan ? sapagka&#039;t ikaw lamang ang banal ; sapagka&#039;t ang lahat ng mga bansa ay darating at magsisisamba sa harapan mo ; sapagka&#039;t ang iyong mga matuwid na gawa ay nangahayag . At pagkatapos ng mga bagay na ito ay tumingin ako , at ang santuario ng tabernakulo ng patotoo sa langit ay nabuksan . At sa santuario ay nagsilabas ang pitong anghel na may pitong salot , na nararamtan ng mahalagang bato , tunay at makintab , at nangabibigkisan ng gintong pamigkis ang kanilang mga dibdib . At isa sa apat na nilalang na buhay ay nagbigay sa pitong anghel ng pitong mangkok na ginto na puno ng kagalitan ng Dios , na siyang nabubuhay magpakailan kailan man . At napuno ng usok ang santuario mula sa kaluwalhatian ng Dios , at sa kaniyang kapangyarihan ; at sinoman ay hindi nakapasok sa santuario , hanggang sa matapos ang pitong salot ng pitong anghel . At narinig ko ang isang malakas na tinig na mula sa santuario , na nagsasabi sa pitong anghel , Humayo kayo , at ibuhos ninyo ang pitong mangkok ng kagalitan ng Dios sa lupa . At humayo ang una , at ibinuhos ang kaniyang mangkok sa lupa ; at naging sugat na masama at mabigat sa mga taong may tanda ng hayop na yaon , at nangagsisamba sa kaniyang larawan . At ibinuhos ng ikalawa ang kaniyang mangkok sa dagat ; at naging dugo na gaya ng isang patay ; at bawa&#039;t kaluluwang may buhay , sa makatuwid ay ang nangasa dagat ay nangamatay . At ibinuhos ng ikatlo ang kaniyang mangkok sa mga ilog at sa mga bukal ng tubig ; at nangaging dugo . At narinig ko ang anghel ng tubig na nagsasabi , Matuwid ka , na ngayon at nang nakaraan , Oh Banal , sapagka&#039;t humatol ka na gayon ; Sapagka&#039;t ibinuhos nila ang dugo ng mga banal at ng mga propeta , at pinainom mo sila ng dugo ; ito&#039;y karapatdapat sa kanila . At narinig ko ang dambana na nagsasabi , Oo , Oh Panginoong Dios , na Makapangyarihan sa lahat , tunay at matuwid ang iyong mga hatol . At ibinuhos ng ikaapat ang kaniyang mangkok sa araw ; at ibinigay nito sa kaniya ng masunog ng apoy ang mga tao . At nangasunog ang mga tao sa matinding init : at sila&#039;y namusong sa pangalan ng Dios na may kapangyarihan sa mga salot na ito ; at hindi sila nangagsisi upang siya&#039;y luwalhatiin . At ibinuhos ng ikalima ang kaniyang mangkok sa luklukan ng hayop na yaon ; at nagdilim ang kaniyang kaharian ; at nginatngat nila ang kanilang mga dila dahil sa hirap , At sila&#039;y namusong sa Dios ng langit dahil sa kanilang mga hirap at sa kanilang mga sugat ; at hindi sila nangagsisi sa kanilang mga gawa . At ibinuhos ng ikaanim ang kaniyang mangkok sa malaking ilog na Eufrates ; at natuyo ang tubig nito , upang mahanda ang dadaanan ng mga haring mula sa sikatan ng araw . At nakita kong lumabas sa bibig ng dragon , at sa bibig ng hayop , at sa bibig ng bulaang propeta , ang tatlong espiritung karumaldumal , na gaya ng mga palaka : Sapagka&#039;t sila&#039;y mga espiritu ng mga demonio , na nagsisigawa ng mga tanda ; na pinaparoonan nila ang mga hari sa buong sanglibutan , upang tipunin sa pagbabaka sa dakilang araw ng Dios , na Makapangyarihan sa lahat . ( Narito , ako&#039;y pumaparitong gaya ng magnanakaw . Mapalad siyang nagpupuyat , at nagiingat ng kaniyang mga damit , na baka siya&#039;y lumakad na hubad , at makita nila ang kaniyang kahihiyan . ) At tinipon sila sa dako na sa Hebreo ay tinatawag na Armagedon . At ibinuhos ng ikapito ang kaniyang mangkok sa hangin ; at lumabas sa santuario ang isang malakas na tinig , mula sa luklukan na nagsasabi , Nagawa na : At nagkaroon ng mga kidlat , at mga tinig , at mga kulog ; at nagkaroon ng malakas na lindol , na di nangyari kailan man mula nang magkatao sa lupa , isang lindol na lubhang malakas , lubhang kakilakilabot . At ang dakilang bayan ay nabahagi sa tatlo , at ang mga bayan ng mga bansa ay nangaguho : at ang dakilang Babilonia ay napagalaala sa paningin ng Dios , upang siya&#039;y bigyan ng inuman ng alak ng kabagsikan ng kaniyang kagalitan . At tumakas ang bawa&#039;t pulo , at ang mga bundok ay hindi nangasumpungan . At malaking granizo na kasinglaki ng talento ay lumagpak sa mga tao buhat sa langit , at namusong ang mga tao sa Dios dahil sa salot na granizo ; sapagka&#039;t ang salot na ito ay lubhang malaki . At dumating ang isa sa pitong anghel na may pitong mangkok , at nagsalita sa akin , na nagsasabi , Pumarito ka , ipakikita ko sa iyo ang hatol sa bantog na patutot na nakaupo sa maraming tubig ; Na siyang pinakiapiran ng mga hari sa lupa , at ang mga nananahan sa lupa ay nalasing sa alak ng kaniyang pakikiapid . At ako&#039;y kaniyang dinalang nasa Espiritu sa isang ilang : at nakita ko ang isang babae na nakasakay sa isang hayop na pula , na puno ng mga pangalang pamumusong , na may pitong ulo at sangpung sungay . At nararamtan ang babae ng kulay-ube at ng pula , at nahihiyasan ng ginto at ng mga mahalagang bato at mga perlas , na sa kaniyang kamay ay may isang sarong ginto na puno ng mga kasuklamsuklam , atng mga bagay na marurumi ng kaniyang pakikiapid , At sa kaniyang noo ay nakasulat ang isang pangalan , HIWAGA , DAKILANG BABILONIA , INA NG MGA PATUTOT AT NG MGA KASUKLAMSUKLAM SA LUPA . At nakita ko ang babae na lasing sa dugo ng mga banal , at sa dugo ng mga martir ni Jesus . At nang aking makita siya ay nanggilalas ako ng malaking panggigilalas . At sinabi sa akin ng anghel , Bakit ka nanggilalas ? Sasabihin ko sa iyo ang hiwaga ng babae , at ng hayop na sinasakyan niya , na may pitong ulo at sangpung sungay . At ang hayop na nakita mo ay naging siya , at wala na ; at malapit ng umahon sa kalaliman , at patungo sa kapahamakan . At silang mga nananahan sa lupa ay manggigilalas na ang kanilang pangalan ay hindi nakasulat sa aklat ng buhay mula nang itatag ang sanglibutan , pagkakita nila sa hayop , kung paano naging siya at wala na , at darating . Narito ang pagiisip na may karunungan . Ang pitong ulo ay pitong bundok na kinauupuan ng babae : At sila&#039;y pitong hari ; ang lima ay nanga buwal , ang isa&#039;y narito , ang isa ay hindi pa dumarating ; at pagdating niya ay dapat magtagal na sangdaling panahon . At ang hayop na naging siya , at wala na , ay siya ring ikawalo at siya&#039;y sa pito at siya&#039;y patungo sa kapahamakan . At ang sangpung sungay na iyong nakita ay sangpung hari , na hindi pa nagsisitanggap ng kaharian ; datapuwa&#039;t magsisitanggap sila ng kapamahalaang paghahari na isang oras na kasama ng hayop . Ang mga ito ay may isang kaisipan , at ibinibigay nila ang kanilang kapangyarihan at kapamahalaan sa hayop . Makikipagbaka ang mga ito laban sa Cordero , at sila&#039;y dadaigin ng Cordero , sapagka&#039;t siya&#039;y Panginoon ng mga panginoon at Hari ng mga Hari ; at ng mga kasama niya , na mga tinawag at mga pili at mga tapat ay nananaig din . At sinabi niya sa akin , Ang tubig na iyong nakita , na kinauupuan ng patutot , ay mga bayan , at mga karamihan , at mga bansa , at mga wika . At ang sangpung sungay na iyong nakita , at ang hayop , ay siyang nangapopoot sa patutot , at siya&#039;y pababayaan at huhubaran , at kakanin ang kaniyang laman , at siya&#039;y lubos na susupukin ng apoy . Sapagka&#039;t inilagay ng Dios sa kanilang mga puso na gawin ang kaniyang kaisipan , at mangagkaisa ng kaisipan , at ibigay ang kanilang kaharian sa hayop , hanggang sa maganap ang mga salita ng Dios . At ang babae na iyong nakita ay ang dakilang bayan , na naghahari sa mga hari sa lupa . Pagkatapos ng mga bagay na ito ay nakita ko ang ibang anghel na nananaog mula sa langit , na may dakilang kapamahalaan ; at ang lupa ay naliwanagan ng kaniyang kaluwalhatian . At siya&#039;y sumigaw ng malakas na tinig , na nagsasabi , Naguho , naguho ang dakilang Babilonia , at naging tahanan ng mga demonio , at kulungan ng bawa&#039;t espiritung karumaldumal , at kulungan ng bawa&#039;t karumaldumal at kasuklamsuklam na mga ibon . Sapagka&#039;t dahil sa alak ng galit ng kaniyang pakikiapid ay nangaguho ang lahat ng mga bansa ; at ang mga hari sa lupa ay nangakiapid sa kaniya , at ang mga mangangalakal sa lupa ay nagsiyaman dahil sa kapangyarihan ng kaniyang kalayawan . At narinig ko ang ibang tinig na mula sa langit , na nagsasabi , Mangagsilabas kayo sa kaniya , bayan ko , upang huwag kayong mangaramay sa kaniyang mga kasalanan , at huwag kayong magsitanggap ng kaniyang mga salot : Sapagka&#039;t ang kaniyang mga kasalanan ay umabot hanggang sa langit at naalaala ng Dios ang kaniyang mga katampalasanan . Ibigay din ninyo ang ayon sa ibinigay niya sa inyo , at ibayuhin ninyo ng ibayo sa kaniyang mga gawa : sa sarong kaniyang pinaghaluan ay ipaghalo ninyo siya ng ibayo . Kung gaano ang pagkakapagmapuri , at pagkapamuhay na malayaw , ay gayon din naman ang ibigay ninyo sa kaniyang pahirap at pagluluksa : sapagka&#039;t sinasabi niya sa kaniyang puso , Ako&#039;y nakaupong reina , at hindi ako bao , at hindi ko makikita kailan man ang pagluluksa . Kaya&#039;t darating sa isang araw ang mga salot sa kaniya , kamatayan at pagluluksa , at gutom ; at siya&#039;y lubos na susunugin sa apoy ; sapagka&#039;t malakas ang Panginoong Dios na humatol sa kaniya . At ang mga hari sa lupa , na nangakiapid at nangabuhay na malayaw na kasama niya , ay mangagsisiiyak at mangagsisitaghoy tungkol sa kaniya , pagkakita nila ng usok ng kaniyang pagkasunog , At nangakatayo sa malayo dahil sa takot sa pahirap sa kaniya , na nangagsasabi , Sa aba , sa aba ng dakilang bayang Babilonia , ng bayang matibay ! sapagka&#039;t sa isang oras ay dumating ang hatol sa iyo . At ang mga mangangalakal sa lupa ay mangagsisiiyak at mangagluluksa tungkol sa kaniya , sapagka&#039;t wala nang bibili pa ng kaniyang kalakal ; Ng kalakal na ginto at pilak , at mahalagang bato , at mga perlas , at mainam na lino , at kayong kulay ube , at sutla , at kayong pula ; at sarisaring mababangong kahoy , at bawa&#039;t kasangkapang garing , at bawa&#039;t kasangkapang mahalagang kahoy , at tanso , at bakal , at marmol ; At kanela , at especias , at incienso , at ungguento , at kamangyan , at alak , at langis , at mainam na harina , at trigo , at mga baka , at mga tupa ; at kalakal na mga kabayo at mga karo , at mga alipin ; at mga kaluluwa ng mga tao . At ang mga bungang pinipita mo ay nangapalayo sa iyo , at lahat ng mga bagay na maiinam at mariringal ay nangalipol sa iyo , at hindi na mangasusumpungan pa . Ang mga mangangalakal ng mga bagay na ito , na nangagsiyaman dahil sa kaniya , ay mangagsisitayo sa malayo dahil sa takot sa pahirap sa kaniya , na nagsisiiyak at nagsisipagluksa ; Na nangagsasabi , Sa aba , sa aba , niyaong dakilang bayan , siya na nararamtan ng mahalagang lino at ng kayong kulay ube , at pula , at napapalamutihan ng ginto at ng mahalagang bato at ng perlas ! Sapagka&#039;t sa loob ng isang oras ay nalipol ang gayong malaking kayamanan . At bawa&#039;t pinunong daong , at bawa&#039;t naglalayag saan mang dako , at ang mga mangdaragat , at lahat ng nagsisipaghanap-buhay sa dagat , ay nangakatayo sa malayo , At nangagsisisigaw pagkakita sa usok ng kaniyang pagkasunog , na nangagsasabi , Anong bayan ang katulad ng dakilang bayan ? At sila&#039;y nangagbubuhos ng alabok sa kanilang mga ulo , at nagsisigawan , na nagiiyakan at nagtataghuyan , na nangagsasabi , Sa aba , sa aba , ang dakilang bayan , na siyang iniyaman ng lahat na may mga daong sa dagat dahil sa kaniyang mga kayamanan ! sapagka&#039;t sa loob ng isang oras ay nalipol . Magalak ka tungkol sa kaniya , Oh langit , at kayong mga banal , at kayong mga apostol , at kayong mga propeta ; sapagka&#039;t inihatol ng Dios ang inyong hatol sa kaniya . At dinampot ng isang anghel na malakas ang isang bato , na gaya ng isang malaking gilingang bato , at inihagis sa dagat , na sinasabi , Gayon sa isang kakilakilabot na pagkahulog , igigiba ang Babilonia , ang dakilang bayan , at hindi na masusumpungan pa . At ang tinig ng mga manunugtog ng alpa , at ng mga musiko at ng mga manunugtog ng plauta , at ng mga manunugtog ng pakakak ay hindi na maririnig pa sa iyo ; at wala nang manggagawa ng anomang gawa ay masusumpungan pa sa iyo ; at ang ugong ng gilingan ay hindi na maririnig pa sa iyo ; At ang ilaw ng ilawan ay hindi na liliwanag pa sa iyo , at ang tinig ng kasintahang lalake at ng kasintahang babae ay hindi na maririnig pa sa iyo ; sapagka&#039;t ang mga mangangalakal mo ay naging mga pangulo sa lupa ; sapagka&#039;t dinaya ng iyong panggagaway ang lahat ng mga bansa . At nasumpungan sa kaniya ang dugo ng mga propeta , at ng mga banal , at ng lahat ng mga pinatay sa lupa . Pagkatapos ng mga bagay na ito ay narinig ko ang gaya ng isang malaking tinig ng isang makapal na karamihan sa langit , na nagsasabi , Aleluya ; Kaligtasan , at kaluwalhatian , at kapangyarihan , ay nauukol sa ating Dios : Sapagka&#039;t tunay at matuwid ang kaniyang mga paghatol ; sapagka&#039;t hinatulan niya ang bantog na patutot , na siyang nagpasama sa lupa ng kaniyang pakikiapid , at iginanti niya ang dugo ng kaniyang mga alipin sa pamamagitan ng kaniyang kamay . At sila&#039;y muling nangagsabi , Aleluya . At ang usok niya ay napaiilanglang magpakailan kailan man . At nangagpatirapa ang dalawangpu&#039;t apat na matatanda at ang apat na nilalang na buhay , at nangagsisamba sa Dios na nakaupo sa luklukan , na nangagsasabi , Siya nawa ; Aleluya . At lumabas ang isang tinig sa luklukan , na nagsasabi , Purihin ninyo ang ating Dios , ninyong lahat na mga lingkod niya , ninyong lahat na mga natatakot sa kaniya , maliliit at malalaki . At narinig ko ang gaya ng isang tinig ng isang makapal na karamihan , at gaya ng lagaslas ng maraming tubig , at gaya ng ugong ng malalakas na kulog na nagsasabi , Aleluya : sapagka&#039;t naghahari ang Panginoong ating Dios na Makapangyarihan sa lahat . Tayo&#039;y mangagalak at tayo&#039;y mangagsayang mainam , at siya&#039;y ating luwalhatiin ; sapagka&#039;t dumating ang pagkakasal ng Cordero , at ang kaniyang asawa ay nahahanda na . At sa kaniya&#039;y ipinagkaloob na damtan ang kaniyang sarili ng mahalagang lino , makintab at tunay ; sapagka&#039;t ang mahalagang lino ay siyang mga matuwid na gawa ng mga banal . At sinasabi niya sa akin , Isulat mo , Mapapalad ang mga inanyayahan sa paghapon sa kasalan ng Cordero . At sinasabi niya sa akin , Ang mga ito&#039;y siyang tunay na mga salita ng Dios . At ako&#039;y nagpatirapa sa kaniyang paanan upang siya&#039;y aking sambahin . At sinasabi niya sa akin , Ingatan mong huwag gawin iyan : ako&#039;y kapuwa mo alipin at ng iyong mga kapatid na mayroong patotoo ni Jesus : sumamba ka sa Dios : sapagka&#039;t ang patotoo ni Jesus ay siyang espiritu ng hula . At nakita kong bukas ang langit ; at narito , ang isang kabayong maputi , at yaong nakasakay dito ay tinatawag na Tapat at Totoo ; at sa katuwiran siya&#039;y humahatol at nakikipagbaka . At ang kaniyang mga mata ay ningas ng apoy , at sa kaniyang ulo ay maraming diadema ; at siya&#039;y may isang pangalang nakasulat , na sinoman ay di nakaaalam kundi siya rin . At siya&#039;y nararamtan ng damit na winisikan ng dugo : at ang kaniyang pangalan ay tinatawag na Ang Verbo ng Dios . At ang mga hukbong nasa langit ay sumusunod sa kaniya na mga nakasakay sa mga kabayong puti , at nangararamtan ng mahalagang linong maputi at dalisay . At sa kaniyang bibig ay lumalabas ang isang tabak na matalas , upang sa pamamagitan nito&#039;y sugatan niya ang mga bansa : at kaniyang paghaharian ng tungkod na bakal : at niyuyurakan niya ang pisaan ng ubas ng kabangisan ng kagalitan ng Dios na Makapangyarihan sa lahat . At siya&#039;y mayroong isang pangalang nakasulat sa kaniyang damit at sa kaniyang hita , HARI NG MGA HARI AT PANGINOON NG MGA PANGINOON . At nakita kong nakatayo ang isang anghel sa araw ; na siya&#039;y sumisigaw ng malakas na tinig , na nagsasabi sa lahat ng mga ibong lumilipad sa gitna ng himpapawid , Halikayo at mangagkatipon sa dakilang hapunan ng Dios ; Upang kayo&#039;y makakain ng laman ng mga hari , at ng laman ng mga pangulong kapitan , at ng laman ng mga taong makapangyarihan , at ng laman ng mga kabayo at ng mga nakasakay dito , at ng laman ng lahat ng mga taong laya at mga alipin man , at maliliit at malalaki . At nakita ko ang hayop , at ang mga hari sa lupa , at ang kanilang mga hukbo , na nangagkakatipon upang makipagbaka laban doon sa nakasakay sa kabayo , at laban sa kaniyang hukbo . At sinunggaban ang hayop , at kasama niya ang bulaang propeta na gumawa ng mga tanda sa harapan nito , na siyang ipinangdaya sa mga nagsitanggap ng tanda ng hayop at sa mga sumamba sa larawan nito : ang dalawang ito ay inihagis na buhay sa dagatdagatang apoy na nagliliyab sa asupre : At ang mga iba ay pinatay sa tabak na lumalabas sa bibig niyaong nakasakay sa kabayo , at ang lahat ng mga ibon ay nangabusog ng mga laman nila . At nakita ko ang isang anghel na nananaog mula sa langit , na may susi ng kalaliman at isang malaking tanikala sa kaniyang kamay . At sinunggaban niya ang dragon , ang matandang ahas , na siyang Diablo at Satanas , at ginapos na isang libong taon , At siya&#039;y ibinulid sa kalaliman at sinarhan , at tinatakan ito sa ibabaw niya , upang huwag ng magdaya sa mga bansa , hanggang sa maganap ang isang libong taon : pagkatapos nito ay kailangang siya&#039;y pawalang kaunting panahon . At nakakita ako ng mga luklukan , at may mga nagsisiluklok sa mga ito , sila&#039;y pinagkalooban ng paghatol : at nakita ko ang mga kaluluwa ng mga pinugutan ng ulo dahil sa patotoo ni Jesus , at dahil sa salita ng Dios , at ang mga hindi sumamba sa hayop , o sa kaniyang larawan man , at hindi tumanggap ng tanda sa kanilang noo at sa kanilang kamay ; at sila&#039;y nangabuhay , at nagsipagharing kasama ni Cristo sa loob ng isang libong taon . Ang mga iba sa mga patay ay hindi nangabuhay hanggang sa naganap ang isang libong taon . Ito ang unang pagkabuhay na maguli . Mapalad at banal ang makalakip sa unang pagkabuhay na maguli : sa mga ito&#039;y walang kapangyarihan ang ikalawang kamatayan ; kundi sila&#039;y magiging mga saserdote ng Dios at ni Cristo , at mangaghaharing kasama niya sa loob ng isang libong taon . At kung maganap na ang isang libong taon , si Satanas ay kakalagan sa kaniyang bilangguan , At lalabas upang dumaya sa mga bansa na nasa apat na sulok ng lupa , sa Gog at sa Magog , upang tipunin sila sa pagbabaka : na ang bilang nila ay gaya ng buhangin sa dagat . At nangagsipanhik sila sa kalaparan ng lupa , at kinubkob ang kampamento ng mga banal , at ang bayang iniibig : at bumaba ang apoy mula sa langit , at sila&#039;y nasupok . At ang diablo na dumaya sa kanila ay ibinulid sa dagatdagatang apoy at asupre , na kinaroroonan din naman ng hayop at ng bulaang propeta ; at sila&#039;y pahihirapan araw at gabi magpakailan kailan man . At nakita ko ang isang malaking luklukang maputi , at ang nakaluklok doon , na sa kaniyang harapan , ang lupa at ang langit ay tumakas ; at walang nasumpungang kalalagyan nila . At nakita ko ang mga patay , malalaki at maliliit , na nangakatayo sa harapan ng luklukan ; at nangabuksan ang mga aklat : at nabuksan ang ibang aklat , na siyang aklat ng buhay : at ang mga patay ay hinatulan ayon sa mga bagay na nasusulat sa mga aklat , ayon sa kanilang mga gawa . At ibinigay ng dagat ang mga patay na nasa kaniya ; at ibinigay ng kamatayan at ng Hades ang mga patay na nasa kanila : at sila&#039;y hinatulan bawa&#039;t tao ayon sa kanikaniyang mga gawa . At ang kamatayan at ang Hades ay ibinulid sa dagatdagatang apoy . Ito ang ikalawang kamatayan , sa makatuwid ay ang dagatdagatang apoy . At kung ang sinoman ay hindi nasumpungang nakasulat sa aklat ng buhay , ay ibinulid sa dagatdagatang apoy . At nakita ko ang isang bagong langit at ang isang bagong lupa : sapagka&#039;t ang unang langit at ang unang lupa ay naparam ; at ang dagat ay wala na . At nakita ko ang bayang banal , ang bagong Jerusalem , na nananaog mula sa langit buhat sa Dios , na nahahandang gaya ng isang babaing kasintahan na nagagayakang talaga sa kaniyang asawa . At narinig ko ang isang malakas na tinig na mula sa luklukan , na nagsasabi , Narito , ang tabernakulo ng Dios ay nasa mga tao , at siya&#039;y mananahan sa kanila , at sila&#039;y magiging mga bayan niya , at ang Dios din ay sasa kanila , at magiging Dios nila : At papahirin niya ang bawa&#039;t luha sa kanilang mga mata ; at hindi na magkakaroon ng kamatayan ; hindi na magkakaroon pa ng dalamhati , o ng pananambitan man , o ng hirap pa man : ang mga bagay nang una ay naparam na . At yaong nakaluklok sa luklukan ay nagsabi , Narito , ginagawa kong bago ang lahat ng mga bagay . At sinabi niya , Isulat mo : sapagka&#039;t ang mga salitang ito ay tapat at tunay . At sinabi niya sa akin , Nagawa na . Ako ang Alpha at ang Omega , ang pasimula at ang wakas . Ang nauuhaw ay aking paiinuming walang bayad sa bukal ng tubig ng buhay . Ang magtagumpay ay magmamana ng mga bagay na ito ; at ako&#039;y magiging Dios niya , at siya&#039;y magiging anak ko . Nguni&#039;t sa mga duwag , at sa mga hindi mananampalataya , at sa mga kasuklamsuklam , at sa mga mamamatay-tao , at sa mga mapakiapid , at sa mga manggagaway , at sa mga mapagsamba sa diosdiosan , at sa lahat na mga sinungaling , ang kanilang bahagi ay sa dagatdagatang nagniningas sa apoy at asupre ; na siyang ikalawang kamatayan . At dumating ang isa sa pitong anghel na may pitong mangkok , na mga puno ng pitong huling salot ; at nagsalita sa akin , na nagsasabi , Halika , ipakikita ko sa iyo ang babaing kasintahan , ang asawa ng Cordero . At dinala niya akong nasa Espiritu sa isang malaki at mataas na bundok , at ipinakita sa akin ang bayang banal na Jerusalem , na nananaog mula sa langit buhat sa Dios , Na may kaluwalhatian ng Dios : ang kaniyang ilaw ay katulad ng isang totoong mahalagang bato , na gaya ng batong jaspe , na malinaw na gaya ng salamin : Na may isang malaki at mataas na kuta ; na may labingdalawang pintuan , at sa mga pintuan ay labingdalawang anghel ; at may mga pangalang nakasulat sa mga yaon , na siyang sa labingdalawang angkan ng mga anak ng Israel : Sa silanganan ay may tatlong pintuan ; at sa hilagaan ay may tatlong pintuan ; at sa timugan ay may tatlong pintuan ; at sa kalunuran ay may tatlong pintuan . At ang kuta ng bayan ay may labingdalawang pinagsasaligan , at sa mga ito&#039;y ang labingdalawang pangalan ng labingdalawang apostol ng Cordero . At ang nakikipagusap sa akin ay may panukat na tambong ginto upang sukatin ang bayan , at ang mga pintuan nito , at ang kuta nito . At ang pagkatayo ng bayan ay parisukat , at ang kaniyang haba ay gaya ng kaniyang luwang : at sinukat niya ng tambo ang bayan , ay labingdalawang libong estadio : ang haba at ang luwang at ang taas nito ay magkakasukat . At sinukat niya ang kuta nito , ay isang daan at apat na pu&#039;t apat na siko , ayon sa sukat ng tao , sa makatuwid baga&#039;y ng isang anghel . At ang malaking bahagi ng kuta niya ay jaspe : at ang bayan ay dalisay na ginto , na katulad ng malinis na bubog . Ang mga pinagsasaligan ng kuta ng bayan ay may pamuting sarisaring mahahalagang bato . Ang unang pinagsasaligan ay jaspe ; ang ikalawa ay zafiro ; ang ikatlo ay calcedonia ; ang ikaapat ay esmeralda ; Ang ikalima ay sardonica ; ang ikaanim ay sardio ; ang ikapito ay crisolito ; ang ikawalo ay berilo ; ang ikasiyam ay topacio ; ang ikasangpu ay crisopasio ; ang ikalabingisa ay jacinto ; ang ikalabingdalawa ay amatista . At ang labingdalawang pintuan ay labingdalawang perlas ; at bawa&#039;t pinto ay isang perlas ; at ang lansangan ng bayan ay dalisay na ginto , na gaya ng nanganganinag na bubog . At hindi ako nakakita ng templo doon : sapagka&#039;t ang Panginoong Dios , ang Makapangyarihan sa lahat , at ang Cordero ay siyang templo doon . At ang bayan ay hindi nangangailangan ng araw , o ng buwan man , upang lumiwanag sa kaniya : sapagka&#039;t nililiwanagan ng kaluwalhatian ng Dios , at ang ilaw doon ay ang Cordero . At ang mga bansa ay lalakad sa pamamagitan ng liwanag nito : at ang mga hari sa lupa ay mangagdadala ng kanilang karangalan sa loob niyaon . At ang mga pintuan niyaon ay hindi ilalapat kailan man sa araw ( sapagka&#039;t hindi magkakaroon doon ng gabi ) : At dadalhin nila sa loob niyaon ang karangalan at kapurihan ng mga bansa : At hindi papasok doon sa anomang paraan ang anomang bagay na karumaldumal , o siyang gumagawa ng kasuklamsuklam at ng kasinungalingan : kundi yaon lamang na mga nakasulat sa aklat ng buhay ng Cordero . At ipinakita niya sa akin ang isang ilog ng tubig ng buhay , na maningning na gaya ng bubog , na lumalabas sa luklukan ng Dios at ng Cordero , Sa gitna ng lansangang yaon . At sa dako rito ng ilog , at sa ibayo nito , naroon ang punong kahoy ng buhay , na namumunga ng labingdalawang iba&#039;t ibang bunga , na namumunga sa bawa&#039;t buwan : at ang mga dahon ng punong kahoy ay pangpagaling sa mga bansa . At hindi na magkakaroon pa ng sumpa : at ang luklukan ng Dios at ng Cordero ay naroroon : at siya&#039;y paglilingkuran ng kaniyang mga alipin ; At makikita nila ang kaniyang mukha ; at ang kaniyang pangalan ay sasa kanilang mga noo . At hindi na magkakaroon pa ng gabi , at sila&#039;y hindi nangangailangan ng liwanag ng ilawan , ni ng liwanag man ng araw ; sapagka&#039;t liliwanagan sila ng Panginoong Dios : at sila&#039;y maghahari magpakailan kailan man . At sinabi niya sa akin , Ang mga salitang ito&#039;y tapat at tunay , at ang Panginoon , ang Dios ng mga espiritu ng mga propeta , ay nagsugo ng kaniyang anghel upang ipakita sa kaniyang mga alipin ang mga bagay na kinakailangang mangyari madali . At narito , ako&#039;y madaling pumaparito . Mapalad ang tumutupad ng mga salita ng hula ng aklat na ito . At akong si Juan , ako ang nakarinig at nakakita ng mga bagay na ito . At nang aking marinig at makita , ay nagpatirapa ako upang sumamba sa harapan ng anghel na nagpakita sa akin ng mga bagay na ito . At sinasabi niya sa akin , Ingatan mong huwag gawin iyan : ako&#039;y kapuwa mo alipin at ng iyong mga kapatid na mga propeta , at ng mga tumutupad ng mga salita ng aklat na ito : sumamba ka sa Dios . At sinasabi niya sa akin , Huwag mong tatakan ang mga salita ng hula ng aklat na ito ; sapagka&#039;t malapit na ang panahon . Ang liko , ay magpakaliko pa : at ang marumi , ay magpakarumi pa : at ang matuwid , ay magpakatuwid pa : at ang banal , ay magpakabanal pa . Narito , ako&#039;y madaling pumaparito ; at ang aking ganting-pala ay nasa akin , upang bigyan ng kagantihan ang bawa&#039;t isa ayon sa kaniyang gawa . Ako ang Alpha at ang Omega , at ang una at ang huli , ang pasimula at ang wakas . Mapapalad ang nangaghuhugas ng kanilang damit , upang sila&#039;y magkaroon ng karapatan sa punong kahoy ng buhay , at makapasok sa bayan sa pamamagitan ng mga pintuan . Nangasa labas ang mga aso , at ang mga manggagaway , at ang mga mapakiapid , at ang mga mamamatay-tao , at ang mga mapagsamba sa diosdiosan , at ang bawa&#039;t nagiibig at gumagawa ng kasinungalingan . Akong si Jesus ay nagsugo ng aking anghel upang sa inyo&#039;y magpatotoo ng mga bagay na ito sa mga iglesia . Ako ang ugat at ang supling ni David , ang maningning na tala sa umaga . At ang Espiritu at ang kasintahang babae ay nagsasabi , Halika . At ang nakikinig ay magsabi , Halika . At ang nauuhaw , ay pumarito : ang may ibig ay kumuhang walang bayad ng tubig ng buhay . Aking sinasaksihan sa bawa&#039;t taong nakikinig sa mga salita ng hula ng aklat na ito , Kung ang sinoman ay magdagdag sa mga ito , ay daragdagan siya ng Dios ng mga salot na nakasulat sa aklat na ito : At kung ang sinoman ay magalis sa mga salita ng aklat ng hulang ito , ay aalisin ng Dios ang kaniyang bahagi sa punong kahoy ng buhay , at sa bayang banal , na nangakasulat sa aklat na ito . Ang sumasaksi sa mga bagay na ito ay nagsasabi , Oo : ako&#039;y madaling pumaparito . Siya nawa : pumarito ka Panginoong Jesus . Ang biyaya ng Panginoong Jesus ay mapasa mga banal nawa . Siya nawa . </passage></reply></GetPassage>