<?xml version="1.0" encoding="UTF-8"?><GetPassage xmlns="http://relaxng.org/ns/structure/1.0" xmlns:tei="http://www.tei-c.org/ns/1.0" xmlns:ti="http://chs.harvard.edu/xmlns/cts"><request><requestName>GetPassage</requestName><requestUrn>urn:cts:pbc:bible.parallel.tgl.1905:7</requestUrn></request><reply><urn>urn:cts:pbc:bible.parallel.tgl.1905:7</urn><passage>At nangyari , pagkamatay ni Josue , na itinanong ng mga anak ni Israel sa Panginoon , na sinasabi , Sino ang unang sasampa sa amin laban sa mga Cananeo , upang lumaban sa kanila ? At sinabi ng Panginoon , Ang Juda ang sasampa : narito , aking ibinigay ang lupain sa kaniyang kamay . At sinabi ng Juda sa Simeon na kaniyang kapatid , Sumampa kang kasama ko sa aking kapalaran , upang ating kalabanin ang mga Cananeo ; at ako nama&#039;y sasama sa iyong kapalaran . Sa gayo&#039;y yumaon ang Simeon na kasama niya . At sumampa ang Juda ; at ibinigay ng Panginoon ang mga Cananeo , at ang mga Pherezeo sa kanilang kamay : at sinaktan nila sa kanila sa Bezec ay sangpung libong lalake . At kanilang nasumpungan si Adoni-bezec sa Bezec : at siya&#039;y nilabanan nila , at kanilang sinaktan ang mga Cananeo at ang mga Pherezeo . Nguni&#039;t tumakas si Adoni-bezec ; at kanilang hinabol siya , at hinuli siya , at pinutol nila ang mga daliring hinlalaki ng kaniyang kamay at paa . At sinabi ni Adoni-bezec , Pitong pung hari , na mga may putol ng kanilang mga hinlalaki sa kamay at sa paa ay namulot ng kanilang pagkain sa ilalim ng aking dulang : kung paano ang aking ginawa ay gayon ako pinaghigantihan ng Dios . At dinala nila siya sa Jerusalem , at siya&#039;y namatay roon . At ang mga anak ni Juda ay lumaban sa Jerusalem , at sinakop at sinugatan ng talim ng tabak , at sinilaban ng apoy ang bayan . At pagkatapos , ang mga anak ni Juda ay lumusong na lumaban sa mga Cananeo na tumatahan sa mga lupaing maburol , at sa Timugan , at sa mababang lupa . At ang Juda&#039;y yumaon laban sa mga Cananeo na tumatahan sa Hebron ( ang pangalan ng Hebron nang una ay Chiriath-arba : ) at kanilang sinaktan ang Sesai , at ang Ahiman , at ang Talmai . At mula roo&#039;y yumaon laban sa mga taga Debir . ( Ang pangalan nga ng Debir nang una ay Chiriath-sepher . ) At sinabi ni Caleb , Ang sumakit sa Chiriath-sepher at sumakop niyaon , ay doon ko papagaasawahin si Axa na aking anak . At si Othoniel na anak ni Cenez , kapatid na bata ni Caleb , ay siyang sumakop : at pinapag-asawa nito sa kaniya si Axa na kaniyang anak . At nangyari , nang makipisan si Axa , na kaniyang kinilos siya na humingi sa kaniyang ama ng isang bukid : at siya&#039;y bumaba sa kaniyang asno , at sinabi ni Caleb sa kaniya , Anong ibig mo ? At sinabi ni Axa sa kaniya , Bigyan mo ako ng isang kaloob ; sapagka&#039;t inilagay mo ako sa lupain na Timugan , bigyan mo naman ako ng mga bukal ng tubig . At ibinigay ni Caleb sa kaniya ang mga bukal sa itaas , at ang mga bukal sa ibaba . At ang mga anak ni Cineo , na bayaw ni Moises ay umahon sa bayan ng mga puno ng palma na kasama ng mga anak ni Juda sa ilang ng Juda , na nasa timugan ng Arad ; at sila&#039;y naparoon at nagsitahang kasama ng bayan . At ang Juda&#039;y yumaong kasama ng Simeon na kaniyang kapatid , at kanilang sinaktan ang mga Cananeo na nagsisitahan sa Sephath at lubos na pinuksa . At ang pangalan ng bayan ay tinawag na Horma . Sinakop rin naman ng Juda ang Gaza pati ng hangganan niyaon at ang Ascalon pati ng hangganan niyaon , at ang Ecron pati ng hangganan niyaon . At ang Panginoon ay sumasa Juda ; at kaniyang pinalayas ang mga taga lupaing maburol ; sapagka&#039;t hindi niya mapalayas ang mga nananahan sa libis , dahil sa sila&#039;y may mga karong bakal . At kanilang ibinigay ang Hebron kay Caleb , gaya ng sinalita ni Moises : at kaniyang pinalayas doon ang tatlong anak ni Anac . At hindi pinalayas ng mga anak ni Benjamin ang mga Jebuseo na tumatahan sa Jerusalem : kundi ang mga Jebuseo ay nagsitahang kasama ng mga anak ni Benjamin sa Jerusalem hanggang sa araw na ito . At ang sangbahayan ni Jose , sila&#039;y umahon din laban sa Beth-el : at ang Panginoon ay sumakanila . At ang sangbahayan ni Jose , ay nagsugo upang tiktikan ang Beth-el . ( Ang pangalan nga ng bayan nang una ay Luz . ) At nakita ng mga bakay ang isang lalake na lumalabas sa bayan at kanilang sinabi sa kaniya , Ituro mo sa amin , isinasamo namin sa iyo ang pasukan sa bayan at kahahabagan ka namin . At itinuro niya sa kanila ang pasukan sa bayan , at kanilang sinugatan ng talim ng tabak ang bayan nguni&#039;t pinayaon ang lalake at ang madlang sangbahayan niya . At ang lalake ay pumasok sa lupain ng mga Hetheo , at nagtayo ng isang bayan , at tinawag ang pangalan niyaon na Luz : na siyang pangalan niyaon hanggang sa araw na ito . At hindi pinalayas ng Manases ang mga taga Beth-sean at ang mga bayan niyaon , ni ang mga taga Taanach at ang mga bayan niyaon , ni ang mga taga Dor at ang mga bayan niyaon , ni ang mga taga Ibleam at ang mga bayan niyaon , ni ang mga taga Megiddo at ang mga bayan niyaon : kundi ang mga Cananeo ay nagsitahan sa lupaing yaon . At nangyari , nang lumakas ang Israel , na kanilang pinapagatag ang mga Cananeo , at hindi nila lubos na pinalayas . At hindi pinalayas ni Ephraim ang mga Cananeo na tumatahan sa Gezer ; kundi ang mga Cananeo ay nagsitahan sa Gezer sa gitna nila . Hindi pinalayas ni Zabulon ang mga nananahan sa Chitron , ni ang mga nananahan sa Naalol ; kundi ang mga Cananeo ay nagsitahan sa gitna nila , at naging mga tagapagpaatag . Hindi pinalayas ng Aser ang mga taga Acho , ni ang mga taga Sidon , ni ang taga Ahlab , ni ang taga Achzib , ni ang taga Helba , ni ang taga Aphec , ni ang taga Rehob : Kundi ang mga Aserita ay nagsitahang kasama ng mga Cananeo , na mga taga lupaing yaon : sapagka&#039;t hindi nila pinalayas sila . Hindi pinalayas ng Nephtali ang mga nananahan sa Beth-semes , ni ang mga nananahan sa Beth-anath ; kundi siya&#039;y tumahan sa gitna ng mga Cananeo , na nagsisitahan sa lupaing yaon : gayon ma&#039;y ang mga nananahan sa Beth-semes at nananahan sa Beth-anath ay naging mga tagapagpaatag sa kaniya . At piniit ng mga Amorrheo ang mga anak ni Dan sa mga lupaing maburol ; sapagka&#039;t ayaw nilang payagang sila&#039;y lumusong sa libis ; Nguni&#039;t inibig ng mga Amorrheo na tumahan sa bundok ng Heres , sa Ajalon , at sa Saalbin : gayon ma&#039;y nanaig ang kamay ng sangbahayan ni Jose , na anopa&#039;t sila&#039;y naging mga tagapagpaatag . At ang hangganan ng mga Amorrheo ay mula sa sampahan ng Acrabim , buhat sa batuhan , at paitaas . At sumampa ang anghel ng Panginoon sa Bochim mula sa Gilgal . At kaniyang sinabi , Kayo&#039;y pinaahon ko mula sa Egipto , at dinala ko kayo sa lupain na aking isinumpa sa inyong mga magulang ; at sinabi ko , Kailan ma&#039;y hindi ko sisirain ang aking tipan sa inyo : At huwag kayong makikipagtipan sa mga taga lupaing ito ; inyong iwawasak ang kanilang mga dambana . Nguni&#039;t hindi ninyo dininig ang aking tinig : bakit ginawa ninyo ito ? Kaya&#039;t aking sinabi rin , Hindi ko sila palalayasin sa harap ninyo ; kundi sila&#039;y magiging parang mga tinik sa inyong mga tagiliran , at ang kanilang mga dios ay magiging silo sa inyo . At nangyari , pagkasalita ng anghel ng Panginoon ng mga salitang ito sa lahat ng mga anak ni Israel , na inilakas ng bayan ang kanilang tinig at umiyak . At kanilang tinawag ang pangalan ng dakong yaon na Bochim ; at sila&#039;y naghain doon sa Panginoon . Nang mapayaon nga ni Josue ang bayan , pumaroon ang mga anak ni Israel , bawa&#039;t isa , sa kaniyang mana , upang ariin ang lupa . At naglingkod ang bayan sa Panginoon sa lahat ng mga araw ni Josue , at sa lahat ng mga araw ng mga matandang natirang nabuhay kay Josue , na nakakita ng mga dakilang gawa ng Panginoon , na kaniyang ginawa sa Israel . At si Josue na anak ni Nun , na lingkod ng Panginoon , ay namatay , na may isang daan at sangpung taon ang gulang . At kanilang inilibing siya sa hangganan ng kaniyang mana , sa Timnath-heres , sa lupaing maburol ng Ephraim , sa hilagaan ng bundok Gaas . At ang buong lahing yaon ay nalakip din sa kanilang mga magulang ; at doo&#039;y may ibang lahing bumangon pagkamatay nila , na hindi nakilala ang Panginoon , ni ang mga gawa na kaniyang ginawa sa Israel . At ginawa ng mga anak ni Israel ang masama sa paningin ng Panginoon , at naglingkod sa mga Baal : At kanilang pinabayaan ang Panginoon , ang Dios ng kanilang mga magulang , na naglabas sa kanila sa lupain ng Egipto , at sumunod sa ibang mga dios , sa mga dios ng mga bayan na nasa palibot nila , at sila&#039;y yumukod sa mga yaon : at kanilang minungkahi ang Panginoon sa galit . At kanilang pinabayaan ang Panginoon , at naglingkod kay Baal at kay Astaroth . At ang galit ng Panginoon ay nagalab laban sa Israel , at kaniyang ibinigay sila sa kamay ng mga mangloloob na lumoob sa kanila ; at kaniyang ipinagbili sila sa mga kamay ng kanilang mga kaaway sa palibot , na anopa&#039;t sila&#039;y hindi makatayong maluwat sa harap ng kanilang mga kaaway . Saan man sila yumaon , ang kamay ng Panginoon ay laban sa kanila sa ikasasama nila , gaya ng sinalita ng Panginoon , at gaya ng isinumpa sa kanila ng Panginoon : sila&#039;y nagipit na mainam . At nagbangon ang Panginoon ng mga hukom , na nagligtas sa kanila sa kamay niyaong mga lumoloob sa kanila . At gayon ma&#039;y hindi nila dininig ang kanilang mga hukom : sapagka&#039;t sila&#039;y sumamba sa ibang mga dios , at kanilang niyukuran ang mga yaon : sila&#039;y nagpakaligaw na madali sa daan na nilakaran ng kanilang mga magulang , na sumunod ng mga utos ng Panginoon ; nguni&#039;t hindi sila gumawa ng gayon . At nang ipagbangon sila ng Panginoon ng mga hukom , ang Panginoon ay suma hukom , at iniligtas sila sa kamay ng kanilang mga kaaway sa lahat ng mga araw ng hukom : sapagka&#039;t nagsisi ang Panginoon dahil sa kanilang daing , dahil doon sa mga pumighati sa kanila at nagpakalupit sa kanila . Nguni&#039;t nangyari pagkamatay ng hukom , na sila&#039;y tumalikod at lalong sumama kay sa kanilang mga magulang sa pagsunod sa ibang mga dios , upang maglingkod sa kanila , at yumukod sa kanila ; sila&#039;y hindi naglikat sa kanilang mga gawa , ni sa kanilang tampalasang lakad . At ang galit ng Panginoon ay nagalab laban sa Israel ; at kaniyang sinabi , Sapagka&#039;t sinalangsang ng bansang ito ang aking tipan na aking iniutos sa kanilang mga magulang , at hindi dininig ang aking tinig ; Hindi ko na naman palalayasin pa sa harap nila ang sinoman ng mga bansang iniwan ni Josue nang siya&#039;y mamatay ; Upang sa pamamagitan nila&#039;y aking masubok ang Israel , kung kanilang susundin o hindi ang daan ng Panginoon upang lakaran nila , na gaya ng inilakad ng kanilang mga magulang . Kaya&#039;t iniwan ng Panginoon ang mga bansang yaon , na hindi niya pinalayas silang biglaan ; ni ibinigay sila sa kamay ni Josue . Ito nga ang mga bansang iniwan ng Panginoon , upang subukin ang Israel sa pamamagitan nila , sa makatuwid baga&#039;y sa mga hindi nakaalam ng mga pagbabaka sa Canaan ; Nang maalaman man lamang yaon ng mga sali&#039;t saling lahi ng mga anak ni Israel , upang turuan sila ng pakikibaka , yaon man lamang nang una&#039;y hindi nakaalam : Ang nangabanggit ay ang limang pangulo ng mga Filisteo at ang lahat ng mga Cananeo , at ang mga Sidonio , at ang mga Heveo , na tumatahan sa bundok ng Libano , mula sa bundok ng Baal-hermon hanggang sa pasukan ng Hamath . At sila nga upang subukin ang Israel sa pamamagitan nila , na maalaman kung kanilang didinggin ang mga utos ng Panginoon , na kaniyang iniutos sa kanilang mga magulang sa pamamagitan ni Moises . At ang mga anak ni Israel ay tumahan sa gitna ng mga Cananeo , ng Hetheo , at ng Amorrheo , at ng Pherezeo , at ng Heveo , at ng Jebuseo : At kinuha nila ang kanilang mga anak na babae upang maging mga asawa nila , at ibinigay ang kanilang sariling mga anak na babae sa kanilang mga anak na lalake , at naglingkod sa kanilang mga dios . At ginawa ng mga anak ni Israel ang masama sa paningin ng Panginoon , at nilimot ang Panginoon nilang Dios , at naglingkod sa mga Baal at sa mga Aseroth . Kaya&#039;t ang galit ng Panginoon ay nagalab laban sa Israel , at kaniyang ipinagbili sila sa kamay ni Chusan-risathaim , na hari sa Mesopotamia : at ang mga anak ni Israel ay naglingkod kay Chusan-risathaim na walong taon . At nang dumaing sa Panginoon ang mga anak ni Israel ay nagbangon ang Panginoon ng isang tagapagligtas sa mga anak ni Israel , na siyang nagligtas sa kanila , sa makatuwid baga&#039;y si Othoniel na anak ni Cenaz , na kapatid na bata ni Caleb . At ang Espiritu ng Panginoon ay sumakaniya , at siya&#039;y naghukom sa Israel ; at siya&#039;y lumabas na nakibaka , at ibinigay ng Panginoon si Chusan-risathaim na hari sa Mesopotamia sa kaniyang kamay : at ang kaniyang kamay ay nanaig laban kay Chusan-risathaim . At nagpahinga ang lupain na apat na pung taon . At si Othoniel na anak ni Cenaz ay namatay . At ginawang muli ng mga anak ni Israel ang masama sa paningin ng Panginoon : at pinatibay ng Panginoon si Eglon na hari sa Moab laban sa Israel , sapagka&#039;t kanilang ginawa ang masama sa paningin ng Panginoon . At kaniyang tinipon ang mga anak ni Ammon at ni Amalec ; at siya&#039;y yumaon at sinaktan niya ang Israel , at kanilang inari ang bayan ng mga puno ng palma . At ang mga anak ni Israel ay naglingkod kay Eglon na labing walong taon . Nguni&#039;t nang dumaing ang mga anak ni Israel sa Panginoon , ibinangon sa kanila ng Panginoon ang isang tagapagligtas , si Aod na anak ni Gera , ang Benjamita , na isang lalaking kaliwete . At ang mga anak ni Israel , ay nagpadala ng isang kaloob sa pamamagitan niya kay Eglon na hari sa Moab . At si Aod ay gumawa ng isang tabak na may dalawang talim , na may isang siko ang haba ; at kaniyang ibinigkis sa loob ng kaniyang suot , sa kaniyang dakong kanang hita . At kaniyang inihandog ang kaloob kay Eglon na hari sa Moab : at si Eglon ay lalaking napakataba . At nang siya&#039;y matapos makapaghandog ng kaloob , ay pinapagpaalam niya ang mga tao na nagdala ng kaloob . Nguni&#039;t siya nga ay bumalik mula sa tibagan ng bato na nasa piling ng Gilgal , at nagsabi , Ako&#039;y may isang pasugong lihim sa iyo , Oh hari . At kaniyang sinabi , Tumahimik ka . At yaong lahat na nakatayo sa siping niya , ay umalis sa harap niya . At si Aod ay naparoon sa kaniya ; at siya&#039;y nakaupong magisa sa kaniyang kabahayan na pangtaginit . At sinabi ni Aod , Ako&#039;y may dalang pasugo sa iyo na mula sa Dios . At siya&#039;y tumindig sa kaniyang upuan . At inilabas ni Aod ang kaniyang kaliwang kamay , at binunot ang tabak mula sa kaniyang kanang hita , at isinaksak sa kaniyang tiyan : At pati ng puluhan ay sumuot na kasunod ng talim ; at natikom ang taba sa tabak , sapagka&#039;t hindi niya binunot ang tabak sa kaniyang tiyan ; at lumabas sa likod . Nang magkagayo&#039;y lumabas si Aod sa pintuan , at sinarhan niya siya sa mga pintuan ng kabahayan , at pinagtatrangkahan . Nang makalabas nga siya ay dumating ang kaniyang mga alila ; at kanilang nakita , at , narito , ang mga pintuan ng kabahayan ay nakakandaduhan ; at kanilang sinabi , Walang pagsalang kaniyang tinatakpan ang kaniyang mga paa sa kaniyang silid na pangtaginit . At sila&#039;y nangaghintay hanggang sa sila&#039;y nangapahiya ; at , narito , hindi niya binuksan ang mga pintuan ng kabahayan : kaya&#039;t sila&#039;y kumuha ng susi , at binuksan ; at , narito , ang kanilang panginoon , ay nakabulagtang patay sa lupa . At tumakas si Aod samantalang sila&#039;y nangaghihintay , at siya&#039;y dumaan sa dako roon ng tibagan ng bato at tumakas hanggang sa Seirath . At nangyari , pagdating niya , ay kaniyang hinipan ang pakakak sa lupaing maburol ng Ephraim , at ang mga anak ni Israel ay nagsilusong na kasama niya mula sa lupaing maburol , at siya&#039;y sa unahan nila . At kaniyang sinabi sa kanila , Sumunod kayo sa akin ; sapagka&#039;t ibinigay ng Panginoon ang inyong mga kaaway na mga Moabita sa inyong kamay . At sila&#039;y nagsilusong na kasunod niya , at sinakop ang mga tawiran sa Jordan laban sa mga Moabita , at hindi nila pinayagang tumawid doon ang sinomang tao . At sila&#039;y sumakit sa Moab nang panahong yaon ng may sangpung libong lalake , bawa&#039;t lalaking may loob , at bawa&#039;t lalaking may tapang ; at doo&#039;y walang nakatakas na lalake . Gayon napasuko ang Moab nang araw na yaon , sa ilalim ng kapangyarihan ng kamay ng Israel : at ang lupa&#039;y nagpahingang walong pung taon . At pagkatapos niya&#039;y si Samgar , na anak ni Anat , ay siyang nanakit sa mga Filisteo , ng anim na raang lalake , sa pamamagitan ng panundot sa baka : at kaniya ring iniligtas ang Israel . At ginawa uli ng mga anak ni Israel ang masama sa paningin ng Panginoon , nang mamatay si Aod . At ipinagbili sila ng Panginoon sa kamay ni Jabin na hari sa Canaan , na naghahari sa Asor ; na ang puno sa hukbong yaon ay si Sisara , na siyang tumatahan sa Haroseth ng mga bansa . At dumaing ang mga anak ni Israel sa Panginoon : sapagka&#039;t siya&#039;y may siyam na raan na karong bakal ; at dalawang pung taong pinighati niyang mainam ang mga anak ni Israel . Si Debora nga , na propetisa , asawa ni Lapidoth , ay naghukom sa Israel nang panahong yaon . At siya&#039;y tumahan sa ilalim ng puno ng palma ni Debora , sa pagitan ng Rama at Beth-el , sa lupaing maburol ng Ephraim ; at sinampa siya ng mga anak ni Israel upang pahatol . At kaniyang ipinatawag si Barac , na anak ni Abinoam mula sa Cedes-nephtali , at sinabi sa kaniya , Hindi ba ang Panginoon , ang Dios ng Israel , ay nagutos na sinasabi , Yumaon ka , at pumaroon ka sa bundok ng Tabor , at magsama ka ng sangpung libong lalake sa mga anak ni Nephtali at sa mga anak ni Zabulon ? At aking isusulong sa iyo sa ilog Cison , si Sisara , na puno sa hukbo ni Jabin , pati ng kaniyang mga karo at ng kaniyang karamihan ; at aking ibibigay siya sa iyong kamay . At sinabi ni Barac sa kaniya , Kung ikaw ay sasama sa akin ay paroroon nga ako : nguni&#039;t kung hindi ka sasama sa akin , ay hindi ako paroroon . At kaniyang sinabi , Walang pagsalang sasama ako sa iyo : gayon ma&#039;y ang lakad na iyong ipagpapatuloy ay hindi magiging sa iyong kapurihan ; sapagka&#039;t ipagbibili ng Panginoon si Sisara sa kamay ng isang babae . At si Debora ay tumindig at sumama kay Barac sa Cedes . At tinawag ni Barac ang Zabulon at ang Nephtali na magkasama sa Cedes ; at doo&#039;y umahon ang sangpung libong lalake na kasunod niya : at si Debora ay umahong kasama niya . Si Heber nga na Cineo ay humiwalay sa mga Cineo , sa makatuwid baga&#039;y sa mga anak ni Hobab , na biyanan ni Moises , at itinayo ang kaniyang tolda hanggang sa encina sa Zaananim , na nasa siping ng Cedes . At kanilang isinaysay kay Sisara na si Barac na anak ni Abinoam ay umahon sa bundok ng Tabor . At pinapagpisang magkakasama ni Sisara ang lahat niyang mga karo , na siyam na raang karong bakal , at ang buong bayan na kasama niya , mula sa Haroseth ng mga bansa hanggang sa ilog Cison . At sinabi ni Debora kay Barac , Tumindig ka ; sapagka&#039;t ito ang araw na ibinigay ng Panginoon si Sisara sa iyong kamay : hindi ba lumabas ang Panginoon sa harap mo ? Sa gayo&#039;y lumusong si Barac mula sa bundok ng Tabor , at sangpung libong lalake ang kasunod niya . At nilansag ng Panginoon si Sisara , at lahat ng mga karo niya , at ang buong hukbo niya , ng talim ng tabak sa harap ni Barac ; at lumunsad si Sisara sa kaniyang karo , at tumakas na tumakbo . Nguni&#039;t hinabol ni Barac ang mga karo , at ang hukbo , hanggang sa Haroseth ng mga bansa : at ang buong hukbo ni Sisara ay nahulog sa talim ng tabak ; walang lalaking nalabi . Gayon ma&#039;y tumakas si Sisara na tumakbo sa tolda ni Jael na asawa ni Heber na Cineo ; sapagka&#039;t may kapayapaan si Jabin na hari sa Asor at ang sangbahayan ni Heber na Cineo . At sinalubong ni Jael si Sisara , at sinabi sa kaniya , Lumiko ka , panginoon ko , lumiko ka rito sa akin : huwag kang matakot . At siya&#039;y lumiko sa kaniya sa loob ng tolda , at siya&#039;y tinalukbungan niya ng isang banig . At sinabi niya sa kaniya , Isinasamo ko sa iyo na bigyan mo ako ng kaunting tubig na mainom ; sapagka&#039;t ako&#039;y nauuhaw . At binuksan niya ang isang balat na sisidlan ng gatas , at pinainom niya siya , at tinakpan siya . At sinabi ni Sisara sa kaniya , Tumayo ka sa pintuan ng tolda , at mangyayari , na pagka ang sinoman ay darating at magtatanong sa iyo , at magsasabi , May tao ba riyan ? na iyong sasabihin , Wala . Nang magkagayo&#039;y kumuha si Jael na asawa ni Heber ng isang tulos ng tolda , at kumuha ng isang pamukpok sa kaniyang kamay at naparoong dahandahan sa kaniya , at itinusok ang tulos sa kaniyang pilipisan , at pinalagpasan siya hanggang sa lupa ; sapagka&#039;t siya&#039;y nakatulog ng mahimbing ; sa gayo&#039;y nanglupaypay siya at namatay . At , narito , sa paraang hinahabol ni Barac si Sisara , ay lumabas si Jael na sinalubong siya , at sinabi sa kaniya : Parito ka , at ituturo ko sa iyo ang lalake na iyong hinahanap . At siya&#039;y naparoon sa kaniya , at , narito , si Sisara ay nakabulagtang patay , at ang tulos ay nasa kaniyang ulo . Gayon pinasuko ng Dios nang araw na yaon si Jabin na hari sa Canaan sa harap ng mga anak ni Israel . At nanaig ang kamay ng mga anak ni Israel ng higit at higit laban kay Jabin na hari sa Canaan , hanggang sa naigiba nila si Jabin na hari sa Canaan . Nang magkagayo&#039;y umawit si Debora at si Barac na anak ni Abinoam nang araw na yaon , na sinasabi , Sapagka&#039;t namatnubay ang mga tagapatnubay sa Israel , Sapagka&#039;t ang bayan ay humandog na kusa , Purihin ninyo ang Panginoon . Dinggin ninyo , Oh ninyong mga hari ; pakinggan ninyo , Oh ninyong mga prinsipe ; Ako , ako&#039;y aawit sa Panginoon , Ako&#039;y aawit ng pagpupuri sa Panginoon , na Dios ng Israel . Panginoon , nang ikaw ay lumabas sa Seir , Nang ikaw ay yumaon mula sa bukid ng Edom , Ang lupa&#039;y nayanig , ang langit naman ay pumatak , Oo , ang mga alapaap ay nagpatak ng tubig . Ang mga bundok ay humuho sa harap ng Panginoon , Pati yaong Sinai , sa harap ng Panginoon , ng Dios ng Israel . Sa mga kaarawan ni Samgar na anak ni Anat , Sa mga kaarawan ni Jael , ang mga paglalakbay ay naglikat , At ang mga manglalakbay ay bumagtas sa mga lihis na landas . Ang mga pinuno ay naglikat sa Israel , sila&#039;y naglikat , Hanggang sa akong si Debora , ay bumangon , Na ako&#039;y bumangon na isang ina sa Israel . Sila&#039;y nagsipili ng mga bagong dios ; Nang magkagayo&#039;y nagkaroon ng digma sa mga pintuang-bayan : May nakita kayang kalasag o sibat sa apat na pung libo sa Israel ? Ang aking puso ay nasa mga gobernador sa Israel , Na nagsihandog na kusa sa bayan ; Purihin ninyo ang Panginoon ! Saysayin ninyo , ninyong mga nakasakay sa mapuputing asno , Ninyong nangakaupo sa maiinam na latag , At ninyong nangagsisilakad sa daan . Malayo sa ingay ng mga manghuhutok , sa mga dakong igiban ng tubig , Doon sila magpapanibagong magsanay sa mga matuwid na gawa ng Panginoon , Ng mga matuwid na gawa ng kaniyang pagpupuno sa Israel . Bumaba nga ang bayan ng Panginoon sa mga pintuang-bayan . Gumising ka , gumising ka , Debora ; gumising ka , gumising ka , bumigkas ka ng awit : Bumangon ka , Barac , at ihatid mo ang iyong mga bihag , ikaw na anak ni Abinoam . Nagsibaba nga ang nalabi sa mga mahal , at ang bayan ; Ang Panginoon ay bumaba dahil sa akin laban sa mga makapangyarihan . Sa Ephraim nangagmula silang nasa Amalec ang ugat ; Sa likuran mo , ay ang Benjamin , na kasama ng iyong mga bayan ; Sa Machir nangagmula ang mga gobernador , At sa Zabulon yaong nangaghahawak ng tungkod ng pagpupuno . At ang mga prinsipe sa Issachar ay kasama ni Debora ; Na kung paano si Issachar ay gayon si Barac , Sa libis nagsisubasob sa kaniyang paanan . Sa tabi ng mga agusan ng tubig ng Ruben ay nagkaroon ng mga dakilang pasiya ng puso . Bakit ka nakaupo sa gitna ng mga kulungan ng tupa , Upang makinig ba ng mga tawag sa mga kawan ? Sa agusan ng tubig ng Ruben Nagkaroon ng mga dakilang pasiya ng puso . Ang Galaad ay tumahan sa dako roon ng Jordan : At ang Dan , bakit siya&#039;y natira sa mga sasakyan sa tubig ? Ang Aser ay nanatili sa mga baybayin ng dagat , At nanahan sa kaniyang mga daong . Ang Zabulon ay isang bayan na isinapanganib ang kanilang buhay sa ikamamatay , At ang Nephtali , ay sa matataas na dako ng bukiran . Ang mga hari ay nagsiparito at nagsilaban ; Nang magkagayo&#039;y nagsilaban ang mga hari ng Canaan , Sa Taanach na nasa tabi ng tubig sa Megiddo : Sila&#039;y hindi nagdala ng mga pakinabang na salapi . Ang mga bituin ay nakipaglaban mula sa langit , Sa kanilang paglakad sila&#039;y nakipaglaban kay Sisara . Tinangay sila ng ilog Cison , Ng matandang ilog na yaon , ng ilog Cison . Oh kaluluwa ko , lumakad kang may lakas . Nang magkagayo&#039;y nagsiyabag ang mga kuko ng mga kabayo , Dahil sa mga pagdamba , sa pagdamba ng kanilang mga malakas . Sumpain ninyo si Meroz , sabi ng anghel ng Panginoon , Sumpain ninyo ng kapaitpaitan ang mga tagaroon sa kaniya ; Sapagka&#039;t sila&#039;y hindi naparoon na tumulong sa Panginoon , Na tumulong sa Panginoon , laban sa mga makapangyarihan . Pagpalain sa lahat ng babae si Jael , Ang asawa ni Heber na Cineo , Pagpalain siya sa lahat ng babae sa tolda . Siya&#039;y humingi ng tubig , at binigyan niya ng gatas ; Kaniyang binigyan siya ng mantekilya sa pinggang mahal . Kaniyang hinawakan ng kaniyang kamay ang tulos , At ng kaniyang kanang kamay ang pamukpok ng mga manggagawa ; At sa pamamagitan ng pamukpok ay kaniyang sinaktan si Sisara , pinalagpasan niya sa kaniyang ulo , Oo , kaniyang tinarakan at pinalagpasan ang kaniyang pilipisan . Sa kaniyang paanan ay nasubasob , siya&#039;y nabuwal , siya&#039;y nalugmok : Sa kaniyang paanan siya&#039;y nasubasob , siya&#039;y nabuwal . Kung saan siya sumubasob , doon siya nalugmok na patay . Sa dungawan ay sumungaw , at sumigaw ; Ang ina ni Sisara ay humiyaw mula sa mga silahia : Bakit kaya ang kaniyang karo ay nagluluwat ng pagdating ? Bakit kaya bumabagal ang mga gulong ng kaniyang mga karo ? Ang kaniyang mga pantas na babae ay sumagot sa kaniya , Oo , siya&#039;y nagbalik ng sagot sa kaniyang sarili , Hindi ba sila nakasumpong , hindi ba nila binahagi ang samsam ? Isang dalaga , dalawang dalaga sa bawa&#039;t lalake ; Kay Sisara ay samsam na damit na may sarisaring kulay , Samsam na sarisaring kulay ang pagkaburda , Na sarisaring kulay , na burda sa dalawang tagiliran , Na suot sa leeg ng mga bihag ? Gayon malipol ang lahat ng iyong mga kaaway , Oh Panginoon : Nguni&#039;t yaong mga umiibig sa kaniya ay maging parang araw pagka lumalabas sa kaniyang kalakasan . At ang lupain ay nagpahinga na apat na pung taon . At ginawa ng mga anak ni Israel yaong masama sa paningin ng Panginoon : at ibinigay sila ng Panginoon sa kamay ng Madian na pitong taon . At ang kamay ng Madian ay nanaig laban sa Israel : at dahil sa Madian ay gumawa ang mga anak ni Israel ng mga kutang nangasa bundok , at ng mga yungib , at ng mga dakong matibay . At ganito ang nangyari , noong ang Israel ay nakapaghasik , na nagsiahon ang mga Madianita , at ang mga Amalecita , at ang mga anak sa silanganan ; sila&#039;y nagsiahon laban sa kanila ; At sila&#039;y humantong laban sa kanila , at kanilang sinira ang bunga ng lupa , hanggang sa sila&#039;y dumating sa Gaza , at wala silang iniwang anoman sa Israel , maging tupa , o baka man , o asno man . Sapagka&#039;t sila&#039;y nagsiahong dala nila ang kanilang kawan at ang kanilang mga tolda ; at sila&#039;y nagsipasok na parang balang sa karamihan ; sila at ang kanilang mga kamelyo ay walang bilang : at kanilang pinasok ang lupain upang gibain . At ang Israel ay huminang totoo dahil sa Madian ; at ang mga anak ni Israel ay dumaing sa Panginoon . At nangyari , nang dumaing sa Panginoon ang mga anak ni Israel , dahil sa Madian . Ay nagsugo ang Panginoon ng isang propeta sa mga anak ni Israel : at kaniyang sinabi sa kanila , Ganito ang sabi ng Panginoon ng Dios ng Israel , Kayo&#039;y aking iniahon mula sa Egipto , at inilabas ko kayo sa bahay ng pagkaalipin ; At pinapaging laya ko kayo sa kamay ng mga taga Egipto , at sa kamay ng mga pumipighati sa inyo , at aking pinalayas sila sa harap ninyo , at ibinigay ko sa inyo ang kanilang lupain ; At aking sinabi sa inyo , Ako ang Panginoon ninyong Dios ; kayo&#039;y huwag matatakot sa mga dios ng mga Amorrheo , na siyang lupaing inyong tinatahanan : nguni&#039;t hindi ninyo dininig ang aking tinig . At ang anghel ng Panginoon ay naparoon at umupo sa ilalim ng encina na nasa Ophra , na kay Joas na Abiezerita : at ang kaniyang anak na si Gedeon ay pumapalo ng trigo sa ubasan , upang itago sa mga Madianita . At napakita ang anghel ng Panginoon sa kaniya , at sinabi sa kaniya , Ang Panginoo&#039;y sumasaiyo , ikaw lalaking makapangyarihang may tapang . At sinabi ni Gedeon sa kaniya , Oh Panginoon ko , kung ang Panginoon ay sumasaamin , bakit nga ang lahat ng ito ay sumapit sa amin ? at saan naroon ang lahat niyang kababalaghang gawa na isinaysay sa amin ng aming mga magulang , na sinasabi , Hindi ba tayo iniahon ng Panginoon mula sa Egipto ? nguni&#039;t ngayo&#039;y hiniwalayan kami ng Panginoon at ibinigay kami sa kamay ng Madian . At tiningnan siya ng Panginoon , at sinabi , Yumaon ka sa kalakasan mong ito , at iligtas mo ang Israel sa kamay ng Madian : hindi ba kita sinugo ? At sinabi niya sa kaniya , Oh Panginoon , paanong ililigtas ko ang Israel ? narito , ang aking angkan ay siyang pinakadukha sa Manases , at ako ang pinakamaliit sa bahay sangbahayan ng aking ama . At sinabi ng Panginoon sa kaniya , Walang pagsalang ako&#039;y sasaiyo ; at iyong sasaktan ang mga Madianita na parang isang lalake . At sinabi niya sa kaniya , Kung ngayo&#039;y nakasumpong ako ng biyaya sa iyong paningin , ay bigyan mo nga ako ng isang tanda , na ikaw ang nakikipagusap sa akin . Isinasamo ko sa iyo na huwag kang umalis dito , hanggang sa ako&#039;y parito sa iyo , at ilabas ko ang aking handog , at ilapag ko sa harap mo . At kaniyang sinabi , Ako&#039;y maghihintay hanggang sa ikaw ay bumalik . At si Gedeon ay pumasok , at naglutong madali ng isang anak ng kambing , at ng isang efa ng harina , ng mga munting tinapay na walang lebadura : inilagay ang karne sa isang buslo , at kaniyang inilagay ang sabaw sa isang palyok , at inilabas sa kaniya sa ilalim ng encina , at inihain . At sinabi ng anghel ng Dios sa kaniya , Kunin mo ang karne at ang mga munting tinapay na walang lebadura at ipatong mo sa batong ito at ibuhos mo ang sabaw . At kaniyang ginawang gayon . Nang magkagayo&#039;y iniunat ng anghel ng Panginoon ang dulo ng tungkod , na nasa kaniyang kamay , at sinalang ang karne at ang mga munting tinapay na walang lebadura ; at napailanglang ang apoy sa bato , at pinugnaw ang karne at ang mga munting tinapay na walang lebadura ; at ang anghel ng Panginoon ay nawala sa kaniyang paningin . At nakita ni Gedeon na siya ang anghel ng Panginoon ; at sinabi ni Gedeon , Aba , Oh Panginoon Dios ! sapagka&#039;t aking nakita ang anghel ng Panginoon na mukhaan . At sinabi ng Panginoon sa kaniya , Kapayapaan ang sumaiyo ; huwag kang matakot : hindi ka mamamatay . Nang magkagayo&#039;y nagtayo roon si Gedeon ng isang dambana sa Panginoon , at tinawag na Jehova-salom : hanggang sa araw na ito ay nasa sa Ophra pa ng mga Abiezerita . At nangyari nang gabi ring yaon , na sinabi ng Panginoon sa kaniya , Kunin mo ang toro ng iyong ama , ang ikalawang toro na may pitong taong katandaan , at iwasak mo ang dambana ni Baal na tinatangkilik ng iyong ama , at putulin mo ang Asera na nasa siping niyaon . At ipagtayo mo , sa isang paraang maayos ng isang dambana ang Panginoon mong Dios sa taluktok nitong matibay na dako ; at kunin mo ang ikalawang toro , at maghandog ka ng isang handog na susunugin sangpu ng kahoy ng Asera na iyong puputulin . Nang magkagayo&#039;y kumuha si Gedeon ng sangpung lalake sa kaniyang mga bataan , at ginawa ang ayon sa sinalita ng Panginoon sa kaniya : at nangyari , na sapagka&#039;t siya&#039;y natakot sa sangbahayan ng kaniyang ama at sa mga lalake sa bayan , kaya&#039;t hindi niya nagawa sa araw ay kaniyang ginawa sa gabi . At nang bumangong maaga ang mga lalake sa bayan ng kinaumagahan narito , ang dambana ni Baal ay wasak , at ang Asera na nasa siping niyaon ay putol , at ang ikalawang toro ay inihandog sa dambana na itinayo . At sila&#039;y nangagsalitaan , Sino ang gumawa ng bagay na ito ? At nang kanilang usisain at itanong ay kanilang sinabi , Ginawa ni Gedeon na anak ni Joas ang bagay na ito . Nang magkagayo&#039;y sinabi kay Joas ng mga lalake sa bayan , Ilabas mo ang iyong anak upang siya&#039;y mamatay : sapagka&#039;t kaniyang iniwasak ang dambana ni Baal , at sapagka&#039;t kaniyang pinutol ang Asera na nasa siping niyaon . At sinabi ni Joas sa lahat na nakatayong laban sa kaniya , Ipagsasanggalang ba ninyo si Baal ? o ililigtas ba ninyo siya ? yaong magsasanggalang sa kaniya ay papatayin samantalang umaga pa ; kung siya&#039;y dios ay magsanggalang siya sa kaniyang sarili , sapagka&#039;t may nagwasak ng kaniyang dambana . Kaya&#039;t nang araw na yaon ay tinawag siyang Jerobaal , na sinasabi , Magsanggalang si Baal laban sa kaniya , sapagka&#039;t iniwasak niya ang kaniyang dambana . Nang magkagayo&#039;y lahat ng mga Madianita , at mga Amalecita at mga anak sa silanganan ay nagpulong ; at sila&#039;y nagtuloy at humantong sa libis ng Jezreel . Nguni&#039;t ang Espiritu ng Panginoon ay suma kay Gedeon ; at humihip siya ng isang pakakak ; at ang mga Abiezerita ay nangagkapisan sa kaniya . At nagsugo ng mga sugo sa buong Manases ; at sila man ay nangakipisan sa kaniya : at siya&#039;y nagsugo ng mga sugo sa Aser , at sa Zabulon , at sa Nephtali , at sila&#039;y umahong sumalubong sa kanila . At sinabi ni Gedeon sa Dios , Kung iyong ililigtas ang Israel sa pamamagitan ng aking kamay , gaya ng iyong sinalita . Narito , aking ilalagay ang isang balat na lana sa giikan ; kung dumoon lamang sa balat ang hamog , at maging tuyo ang buong lupa , ay malalaman ko nga na iyong ililigtas ang Israel sa pamamagitan ng aking kamay , gaya ng iyong sinalita . At nagkagayon : sapagka&#039;t siya&#039;y bumangong maaga ng kinaumagahan , at hinigpit ang buong balat , at piniga ang hamog sa balat , na isang tasang malaki ng tubig . At sinabi ni Gedeon sa Dios , Huwag magalab ang iyong galit laban sa akin , at magsasalita na lamang ako ng minsan pa : isinasamo ko sa iyo na ipasubok mo pa sa aking minsan sa pamamagitan ng balat : tuyuin mo ngayon ang balat lamang , at sa buong lupa ay magkaroon ng hamog . At ginawang gayon ng Dios nang gabing yaon : sapagka&#039;t natuyo ang balat lamang , at nagkaroon ng hamog sa buong lupa . Nang magkagayo&#039;y si Jerobaal na siyang Gedeon , at ang buong bayan na kasama niya ay bumangong maaga , at humantong sa bukal ng Harod : at ang kampamento ng Madian ay nasa dakong hilagaan nila , sa dako roon ng Moreh , sa libis . At sinabi ng Panginoon kay Gedeon , Ang bayang kasama mo ay totoong marami sa akin upang aking ibigay ang mga Madianita sa kanilang kamay , baka ang Israel ay magmalaki laban sa akin , na sabihin , Aking sariling kamay ang nagligtas sa akin . Kaya&#039;t ngayo&#039;y yumaon ka , ipagpatawag mo sa mga pakinig ng bayan , na iyong sabihin , Sinomang matatakutin at mapanginig , ay bumalik at pumihit mula sa bundok ng Galaad . At bumalik sa bayan ang dalawang pu&#039;t dalawang libo ; at naiwan ang sangpung libo . At sinabi ng Panginoon kay Gedeon , Ang bayan ay totoong marami pa ; palusungin mo sila sa tubig , at doo&#039;y aking susubukin sila sa iyo : at mangyayari , na sinomang aking sabihin sa iyo , Ito&#039;y sumama sa iyo , yaon sumama sa iyo ; at sa sinomang sabihin ko sa iyo , Ito&#039;y huwag sumama sa iyo , yao&#039;y huwag sumama sa iyo . Sa gayo&#039;y kaniyang inilusong ang bayan sa tubig : at sinabi ng Panginoon kay Gedeon , Bawa&#039;t humimod sa tubig ng kaniyang dila , gaya ng paghimod ng aso , ay iyong ihihiwalay : gayon din ang bawa&#039;t yumukong lumuhod upang uminom . At ang bilang ng mga humimod , na inilalagay ang kanilang kamay sa kanilang bibig , ay tatlong daang lalake : nguni&#039;t ang buong labis ng bayan ay yumukong lumuhod upang uminom ng tubig . At sinabi ng Panginoon kay Gedeon , Sa pamamagitan ng tatlong daang lalake na humimod ay ililigtas ko kayo , at ibibigay ko ang mga Madianita sa iyong kamay : at pabayaan mong ang buong bayan ay yumaon bawa&#039;t isa sa kanikaniyang dako . Sa gayo&#039;y nagbaon ang bayan sa kanilang kamay ng mga pagkain at ng kanilang mga pakakak : at kaniyang sinugo ang lahat ng mga lalake sa Israel na bawa&#039;t isa ay umuwi sa kanikaniyang tolda , nguni&#039;t pinigil ang tatlong daang lalake : at ang kampamento ng Madian ay nasa ibaba niya sa libis . At nangyari nang gabi ring yaon , na sinabi ng Panginoon sa kaniya , Bumangon ka , lusungin mo ang kampamento ; sapagka&#039;t aking ibinigay sa iyong kamay . Nguni&#039;t kung ikaw ay natatakot na lumusong , ay lumusong ka sa kampamento na kasama ni Phara na iyong lingkod . At iyong maririnig kung ano ang kanilang sinasabi , at pagkatapos ang iyong mga kamay ay lalakas na lumusong sa kampamento . Nang magkagayo&#039;y lumusong siyang kasama si Phara na kaniyang lingkod sa pinakahangganan ng mga lalaking may sakbat na nangasa kampamento . At ang mga Madianita at ang mga Amalecita at ang lahat ng mga anak sa silanganan ay nalalatag sa libis na parang balang dahil sa karamihan ; at ang kanilang mga kamelyo ay walang bilang , na gaya ng buhangin na nasa tabi ng dagat dahil sa karamihan . At nang dumating si Gedeon , narito , may isang lalake na nagsasaysay ng isang panaginip sa kaniyang kasama , at kaniyang sinabi , Nanaginip ako ng isang panaginip ; at , narito , isang munting tinapay na sebada , ay gumulong hanggang sa kampamento ng Madian , at umabot sa tolda , at tinamaan yaon ng malakas na tuloy bumagsak , at natiwarik , na ang tolda&#039;y lumagpak . At sumagot ang kaniyang kasama , at nagsabi , Ito&#039;y hindi iba , kundi ang tabak ni Gedeon , na anak ni Joas , isang lalaking Israelita , na ibinigay ng Dios sa kaniyang kamay ang Madian at ang buong hukbo niya . At nangyari , nang marinig ni Gedeon ang salaysay tungkol sa panaginip , at ang pagkapaliwanag niyaon , na siya&#039;y sumamba ; at siya&#039;y bumalik sa kampamento ng Israel , at sinabi , Tumindig kayo ; sapagka&#039;t ibinigay ng Panginoon sa inyong kamay ang hukbo ng Madian . At binahagi niya ang tatlong daang lalake ng tatlong pulutong , at kaniyang nilagyan ang mga kamay nilang lahat ng mga pakakak , at mga bangang walang laman at mga sulo sa loob ng mga banga . At kaniyang sinabi sa kanila , Masdan ninyo ako , at inyong parisan : at , narito , pagka ako&#039;y dumating sa pinakahuling bahagi ng kampamento , ay mangyayari , na kung anong aking gawin ay siya ninyong gagawin . Pagka ako&#039;y hihihip ng pakakak , ako at lahat na kasama ko , ay humihip nga naman kayo ng mga pakakak , sa buong palibot ng buong kampamento , at sabihin ninyo , Ang tabak ng Panginoon at ni Gedeon . Sa gayo&#039;y si Gedeon , at ang isang daang lalake na kasama niya ay napasa pinakahuling bahagi ng kampamento sa pasimula ng pagbabantay sa hating gabi , ng halos kahahalili lamang ng bantay : at sila&#039;y humihip ng mga pakakak , at kanilang binasag ang mga banga na nasa kanilang mga kamay . At hinipan ng tatlong pulutong ang mga pakakak , at binasag ang mga banga , at itinaas ang mga sulo sa kanilang kaliwang kamay , at ang mga pakakak sa kanilang kanang kamay na kanilang hinihipan , at sila&#039;y naghiyawan , Ang tabak ng Panginoon at ni Gedeon . At sila&#039;y nangakatayo , bawa&#039;t isa , sa kaniyang dako sa palibot ng kampamento : at ang buong hukbo ay tumakbo ; at sila&#039;y sumigaw at pinatakas nila . At hinipan nila ang tatlong daang pakakak at inilagay ng Panginoon ang tabak ng bawa&#039;t isa laban sa kaniyang kasama , at laban sa buong hukbo : at tumakas ang hukbo hanggang sa Beth-sitta sa dakong Cerera , hanggang sa hangganan ni Abelmehola , sa siping ng Tabbat . At ang mga lalake ng Israel ay nagpipisan , ang sa Nephtali , at ang sa Aser , at sa buong Manases , at hinabol ang Madian . At nagsugo si Gedeon ng mga sugo sa buong lupaing maburol ng Ephraim , na sinasabi , Lusungin ninyo ang Madian , at agapan ninyo ang tubig , hanggang sa Beth-bara , at ang Jordan . Sa gayo&#039;y ang lahat ng mga lalake ng Ephraim ay nagkapisan , at inagapan ang tubig hanggang sa Beth-bara , at ang Jordan . At kanilang hinuli ang dalawang prinsipe sa Madian , si Oreb at si Zeeb : at kanilang pinatay si Oreb sa batuhan ni Oreb at si Zeeb ay kanilang pinatay sa pisaan ng ubas ni Zeeb , at hinabol ang Madian : at kanilang dinala ang mga ulo ni Oreb at ni Zeeb kay Gedeon sa dako roon ng Jordan . At sinabi ng mga lalake ng Ephraim sa kaniya , Bakit ginawa mo sa amin ang ganyan , na hindi mo kami tinawag nang ikaw ay yumaong makipaglaban sa Madian ? At siya&#039;y pinagwikaan nilang mainam . At sinabi niya sa kanila , Ano ang aking ginawa ngayon na paris ng inyo ? Di ba mainam ang pagsimot ng ubas ng Ephraim kay sa pagaani ng sa Abiezer ? Ibinigay ng Dios sa inyong kamay ang mga prinsipe sa Madian , si Oreb , at si Zeeb , at ano ang aking magagawa na paris ng inyo ? Nang magkagayo&#039;y ang kanilang galit sa kaniya ay lumamig , nang kaniyang sabihin yaon . At si Gedeon ay dumating sa Jordan , at siya&#039;y tumawid , siya , at ang tatlong daang lalake na mga kasama niya , mga pagod na , ay humahabol pa . At sinabi niya sa mga lalake sa Succoth , Isinasamo ko sa inyo na bigyan ninyo ng mga tinapay ang bayan na sumusunod sa akin ; sapagka&#039;t sila&#039;y mga pagod , at aking hinahabol si Zeba at si Zalmunna , na mga hari sa Madian . At sinabi ng mga prinsipe sa Succoth , Nasa iyo na bang kamay ngayon ang mga kamay ni Zeba at ni Zalmunna , upang bigyan namin ng tinapay ang iyong hukbo ? At sinabi ni Gedeon , Kaya , pagka ibinigay ng Panginoon , si Zeba at si Zalmunna sa aking kamay , ay akin ngang gagalusan ang inyong laman ng mga tinik sa ilang at ng mga dawag . At inahon niya mula roon ang Penuel , at siya&#039;y nagsalita sa kanila ng gayon din : at sinagot siya ng mga lalake sa Penuel na gaya ng isinagot ng mga lalake sa Succoth . At sinalita niya naman sa mga lalake sa Penuel , na sinasabi , Pagbabalik kong payapa , ay aking ilalagpak ang moog na ito . Ngayo&#039;y si Zeba at si Zalmunna ay nasa Carcor , at ang kanilang mga hukbo na kasama nila , na may labing limang libong lalake , yaong lahat na nalabi sa buong hukbo ng mga anak sa silanganan : sapagka&#039;t nabuwal ang isang daan at dalawang pung libong lalake na humahawak ng tabak . At si Gedeon ay umahon sa daan ng mga tumatahan sa mga tolda sa silanganan ng Noba at Jogbea , at sinaktan ang hukbo ; sapagka&#039;t ang hukbo ay tiwasay . At si Zeba at si Zalmunna ay tumakas ; at kaniyang hinabol sila : at kaniyang hinuli ang dalawang hari sa Madian , na si Zeba at si Zalmunna , at nalito ang buong hukbo . At tinalikdan ni Gedeon na anak ni Joas ang pagbabaka , mula sa sampahan sa Heres . At hinuli niya ang isang may kabataan sa mga lalake sa Succoth , at nagusisa siya sa kaniya : at ipinaalam sa kaniya ang mga prinsipe sa Succoth , at ang mga matanda niyaon na pitong pu&#039;t pitong lalake . At sila&#039;y naparoon sa mga lalake sa Succoth , at sinabi , Narito si Zeba at si Zalmunna , na tungkol sa kanila , ay inyo akong tinuya na inyong sinasabi , Nasa iyo na bang kamay ngayon ang mga kamay ni Zeba at ni Zalmunna , upang bigyan namin ng tinapay ang iyong mga lalake na mga pagod ? At kaniyang kinuha ang mga matanda sa bayan , at mga tinik sa ilang at mga dawag , at sa pamamagitan ng mga yaon ay kaniyang tinuruan ang mga lalake sa Succoth . At kaniyang inilagpak ang moog ng Penuel , at pinatay ang mga lalake sa bayan . Nang magkagayo&#039;y kaniyang sinabi kay Zeba at kay Zalmunna . Anong mga lalake yaong inyong pinatay sa Tabor ? At sila&#039;y sumagot , Kung ano ikaw ay gayon sila ; bawa&#039;t isa&#039;y nahuhuwad sa mga anak ng isang hari . At kaniyang sinabi , Sila&#039;y aking mga kapatid , na mga anak ng aking ina : buhay ang Panginoon , kung inyong iniligtas sana silang buhay , disin hindi ko kayo papatayin . At sinabi niya kay Jether na kaniyang panganay , Bangon , at patayin mo sila . Nguni&#039;t ang bata&#039;y hindi humawak ng tabak : sapagka&#039;t siya&#039;y natakot , dahil sa siya&#039;y bata pa . Nang magkagayo&#039;y sinabi ni Zeba at ni Zalmunna , Bumangon ka , at daluhungin mo kami : sapagka&#039;t kung paano ang pagkalalake ay gayon ang kaniyang lakas . At bumangon si Gedeon , at pinatay si Zeba at si Zalmunna , at kinuha ang mga pahiyas na may anyong kalahating buwan na nasa mga leeg ng kanilang mga kamelyo . Nang magkagayo&#039;y sinabi ng mga lalake ng Israel kay Gedeon , Magpuno ka sa amin ngayon , ikaw at ang iyong anak , sapagka&#039;t iniligtas mo kami sa kamay ng Madian . At sinabi ni Gedeon sa kanila , Hindi ako magpupuno sa inyo , o magpupuno man ang aking anak sa inyo : ang Panginoon ang magpupuno sa inyo . At sinabi ni Gedeon sa kanila , Hangad ko ang isang kahilingan sa inyo , na bigyan ako ng bawa&#039;t isa sa inyo ng mga hikaw na kaniyang samsam . ( Sapagka&#039;t sila&#039;y may mga gintong hikaw , dahil sa sila&#039;y mga Ismaelita . ) At sumagot sila , Ibibigay namin ng buong pagibig . At sila&#039;y naglatag ng isang balabal , at inilagay roon ng bawa&#039;t isa ang mga hikaw na kaniyang samsam . At ang timbang ng mga gintong hikaw na kaniyang hiniling , ay isang libo at pitong daang siklong ginto ; bukod pa ang mga pahiyas na may anyong kalahating buwan , at ang mga hikaw at ang mga damit na morado na suot ng mga hari sa Madian , at bukod pa ang mga tanikala na nangasa leeg ng mga kamelyo . At ginawang epod ni Gedeon at inilagay sa kaniyang bayan , sa makatuwid baga&#039;y sa Ophra : at ang buong Israel ay naparoroon na sumasamba sa kaniya roon : at siyang naging ikinasilo ni Gedeon at ng kaniyang sangbahayan . Gayon napasuko ang Madian sa harap ng mga anak ni Israel , at hindi na nila itinaas pa ang kanilang ulo . At ang lupain ay nagpahingang apat na pung taon sa mga araw ni Gedeon . At si Jerobaal na anak ni Joas ay yumaon at tumahan sa kaniyang sariling bahay . At nagkaroon si Gedeon ng pitong pung anak na lumabas sa kaniyang mga balakang : sapagka&#039;t siya&#039;y mayroong maraming asawa . At ang kaniyang babae na nasa Sichem ay nagkaanak naman sa kaniya ng isang lalake , at kaniyang tinawag ang pangalan na Abimelech . At namatay si Gedeon na anak ni Joas na may mabuting katandaan at inilibing sa libingan ni Joas na kaniyang ama , sa Ophra ng mga Abiezerita . At nangyari , pagkamatay ni Gedeon , na ang mga anak ni Israel ay bumalik at sumamba sa mga Baal , at ginawang kanilang dios ang Baal-berith . At hindi naalaala ng mga anak ni Israel ang Panginoon nilang Dios , na siyang nagpapaging laya sa kanila sa kamay ng lahat nilang mga kaaway sa buong palibot : O gumanti man lamang ng kagandahang loob sa sangbahayan ni Jerobaal , na siyang Gedeon ayon sa lahat ng kabutihan na kaniyang ipinakita sa Israel . At si Abimelech na anak ni Jerobaal ay napasa Sichem , sa mga kapatid ng kaniyang ina , at nagsalita sa kanila , at sa lahat ng angkan ng sangbahayan ng ama ng kaniyang ina , na nagsasabi , Isinasamo ko sa inyo na inyong salitain sa mga pakinig ng lahat ng mga lalake sa Sichem , Kung ano ang magaling sa inyo , na lahat na anak ni Jerobaal na pitong pung lalake ay magpuno sa inyo , o isa ang magpuno sa inyo ? alalahanin din naman ninyo na ako ay inyong buto at inyong laman . At tungkol sa kaniya ay sinalita ng mga kapatid ng ina niya , sa mga pakinig ng lahat ng mga lalake sa Sichem ang lahat ng mga salitang ito at ang kanilang puso ay kumiling na sumunod kay Abimelech , sapagka&#039;t kanilang sinabi , Siya&#039;y ating kapatid . At nagbigay sila ng pitong pung putol na pilak , mula sa bahay ng Baal-berith , na siyang iniupa ni Abimelech sa mga taong hampas lupa at mga palaboy , na siyang mga sumunod sa kaniya . At siya&#039;y naparoon sa bahay ng kaniyang ama sa Ophra , at pinatay ang kaniyang mga kapatid na mga anak ni Jerobaal , na pitong pung katao , sa ibabaw ng isang bato : nguni&#039;t si Jotham na bunsong anak ni Jerobaal ay nalabi ; sapagka&#039;t siya&#039;y nagtago . At lahat ng mga lalake sa Sichem ay nagpupulong at ang buong sangbahayan ni Millo , at yumaon at ginawang hari si Abimelech sa tabi ng encina ng haliging nasa Sichem . At nang kanilang saysayin kay Jotham , siya&#039;y yumaon at tumayo sa taluktok ng bundok Gerizim , at inilakas ang kaniyang tinig , at sumigaw , at sinabi sa kanila , Dinggin ninyo ako , ninyong mga lalake sa Sichem , upang dinggin kayo ng Dios . Ang mga puno ng kahoy ay naghalal ng hari na minsan ; at kanilang sinabi sa puno ng olibo , Maghari ka sa amin . Nguni&#039;t sinabi ng puno ng olibo sa kanila , Akin bang iiwan ang aking katabaan , na siyang sa akin ay nakapagpaparangal sa Dios at sa tao , at makipagindayunan sa mga puno ng kahoy ? At sinabi ng mga punong kahoy sa puno ng igos , Halika , at maghari ka sa amin . Nguni&#039;t sinabi ng puno ng igos sa kanila , Akin bang iiwan ang aking katamisan , at ang aking mabuting bunga , at yayaong makipagindayunan sa mga puno ng kahoy ? At sinabi ng mga puno ng kahoy sa puno ng ubas , Halika , at maghari ka sa amin . At sinabi ng puno ng ubas sa kanila , Akin bang iiwan ang aking alak , na nagpapasaya sa Dios at sa tao , at yayaong makipagindayunan sa mga puno ng kahoy ? Nang magkagayo&#039;y sinabi ng lahat ng mga puno ng kahoy sa dawag , Halika , at maghari ka sa amin . At sinabi ng dawag sa mga puno ng kahoy , Kung tunay na ako&#039;y inyong inihahalal na hari ninyo , pumarito nga kayo at manganlong kayo sa aking lilim : at kung hindi ay labasan ng apoy ang dawag at pugnawin ang mga sedro ng Libano . Ngayon nga&#039;y kung tapat at matuwid mong ginawang hari si Abimelech , at kung gumawa kayo ng mabuti kay Jerobaal at sa kaniyang sangbahayan , at kayo&#039;y gumawa sa kaniya ng ayon sa marapat sa kaniyang mga kamay ; ( Sapagka&#039;t ipinakipaglaban kayo ng aking ama at inihadlang ang kaniyang buhay , at pinapaging laya kayo sa kamay ni Madian : At kayo&#039;y bumangon laban sa sangbahayan ng aking ama sa araw na ito , at pinatay ninyo ang kaniyang mga anak , na pitong pung lalake , sa ibabaw ng isang bato , at ginawa ninyong hari si Abimelech , na anak ng kaniyang aliping babae , sa mga lalake sa Sichem , sapagka&#039;t siya&#039;y inyong kapatid ; ) Kung tapat nga at matuwid na kayo&#039;y gumanti kay Jerobaal at sa kaniyang sangbahayan sa araw na ito , magalak nga kayo kay Abimelech at magalak naman siya sa inyo : Nguni&#039;t kung hindi ay labasan ng apoy si Abimelech , at pugnawin ang mga lalake sa Sichem , at ang sangbahayan ni Millo , at labasan ng apoy ang mga lalake sa Sichem , at ang sangbahayan ni Millo , at pugnawin si Abimelech . At si Jotham ay tumakbong umalis , at tumakas , at napasa Beer , at tumahan doon , dahil sa takot kay Abimelech na kaniyang kapatid . At si Abimelech ay naging prinsipe sa Israel na tatlong taon . At nagsugo ang Dios ng isang masamang espiritu kay Abimelech at sa mga lalake sa Sichem ; at ang mga lalake sa Sichem ay naglilo kay Abimelech . Upang ang dahas na ginawa sa pitong pung anak ni Jerobaal ay dumating , at upang ang kanilang dugo ay malagpak kay Abimelech na kanilang kapatid , na siyang pumatay sa kanila , at sa mga lalake sa Sichem , na nagpalakas ng kaniyang mga kamay upang patayin ang kaniyang mga kapatid . At binakayan siya ng mga lalake sa Sichem sa mga taluktok ng mga bundukin , at kanilang pinagnakawan yaong lahat na dumaan sa daang yaon na malapit sa kanila ; at naibalita kay Abimelech . At dumating si Gaal na anak ni Ebed na kasama ng kaniyang mga kapatid , at dumaan sa Sichem : at inilagak ng mga lalake sa Sichem ang kanilang tiwala sa kaniya . At sila&#039;y lumabas sa bukid , at namitas sa kanilang mga ubasan , at pinisa , at nagpapista , at napasa bahay ng kanilang dios , at nagkainan at naginuman , at sinumpa si Abimelech . At sinabi ni Gaal na anak ni Ebed , Sino si Abimelech at sino si Sichem , upang , aming paglingkuran siya ? hindi ba siya ang anak ni Jerobaal ? at si Zebul ay kaniyang pinuno ? Maglingkod kayo sa mga lalake ni Hamor na ama ni Sichem : nguni&#039;t bakit kami maglilingkod sa kaniya ? At kahi manawari ang bayang ito&#039;y mapasa ilalim ng aking kamay . Kung magkagayo&#039;y aking hahalinhan si Abimelech . At kaniyang sinabi kay Abimelech , Dagdagan mo ang iyong kawal at lumabas ka . At nang marinig ni Zebul na puno ng bayan ang mga salita ni Gaal na anak ni Ebed , ay nagalab ang kaniyang galit . At lihim na nagsugo siya ng mga sugo kay Abimelech , na nagsabi , Narito , si Gaal na anak ni Ebed at ang kaniyang mga kapatid ay naparoon sa Sichem ; at , narito , kanilang pinilit ang bayan laban sa iyo . Ngayon nga&#039;y bumangon ka sa gabi , ikaw at ang bayan na kasama mo , at bakayan mo sa bukid : At mangyayari , na sa kinaumagahan , pagsikat ng araw , ay babangon kang maaga , at isasalakay mo ang bayan : at , narito , pagka siya at ang bayan na kasama niya ay lumabas laban sa iyo , ay magagawa mo nga sa kanila ang magalingin mo . At bumangon si Abimelech , at ang buong bayan na kasama niya , sa kinagabihan at sinalakay nila ang Sichem , na sila&#039;y apat na pulutong . At lumabas si Gaal na anak ni Ebed , at tumayo sa pasukan ng pintuang-bayan ; at si Abimelech ay bumangon sa pagbakay at ang bayan na kasama niya . At nang makita ni Gaal ang bayan , ay kaniyang sinabi kay Zebul , Narito , bumababa ang bayan mula sa taluktuk ng mga bundok . At sinabi ni Zebul sa kaniya , Iyong nakikita&#039;y mga lilim ng mga bundukin , na parang mga lalake . At nagsalita uli si Gaal , at nagsabi , Tignan mo , bumababa ang bayan sa kalagitnaan ng lupain , at isang pulutung ay dumarating sa daan ng encina ng Meonenim . Nang magkagayo&#039;y sinabi ni Zebul sa kaniya , Saan nandoon ngayon ang iyong bibig , na iyong ipinagsabi , Sino si Abimelech upang tayo&#039;y maglingkod sa kaniya ? hindi ba ito ang bayan na iyong niwalan ng kabuluhan ? lumabas ka ngayon at lumaban sa kanila . At lumabas si Gaal sa harap ng mga lalake sa Sichem , at lumaban kay Abimelech . At hinabol ni Abimelech siya , at siya&#039;y tumakas sa harap niya , at nabuwal ang maraming sugatan hanggang sa pasukan ng pintuang-bayan . At si Abimelech ay tumahan sa Aruma : at pinalayas ni Zebul si Gaal at ang kaniyang mga kapatid , upang sila&#039;y huwag tumahan sa Sichem . At nangyari nang kinaumagahan , na ang baya&#039;y lumabas sa parang ; at kanilang isinaysay kay Abimelech . At kaniyang kinuha ang bayan , at binahagi niya ng tatlong pulutong , at bumakay sa parang ; at siya&#039;y tumingin , at narito , ang bayan ay lumabas sa kabayanan ; at siya&#039;y bumangon laban sa kanila , at sila&#039;y sinaktan niya . At si Abimelech at ang mga pulutong na kasama niya ay nagsidaluhong at nagsitayo sa pasukan ng pintuan ng bayan : at ang dalawang pulutong ay nagsidaluhong doon sa lahat ng nasa bukid , at sila&#039;y sinaktan nila . At lumaban si Abimelech sa bayan nang buong araw na yaon ; at sinakop ang bayan , at pinatay ang bayan na nasa loob niyaon : at iginiba ang kabayanan at hinasikan ng asin . At nang mabalitaan yaon ng lahat ng mga lalake sa moog ng Sichem , ay pumasok sila sa kuta ng bahay ng El-berith . At nasaysay kay Abimelech , na ang lahat ng mga tao sa moog ng Sichem ay nagpipisan . At umahon si Abimelech sa bundok ng Salmon , siya at ang buong bayan na kasama niya ; at sumunggab si Abimelech ng isang palakol sa kaniyang kamay , at pumutol ng isang sanga sa mga kahoy at itinaas , at ipinasan sa kaniyang balikat : at sinabi niya sa bayan na kasama niya , Kung ano ang makita ninyo na gawin ko , magmadali kayo , at gawin ninyo ang aking ginawa . At ang buong bayan ay pumutol na gayon din ang bawa&#039;t lalake ng kanikaniyang sanga , at sumunod kay Abimelech , at ipinaglalagay sa kuta , at sinilaban ang kuta sa pamamagitan niyaon ; na ano pa&#039;t ang lahat ng mga lalake sa moog ng Sichem ay namatay rin , na may isang libong lalake at babae . Nang magkagayo&#039;y naparoon si Abimelech sa Thebes , at humantong ng laban sa Thebes , at sinakop . Nguni&#039;t may isang matibay na moog sa loob ng bayan , at doo&#039;y nagsitakas ang lahat na lalake at babae at ang lahat na nasa bayan , at sinarhan , at nagsisampa sa bubungan ng moog . At naparoon si Abimelech sa moog , at lumaban , at lumapit sa pintuan ng moog , upang sunugin ng apoy . At hinagis ng isang babae , ng isang pangibabaw na bato ng gilingan ang ulo ni Abimelech at nabasag ang kaniyang bungo . Nang magkagayo&#039;y tinawag niyang madali ang bataang kaniyang tagadala ng almas , at sinabi niya sa kaniya , Kunin mo ang iyong tabak , at patayin mo ako , upang huwag sabihin tungkol sa akin ng mga tao , Isang babae ang pumatay sa kaniya . At pinalagpasan siya ng kaniyang bataan , at siya&#039;y namatay . At nang makita ng Israel na namatay si Abimelech , ay yumaon ang bawa&#039;t lalake sa kanikaniyang dako . Ganito pinaghigantihan ng Dios ang kasamaan ni Abimelech , na kaniyang ginawa sa kaniyang ama , sa pagpatay ng kaniyang pitong pung kapatid : At ang buong kasamaan ng mga lalake sa Sichem ay pinaghigantihan ng Dios sa kanilang mga ulo : at dumating sa kanila ang sumpa ni Jotham na anak ni Jerobaal . At pagkamatay ni Abimelech ay bumangon doon , upang magligtas sa Israel , si Tola na anak ni Pua , na anak ni Dodo , na lalake ng Issachar ; at siya&#039;y tumahan sa Samir sa lupaing maburol ng Ephraim . At siya&#039;y naghukom sa Israel na dalawang pu&#039;t tatlong taon ; at namatay , at inilibing sa Samir . At pagkamatay niya&#039;y bumangon si Jair , na Galaadita ; at siya&#039;y naghukom sa Israel na dalawang pu&#039;t dalawang taon . At siya&#039;y may tatlong pung anak na sumasakay sa tatlong pung asno , at sila&#039;y may tatlong pung bayan na tinatawag na Havot-jair hanggang sa araw na ito , na nangasa lupain ng Galaad . At namatay si Jair , at inilibing sa Camon . At ginawa uli ng mga anak ni Israel ang kasamaan sa paningin ng Panginoon , at naglingkod sa mga Baal , at kay Astaroth , at sa mga dios sa Siria , at sa mga dios sa Sidon , at sa mga dios sa Moab , at sa mga dios ng mga anak ni Ammon , at sa mga dios ng mga Filisteo ; at pinabayaan nila ang Panginoon , at hindi naglingkod sa kaniya . At ang galit ng Panginoon ay nagalab laban sa Israel , at ipinagbili niya sila sa kamay ng mga Filisteo , at sa kamay ng mga anak ni Ammon . At kanilang pinahirapan at pinighati ang mga anak ni Israel nang taong yaon : labing walong taong pinighati ang lahat ng mga anak ni Israel na nangasa dako roon ng Jordan sa lupain ng mga Amorrheo , na nasa Galaad . At ang mga anak ni Ammon ay tumawid sa Jordan upang lumaban naman sa Juda , at sa Benjamin , at sa sangbahayan ni Ephraim ; na ano pa&#039;t ang Israel ay totoong pinapaghinagpis . At dumaing ang mga anak ni Israel sa Panginoon , na sinasabi , Kami ay nagkasala laban sa iyo , sapagka&#039;t aming pinabayaan ang aming Dios , at kami ay naglingkod sa mga Baal . At sinabi ng Panginoon sa mga anak ni Israel , Di ba pinapaging laya ko kayo sa mga taga Egipto , at sa mga Amorrheo , sa mga anak ni Ammon , at sa mga Filisteo ? Ang mga Sidonio man , at ang mga Amalecita , at ang mga Maonita ay pumighati rin sa iyo ; at kayo&#039;y dumaing sa akin , at pinapaging laya ko kayo sa kanilang mga kamay . Gayon ma&#039;y pinabayaan ninyo ako , at kayo&#039;y naglingkod sa ibang mga dios : kaya&#039;t hindi ko na kayo palalayain . Kayo&#039;y yumaon at dumaing sa mga dios na inyong pinili ; palayain kayo nila sa panahon ng inyong kapighatian . At sinabi ng mga anak ni Israel sa Panginoon , Kami ay nagkasala : gawin mo sa amin anomang iyong mabutihin ; isinasamo namin sa iyo , na iligtas mo lamang kami sa araw na ito . At kanilang inihiwalay ang mga dios ng iba sa kanila , at naglingkod sa Panginoon : at ang kaniyang kaluluwa ay nagdalamhati dahil sa karalitaan ng Israel . Nang magkagayon ang mga anak ni Ammon ay nagpipisan , at humantong sa Galaad . At ang mga anak ni Israel ay nagpipisan , at humantong sa Mizpa . At ang bayan , at ang mga prinsipe sa Galaad , ay nagsangusapan , Sinong tao ang magpapasimulang lumaban sa mga anak ni Ammon ? siya&#039;y magiging pangulo ng lahat na taga Galaad . Si Jephte nga na Galaadita ay lalaking makapangyarihang may tapang , at siya&#039;y anak ng isang patutot : at si Jephte ay naging anak ni Galaad . At ang asawa ni Galaad ay nagkaanak sa kaniya ng mga lalake ; at nang magsilaki ang mga anak ng kaniyang asawa ay kanilang pinalayas si Jephte , at sinabi nila sa kaniya , Ikaw ay hindi magmamana sa sangbahayan ng aming ama ; sapagka&#039;t ikaw ay anak ng ibang babae . Nang magkagayo&#039;y tumakas si Jephte sa harap ng kaniyang mga kapatid , at tumahan sa lupain ng Tob : at doo&#039;y nakipisan kay Jephte ang mga lalaking walang kabuluhan , at nagsilabas na kasama niya . At nangyari pagkaraan ng ilang panahon , na ang mga anak ni Ammon ay nakipagdigma sa Israel . At nangyari , nang lumaban ang mga anak ni Ammon sa Israel , na ang mga matanda sa Galaad ay naparoon upang sunduin si Jephte mula sa lupain ng Tob : At kanilang sinabi kay Jephte , Halika&#039;t ikaw ay maging aming pinuno , upang kami ay makalaban sa mga anak ni Ammon . At sinabi ni Jephte sa mga matanda sa Galaad , Di ba kayo&#039;y napoot sa akin at pinalayas ninyo ako sa bahay ng aking ama ? at bakit kayo&#039;y naparito sa akin ngayon , pagka kayo&#039;y nasa paghihinagpis ? At sinabi ng mga matanda sa Galaad kay Jephte , Kaya&#039;t kami ay bumabalik sa iyo ngayon , upang ikaw ay makasama namin , at makipaglaban sa mga anak ni Ammon , at ikaw ay magiging pangulo naming lahat na taga Galaad . At sinabi ni Jephte sa mga matanda sa Galaad , Kung pauuwiin ninyo ako upang makipaglaban sa mga anak ni Ammon , at ibigay ng Panginoon sila sa harap ko , magiging pangulo ba ninyo ako ? At sinabi ng mga matanda sa Galaad kay Jephte , Ang Panginoon ang maging saksi natin : tunay na ayon sa iyong salita ay siya naming gagawin . Nang magkagayo&#039;y si Jephte ay yumaong kasama ng mga matanda sa Galaad , at ginawa nila siyang pangulo at pinuno : at sinalita ni Jephte sa Mizpa ang lahat ng kaniyang salita sa harap ng Panginoon . At nagsugo si Jephte ng mga sugo sa hari ng mga anak ni Ammon , na nagsasabi , Anong ipinakikialam mo sa akin , na ikaw ay naparito sa akin upang lumaban sa aking lupain ? At isinagot ng hari ng mga anak ni Ammon sa mga sugo ni Jephte , Sapagka&#039;t sinakop ng Israel ang aking lupain , nang siya&#039;y umahong galing sa Egipto , mula sa Arnon hanggang sa Jaboc , at hanggang sa Jordan : kaya&#039;t ngayo&#039;y ibalik mo ng payapa ang mga lupaing yaon . At nagsugo uli si Jephte ng mga sugo sa hari ng mga anak ni Ammon : At kaniyang sinabi sa kaniya , Ganito ang sabi ni Jephte , Hindi sumakop ang Israel ng lupain ng Moab , o ng lupain ng mga anak ni Ammon ; Kundi nang sila&#039;y umahon mula sa Egipto , at ang Israel ay naglakad sa ilang hanggang sa Dagat na Mapula , at napasa Cades : Nagsugo nga ang Israel ng mga sugo sa hari sa Edom , na nagsasabi , Isinasamo ko sa iyong paraanin mo ako sa iyong lupain : nguni&#039;t hindi dininig ng hari sa Edom . At gayon din nagsugo siya sa hari sa Moab ; nguni&#039;t ayaw siya : at ang Israel ay tumahan sa Cades : Nang magkagayo&#039;y naglakad sila sa ilang , at lumiko sa lupain ng Edom , at sa lupain ng Moab , at napasa dakong silanganan ng lupain ng Moab , at sila&#039;y humantong sa kabilang dako ng Arnon ; nguni&#039;t hindi sila pumasok sa hangganan ng Moab , sapagka&#039;t ang Arnon ay siyang hangganan ng Moab . At nagsugo ang Israel ng mga sugo kay Sehon na hari ng mga Amorrheo , na hari sa Hesbon ; at sinabi ng Israel sa kaniya , Isinasamo namin sa iyo na paraanin mo kami sa iyong lupain hanggang sa aking dako . Nguni&#039;t si Sehon ay hindi tumiwala sa Israel upang paraanin sa kaniyang hangganan : kundi pinisan ni Sehon ang kaniyang buong bayan , at humantong sa Jaas , at lumaban sa Israel . At ibinigay ng Panginoon , ng Dios ng Israel si Sehon , at ang kaniyang buong bayan sa kamay ng Israel , at sinaktan nila sila : sa gayo&#039;y inari ng Israel ang buong lupain ng mga Amorrheo , na mga tagaroon sa lupaing yaon . At kanilang inari ang buong hangganan ng mga Amorrheo , mula sa Arnon hanggang sa Jaboc , at mula sa ilang hanggang sa Jordan . Ngayon nga&#039;y inalisan ng ari ng Panginoon , ng Dios ng Israel ang mga Amorrheo sa harap ng bayang Israel , at iyo bang aariin ang mga iyan ? Hindi mo ba aariin ang ibinigay sa iyo ni Chemos na iyong dios upang ariin ? Sinoman ngang inalisan ng ari ng Panginoon naming Dios sa harap namin , ay aming aariin . At ngayo&#039;y gagaling ka pa ba sa anomang paraan kay Balac na anak ni Zippor , na hari sa Moab ? siya ba&#039;y nakipagkaalit kailan man sa Israel o lumaban kaya sa kanila ? Samantalang ang Israel ay tumatahan sa Hesbon at sa mga bayan nito , at sa Aroer at sa mga bayan nito , at sa lahat ng mga bayang nangasa tabi ng Arnon , na tatlong daang taon ; bakit hindi ninyo binawi nang panahong yaon ? Ako nga&#039;y hindi nagkasala laban sa iyo , kundi ikaw ang gumawa ng masama sa pakikipagdigma mo sa akin : ang Panginoon , ang Hukom , ay maging hukom sa araw na ito sa mga anak ni Israel at sa mga anak ni Ammon . Nguni&#039;t hindi dininig ng hari ng mga anak ni Ammon ang mga salita ni Jephte na ipinaalam sa kaniya . Nang magkagayo&#039;y ang Espiritu ng Panginoon ay suma kay Jephte , at siya&#039;y nagdaan ng Galaad at Manases , at nagdaan sa Mizpa ng Galaad , at mula sa Mizpa ng Galaad ay nagdaan siya sa mga anak ni Ammon . At nagpanata si Jephte ng isang panata sa Panginoon , at nagsabi , Kung tunay na iyong ibibigay ang mga anak ni Ammon sa aking kamay , Ay mangyayari nga , na sinomang lumabas na sumalubong sa akin sa mga pintuan ng aking bahay , pagbalik kong payapa na galing sa mga anak ni Ammon , ay magiging sa Panginoon , at aking ihahandog na pinakahandog na susunugin . Sa gayo&#039;y nagdaan si Jephte sa mga anak ni Ammon upang lumaban sa kanila ; at sila&#039;y ibinigay ng Panginoon sa kaniyang kamay . At sila&#039;y sinaktan niya ng di kawasang pagpatay mula sa Aroer hanggang sa Minnith , na may dalawang pung bayan , at hanggang sa Abelkeramim . Sa gayo&#039;y sumuko ang mga anak ni Ammon sa mga anak ni Israel . At si Jephte ay naparoon sa Mizpa sa kaniyang bahay ; at , narito , ang kaniyang anak na babae ay lumalabas na sinasalubong siya ng pandereta at ng sayaw : at siya ang kaniyang bugtong na anak : liban sa kaniya&#039;y wala na siyang anak na lalake o babae man . At nangyari , pagkakita niya sa kaniya , na kaniyang hinapak ang kaniyang damit , at sinabi , Sa aba ko , aking anak ! pinapakumbaba mo akong lubos , at ikaw ay isa sa mga bumabagabag sa akin : sapagka&#039;t aking ibinuka ang aking bibig sa Panginoon , at hindi na ako makapanumbalik . At sinabi niya sa kaniya , Ama ko , iyong ibinuka ang iyong bibig sa Panginoon ; gawin mo sa akin ang ayon sa ipinangusap ng iyong bibig ; yamang ipinanghiganti ka ng Panginoon sa iyong mga kaaway , sa makatuwid baga&#039;y sa mga anak ni Ammon . At sinabi niya sa kaniyang ama , Ipagawa mo ang bagay na ito sa akin : pahintulutan mo lamang akong dalawang buwan , upang ako&#039;y humayo&#039;t yumaon sa mga bundukin at aking itangis ang aking pagkadalaga , ako at ang aking mga kasama . At kaniyang sinabi , Yumaon ka . At pinapagpaalam niya siyang dalawang buwan : at siya&#039;y yumaon , siya at ang kaniyang mga kasama , at itinangis ang kaniyang pagkadalaga sa mga bundukin . At nangyari , sa katapusan ng dalawang buwan , na siya&#039;y nagbalik sa kaniyang ama , na ginawa sa kaniya ang ayon sa kaniyang panata na kaniyang ipinanata : at siya&#039;y hindi nasipingan ng lalake . At naging kaugalian sa Israel , Na ipinagdidiwang taon taon ng mga anak na babae ng Israel ang anak ni Jephte na Galaadita , na apat na araw sa isang taon . At ang mga lalake ng Ephraim ay nagpipisan at nagdaan sa dakong hilagaan : at sinabi nila kay Jephte , Bakit ka nagpatuloy na lumaban sa mga anak ni Ammon , at hindi mo kami tinawag upang yumaong kasama mo ? susunugin ka namin pati ng iyong bahay . At sinabi ni Jephte sa kanila , Ako at ang aking bayan ay totoong nakipaglaban sa mga anak ni Ammon ; at nang tawagan ko kayo ay hindi ninyo ako iniligtas sa kanilang kamay . At nang makita ko na ako&#039;y hindi ninyo iniligtas ay aking inilagak ang aking buhay sa aking kamay , at ako&#039;y nagdaan laban sa mga anak ni Ammon , at sila&#039;y ibinigay ng Panginoon sa aking kamay : bakit nga inahon ninyo ako sa araw na ito , upang makipaglaban sa akin ? Nang magkagayo&#039;y pinisan ni Jephte ang mga lalake sa Galaad , at nakipaglaban sa Ephraim ; at sinaktan ng mga lalake ng Galaad ang Ephraim , sapagka&#039;t kanilang sinabi , Kayo&#039;y mga tanan sa Ephraim , kayong mga Galaadita , sa gitna ng Ephraim , at sa gitna ng Manases . At sinakop ng mga Galaadita ang mga tawiran sa Jordan sa dako ng mga Ephraimita . At nangyari , na pagkasinabi ng mga tanan sa Ephraim na , Paraanin mo ako , ay sinasabi ng mga lalake ng Galaad sa kaniya , Ikaw ba&#039;y Ephraimita ? Kung kaniyang sabihin , Hindi ; Ay sinabi nga nila sa kaniya , Sabihin mong Shiboleth ; at sinasabi niya , Shiboleth ; sapagka&#039;t hindi matumpakang sabihing matuwid ; kung magkagayo&#039;y kanilang hinuhuli , at pinapatay sa mga tawiran ng Jordan : at nahulog nang panahong yaon sa Ephraim ay apat na pu&#039;t dalawang libo . At naghukom si Jephte sa Israel na anim na taon . Nang magkagayo&#039;y namatay si Jephte na Galaadita , at inilibing sa isang bayan ng Galaad . At pagkamatay niya , si Ibzan na taga Bethlehem ang naghukom sa Israel . At siya&#039;y nagkaanak ng tatlong pung lalake , at ang tatlong pung anak na babae ay kaniyang ipinadala sa ibang bayan , at tatlong pung anak na babae ay kaniyang ipinasok mula sa ibang bayan para sa kaniyang mga anak na lalake . At naghukom siya sa Israel na pitong taon . At si Ibzan ay namatay , at inilibing sa Bethlehem . At pagkamatay niya , si Elon na Zabulonita ang naghukom sa Israel ; at naghukom siya sa Israel na sangpung taon . At si Elon na Zabulonita ay namatay , at inilibing sa Ajalon sa lupain ng Zabulon . At pagkamatay niya , si Abdon na anak ni Hillel na Piratonita ang naghukom sa Israel . At siya&#039;y nagkaroon ng apat na pung anak at tatlong pung apo na sumasakay sa pitong pung asno : at siya&#039;y naghukom sa Israel na walong taon . At si Abdon na anak ni Hillel na Piratonita ay namatay , at inilibing sa Piraton sa lupain ng Ephraim , sa lupaing maburol ng mga Amalecita . At ang mga anak ni Israel ay gumawa uli ng kasamaan sa paningin ng Panginoon ; at ibinigay ng Panginoon sila na apat na pung taon sa kamay ng mga Filisteo . At may isang lalake sa Sora sa angkan ng mga Danita , na ang pangala&#039;y Manoa ; at ang kaniyang asawa ay baog , at hindi nagkaanak . At napakita ang anghel ng Panginoon sa babae , at nagsabi sa kaniya , Narito ngayon , ikaw ay baog at hindi ka nagkakaanak : nguni&#039;t ikaw ay maglilihi at manganganak ng isang lalake . Ngayon nga&#039;y magingat ka , isinasamo ko sa iyo , at huwag kang uminom ng alak o ng inuming nakalalasing , at huwag kang kumain ng anomang maruming bagay : Sapagka&#039;t , narito , ikaw ay maglilihi at manganganak ng isang lalake ; at walang pangahit na daraan sa kaniyang ulo : sapagka&#039;t ang bata ay magiging Nazareo sa Dios , mula sa tiyan : at kaniyang pasisimulang iligtas ang Israel sa kamay ng mga Filisteo . Nang magkagayo&#039;y ang babae&#039;y yumaon at isinaysay sa kaniyang asawa , na sinasabi , Isang lalake ng Dios ay naparito sa akin , at ang kaniyang anyo ay gaya ng anyo ng anghel ng Dios , na kakilakilabot : at hindi ko natanong siya kung siya&#039;y taga saan , ni kaya&#039;y sinaysay niya sa akin ang kaniyang pangalan : Nguni&#039;t sinabi niya sa akin , Narito , ikaw ay maglilihi , at manganganak ng isang lalake ; at ngayo&#039;y huwag kang uminom ng alak o ng inuming nakalalasing man , at huwag kang kumain ng anomang maruming bagay : sapagka&#039;t ang bata&#039;y magiging Nazareo sa Dios mula sa tiyan hanggang sa araw ng kaniyang kamatayan . Nang magkagayo&#039;y nanalangin si Manoa sa Panginoon , at sinabi niya , Isinasamo ko sa iyo , Oh Panginoon , na pabalikin mo uli ang lalake ng Dios na iyong sinugo sa amin , at ituro sa amin kung ano ang aming gagawin sa bata na ipanganganak . At dininig ng Dios ang tinig ni Manoa ; at nagbalik ang anghel ng Dios sa babae habang siya&#039;y nakaupo sa bukid : nguni&#039;t si Manoa na kaniyang asawa ay hindi niya kasama . At nagmadali ang babae , at tumakbo , at isinaysay sa kaniyang asawa , at sinabi sa kaniya , Narito , ang lalake ay napakita sa akin , yaong naparito sa akin ng ibang araw . At bumangon si Manoa , at sumunod sa kaniyang asawa , at naparoon sa lalake , at sinabi sa kaniya , Ikaw ba ang lalake na nagsalita sa babaing ito ? At kaniyang sinabi , Ako nga . At sinabi ni Manoa , Mano nawa&#039;y mangyari ang iyong mga salita : ano ang ipagpapagawa sa bata , at paanong aming gagawin sa kaniya ? At sinabi ng anghel ng Panginoon kay Manoa , Sa lahat ng aking sinabi sa babae ay magingat siya . Siya&#039;y hindi makakakain ng anomang bagay na nanggagaling sa ubasan , ni uminom man lamang ng alak ni ng inuming nakalalasing , ni kumain man ng anomang maruming bagay ; lahat ng iniutos ko sa kaniya ay sundin niya . At sinabi ni Manoa sa anghel ng Panginoon , Isinasamo ko sa iyo na ikaw ay aming mapigil , upang maipagluto ka namin ng isang anak ng kambing . At sinabi ng anghel ng Panginoon kay Manoa , Bagaman ako&#039;y iyong pigilin , hindi ako kakain ng iyong pagkain : at kung ikaw ay maghahanda ng handog na susunugin , ay iyong nararapat ihandog sa Panginoon . Sapagka&#039;t hindi naalaman ni Manoa na siya&#039;y anghel ng Panginoon . At sinabi ni Manoa sa anghel ng Panginoon , Ano ang iyong pangalan , upang pangyayari ng iyong mga salita ay mabigyan ka namin ng karangalan ? At sinabi ng anghel ng Panginoon sa kaniya , Bakit mo itinatanong ang aking pangalan , dangang kagilagilalas ? Sa gayo&#039;y kumuha si Manoa ng isang anak ng kambing pati ng handog na harina , at inihandog sa Panginoon sa ibabaw ng bato : at gumawa ng kamanghamangha ang anghel , at minasdan ni Manoa at ng kaniyang asawa . Sapagka&#039;t nangyari , nang umilanglang sa langit ang alab mula sa dambana , na ang anghel ng Panginoon ay napailanglang sa alab ng dambana : at minasdan ni Manoa at ng kaniyang asawa ; at sila&#039;y nangapasubasob sa lupa . Nguni&#039;t hindi na napakita ang anghel ng Panginoon kay Manoa o sa kaniyang asawa . Nang magkagayo&#039;y naalaman ni Manoa na siya&#039;y anghel ng Panginoon . At sinabi ni Manoa sa kaniyang asawa , Walang pagsalang tayo&#039;y mamamatay , sapagka&#039;t ating nakita ang Dios . Nguni&#039;t sinabi ng asawa niya sa kaniya , Kung nalulugod ang Panginoon na patayin tayo , hindi sana niya tinanggap ang handog na sinunog at ang handog na harina sa ating kamay , ni ipinakita man sa atin ang lahat ng mga bagay na ito ni nasaysay man sa panahong ito , ang mga bagay na gaya nito . At nanganak ang babae ng isang lalake , at tinawag ang kaniyang pangalan na Samson . At ang bata&#039;y lumaki , at pinagpala ng Panginoon . At pinasimulang kinilos siya ng Espiritu ng Panginoon sa Mahanedan , sa pagitan ng Sora at Esthaol . At lumusong si Samson sa Timnah , at nakita ang isang babae sa Timnah sa mga anak ng mga Filisteo . At siya&#039;y umahon , at isinaysay sa kaniyang ama at sa kaniyang ina , at sinabi , Aking nakita ang isang babae sa Timnah , sa mga anak ng mga Filisteo : ngayon nga&#039;y papagasawahin ninyo ako sa kaniya . Nang magkagayo&#039;y sinabi ng kaniyang ama at ng kaniyang ina sa kaniya , Wala na bang babae sa mga anak ng iyong kapatid , o sa aking buong bayan , na ikaw ay yayaong magaasawa sa mga di tuling Filisteo ? At sinabi ni Samson sa kaniyang ama , Papag-asawahin mo ako sa kaniya ; sapagka&#039;t siya&#039;y lubhang nakalulugod sa akin . Nguni&#039;t hindi naalaman ng kaniyang ama at ng kaniyang ina , na kalooban ng Panginoon ; sapagka&#039;t siya&#039;y humahanap ng pagkakataon laban sa mga Filisteo . Nang panahong yaon nga&#039;y nagpupuno ang mga Filisteo sa Israel . Nang magkagayo&#039;y lumusong si Samson , at ang kaniyang ama , at ang kaniyang ina , sa Timnah , at naparoon sa ubasan ng Timnah : at , narito , isang batang leon ay umuungal laban sa kaniya , At ang Espiritu ng Panginoon ay makapangyarihang sumakaniya , at nilamuray niya siya na parang naglamuray ng isang batang kambing , at siya&#039;y walang anoman sa kaniyang kamay ; nguni&#039;t hindi niya sinaysay sa kaniyang ama o sa kaniyang ina kung ano ang kaniyang ginawa . At siya&#039;y lumusong at nakipagusap sa babae , at siya&#039;y lubhang nakalulugod kay Samson . At pagkaraan ng sandali ay bumalik siya upang kunin niya siya , at siya&#039;y lumiko upang tingnan ang patay na leon : at , narito , may isang kawan ng pukyutan sa loob ng bangkay ng leon , at pulot-pukyutan . At kaniyang dinala sa kaniyang kamay at yumaon , na kinakain niya samantalang siya&#039;y yumayaon , at siya&#039;y naparoon sa kaniyang ama at ina , at ibinigay sa kanila , at kanilang kinain ; nguni&#039;t hindi niya sinaysay sa kanila na kaniyang kinuha ang pulot sa bangkay ng leon . At nilusong ng kaniyang ama ang babae : at gumawa si Samson ng isang kasayahan doon ; sapagka&#039;t kinaugaliang ginagawang gayon ng mga binata . At nangyari , pagkakita nila sa kaniya , na sila&#039;y nagdala ng tatlong pung kasama , upang maging kasama niya . At sinabi ni Samson sa kanila , Pagbubugtungan ko kayo : kung maisaysay ninyo sa akin sa loob ng pitong araw na kasayahan , at inyong maturingan , ay bibigyan ko nga kayo ng tatlong pung kasuutang lino at tatlong pung bihisan : Nguni&#039;t kung hindi ninyo maisaysay sa akin , ay bibigyan nga ninyo ako ng tatlong pung kasuutang lino at ng tatlong pung bihisan . At kanilang sinabi sa kaniya , Ipagbadya mo ang iyong bugtong , upang aming marinig . At sinabi niya sa kanila , Sa mangangain ay lumabas ang pagkain , At sa malakas ay lumabas ang katamisan . At hindi nila maisaysay sa tatlong araw . At nangyari , nang ikapitong araw , na kanilang sinabi sa asawa ni Samson , Dayain mo ang iyong asawa , upang maisaysay niya sa amin ang bugtong , baka ikaw ay sunugin namin at ang sangbahayan ng iyong ama : inanyayahan ba ninyo kami upang papaghirapin ? di ba gayon ? At umiyak ang asawa ni Samson sa harap niya , at nagsabi , Kinapopootan mo lamang ako , at hindi mo ako iniibig : ikaw ay nagbugtong ng isang bugtong sa mga anak ng aking bayan , at hindi mo isinaysay sa akin . At sinabi niya sa kaniya , Narito , hindi ko isinaysay sa aking ama , o sa aking ina man , at akin bang sasaysayin sa iyo ? At umiyak siya sa harap niya na pitong araw , habang hindi natapos ang kanilang kasayahan : at nangyari nang ikapitong araw , na isinaysay niya sa kaniya , sapagka&#039;t pinilit niya siya : at isinaysay niya ang bugtong sa mga anak ng kaniyang bayan . At sinabi ng mga lalake sa bayan kay Samson nang ikapitong araw bago lumubog ang araw . Alin kaya ang lalong matamis kay sa pulot ? at ano pa kaya ang lalong malakas kay sa leon ? At sinabi niya sa kanila . Kung hindi kayo nag-araro ng aking dumalaga , Hindi sana ninyo naturingan ang aking bugtong . At ang Espiritu ng Panginoon ay makapangyarihang sumakaniya , at siya&#039;y lumusong sa Ascalon , at pumatay ng tatlong pung lalake sa kanila , at kinuha ang samsam sa kanila , at ibinigay ang mga bihisan sa mga nakaturing ng bugtong at ang kaniyang galit ay nagalab , at siya&#039;y umahon sa bahay ng kaniyang ama . Nguni&#039;t ang asawa ni Samson ay ibinigay sa kaniyang kasama , na siya niyang inaaring parang kaniyang kaibigan . Nguni&#039;t nangyari pagkatapos ng sangdaling panahon , sa panahon ng pagaani ng trigo , na dumalaw si Samson na may dalang isang anak ng kambing sa kaniyang asawa ; at kaniyang sinabi , Aking papasukin ang aking asawa sa loob ng silid . Nguni&#039;t ayaw papasukin siya ng kaniyang biyanang lalake . At sinabi ng kaniyang biyanang lalake , Aking tunay na inisip na iyong lubos na kinapootan siya ; kaya&#039;t aking ibinigay siya sa iyong kasama : di ba ang kaniyang kapatid na bata ay maganda kay sa kaniya ? Isinasamo ko sa iyo na kunin mong kahalili niya . At sinabi ni Samson sa kanila , Ngayon ay wala akong ipagkakasala sa mga Filisteo , kung gawan ko man sila ng kasamaan . At yumaon si Samson at humuli ng tatlong daang zorra at kumuha ng mga sigsig at pinag-kabitkabit ang mga buntot , at nilagyan ng isang sigsig sa gitna ng pagitan ng bawa&#039;t dalawang buntot . At nang kaniyang masulsulan ang mga sigsig , ay kaniyang binitiwan sa nakatayong trigo ng mga Filisteo at sinunog kapuwa ang mga mangdala at ang nakatayong trigo , at gayon din ang mga olibohan . Nang magkagayo&#039;y sinabi ng mga Filisteo , Sinong gumawa nito ? At kanilang sinabi , Si Samson na manugang ni Timnateo , sapagka&#039;t kaniyang kinuha ang asawa niya at ibinigay sa kaniyang kasama . At sumampa ang mga Filisteo , at sinunog ang babae at ang kaniyang ama . At sinabi ni Samson sa kanila , Kung ginawa ninyo ang ganito ay walang pagsalang aking igaganti sa inyo ; at pagkatapos ay magtitigil ako . At sinaktan niya sila , sa hita at sasapnan ng di kawasang pagpatay : at siya&#039;y bumaba at tumahan sa isang guwang ng bato ng Etam . Nang magkagayo&#039;y nagsisampa ang mga Filisteo , at humantong sa Juda , at nagsikalat sa Lehi . At sinabi ng mga lalake sa Juda , Bakit kayo nagsisampa laban sa amin ? At kanilang sinabi , Upang gapusin si Samson kung kaya&#039;t kami ay nagsisampa upang gawin sa kaniya ang gaya ng ginawa niya sa amin . Nang magkagayo&#039;y ang tatlong libong lalake sa Juda ay nagsilusong sa guwang ng bato ng Etam , at sinabi kay Samson , Hindi mo ba nalalaman na ang mga Filisteo ay nagpupuno sa atin ? ano nga itong ginawa mo sa amin ? At sinabi niya sa kanila , Kung paano ang ginawa nila sa akin ay gayon ang ginawa ko sa kanila . At sinabi nila sa kaniya , Kami ay nagsilusong upang gapusin ka , upang maibigay ka namin sa kamay ng mga Filisteo . At sinabi ni Samson sa kanila , Sumumpa kayo sa akin , na hindi kayo ang dadaluhong sa akin . At sinalita nila sa kaniya , Hindi kundi gagapusin ka lamang namin , at ibibigay sa kanilang kamay : nguni&#039;t tunay na hindi ka namin papatayin . At kanilang ginapos siya ng dalawang bagong lubid , at iniahon mula sa bato . Nang siya&#039;y dumating sa Lehi , ang mga Filisteo ay naghihiyawan samantalang sinasalubong nila siya : at ang Espiritu ng Panginoon ay makapangyarihang sumakaniya , at ang mga lubid na nasa kaniyang mga bisig ay naging parang lino na nasupok sa apoy , at ang kaniyang mga tali ay nalaglag sa kaniyang mga kamay . At siya&#039;y nakasumpong ng isang bagong panga ng asno , at iniunat ang kaniyang kamay , at kinuha , at ipinanakit sa isang libong lalake . At sinabi ni Samson , Sa pamamagitan ng panga ng isang asno , ay nagkabuntonbunton , Sa pamamagitan ng panga ng isang asno ay nanakit ako ng isang libong lalake . At nangyari , pagkatapos niyang makapagsalita , na kaniyang inihagis ang panga na nasa kaniyang kamay , at ang dakong yao&#039;y tinawag na Ramath-lehi . At siya&#039;y nauhaw na mainam at tumawag sa Panginoon , at sinabi , Iyong ibinigay itong dakilang kaligtasan sa kamay ng iyong lingkod : at ngayo&#039;y mamamatay ako dahil sa uhaw at mahuhulog sa kamay ng mga hindi tuli . Nguni&#039;t binuksan ng Dios ang isang guwang na nasa Lehi , at nilabasan ng tubig yaon ; at nang siya&#039;y makainom , ang kaniyang diwa ay nanumbalik , at siya&#039;y nabuhay : kaya&#039;t ang pangalan niyaon ay tinawag na En-haccore , na nasa Lehi hanggang sa araw na ito . At siya&#039;y naghukom sa Israel sa mga kaarawan ng mga Filisteo , ng dalawang pung taon . At naparoon si Samson sa Gaza , at nakakita roon ng isang patutot at sinipingan . At ibinalita sa mga taga Gaza na sinasabi , Si Samson ay naparito . At kanilang kinulong siya , at binakayan siya buong gabi sa pintuang-bayan , at tahimik buong gabi , na sinasabi , Maghintay tayo hanggang magbukang liwayway , saka natin patayin siya . At si Samson ay humiga hanggang hating gabi , at bumangon sa hating gabi at humawak sa mga pinto ng pintuang-bayan , at sa dalawang haligi , at kapuwa binunot , pati ng sikang , at pinasan sa kaniyang mga balikat , at isinampa sa taluktok ng bundok na nasa tapat ng Hebron . At nangyari pagkatapos , na siya&#039;y suminta sa isang babae sa libis ng Sorec , na ang pangala&#039;y Dalila . At inahon ng mga pangulo ng mga Filisteo ang babae , at sinabi sa kaniya : Dayain mo siya , at tingnan mo kung saan naroon ang kaniyang dakilang kalakasan , at sa anong paraan mananaig kami laban sa kaniya upang aming matalian at mapighati siya : at bibigyan ka ng bawa&#039;t isa sa amin ng isang libo&#039;t isang daang putol na pilak . At sinabi ni Dalila kay Samson , Saysayin mo sa akin , isinasamo ko sa iyo , kung saan naroon ang iyong dakilang kalakasan , at kung paanong matatalian ka upang pighatiin ka . At sinabi ni Samson sa kaniya , Kung tatalian nila ako ng pitong sariwang yantok na kailan man ay hindi natuyo , ay hihina ako , at ako&#039;y magiging gaya ng alinmang tao . Nang magkagayo&#039;y nagdala ang mga pangulo ng mga Filisteo sa kaniya ng pitong sariwang yantok na hindi pa natutuyo , at ipinagtali niya sa kaniya . Ngayo&#039;y may mga bakay na sa silid sa loob . At sinabi niya sa kaniya , Narito na sa iyo ang mga Filisteo , Samson . At kaniyang pinatid ang mga yantok , na tulad sa taling estopa pagka nadidikitan ng apoy . Sa gayo&#039;y hindi naalaman ang kaniyang lakas . At sinabi ni Dalila kay Samson , Narito , pinaglaruan mo ako , at pinagbulaanan mo ako : isinasamo ko ngayon sa iyo na saysayin mo sa akin kung paano matatalian ka . At sinabi niya sa kaniya , Kung tatalian lamang nila ako ng mga bagong lubid na hindi pa nagagamit , ay hihina nga ako at magiging gaya ng alinmang tao . Sa gayo&#039;y kumuha si Dalila ng mga bagong lubid , at itinali sa kaniya , at sinabi sa kaniya , Narito na sa iyo ang mga Filisteo , Samson . At ang mga bakay ay nangasa silid sa loob . At pawang pinatid niya sa kaniyang mga bisig na parang sinulid . At sinabi ni Dalila kay Samson , Hanggang dito&#039;y pinaglaruan mo ako , at pinagbulaanan mo ako : saysayin mo sa akin kung paanong matatalian ka . At sinabi niya sa kaniya , Kung iyong hahabihin ang pitong tirintas sa aking ulo ng hinabing kayo . At kaniyang pinagtibay ng tulos , at sinabi sa kaniya , Narito na sa iyo ang mga Filisteo , Samson . At siya&#039;y gumising sa kaniyang pagkakatulog , at binunot ang tulos ng panghabi , at ang hinabi . At sinabi niya sa kaniya , Bakit nasasabi mo , na iniibig kita , sa bagay ang iyong puso ay hindi sumasaakin ? pinaglaruan mo akong makaitlo , at hindi mo isinaysay sa akin kung saan nagpapahinga ang iyong dakilang kalakasan . At nangyari , nang kaniyang igiit araw araw , at kaniyang ipilit sa kaniya , na ang kaniyang loob ay naligalig sa ikamamatay . At isinaysay niya sa kaniya ang kaniyang buong taglayin sa kaniyang puso , at sinabi sa kaniya , Walang pangahit na nagdaan sa aking ulo ; sapagka&#039;t ako&#039;y naging Nazareo sa Dios mula sa tiyan ng aking ina : kung ako&#039;y ahitan , hihiwalay nga sa akin ang aking lakas , at ako&#039;y hihina , at magiging gaya ng alinmang tao . At nang makita ni Dalila na sinaysay sa kaniya , ang buong taglayin niya sa kaniyang puso , ay nagsugo siya at tinawag ang mga pangulo ng mga Filisteo , na sinasabi , Ahunin pa ninyong minsan , sapagka&#039;t sinaysay niya sa akin ang buong taglayin niya sa kaniyang puso . Nang magkagayo&#039;y inahon siya ng mga pangulo ng mga Filisteo , at nagdala ng salapi sa kanilang kamay . At pinatulog niya siya sa kaniyang mga tuhod ; at nagpatawag siya ng isang lalake , at inahit ang pitong tirintas sa kaniyang ulo ; at pinasimulan niyang pighatiin siya , at ang kaniyang lakas ay nawala . At sinabi niya , Narito na sa iyo ang mga Filisteo , Samson . At siya&#039;y gumising sa kaniyang pagkakatulog , at sinabi , Ako&#039;y lalabas na gaya ng dati , at ako&#039;y magpupumiglas . Nguni&#039;t hindi niya talos na ang Panginoo&#039;y humiwalay sa kaniya . At hinuli ng mga Filisteo , at dinukit ang kaniyang mga mata ; at inilusong nila sa Gaza , at tinalian siya ng mga pangaw na tanso ; at siya&#039;y gumiling sa bilangguan . Gayon ma&#039;y nagpasimulang tumubo uli ang buhok ng kaniyang ulo , pagkatapos na siya&#039;y maahitan . At nagpipisan ang mga pangulo ng mga Filisteo upang maghandog ng isang dakilang hain kay Dagon na kanilang dios , at mangagalak : sapagka&#039;t kanilang sinabi , Ibinigay ng ating dios si Samson na ating kaaway sa ating kamay . At nang makita siya ng bayan , ay kanilang pinuri ang kanilang dios : sapagka&#039;t kanilang sinabi , Ibinigay ng ating dios sa ating kamay ang ating kaaway , at ang mangwawasak sa ating lupain , na pumatay sa marami sa atin . At nangyari , nang masayahan ang kanilang puso , na kanilang sinabi , Tawagin si Samson , upang siya&#039;y ating mapaglaruan . At tinawag nga si Samson mula sa bilangguan ; at siya&#039;y pinaglaruan nila . At kanilang inilagay sa pagitan ng mga haligi : At sinabi ni Samson sa bata na umaakay sa kaniya sa kamay , Ipahipo mo sa akin ang mga haliging pumipigil ng bahay , upang aking mangahiligan . Ang bahay nga ay puno ng mga lalake at babae , at ang lahat ng mga pangulo ng mga Filisteo ay nandoon ; at sa bubungan ay may tatlong libong lalake at babae , na nanonood samantalang pinaglalaruan si Samson . At tumawag si Samson sa Panginoon , at sinabi , Oh Panginoong Dios , idinadalangin ko sa iyo na alalahanin mo ako , at idinadalangin ko sa iyong palakasin mo ako , na minsan na lamang , Oh Dios , upang maiganti kong paminsan sa mga Filisteo ang aking dalawang mata . At si Samson ay pumigil sa dalawang gitnang haligi na pumipigil ng bahay , at isinuhay sa mga yaon , ang isa sa kaniyang kanang kamay , at ang isa&#039;y sa kaniyang kaliwa . At sinabi ni Samson , Mamatay nawa akong kasama ng mga Filisteo , At iniubos niya ang kaniyang buong lakas ; at ang bahay ay bumagsak sa mga pangulo , at sa buong bayan na nandoon sa loob . Sa gayo&#039;y ang nangamatay na kaniyang pinatay sa kaniyang kamatayan ay higit kay sa pinatay niya sa kaniyang kabuhayan . Nang magkagayo&#039;y lumusong ang kaniyang mga kapatid at ang buong sangbahayan ng kaniyang ama , at kinuha siya , at iniahon siya , at inilibing siya sa pagitan ng Sora at Esthaol sa libingan ni Manoa na kaniyang ama . At siya&#039;y naghukom sa Israel na dalawang pung taon . At may isang lalake sa lupaing maburol ng Ephraim , na ang pangala&#039;y Michas . At sinabi niya sa kaniyang ina , Ang isang libo at isang daang putol na pilak na kinuha sa iyo , na siyang ikinapagtungayaw mo , at sinalita mo rin sa aking mga pakinig , narito , ang pilak ay nasa akin ; aking kinuha . At sinabi ng kaniyang ina , Pagpalain nawa ng Panginoon ang aking anak . At isinauli niya ang isang libo at isang daang putol na pilak sa kaniyang ina , at sinabi ng kaniyang ina , Aking tunay na itinalaga ng aking kamay ang pilak na ito sa Panginoon , na ukol sa aking anak , upang igawa ng isang larawang inanyuan at ng isang larawang binubo : kaya ngayo&#039;y isasauli ko sa iyo . At nang kaniyang isauli ang salapi sa kaniyang ina , ay kinuha ng kaniyang ina ang dalawang daang putol na pilak na ibinigay sa mga mangbububo , na siyang gumawa ng isang larawang inanyuan at ng isang larawang binubo : at nasa bahay ni Michas . At ang lalaking si Michas ay nagkaroon ng isang bahay ng mga dios , at siya&#039;y gumawa ng isang epod at mga terap at itinalaga ang isa ng kaniyang mga anak , na maging kaniyang saserdote . Nang mga araw na yaon ay walang hari sa Israel : bawa&#039;t tao&#039;y gumagawa ng minamatuwid niya sa kaniyang sariling mga mata . At may isa namang may kabataan sa Bethlehem-juda , sa angkan ni Juda ; na isang Levita ; at siya&#039;y nakikipamayan doon . At ang lalake ay umalis sa bayan , sa Bethlehem-juda , upang makipamayan kung saan siya makakasumpong ng matutuluyan : at siya&#039;y naparoon sa lupaing maburol ng Ephraim , sa bahay ni Michas habang siya&#039;y naglalakbay . At sinabi ni Michas sa kaniya , Saan ka nanggaling ? At sinabi niya sa kaniya , Ako&#039;y Levita sa Bethlehem-juda , at ako&#039;y yayaong makikipamayan kung saan ako makasumpong ng matutuluyan . At sinabi ni Michas sa kaniya , Tumahan ka sa akin , at ikaw ay maging sa akin ay isang ama at isang saserdote , at bibigyan kita ng sangpung putol na pilak isang taon , at ng bihisan , at ng iyong pagkain . Sa gayo&#039;y ang Levita ay pumasok . At ang Levita ay nakipagkasundong tumahang kasama ng lalake : at ang binata sa kaniya&#039;y parang isa sa kaniyang mga anak . At itinalaga ni Michas ang Levita , at ang binata ay naging kaniyang saserdote , at nasa bahay ni Michas . Nang magkagayo&#039;y sinabi ni Michas , Ngayo&#039;y talastas ko , na gagawan ako ng mabuti ng Panginoon , yamang ako&#039;y may isang Levita na pinakasaserdote ko . Nang mga araw na yaon ay walang hari sa Israel : at nang panahong yaon ay humahanap ang lipi ng mga Danita , ng isang mana na matatahanan ; sapagka&#039;t hanggang sa araw na yaon , ay hindi nahuhulog sa mga lipi ng Israel ang kanilang mana . At ang mga anak ni Dan ay nagsugo ng limang lalake ng kanilang angkan , sa kanilang kabuoang bilang , ng mga lalaking may tapang , na mula sa Sora , at sa Esthaol , upang tiktikan ang lupain , at kilalanin ; at sinabi nila sa kanila , Kayo&#039;y yumaon , at inyong kilalanin ang lupain . At sila&#039;y naparoon sa lupaing maburol ng Ephraim , sa bahay ni Michas , at tumuloy roon . Nang sila&#039;y malapit sa bahay ni Michas , ay nakilala nila ang tinig ng binatang Levita : at sila&#039;y lumiko roon , at sinabi nila sa kaniya , Sinong nagdala sa iyo rito ? at ano ang iyong ginagawa sa dakong ito ? at anong mayroon ka rito ? At sinabi niya sa kanila , Ganito&#039;t ganito ang ginawa sa akin ni Michas , at kaniyang kinayaring upahan ako , at ako&#039;y naging kaniyang saserdote . At sinabi nila sa kaniya , Isinasamo namin sa iyo na usisain mo sa Dios , upang aming maalaman , kung ang aming lakad ay papalarin . At sinabi ng saserdote sa kanila , Yumaon kayong payapa : nasa harap ng Panginoon ang daang inyong nilalakaran . Nang magkagayo&#039;y lumakad ang limang lalake at dumating sa Lais , at nakita ang bayan na naroon , kung paanong sila&#039;y tumatahan sa katiwasayan , na gaya ng mga Sidonio , na tahimik at tiwasay : sapagka&#039;t wala sa lupain na nagaaring may kapangyarihan na makapagbibigay kahihiyan sa alin mang bagay , at malayo sa mga Sidonio , at walang pagkikipagkasundo sa kaninoman . At sila&#039;y naparoon sa kanilang mga kapatid sa Sora at Esthaol : at sinabi ng kanilang mga kapatid sa kanila , Ano kayo ? At kanilang sinabi , Kayo&#039;y bumangon at tayo&#039;y umahon laban sa kanila : sapagka&#039;t aming nakita ang lupain , at , narito , napakabuti : at natatamad ba kayo ? huwag kayong magmakupad na yumaon at pumasok upang ariin ang lupain . Paglakad ninyo&#039;y darating kayo sa isang bayang tiwasay , at ang lupain ay malaki : sapagka&#039;t ibinigay ng Dios sa inyong kamay , isang dakong walang kakailanganing anomang bagay na nasa lupa . At umalis mula roon ang ilan sa angkan ng mga Danita , mula sa Sora at sa Esthaol , na anim na raang lalake na may sandata ng mga kasakbatan na pangdigma . At sila&#039;y yumaon , at humantong sa Chiriath-jearim , sa Juda ; kaya&#039;t kanilang tinawag ang dakong yaon na Mahane-dan hanggang sa araw na ito : narito , ito&#039;y nasa likod ng Chiriath-jearim . At sila&#039;y nagdaan doon hanggang sa lupaing maburol ng Ephraim , at naparoon sa bahay ni Michas . Nang magkagayo&#039;y sumagot ang limang lalake na tumiktik ng lupain ng Lais , at sinabi sa kanilang mga kapatid , Nalalaman ba ninyo na mayroon sa mga bahay na ito na isang epod , at mga terap , at isang larawang inanyuan , at isang larawang binubo ? ngayon nga&#039;y akalain ninyo ang marapat ninyong gawin . At sila&#039;y lumiko roon , at naparoon sa bahay ng binatang Levita , sa makatuwid baga&#039;y hanggang sa bahay ni Michas , at tinanong nila siya ng kaniyang kalagayan . At ang anim na raang lalake na may sandata ng kanilang mga kasakbatan na pangdigma , na pawang mga anak ni Dan , ay nagsitayo sa pasukan ng pintuang-bayan . At ang limang lalake na yumaong tumiktik ng lupain ay nagsiahon at pumasok doon , at kinuha ang larawang inanyuan , at ang epod , at ang mga terap , at ang larawang binubo , at ang saserdote ay nakatayo sa pasukan ng pintuang-bayan na kasama ng anim na raang lalake na may sandata ng kanilang mga kasakbatang pangdigma . At nang pumasok ang mga ito sa bahay ni Michas , at makuha ang larawang inanyuan , ang epod , at ang mga terap , at ang larawang binubo , ay sinabi ng saserdote sa kanila , Ano ang inyong gagawin ? At sinabi nila sa kaniya , Pumayapa ka , itakip mo ang iyong kamay sa iyong bibig at sumama ka sa amin , at maging ama at saserdote ka namin : magaling ba kaya sa iyo ang maging saserdote sa bahay ng isang lalake o maging saserdote sa isang lipi at sa isang angkan sa Israel ? At natuwa ang puso ng saserdote , at kaniyang kinuha ang epod , at ang mga terap , at ang larawang inanyuan , at yumaon sa gitna ng bayan . Sa gayo&#039;y bumalik sila , at yumaon , at inilagay ang mga bata at ang kawan , at ang mga daladalahan , sa unahan nila . Nang sila&#039;y malayo na sa bahay ni Michas , ang mga lalaking nasa mga bahay na kalapit ng bahay ni Michas ay nagpipisan at inabot ang mga anak ni Dan . At kaniyang sinigawan ang mga anak ni Dan . At inilingon nila ang kanilang mga mukha , at sinabi kay Michas , Anong mayroon ka , na ikaw ay nagpisan ng ganyang pulutong ? At kaniyang sinabi , Inyong kinuha ang aking mga dios na aking ginawa , at ang saserdote , at kayo&#039;y yumaon , at ano pang mayroon ako ? at bakit nga sasabihin ninyo sa akin , Anong mayroon ka ? At sinabi ng mga anak ni Dan sa kaniya , Huwag ng marinig ang iyong tinig , baka daluhungin ka ng mga mapusok na kasama , at iyong iwala ang iyong buhay , pati ng buhay ng iyong sangbahayan . At ipinagpatuloy ng mga anak ni Dan ang kanilang lakad : at nang makita ni Michas na sila&#039;y totoong malakas kay sa kaniya , ay bumalik at umuwi sa kaniyang bahay . At kanilang kinuha ang ginawa ni Michas , at ang saserdote na kaniyang tinatangkilik , at naparoon sa Lais , sa bayang tahimik at tiwasay , at sinaktan nila ng talim ng tabak : at sinunog nila ang bayan . At walang magligtas , sapagka&#039;t malayo sa Sidon , at sila&#039;y walang pakikipagkasundo sa kanino man , at nasa libis na lumalaganap sa dakong Bethrehob . At kanilang itinayo ang bayan , at tinahanan nila . At kanilang tinawag na Dan ang pangalan ng bayan , ayon sa pangalan ni Dan na kanilang ama na ipinanganak sa Israel : gayon ma&#039;y ang pangalan ng bayan nang una ay Lais . At itinayo sa kanilang sarili ng mga anak ni Dan ang larawang inanyuan : at si Jonathan na anak ni Gerson , na anak ni Moises , siya at ang kaniyang mga anak ay siyang mga saserdote sa lipi ng mga Danita hanggang sa araw ng pagkabihag sa lupain . Gayon nila itinayo ang larawang inanyuan ni Michas na kaniyang ginawa , sa buong panahon na ang bahay ng Dios ay nasa Silo . At nangyari nang mga araw na yaon , nang walang hari sa Israel , na may isang Levita na nakikipamayan sa malayong dako ng lupaing maburol ng Ephraim , na kumuha ng babae mula sa Bethlehem-juda . At ang kaniyang babae ay nagpatutot at iniwan siya na napasa bahay ng kaniyang ama sa Bethlehem-juda , at dumoon sa loob ng apat na buwan . At ang kaniyang asawa ay yumaon at sumunod sa kaniya , upang makiusap na maigi sa kaniya , na ibalik siya , na kasama ang kaniyang bataan , at dalawang magkatuwang na asno : at ipinasok siya ng babae sa bahay ng kaniyang ama : at nang makita siya ng ama ng babae , ay galak na sinalubong siya . At pinigil siya ng kaniyang biyanan , ng ama ng babae ; at siya&#039;y tumahang kasama niya na tatlong araw : sa gayo&#039;y sila&#039;y nagkainan at naginuman , at tumuloy roon . At nangyari nang ikaapat na araw , na sila&#039;y bumangong maaga ng kinaumagahan , at siya&#039;y bumangon upang yumaon : at sinabi ng ama ng babae sa kaniyang manugang , Palakasin mo muna ang iyong puso ng isang subong tinapay , at pagkatapos ay ipagpatuloy ninyo ang inyong lakad . Sa gayo&#039;y naupo sila , at kumain at uminom silang dalawa : at sinabi ng ama ng babae sa lalake , Isinasamo ko sa iyo na magsaya ka , at magpahinga sa buong gabi , at matuwa ang iyong puso . At ang lalake ay bumangon upang umalis ; nguni&#039;t pinilit siya ng kaniyang biyanan ; at siya&#039;y tumigil uli roon . At siya&#039;y bumangong maaga sa kinaumagahan nang ikalimang araw upang yumaon ; at sinabi ng ama ng babae , Isinasamo ko sa iyong palakasin mo muna ang iyong puso , at maghintay ka hanggang sa kumulimlim ang araw ; at sila&#039;y kumain , silang dalawa . At nang tumindig ang lalake upang yumaon , siya , at ang kaniyang babae , at ang kaniyang bataan , ay sinabi ng kaniyang biyanan , na ama ng kaniyang babae , sa kaniya , Narito , ngayo&#039;y ang araw ay gumagabi na , isinasamo ko sa inyong magpahinga sa buong gabi : narito , ang araw ay nananaw ; tumigil dito , upang ang iyong puso ay sumaya ; at bukas ay yumaon kayong maaga sa inyong paglakad , upang makauwi ka . Nguni&#039;t hindi na inibig ng lalake na magpahinga roon nang gabing yaon , kundi siya&#039;y tumindig at yumaon at tinapat ang Jebus ( na siyang Jerusalem ) : at may dala siyang dalawang magkatuwang na asno na gayak ; ang kaniyang babae ay kasama rin niya . Nang sila&#039;y nasa tabi na ng Jebus , ang araw ay nananaw ; at sinabi ng bataan sa kaniyang panginoon , Isinasamo ko sa iyo na halina , at tayo&#039;y lumiko sa bayang ito ng mga Jebuseo , at tumigil dito . At sinabi ng kaniyang panginoon sa kaniya , Hindi tayo liliko sa bayan ng iba , na hindi sa mga anak ni Israel ; kundi dadaan tayo sa Gabaa . At sinabi niya sa kaniyang alipin , Halina at tayo&#039;y lumapit sa isa sa mga dakong ito ; at tayo&#039;y titigil sa Gabaa o sa Rama . Sa gayo&#039;y nagdaan sila at nagpatuloy ng kanilang paglakad ; at nilubugan sila ng araw sa malapit sa Gabaa , na nauukol sa Benjamin . At sila&#039;y lumiko roon , upang pumasok na tumigil sa Gabaa : at sila&#039;y pumasok , at naupo sila sa lansangan ng bayan : sapagka&#039;t walang taong magpatuloy sa kanila . At , narito , may umuwing isang matandang lalake na galing sa kaniyang paggawa sa bukid sa paglubog ng araw ; ang lalake nga&#039;y taga lupaing maburol ng Ephraim , at nakikipamayan sa Gabaa ; nguni&#039;t ang mga tao sa dakong yaon ay mga Benjamita . At itiningin niya ang kaniyang mga mata , at nakita niya ang naglalakbay sa lansangan ng bayan ; at sinabi ng matandang lalake , Saan ka paroroon ? at saan ka nanggaling ? At sinabi niya sa kaniya , Kami ay nagdadaang mula sa Bethlehem-juda na patungo sa malayong dako ng lupaing maburol ng Ephraim ; tagaroon ako at ako&#039;y naparon sa Bethlehem-juda : at ako&#039;y pasasabahay ng Panginoon ; at walang taong magpatuloy sa akin . Gayon man ay may dayami at damo para sa aming mga asno ; at may tinapay at alak naman para sa akin , at sa iyong lingkod na babae , at sa batang kasama ng iyong mga lingkod : walang kakulangang anomang bagay , At sinabi ng matandang lalake , Kapayapaan nawa ang sumaiyo ; sa anomang paraa&#039;y pabayaan mo sa akin ang lahat ng iyong mga kailangan : at huwag ka lamang tumigil sa lansangan . Sa gayo&#039;y kaniyang ipinasok sa kaniyang bahay , at binigyan ng pagkain ang mga asno : at sila&#039;y naghugas ng kanilang mga paa , at nagkainan at naginuman . Nang nangatutuwa na ang kanilang mga puso , narito , ang mga lalake sa bayan , na ilang hamak na tao , ay kinubkob ang bahay sa palibot , na hinahampas ang pintuan ; at sila&#039;y nagsalita sa may-ari ng bahay , sa matanda , na sinasabi , Ilabas mo ang lalake na pumasok sa iyong bahay upang makilala namin siya . At lumabas sa kanila ang lalake , ang may-ari ng bahay , at sinabi sa kanila , Huwag , mga kapatid ko , isinasamo ko sa inyong huwag kayong gumawa ng ganiyang kasamaan ; yamang ang lalaking ito&#039;y pumasok sa aking bahay , ay huwag ninyong gawin ang kaululang ito . Narito , nandito ang aking anak na dalaga , at ang kaniyang babae ; akin silang ilalabas ngayon , at pangayupapain ninyo sila , at gawin ninyo sa kanila ang magalingin ninyo sa kanila : nguni&#039;t sa lalaking ito ay huwag kayong gumawa ng anomang masama . Nguni&#039;t hindi siya dininig ng mga lalake : sa gayo&#039;y hinawakan ng lalake ang kaniyang babae at inilabas sa kanila : at sinipingan nila siya , at hinalay buong gabi hanggang sa kinaumagahan ; at nang magbukang liwayway , ay pinayaon nila siya . Nang magkagayo&#039;y dumating ang babae , pagbubukang liwayway , at nabuwal sa pintuan ng bahay ng lalake , na kinaroroonan ng kaniyang panginoon , hanggang sa lumiwanag . At bumangon ang kaniyang panginoon ng kinaumagahan , at ibinukas ang mga pinto ng bahay , at lumabas na nagpatuloy ng kaniyang lakad : at , narito , ang babae na kaniyang kinakasama ay nakabuwal sa pintuan ng bahay , na ang kaniyang mga kamay ay nasa tayuan . At sinabi niya sa kaniya , Bumangon ka , at tayo na ; nguni&#039;t walang sumagot : nang magkagayo&#039;y kaniyang isinakay sa asno ; at ang lalake ay bumangon , at napasa kaniyang dako . At nang siya&#039;y pumasok sa kaniyang bahay , ay kumuha siya ng isang sundang , at itinaga sa kaniyang babae , at pinagputolputol siya ayon sa kaniyang buto , ng labing dalawang putol ; at ipinadala siya sa lahat ng hangganan ng Israel . At nangyari , na lahat ng nakakita ay nagsabi , Walang ganitong gawang ginawa o nakita man mula sa araw na umahon ang mga anak ni Israel na mula sa lupain ng Egipto hanggang sa araw na ito : kayo&#039;y magdilidili , pumayo , at magsalita . Nang magkagayo&#039;y lumabas ang lahat ng mga anak ni Israel , at ang kapisanan ay nagpisang gaya ng isang tao sa Panginoon sa Mizpa , mula sa Dan hanggang sa Beer-seba , na kalakip ng lupain ng Galaad . At nagsiharap ang mga pinuno ng buong bayan , sa makatuwid baga&#039;y ng lahat ng mga lipi ng Israel , sa kapulungan ng bayan ng Dios , na apat na raang libong lalake na humahawak ng tabak . ( Nabalitaan nga ng mga anak ni Benjamin na umahon ang mga anak ni Israel sa Mizpa . ) At sinabi ng mga anak ni Israel , Saysayin ninyo sa amin kung bakit ang kasamaang ito ay nangyari ? At ang Levita , ang asawa ng babaing pinatay , ay sumagot at kaniyang sinabi , Ako&#039;y naparoon sa Gabaa na ukol sa Benjamin , ako at ang aking babae upang tumigil . At bumangon ang mga lalake sa Gabaa laban sa akin , at kinubkob ang bahay sa palibot laban sa akin nang kinagabihan ; ako&#039;y kanilang pinagakalaang patayin , at kanilang dinahas ang aking babae , at siya&#039;y namatay . At aking kinuha ang aking babae , at aking pinagputolputol , at ipinadala ko sa buong lupain ng mana ng Israel : sapagka&#039;t sila&#039;y nagkasala ng kalibugan at ng kaululan sa Israel . Narito , kayong mga anak ni Israel , kayong lahat , ibigay ninyo rito ang inyong payo at pasiya . At ang buong bayan ay bumangong parang isang tao , na nagsasabi , Hindi na babalik ang sinoman sa amin sa kaniyang tolda , ni uuwi man ang sinoman sa amin sa kaniyang bahay . Kundi ngayo&#039;y ito ang bagay na aming gagawin sa Gabaa ; magsisiahon kami laban sa kaniya na aming pagsasapalaran ; At magsisikuha kami ng sangpung lalake sa isang daan , sa lahat ng mga lipi ng Israel , at isang daan sa isang libo , at isang libo sa sangpung libo , upang ipagbaon ng pagkain ang bayan , upang kanilang gawin pagparoon nila sa Gabaa ng Benjamin ang ayon sa buong kaululang kanilang ginawa sa Israel . Sa gayo&#039;y nagpipisan ang lahat ng mga lalake ng Israel laban sa bayang yaon , na nagtibay na magkakapisang parang isang tao . At nagsugo ang mga lipi ng Israel ng mga lalake sa buong lipi ng Benjamin , na sinasabi , Anong kasamaan ito na nangyari sa gitna ninyo ? Ngayon nga&#039;y ibigay ninyo ang mga lalake , ang mga hamak na tao , na nasa Gabaa , upang aming patayin sila , at alisin ang kasamaan sa Israel . Nguni&#039;t hindi dininig ng mga anak ni Benjamin ang tinig ng kanilang mga kapatid na mga anak ni Israel . At nagpisan ang mga anak ni Benjamin sa mga bayang patungo sa Gabaa , upang lumabas na makibaka laban sa mga anak ni Israel . At ang mga anak ni Benjamin ay binilang nang araw na yaon sa mga bayan , na dalawang pu&#039;t anim na libong lalake na humahawak ng tabak , bukod pa ang mga tumatahan sa Gabaa na binilang , na pitong daang piling lalake . Sa kabuoan ng bayang ito ay may pitong daang piling lalake na kaliwete : na bawa&#039;t isa&#039;y nakapagpapahilagpos ng pagpapatama ng bato sa isang buhok , at hindi sumasala . At binilang ang mga lalake sa Israel , bukod pa ang sa Benjamin , ay apat na raang libong lalake na humahawak ng tabak : lahat ng mga ito ay mga lalaking mangdidigma . At bumangon ang mga anak ni Israel , at nagsiahon sa Beth-el upang sumangguni sa Dios ; at kanilang sinabi , Sino ang unang aahon sa amin upang makibaka laban sa mga anak ni Benjamin ? At sinabi ng Panginoon , Ang Juda ang unang aahon . At nagsibangon ang mga anak ni Israel sa kinaumagahan , at humantong laban sa Gabaa . At lumabas ang mga lalake ng Israel upang makibaka laban sa Benjamin ; at humanay ang mga lalake ng Israel sa Gabaa , sa pakikibaka laban sa kanila . At lumabas ang mga anak ni Benjamin sa Gabaa at ibinuwal sa lupa sa mga Israelita sa araw na yaon ay dalawang pu&#039;t dalawang libong lalake . At ang bayan , ang mga lalake ng Israel , ay nagpakatapang , at humanay uli sa pakikibaka sa dakong kanilang hinanayan nang unang araw . At nagsiahon ang mga anak ni Israel , at nagsiiyak sa harap ng Panginoon hanggang sa kinahapunan ; at sila&#039;y sumangguni sa Panginoon , na sinasabi , Lalapit ba uli ako upang makibaka laban sa mga anak ni Benjamin na aking kapatid ? At sinabi ng Panginoon . Umahon ka laban sa kanila . At lumapit uli ang mga anak ni Israel laban sa mga anak ni Benjamin nang ikalawang araw . At lumabas ang sa Benjamin sa Gabaa laban sa kanila nang ikalawang araw , at nabuwal uli sa lupa sa mga anak ni Israel ay labing walong libong lalake ; lahat ng mga ito ay humahawak ng tabak . Nang magkagayo&#039;y nagsiahon ang lahat ng mga anak ni Israel , at ang buong bayan , at nagsiparoon sa Bethel , at nagsiiyak , at nagsiupo roon sa harap ng Panginoon , at nagsipagayuno nang araw na yaon hanggang sa kinahapunan ; at sila&#039;y naghandog ng mga handog na susunugin at ng mga handog tungkol sa kapayapaan sa harap ng Panginoon . At itinanong ng mga anak ni Israel sa Panginoon ( sapagka&#039;t ang kaban ng tipan ng Dios ay nandoon nang mga araw na yaon , At si Phinees , na anak ni Eleazar , na anak ni Aaron , ay tumayo sa harap niyaon nang mga araw na yaon , ) na sinasabi , Lalabas ba ako uli upang makibaka laban sa mga anak ni Benjamin na aking kapatid , o magtitigil ako ? At sinabi ng Panginoon , Umahon ka ; sapagka&#039;t bukas ay ibibigay ko siya sa iyong kamay . At bumakay ang Israel laban sa Gabaa , sa buong palibot . At nagsiahon ang mga anak ni Israel laban sa mga anak ni Benjamin nang ikatlong araw , at humanay laban sa Gabaa , gaya ng dati . At ang mga anak ni Benjamin ay nagsilabas laban sa bayan , na ipinalayo sa bayan ; at kanilang pinasimulang sinaktan at pinatay ang bayan gaya ng dati , sa mga lansangan , na ang isa&#039;y umahon sa Beth-el , at ang isa&#039;y sa Gabaa , sa bukid , na may tatlong pung lalake ng Israel . At sinabi ng mga anak ni Benjamin , Sila&#039;y nangasaktan sa harap natin , gaya ng una . Nguni&#039;t sinabi ng mga anak ni Israel , Tayo&#039;y tumakas , at palabasin natin sila mula sa bayan hanggang sa mga lansangan . At lahat ng mga lalake sa Israel ay bumangon sa kanilang dako , at nagsihanay sa Baal-tamar : at ang mga bakay ng Israel ay nagsilabas mula sa kanilang dako , sa makatuwid baga&#039;y mula sa Maare-Gabaa . At nagsidating laban sa Gabaa ang sangpung libong piling lalake sa buong Israel , at ang pagbabaka ay lumala : nguni&#039;t hindi nila naalaman na ang kasamaan ay malapit na sa kanila . At sinaktan ng Panginoon ang Benjamin sa harap ng Israel : at pinatay ng mga anak ni Israel sa Benjamin nang araw na yaon ay dalawang pu&#039;t limang libo at isang daang lalake : lahat ng mga ito&#039;y humahawak ng tabak . Sa gayo&#039;y nakita ng mga anak ni Benjamin na sila&#039;y nasaktan : sapagka&#039;t binigyang kaluwagan ng mga lalake ng Israel ang Benjamin , sapagka&#039;t sila&#039;y umaasa sa mga bakay na kanilang inilagay laban sa Gabaa . At nangagmadali ang mga bakay at nagsidaluhong sa Gabaa , at nangagpatuloy ang mga bakay , at sinugatan ang buong bayan ng talim ng tabak . Nagkaroon nga ng palatandaan ang mga anak ng Israel at ang mga bakay , na sila&#039;y gagawa ng alapaap na usok na pauusukin mula sa bayan . At nang ang mga lalake ng Israel ay nagsipihit mula sa pagbabaka , at pinasimulang sinaktan at pinatay ng Benjamin ang mga lalake ng Israel na may tatlong pung lalake : sapagka&#039;t kanilang sinabi , Walang pagsalang sila&#039;y nasaktan sa harap natin gaya ng unang pagbabaka . Nguni&#039;t nang ang alapaap ay magpasimulang umilanglang mula sa bayan , sa isang haliging usok , ang mga Benjaminita ay lumingon sa likuran , at , narito , ang apoy ng buong bayan ay napaiilanglang sa langit . At nangagbalik ang mga lalake ng Israel , at ang mga lalake ng Benjamin ay nangabalisa : sapagka&#039;t kanilang nakita na ang kasamaan ay dumating sa kanila . Kaya&#039;t kanilang itinalikod ang kanilang likod sa harap ng mga lalake ng Israel , na nangagsitungo sa ilang ; nguni&#039;t hinabol silang mainam ng pakikibaka ; at yaong nangagsilabas sa mga bayan , ay nagsilipol sa kanila sa gitna ng ilang . Kanilang kinubkob ang mga Benjamita sa palibot , at kanilang hinabol , at kanilang inabutan sa pahingahang dako hanggang sa tapat ng Gabaa , sa dakong sinisikatan ng araw . At nabuwal sa Benjamin , ay labing walong libong lalake ; lahat ng mga ito ay mga lalaking may tapang . At sila&#039;y nagsiliko at nagsitakas sa dakong ilang sa malaking bato sa Rimmon . At hinabol nila sa mga lansangan ang limang libong lalake ; at hinabol silang mainam hanggang sa Gidom , at pumatay sa kanila ng dalawang libong lalake . Na ano pa&#039;t lahat na nabuwal nang araw na yaon sa Benjamin ay dalawang pu&#039;t limang libong lalake na humawak ng tabak ; lahat ng mga ito ay mga lalaking may tapang . Nguni&#039;t anim na raang lalake ay nagsiliko at nagsitakas sa dakong ilang sa malaking bato ng Rimmon , at nagsitahan sa malaking bato ng Rimmon na apat na buwan . At binalikan ng mga lalake ng Israel ang mga anak ni Benjamin , at sinugatan nila ng talim ng tabak , ang buong bayan , at gayon din ang kawan , at yaong lahat na kanilang nasumpungan : bukod dito&#039;y yaong lahat ng mga bayan na kanilang nasumpungan ay kanilang sinilaban . Ang mga lalake nga ng Israel ay nagsisumpa sa Mizpa , na nagsasabi , Walang sinoman sa atin na magbibigay ng kaniyang anak na babae sa Benjamin upang maging asawa . At ang bayan ay naparoon sa Beth-el at umupo roon hanggang sa kinahapunan sa harap ng Dios , at inilakas ang kanilang mga tinig , at tumangis na mainam . At kanilang sinabi , Oh Panginoon , na Dios ng Israel , bakit nangyari ito sa Israel , na mababawas ngayon ang isang lipi sa Israel ? At nangyari nang kinabukasan , na ang bayan ay bumangong maaga , at nagtayo roon ng dambana , at naghandog ng mga handog na susunugin at ng mga handog tungkol sa kapayapaan . At sinabi ng mga anak ni Israel , Sino yaong hindi umahon sa lahat ng mga lipi ng Israel , sa kapulungan sa Panginoon ? Sapagka&#039;t sila&#039;y gumawa ng dakilang sumpa laban doon sa hindi umahon sa Panginoon sa Mizpa , na sinasabi , Walang pagsalang siya&#039;y papatayin . At nangagsisi ang mga anak ni Israel dahil sa Benjamin na kanilang kapatid , at sinabi , May isang angkan na nahiwalay sa Israel sa araw na ito . Paano ang ating gagawing paghanap ng mga asawa sa kanila na nangaiwan , yamang tayo&#039;y nagsisumpa sa Panginoon na hindi natin ibibigay sa kanila ang ating mga anak na babae upang maging asawa ? At kanilang sinabi , Sino sa mga lipi ng Israel ang hindi umahon sa Panginoon sa Mizpa ? At , narito , walang naparoon sa kampamento sa Jabes-galaad sa kapulungan . Sapagka&#039;t nang bilangin ang bayan , narito , wala sa nagsisitahan sa Jabes-galaad doon . At nagsugo ang kapisanan ng labing dalawang libong lalaking napaka matapang , at iniutos sa kanila , na sinasabi , Kayo&#039;y yumaon sugatan ninyo ng talim ng tabak ang nagsisitahan sa Jabes-galaad pati ang mga babae at mga bata . At ito ang bagay na inyong gagawin : inyong lubos na lilipulin ang bawa&#039;t lalake , at bawa&#039;t babae na sinipingan ng lalake . At kanilang nasumpungan sa nagsisitahan sa Jabes-galaad ay apat na raang dalaga , na hindi nakakilala ng lalake sa pagsiping sa kaniya : at kanilang dinala sa kampamento sa Silo , na nasa lupain ng Canaan . At nagsugo ang buong kapisanan at nagsalita sa mga anak ni Benjamin na nangasa bato ng Rimmon , at inihayag ang kapayapaan sa kanila . At bumalik ang Benjamin nang panahong yaon ; at ibinigay nila sa kanila ang mga babaing kanilang iniligtas na buhay sa mga babae sa Jabes-galaad : at gayon ma&#039;y hindi sapat sa kanila . At ang bayan ay nagsisi dahil sa Benjamin , sapagka&#039;t ginawan ng kasiraan ng Panginoon ang mga lipi ng Israel . Nang magkagayo&#039;y sinabi ng mga matanda ng kapisanan , Paanong ating gagawin na paghanap ng asawa doon sa nangatitira , yamang ang mga babae ay nalipol sa Benjamin ? At kanilang sinabi , Nararapat magkaroon ng mana yaong nangakatakas sa Benjamin , upang ang isang lipi ay huwag mapawi sa Israel . Gayon man ay hindi natin maibibigay na asawa sa kanila ang ating mga anak na babae : sapagka&#039;t ang mga anak ni Israel ay nagsisumpa , na nangagsasabi , Sumpain yaong magbigay ng asawa sa Benjamin . At kanilang sinabi , Narito , may isang kasayahan sa Panginoon sa taon-taon sa Silo , na nasa hilagaan ng Beth-el sa dakong silanganan ng lansangan na paahon sa Sichem mula sa Beth-el , at sa timugan ng Lebona . At kanilang iniutos sa mga anak ni Benjamin , na sinasabi , kayo&#039;y yumaon at bumakay sa mga ubasan ; At tingnan ninyo , at , narito , kung ang mga anak na babae sa Silo ay lumabas na sumayaw ng mga sayaw , lumabas nga kayo sa ubasan , at kumuha ang bawa&#039;t lalake sa inyo , ng kaniyang asawa sa mga anak sa Silo ; at yumaon kayo sa lupain ng Benjamin . At mangyayari , na pagka ang kanilang mga magulang o ang kanilang mga kapatid ay naparito upang kami ay usapin , ay aming sasabihin sa kanila , Ipagkaloob na ninyo sila sa amin : sapagka&#039;t hindi namin kinuha na asawa sa bawa&#039;t isa sa kanila sa pagkikipagbaka : o ibinigay man ninyo sila sa kanila , sa ibang paraan kayo&#039;y magkakasala . At ginawang gayon ng mga anak ni Benjamin , at kinuha nila silang asawa ayon sa kanilang bilang , sa mga sumasayaw , na kanilang dinala : at sila&#039;y yumaon at nagbalik sa kanilang mana , at itinayo ang mga bayan , at tinahanan nila . At yumaon ang mga anak ni Israel mula roon nang panahong yaon , bawa&#039;t lalake ay sa kaniyang lipi at sa kaniyang angkan , at yumaon mula roon ang bawa&#039;t lalake na umuwi sa kaniyang mana . Nang mga araw na yao&#039;y walang hari sa Israel : ginagawa ng bawa&#039;t isa ang matuwid sa kaniyang sariling mga mata . </passage></reply></GetPassage>